Any spiritual or religious explanation that baby should be baptized after months born and what is the implication of that na dapat binyagan agad at hindi na dapat patagalin ng 1 year?
My mom talked to me about this. She even told me na mas tutulong pa siya rito sa baptismal and sa pa-blessing ng kasal namin rather than sa panganganak ko

Eh! di hamak naman na mas kakailanganin namin tulong niya sa panganganak ko rather than baptismal. I just told her that our plans ng hubby namin will be sa 1st birthday na lang ng bata na in a practical sense para isahan ang birthday and binyag. My mom just told me na dapat binyagan agad huwag na raw patagalin pa. I didn't bother to argue though here we go again.

kaya naisip ko na mag-usap na lang muna kami ng hubby ko regarding this matter at kung ano ang plano, then also kung paano mag explain na mas gugustuhin na namin na kami na lang ng asawa ko ang nagdedecision lalo na sa budget rather than kung nag-ooffer mom ko.
Ito ang mga anticipated dilemma ko kapag mother ko ang nagdecision
- Gusto namin pagdating sa guest list kami ang masusunod, dito pa lang argument pa ito dahil yung ibang mga ayaw kong tao pipilitin niyang papuntahin, more so mataas ang tendency na makikialam siya sa kung sino ang gusto namin invites. Dito pa lang ayaw ko na ng ganun
- Baka pati Godparents na gusto namin magquestion pa siya na ang dami or kung ano pa tapos mageexplain na hindi kailangan ganito ganun ang sponsor and all.
- Siya ang mamimili ng reception samantalang may nakahanda na kaming plano para rito. Sa malamang niyan hindi pa namin type na reception ang kukunin niya siempre yung siya masusunod.
- May iba akong plano about souvenirs, so again of course kahit ito busisiin rin niya.
- Baka naman sobrang maging matipid ang offer niya or yung magiging event para sa baby namin. Kami ni hubby nagtitipid rin kaya nga we are deciding on our own kung ano na napagkasunduan namin.
- This is much conflict sa decision namin at maraming masasakripisyo kapag Nanay ko nag-offer. Kami ng hubby ko we don't have any plans to ask help about this occasion. Hindi sa nagmamayabang pero gusto namin talaga decision lang namin.
Kapag tinupad namin ang decision ng mother ko ito ang mangyayari
- Mapipilitan kaming huwag na lang mag 1st bday yung anak namin, siempre another gastos na naman yun for next year.
- Kahit na ba singko may mga budget kaming masasakripisyo agad, August due ko then gusto ng mom ko October na isabay sa birthday ko. I doubt it if 100% ang offer niya rito sa baptismal again baka nga sobrang matipid.
- Kung gusto ng mom ko mag Catholic wedding kami this will be another budget dahil nirerequire pati rito yung wedding ring tapos hassle pa yung magpunta pa kami ng Ongpin just for this ring and other materials needed.
It is not that sinasakripisyo ko ang spirituality aspect just because of the budget pero ayoko naman kasing madalian ang decision nandahil lang sa kung ano ang gusto o advise ng mother.
Priority namin for now yung practicalities lalo na in budgeting. Kung ganyan rin lang eh di sana tulungan na lang kami sa basic necessities ni baby lalo na for new born like medical check up, materials and so on, hindi pa ako manghihinayang.
More so we are already matured and in the right age to decision for our own lalo na in events like this. Mas kailangan pa namin ang tulong niya sa mas importanteng bagay.