good morning sis! sa lahat ng mga nagreply and nagbigay ng kanilang advices eh maraming salamat! malaking tulong kayo...
kagabi lang eh nag away na naman kami dahil sa nalaman ko na nagkaanak pala sila at hindi nga lang nabuhay, pagkapanganak eh after 1 week sa NICU eh nawala din daw ayun ang balita sa akin. pero bakit ganun wala nang dahilan para magsama pa sila pero patuloy pa rin nila akong niloloko.
Halos mabaliw baliw na ako sa mga bagay na ginagawa ko sa knya.
- Nahuli ko pala siya sa isang public toilet sa mall at kinuha ko ang cellphone niya dahil sa nahuli ko nga na nag tetext siya sa babae.
- Nagwala ako at nagbasag ng paso ng kapitbahay dahil sa nakita ko siyang nakikipag inuman sa bahay ng kapatid niya (FYI, magkakapitbahay lang kami ng 3 kapatid niyang lalaki at nakikitira lang kami sa bahay ng nanay niya) ... pero pagdating sa bahay eh kasalanan ko lahat at nagaway na naman kami ng sobra na halos naririnig lagi ng mga bata ang pagtatalo nmin.. kesyo pinahiya ko daw siya sa mga tao.
- Nahuli ko din siya sa loob ng CR namin na nag tetext so nag agawan kami ng cellphone at kinuha niya lang iyong simcard halos masaktan na niya ako at nakita iyon ng mga bata. Hinayaan niya akong kinuha ko ang cellphone niya pero kinuha niya ang simcard.
Nagtataka ako patuloy pa din iyong communication nila simula dumating sila sa pinas noong July hanggang ngayon eh walang humpay na pinasasakit nila ang ulo ko ... take note! every week na lang eh may gulo, takasan, away, bulyawan at hiwalayan na naririnig ko sa bibig niya (3 beses na).
Nanahimik lang noong pinilit ko siyang bumili ng 2nd hand na jeepney para maging busy siya at sa mga byahe eh makakasama din ako. Dahil sa 2nd hand lang ang jeepney at madaming sira eh pinili ko talagang sumama sa lahat ng mga lakad niya dahil dinadala dala niya sa talyer at kung sino sino ang nakakausap niya... sa mga ilang beses namin na biyahe eh kahit nakakapagod eh sama ako ng sama para hindi siya makaligtas o makatakas nman. Sobrang higpit na ginagawa ko mga sis. kahit sa tindahan eh sumama ako at dahil sa maliit lang ang bahay namin eh bantay sarado siya kahit mag CR eh sinisilip ko talaga. Minsan pa eh nahuli ko si mister na nag masterbate which is sampal sa akin bakit niya ginagawa iyon eh andito naman ako.
Nanahimik kami ng ilang linggo pero nalaman ko na ang kumpare niya mismo eh kakuntsaba niya at pag nasa talyer pala kami at pinapaalam niya na may bibilhin na piyesa at naiiwan ako doon sa talyer para daw bantayan ko eh doon sila nag kikita ng babae at nag ccheck in pa ng ilang oras kaya pala ang tagal bumalik... so not knowing eh may nangyayari pa rin sa kanila kahit sa sobrang higpit ko na at nagpapaliwanag pa daw ang asawa ko at pilit niya pinapaintindi sa babae niya iyong sitwasyon para hindi lang siya iwan ng kabit niya eh nagagawa pa niyang magpaliwanag... at ang babae nman eh dahil siguro mahal na ang asawa ko eh iniintindi na lang at hindi inaaway. Lahat iyon eh kwento ng kumpare niya dahil nag kwento din pala asawa ko sa kanya.
So ang nangyayari kami ang madalas mag away, hindi kami magkasundo, dumadating sa punto tuwing nag aaway kami eh pinalalayas na kmi ng mga anak niya at halos lumuhod na ako para magmakaawa na wag niya gawin at ayaw na daw niya makita pagmumukha ko.
