Hello! Kindly bear with me, medyo mahaba sya..

My bf and I have been together for 3 years now. In-add ko yung ex girlfriend nya sa FB, just to have a background check kay bf nong nanliligaw pa lang sya. May bf sya non and di naman nagpaparamdam sa family ni bf though nagccomment pa rin sila with each other’s posts. Tas nong naging kami, dun naman sya naging single. Napansin ko na basta may post yung family members ni bf, nagla-like/comment sya agad agad. Like parang ang awkward na magcomment pa ako sa thread ng usapan nila ng sis ni bf. She was close to his family non, in fact naging bestfriend na nya yung long-time girlfriend ng bro ni bf. Ang medyo masakit pa sakin, tinatanong ng mga sis ni bf kung kelan daw sya dadalaw sa kanila , etc. Di naman sumasagot yung girl pag ganun. I have met the family, they were nice to me naman. But di sila yung type ng tao na madaldal na mabilis kaclosean. But I made effort naman to get close to them kahit na nasa Manila kami ni bf tas andun sila sa probinsya namin. Like nangangamusta sa FB, naglalike/comment sa mga posts nila..but may time non na parang deadma na sila. Yung they didn’t keep the conversation going ba, di na rin naglalike sa mga posts ko. Then nakikita ko na active sila sa mga posts ni ExGF. So after some time, naggiveup na ako na makipagclose sa kanila. Parang naawa na rin ako sa sarili ko na parang pinipilit ko lang self ko sa kanila. Nagpaparamdam lang yung isang ate nya pag mag-aask ng favor sakin. After nakuha na nya yun, unti unti na namang di magpaparamdam.
So I hated the ex, kasi napansin kong nananadya sya sa pagpapapansin with his family. Binisita pa yung newborn baby ng ate ni bf with her bestfriend with matching pics and tagging with all his sisters (ninang ako dun sa baby, ninang na naman sya sa eldest). To the extent na naging unhealthy na sakin yung situation so I deleted everyone that could remind me of her. Dinelete ko rin yung gf ng bro ni bf , kasi bestfriend nya yun. So jan na nila inassume na naiinsecure/naiinggit daw ako sa kanila.

Then nalaman ko na buntis si ExGF and magpapakasal na sila nung hiniwalayan nyang ex bf nya. Tapos may nabasa akong post ni ExGF na nagtthank you kasi sinamahan sya ng ate at bro ni bf sa kanyang wedding preparations, with matching tag at ginawang public pa yung post. Kinuha pa yung ate as ninang sa baby nila ng hubby nya. I suddenly realized na never na syang mawawala sa buhay nila. And i don't want her to be part of my future. Kaya nakipagbreak ako kay bf non but eventually we got back together. Kinausap sya ni bf telling her what i feel and she said na wala daw syang ginagawang masama sakin. Di nya man lang narealize na nasasaktan nya ako indirectly.

So I was thinking na now na married na sya, alam na nyang dumistansya. Pero hinde. Nong Father’s Day, nagpost pa sa wall ng tatay nina bf, naggreet pa sa mga asawa ng mga ate nya. Inunahan pa ako.
Btw, naging sila for 2 yrs and 10 months nong college so talagang marami silang bonding moments with the fam and friends. Another thing is that, andami niyang similarities with bf. Yung expressions nila, the way they speak, fave cartoon character, hobbies, sports, etc... It bugs me lalo na at opposites kami ni bf.
Honestly, di ko talaga kayang makasama yung babaeng yun in the future. Ok lang naman sakin na may communication pa rin sya with the fam but sana lessen and alam nya boundaries nya. Sya lang ang ex ni bf na ganyan kung umasta, yung iba wala na ngang paramdam. I don’t understand kung bakit di na lang sa fam ng husband nya gawin lahat ng attention na binibigay nya sa fam ni bf.
So ano sa tingin nyo...ano ang dapat kong gawin? Iggiveup ko na ba yung samin ni bf? 3 years na kami but parang aloof pa rin yung family nya sakin and mas binibigyan pa nila ng attention si ExGf.
Thanks in advance!