Author Topic: Kailangan ba talaga Binyagan si Baby kaagad? Hindi ba pwede sa 1 year old niya?  (Read 16565 times)

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
Any spiritual or religious explanation that baby should be baptized after months born and what is the implication of that na dapat binyagan agad at hindi na dapat patagalin ng 1 year?

My mom talked to me about this. She even told me na mas tutulong pa siya rito sa baptismal and sa pa-blessing ng kasal namin rather than sa panganganak ko  :( Eh! di hamak naman na mas kakailanganin namin tulong niya sa panganganak ko rather than baptismal. I just told her that our plans ng hubby namin will be sa 1st birthday na lang ng bata na in a practical sense para isahan ang birthday and binyag. My mom just told me na dapat binyagan agad huwag na raw patagalin pa. I didn't bother to argue though here we go again.  >:( kaya naisip ko na mag-usap na lang muna kami ng hubby ko regarding this matter at kung ano ang plano, then also kung paano mag explain na mas gugustuhin na namin na kami na lang ng asawa ko ang nagdedecision lalo na sa budget rather than kung nag-ooffer mom ko.

Ito ang mga anticipated dilemma ko kapag mother ko ang nagdecision
- Gusto namin pagdating sa guest list kami ang masusunod, dito pa lang argument pa ito dahil yung ibang mga ayaw kong tao pipilitin niyang papuntahin, more so mataas ang tendency na makikialam siya sa kung sino ang gusto namin invites. Dito pa lang ayaw ko na ng ganun
- Baka pati Godparents na gusto namin magquestion pa siya na ang dami or kung ano pa tapos mageexplain na hindi kailangan ganito ganun ang sponsor and all.
- Siya ang mamimili ng reception samantalang may nakahanda na kaming plano para rito. Sa malamang niyan hindi pa namin type na reception ang kukunin niya siempre yung siya masusunod.
- May iba akong plano about souvenirs, so again of course kahit ito busisiin rin niya.
- Baka naman sobrang maging matipid ang offer niya or yung magiging event para sa baby namin. Kami ni hubby nagtitipid rin kaya nga we are deciding on our own kung ano na napagkasunduan namin.
- This is much conflict sa decision namin at maraming masasakripisyo kapag Nanay ko nag-offer. Kami ng hubby ko we don't have any plans to ask help about this occasion. Hindi sa nagmamayabang pero gusto namin talaga decision lang namin.

Kapag tinupad namin ang decision ng mother ko ito ang mangyayari
- Mapipilitan kaming huwag na lang mag 1st bday yung anak namin, siempre another gastos na naman yun for next year.
- Kahit na ba singko may mga budget kaming masasakripisyo agad, August due ko then gusto ng mom ko October na isabay sa birthday ko. I doubt it if 100% ang offer niya rito sa baptismal again baka nga sobrang matipid.
- Kung gusto ng mom ko mag Catholic wedding kami this will be another budget dahil nirerequire pati rito yung wedding ring tapos hassle pa yung magpunta pa kami ng Ongpin just for this ring and other materials needed.

It is not that sinasakripisyo ko ang spirituality aspect just because of the budget pero ayoko naman kasing madalian ang decision nandahil lang sa kung ano ang gusto o advise ng mother.

Priority namin for now yung practicalities lalo na in budgeting. Kung ganyan rin lang eh di sana tulungan na lang kami sa basic necessities ni baby lalo na for new born like medical check up, materials and so on, hindi pa ako manghihinayang.

More so we are already matured and in the right age to decision for our own lalo na in events like this. Mas kailangan pa namin ang tulong niya sa mas importanteng bagay.

bagaholic_chewy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3145
  • *on shopping and travel rehab.. until 2014..*
Re binyag: sa family ni hubby, sanay sila sabay binyag and first birthday. Sa family naman namin, binibinyagan agad (generally, within six months). Sabi kasi ng matatanda, di daw dapat ibyahe o masyadong nilalabas ang bata pag di pa nabinyagan kasi wala pa daw blessing.. lapitin daw ng usog and ng disgrasya..  sabi lang nila.