Nakilala ko siya at nakasama na hindi hindi siya ganun mga sis, napaka tahimik niyang tao. Noong panahon tuwing nag aaway kami eh tahimik lang iyan at lumalabas na lang ng bahay... pero after niya nakilala niya babae eh nagbago na siya lalo na itong huling uwi niya dahil sa kasabay na niya umuwi ang babae.
Pinatutunayan nila na mahal nila ang isat isa lalo na sa nangyayari eh at ako ang nagmumukhang t****... for a while eh hinahayaan ako ng asawa ko na sumama sa mga byahe at kung saan saan siya nag ppunta pero hindi ko ramdam ang lambing niya o concern pag ako ang kasama niya prang ginagawa pa niya akong kawawa at ang init ng ulo niya at lagi akong sinisigawan.
Dumating na sa point mga sis na siguro namiss na niya ang babae niya dahil sa hindi na siguro sila nag kikita eh ayun na nman. Nagpaalam sa akin na ppunta ng Blum para bumili ng piyesa. Hindi ako pumayag at nag away na nman kami. Binantaan ko na siya na pag hindi niya ako sinama eh mag lalayas ako. Aba! mag layas daw ako wala daw problema sa knya. Hinayaan niya akong umalis ng bahay at mga ilang minuto eh siya nman ang umalis. Inabangan ko siya sa may bayan at ibang jeep ang sinakyan niya papuntang Alabang eh taga doon ang babae. Sinundan ko at nahuli ko siya. Papunta nga siya sa babae na nman! kaya nagwala ako doon sa kalsada at ayun umuwi na lang kmi na nag aaway pa din ng todo todo. Nagugulat na lang ako at palaban na siya.
Kinabukasan mga sis, hindi ko mapigilan. Naglalaba ako, nagpaalam na aabangan niya daw sa kanto ang kaibigan niya para tulungan siyang magpalit ng manibela ng jeep. before 7am eh umalis nakashorts lang. binigyan ko ng 24 pesos lang... mga sis! naku! mag kikita pala sila ng babae niya... sa bayan! nagkita na nman sila! tanghali na hindi pa umuuwi at hanggang gabi na. ayun lumayas na nman kaming mga anak niya! Deadma siya! text ko ate niya at possibleng nakarating sa knya dahil lahat ng mga kapatid niya eh botong boto sa babae at kakuntsaba nila pati mga pamangkin at nanay din niya.
Para akong nasa impyerno na wala akong kakampi kundi mga anak ko lang ... nag away na naman kami kagabi at sinabi ko na idedemanda ko siya at ipapakulong pero hindi siya natakot kahit ngayon na idemanda ko na daw siya at pusasan.
Nanghihina na ako mga sis.. puro pananakot na din ang ginagawa ko sa kanya kahit mag layas kami ng mga anak niya, idemanda ko siya, papuntahin ko ang bayaw ko na ex convict para takutin siya.... parang balewala na sa knya. patuloy pa din siya at hindi ko alam kung hanggang kelan sila magpapatuloy ng relasyon nila napapagod na ako kakahabol kahit anong higpit mo pala sa asawa mo eh talagang umaalpas siya at gumagawa ng paraan makita lang ang babae niya.
Naririnig ko sa mga kamag anak niya kaya na lang ako pinakikisamahan eh dahil sa mga bata kung nabuhay lang daw ang anak niya sa isang babae eh malamang iniwanan na ako o more ang time niya lalo kasama ang babae... Ngayon nga lang wala nman silang anak eh sabik na sabik siya lagi na makasama ang babae hanggang sa pagtulog tuwing kinukutuban ako na magkikita sila o may mangyayari eh balikwas siya ng balikwas sa higaan at nagiging clumsy siya at makakalimutin at mainitin ang ulo. Nraramdaman ko na excited pa siyang makita ang babae niya o kaya sa makasama kami ng mga anak niya at napipilitan na lang siya pakisamahan ako dahil sa mga bata...
haiist... kahirap!
