^@ sis khaleesi - haha mukhang parehas yata tayo ng ex bf?
Pinoy ba ito or Foreign? Foreign ex ko

Kakaloka kaya, pati strap ng bra chinecheck niya, design ng panty chinecheck niya.
ang dami daming bawal. nung dati, pinapa kain ako ng pinapa kain suko ako tapos nanaba nako panay kain na dun naman niya ko pinipigilan kumain.
kakaloka nga eh, pati mga appointments ko sa client kinacancel niya or pinapacancel niya.
ang hassle niya sobra, gusto niya kasama ko siya sa mga meeting which is hindi naman pwede. nahihirapan talaga ko kumilos sakaniya.
pati mga waiter din sis sa resto while we're eating pinag seselosan niya basta tumingin sakin.
inaaway niya ko pag may tumitig sakin kahit hindi ko tinititigan.

pati sa MRT nung coding siya. niyayakap niya ko sa train for the sake na walang makalapit sakin na guy.
friends ko na girl pag nag tetext binabasa niya, even mga officemates, binabasa din niya. kahit nag wawala na yung client kakatawag bawal ko sagutin.

pag may tinext ako dapat sasabihin ko sakaniya.
pati mukha niya sa screen saver ng phone ko dapat nakalagay dun.
bawal ako magbura ng text.
gulo nadin yan especially pag binago ko yung screen saver ng phone ko dahil nabwisit ako.
ayan etong nag break kami healthy living ako, nag gym ako at nagpa sexy talaga, plus labas labas ako.
nung time nga na nag tetext ako sa ibang tao takot talaga ko baka mabasa niya.. I realized na break na pala kami. grabe ginawa niya sa buhay ko. laking pilak.
Seriously, parang nasabik tuloy ako sa lalaki ngayon