So sa amin ni hubby, early pregnancy pa lang nag-agree na kami na papabinyag kami pag nasa 3-6mos si baby. As for first bday, di rin kasi ako personally mahilig sa parties na kami ang "center of attraction" so sabi ko mag-travel na lang kami by then. Or kahit small party with both sides of the family na lang. Bahala na. Basta ang sure is hiwalay ang binyag and first birthday.

Re your issue with your Mom: kausapin mo na lang ng maayos, explain mo why you want na I-defer muna ang binyag. Listen to her reasons din, baka me valid concern din sya. Hopefully ma-resolve nyo rin agad.
"Travel is the only thing you buy that makes you rich"

"The only time to eat diet food is while waiting for the steak to cook"

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
^Thanks to the idea, I think I will consult some priests regarding this matter for me to decide rin if months dapat binyag agad instead of 1 year.

Minsan lang kasi ayoko ng puro nakarely sa decision ng implication lang tapos nagsusuffer naman yung practicalities.

bonina

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
pwede naman magpabinyag, sis BDJ, kung kailan niyo gusto or based sa paniniwala. sa Catholic Church kasi isa sa pinaka-importante ang baptism sa mga sacraments niya. di lang siya simple blessing ng anak. once baptized, it totally wipes out yung original sin and the child becomes a member of the kingdom of God. i don't want to sound morbid but in case something happens (knock on wood), one is assured that the soul will go straight to heaven since wala namang personal sin pa ang bata. i think, this is part ng orientation before magpabinyag...yung special graces received through baptism and its importance. dyan siguro nagmula yung pamahiin na malapitin sa disgrasya kung di pa binyag...yung fear nung consequence.

if i may suggest, pwede naman na yung immediate family and godparents lang ang invited. tapos you can have a simple salu-salo sa isang restaurant. ganyan ginawa namin nung confirmation ng mga anak ko :)

krystalB

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 146
Yung iba ko na catholic friends ngayon sabay na ang binyag at 1st birthday
There now steady Love <3

imeego

  • full-time mom of 2 adorable kids and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 633
sa family din ng husband ko gusto nila mabinyagan agad ang bata..ayaw din nila nilalabas or ibyahe ang bata na di pa nabinyagan, so no-no sa kanila na pagsabayin na lang and bday and binyag, masyado na daw matagal yun..yun kasi suggestion ko noon para isang gastos na lang and since karamihan nga din kasi pinagsasabay na..di ko din totally naintindihan explanation ni hubby regarding binyag since di rin ako catholic, but then naisip ko wala namang mawawala saka super bait kasi ng inlaws ko, ayokong maging cause pa ng sama ng loob nila sa akin ang binyag so pumayag na akong binyagan agad ;D...good thing sa inlaws ko di naman sila nakikialam pagdating sa number of invited guests, reception etc, they let us decide kung anong gusto namin and kung ano lang kaya namin, basta ang concern lang nila is mabinyagan agad..so in less than 2 mos nabinyagan na si baby, immediate family, the 2 pairs of godparents  plus some of the closest family friends and relatives lang ang invited :)
« Last Edit: July 20, 2014, 10:43:44 am by imeego »

khriseeee

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1742
We had our daughter baptized on her first birthday. She traveled twice out of the country before then.

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3940
Baptism is not just an event or celebration.  It is a sacrament.  Baptism is the basis of Catholicism/Christianity.  Why do babies have to be baptized as early as possible?  Catechism has taught us that we are all born with original sin (i.e., the sin of Adam and Eve) and baptism frees us from sin and makes us children of God and members of the Church.  It is important for parents (especially for practicing Catholics) to realize the significance of baptism.  It is not simply a rite that a baby has to go through after being born.

To equate a sacrament with a milestone (i.e., first birthday) is like comparing guns and butter.  Not the same.


goddessjem

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 354
kausapin mo na lang mabuti mother mo. kayo ang magulang, kaya kayo ang mas dapat masunod. nag pla-plano na ako magpabinyag sa 3 mos ni baby..kase ayaw din namen na ilalabas/lalo na kung pasyal ang baby kung wala bang blessing. korek, malapit daw sa disgrasya at usog..ang labas lang ni baby ng bahay during her check up kaya ako kating kati ng magpabinyag para maka pag simba na din kame every Sunday. ang birthdays, pwede mo naman i celebrate ng simple..importanteng mabinyagan agad si baby kahit simple para ma welcome siya sa family of Christ.

