Currently here in Boracay, staying at Blue Lilly Villa, standard room. Maliit lang room pati CR pero malinis naman at malamig aircon. May mini ref din sa room. We got it at Php 2,457 per night, discounted from their usual Php 2,900 rate. For me, tama lang yung price nya ngayon kasi pag almost 3k, mahal na considering ang liit ng room. Di naman super liit na masikip. Queen size naman ang bed. Yung cr lang medyo masikip. Pero yung True Home, based sa picture sa website nila, mukhang malaki ang standard room nila for almost the same price (3k per night), so to compare, True Home nalang kasi mukhang malaki room. Yung Blue Lilly wala yatang picture ng standard room. Meron din palang extra mattress sa room namin nakalagay sa ilalim ng bed. So pwede pa isang tao siguro. By the way, these rates are for off peak season.
We were not able to visit Ariel's Point kasi under renovation sila ngayon. I asked sa may Ariel's House (pick up point ng mga taong gustong mag Ariel's Point) kung kelan sila mag open, about a month daw. I asked kelan ba nagsimula renovation, after daw nung recent habagat. E kelan nga ba yun?? Buti hindi pa kami nakapag online reservation. Walang nakalagay sa website nila na under renovation sila ngayon. Sa mga balak pumunta dun, better call them first to ensure kung open na sila. Normally din kasi need ng reservation at least a day before for this trip. I read din on their website na kapag ganitong season, 10:30am daw ang alis, earlier than the usual 11am. Then ang balik ay 4:30pm instead of 5pm.
Ang dami nang harang ngayon sa Boracay. So kahit beach front ang hotel mo in station 1, wala ka ring beachfront view dahil sa nakaharang na net and bamboo sa tapat ng resort, like in two seasons, sur, nigi nigi too, etc. Yung bandang dulo lang like ambassador, fridays, onwards ang walang harang. I will post pics soon on my blog pag uwi ko. Ganito rin ang scenario in station 2, though wala nang chairs, tables, tent sa tapat ng mga resorts, may space pa din kasi sa gabi binabalik ang mga yon. Then may harang pa rin sila before the white beach itself. Kahit mga loungers nasa loob nung may harang. Ang hirap i-describe, sorry... Parang mas ok pa tuloy mag stay sa station 3, yung medyo dulo na talaga, Arwana Hotel area. We asked the staff of our hotel kung bakit may mga harang, bawal na raw kasi kumain on the beach kaya limited na rin ang mga loungers.
Maalon ang white beach ngayon and pag morning 'til lunch, wagas ang high tide, super near na nya s mga resorts and establishments sa station 1.