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
Thanks sa mga nag explain about the significance of baptism that must be early as possible.
Actually we don't have any plans na yung 1st birthday niya ay maging bongga, simple lang rin ang gusto namin saka wala rin kaming plans to have games as in kainan lang in resto. Ang gusto namin Shakeys ulit like nung nag civil wedding kami.

The bottom line here is that kapag mother ko na nag offer ng tulong mataas ang chance na she will control everything, pwedeng hindi lahat matipid pero conflict yung tipong may magsuffer dahil sa plans namin. Guest list pa lang matinding conflict na. May tendency siyang invite everybody na parang fiesta tapos yung ibang invited yun pa yung ayaw namin. Iniiwasan ko rin na yung Tatay ko gawing inuman session yung event tapos isasama pa yung pinsan niya na ayaw ko tapos kapag nalasing nagwawala pa. Okay naman rin sana talaga sa akin at may point rin naman na dapat mabinyagan na yung bata agad, kaso kung matinding conflict o consequence ang mangyayari then I would rather choose na we have to make it on our own na lang. I am sure rin naman na kami rito may mapapagastos rin ng wala sa oras.

Nakausap ko na yung hubby ko rito, gusto rin naman niya na mapag-ipunan ito kahit papaano saka next year pa siya aamin sa mother niya na nasa ibang bansa na kasal na kami at may anak na kami. Set na kami ng expectation na madidisappoint mother ng hubby ko although kung nag-iba naman ang ihip ng hangin gusto pa rin naman ng hubby ko na andyan yung mother niya as Grandmother ng anak namin.

Nasabi ko nga sa hubby ko last night na pag iisipan namin mabuti yung explanation and how to convince my mom. Sabi ko rin na pagdating sa ganitong event kami na masusunod at kung may problema at argumento kami na lang dalawa ng hubby ko. It is much complicated kapag meron pang ibang involved. Nakwento tuloy sa akin ng hubby ko nung civil wed nga raw namin tinanong agad hubby ko kung alam niya yung resto along Matalino St. in QC nasabi ng hubby ko na alam niya tapos sabay banat agad na dun daw kami kumain  :o Nag explain hubby ko na may nagpareserve na kami sa Shakeys. I don't know lang if willing silang magbayad.
« Last Edit: July 21, 2014, 12:13:50 pm by BDJ »

stormy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3244
Naalala ko lang sinabi ng priest nun 1st communion ng daughter ko, aware daw sila na mga pari na mas pinaghahandaan ng ibang magulang ang kainan/salo-salo kaysa dun sa sakramento na marereceive nun bata. Kadalasan ni hindi alam bakit at ano kahulugan nung sakramento.

Isa ako sa mga nanay na mahilig paghandaan ang mga okasyon pero sa binyag ng anak ko pati sa 1st communion nya e napakasimple lang. Hindi naman kasi bawal ang simple, preference lang naman ang bongga na selebrasyon. Kanya-kanyang gusto naman yan ng magulang para sa anak.


@TS, civil wedding mo sa shakey's kaya mabilis mo naman siguro maipapaliwanag sa nanay mo na napakasimple lang ng naiisip nyo na mag asawa para sa binyag ng anak nyo. Baka hindi na kailangan paliwanagan pa, magdesisyon kayo na d na ipaalam pa sa kanya kayo naman ang magulang ng bata.

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
^Kung pwede nga ganun eh! na magdesisyon kami na hindi nalalaman ng magulang eh! ma-brought up pa rin kapag nagkita.  :o Baka nga kapag naglabor na ako mabrought up ang topic na yan kahit anong iwas namin pag-usapan.

Ang gusto pa kasi ng mother ko isabay na Catholic wedding  :o that would be another fee at mapipilitan pa kami sa Malate Church unless ang Cathedral meron simple wedding na tatanggap ng Sabado.

Honestly na-complicated kami sa plans and offer ng mother ko lalo na kung gusto pa niya na may catholic wedding.

ishopnowfeelguiltylater

  • pakalat-kalat na
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 705
sis i'm really tempted to say this:
hayaan mo na siya magplano lahat para sa binyag. pupunta ka na lang dun as a parent haha wag na wag din siya kukulangin sa budget dahil wala ka kamo ilalabas. tapos sa first birthday, gawin na ninyong mag-asawa yung plano ninyo. wag na lang kayo magkwento. kunwari wala kayo kaplano-plano.

dun naman sa subject mo, nasa sainyo naman yun. pero mukhang hindi talaga yun ang dilemma mo, kundi yung pinapakialaman ng mother mo ang decisions ninyo tungkol sa anak ninyo.

errr bakit ka ba ine-stress ng nanay mo eh buntis ka. gusto ba niya sabay sabay mong poproblemahin ang pagbubuntis, panganganak, binyag, first birthday at catholic wedding?  ::)

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
^Partida nung nagpunta ako sa house nitong weekend walang wala akong na brought up about plans of baptismal kundi ang concern ko matulungan niya ako sa panganganak ko. Tapos biglang yan naging topic niya  :o na siya mag offer kailangan raw pabinyagan agad. Convince ko raw asawa ko na ganun ang gawin. Huwag na raw hintayin yung Nanay ng asawa ko. Sinabi ko lang na plano namin next year sa 1 year old tapos ayun hindi nga raw maganda na patagalin pa. Hindi na muna ako nakipag argue dahil ayoko muna humaba ang usapan. Gusto ko mag-usap muna kami ng hubby ko kung paano namin maconvince na plano na lang namin ang masunod. Mas gusto ko pa nga na yung binyag ng bata decision namin dahil siempre sa Godparents na ayaw namin ma-question pa na bakit si ganito kukunin namin tapos si ganito hindi. Masaklap yung two of the most important Godparents hindi pa makakadalo kasi nasa ibang bansa gusto ko nga pauwiin next year para siya mismo ang naandun rather than proxy lang. Ayoko talaga sa binyag na maging pilitan. Di bale na yung bday party.

vermich

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 82
I'm sad at times kapag nakikita kong pinaghahandaan masyado yun reception kesa yun thought of makakakuha ng sacrament ang baby. Pero sabi nga kasi its a barangay affair ang mga gatherings like binyag, kasal o birthday. Sa nakikita ko ayaw magpatalo ni mother mo sa hilaw na in-laws mo thinking of the fact na manganganak ka muna bago ikasal, which is traditionally dapat kasal muna bago manganak.

Meet halfway na lang kayo and syempre tell her you wanted yun ibang godparents andun sa baptismal ni baby. Unless take it from the suggestion of one of the sissys here na hayaan mo sya magayos ng binyag as long as hindi kayo gagastos then kayo masusunod sa 1st birthday ni baby at sa kasal nyo wala rin syang pakialam. Pwede rin naman ang reception sa isang resto lang ang importante is nabinyagan yun bata. Wala rin namang masama kung after 1yo mabinyagan ang bata. Nephew ko nabinyagan nito lang June at 5 yo na sya. Nasa paniniwala at pamahiin yan at obviously hindi kami sumuunod sa ganun lalo na at well- traveled ang nephew ko bago sya nabinyagan.

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
^Ask ko lang bakit nga ba 5 years old na nabinyagan yung bata?

We are already married in Civil. Kung ngayong October gagawin that could be a problem unless mahanap agad yung baptismal cert ni hubby tapos kailanganin pa niya ng kumpil. More so as I mentioned mapipilitan kami na gawin sa ibang Church which is malayo pa from us tapos iisipin namin agad kung saan pwedeng sabay ang wedding at binyag. Gusto namin talaga kami na lang magdesisyon lahat as in 1 at a time lang. Saka yun nga iniiwasan rin naman namin ang mismong baranggay affair, hindi dahil sa budget kundi yung taong iimbitahin namin like friends and relatives na gusto namin ay yung significant to us. In fact yung ibang significant to us nasa ibang bansa pa ganun rin sa case ni hubby mismong best friend niya nasa ibang bansa pa. We really want them to be part in the event of sacrament. Yun nga lang nagpaplano na kami ni hubby mismo about this event kahit yung mga guest list o maging part ng event na ito medyo nakokomplikahan na kami kasi in my case I could imagine maquestion agad ako ng parents ko how much more yung gusto ng mom ko na siya mag offer. My mom has tendency pa na pagbigyan ang isang bagay for the sake of my dad pa tapos ako naman yung magsusuffer. Example yung ayaw ng tatay ko na tao yun ang imbitahin ko hindi na papupuntahin para walang issue sa tatay ko tapos yung isang relative na hindi ko papupuntahin yun ang pipilitin na pumunta eh samantalang dun naman ako may issue tapos gagawin pang inuman session yung event as I mentioned above kapag nalasing nagwawala pa. The bottomline here is kung sino yung gusto namin siya pang wala at kung sino yung ayaw namin yun pa nasa event.

Kung ang magiging set up lang sana rito is tutulong lang mother ko pero kami pa rin masusunod sa mga plans then this time I would be thinking otherwise or may chance na magbago decision ko then of course madali na lang for me to convince my hubby regarding this matter. Ok na for me na disregard ang 1st bday ng anak ko. Pero yun nga aaminin ko mas nananaig pa rin sa hubby ko na kami na lang talaga ang magdecision. He still want to give chance sa mother nyang hindi pa niya nakakausap about our situation which is another story.

sistah!

  • sistah!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 963
  • proud mom to four doggies :-)
hinga ka muna sis. dama ko ang stress mo. hehe.

mukha kasing hindi swak ang plano nyo ng mommy mo. lahat ng sinabi mo, tingin mo ganito gagawin nya, tingin mo magiging ganito. i think just to determine how you really should act, just sit down with her and calmly explain your situation. what do you need from her? you need her to help you with the birth. ilatag mo lang kung kailangan mo sya financially, physically, etc. and then tell her about the plan na sa 1st birthday na lang ang baptism and small handaan lang. sabihin mo rin kung ano ang ayaw mo mangyari, na maraming tao, magulo, etc. then you can determine kung willing ba sya to meet you halfway somehow. kung hindi talaga, well, it's your baby. do what you feel is right.

arf! arf! woof! woof!

BDJ

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 336
^Actually may naisip na akong pwede naming sabihin with the help of my hubby though kakausapin ko pa lang yung hubby ko if payag siya rito. Basta ang punto run is about hubby is still waiting for the relatives coming from province and yung magiging Godparents na part of the event. Hopefully hindi naman dapat baliwalain yung ng mother ko at sana may respect rin siya sa decision ng hubby ko. Pero kapag nag explain kami as much as possible very simple at hindi na namin kailangan magdetalye. Hirap akong mag explain sa mother ko dahil parating nauuwi sa argumento kahit gaano itong kasimple, lalung lalo na kapag nagdetalye ako.

hun_nie08

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1043
About sa subject sis - yes kelangang binyagan talaga. Sabi pa nung pari kung pwede 2 weeks safter birth e mabinyagan na si baby. Plan namin 3-6mos pabinyag na si baby pagkalabas.. Nakarecover na siguro kami nun. It is the first sacrament na tinatanggap as Catholic - pero sabi nga ng iba dapat daw may isip na yung tatanggap pero yun nga ang role ng mga godparents e. Sila ang magtuturo sa bata ng tama.

Pero yung iba sinasabay nga sa 1yo ang binyag.

Pero parang di naman ganyan yung problem mo e It more of yung misunderstanding nyo ng mother mo. Talk to her yun ang best solution. Wala naman siya magagawa kasi kayo naman ang magulang e. Chill ka lang.. Bawal mastres..  ;)

vermich

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 82
We aren't Catholics in the frst place. My BIL is Catholic and as a wish from his parents we had the child baptized here in Manila. They were both married in Shinto and Catholic wedding rites. Pero the in-laws does not impose naman what religion they should follow. Both my sister and BIL have already told us that they will let their son choose what religion he will want to follow in the future.

Wag ma-stress sis lalo na buntis ka. I hope you get to talk with your mother, baka hindi rin nya alam ano gusto nyo ni hubby. Bottom line is what will be best for baby. Let mother know na sana hindi naman stressful ang party kasi ang focus is taking care of your new born baby.

 


Latest Stories

Load More Stories
Close