sis bonita im now focusing on your advice about how to know if a man loves a woman, please help me to clear things out, gustong gusto ko na maenlighten. as of this moment wala pa kong decision, alam yun ng husband ko, pero we are always going out kasi dun ako masaya na kasama sya..pag hindi ko kasi sya kasama paranoid ako... but im not yet ready to be a wife again, but to be his friend ready na ko.. please enlighten me with the following:
1. profess his love publicly- their going out like eating in a fancy restaurant, they watched movie once lang daw and my husband chose cheap mall with cinemas kasi ayaw daw nya mag mall kasama yung girl, but still umalis sila para manood ng sine kahit pa sabihin ng husband ko na lagi daw yun nagyayaya pero ayaw nya, pag may break time yung girl he make time para mag miryenda sila, gumigimik sila like inuman sa bar hanggang sa malasing sya eh hindi naman sya naglalasing ng sobra, planado mga lakad nila, talagang may binigay na oras husband ko and halaga kasi nakwento nya pa sa friends nya, kuya nya, pinsan at worst sa daddy nya pero lagi nya sinasabi na nakwento daw nya hindi dahil sa proud sya kundi gusto lang nyang ishare na may kasalanan sya. hindi naman daw sila naghoholding hand or akbay pero ewan ko kung totoo,kasi he made time pa talaga na iabot yung gift nyang perfume kahit kasama nya anak ko, tapos sa kwento nya lagi silang magkasama kumain, gumimik, etc. sis hindi ba yan showing of his love sa kabitch nya? tapos nalaman ko din na nung pumunta sya ng greenhills to buy pasalubong for his dad na nasa US kasama nya kabitch nya, then after mamili diretso na sila sa kamaganak nya para ibigay yung napamili nila, kahit nasa car lang yung girl, napakawalanghiya naman ng asawa ko para dalhin dun. tapos constant texting sila ha, as in every night ata sila nagttxt.
2. provide for her- for 1 year pagkinocompute ko sobrang laki ng gastos nya, to think that we are not financially stable at crisis pa nga eh. negative na kami pero libre pa din nya lahat sa girl, tapos nung nagbirthday party yun sa bar sya pa nagbayad sa kanya daw kasi inabot nung waiter yung bill.
yung mga anak nga namin hindi nya mabilhan ng clothes at toys eh!
3. protect her- nalaman ko na hinahatid nya pa sa pampanga yung kabit nya, grabe ang layo ng pampanga at nageffort pa talaga sya to think na sinasabi nya na past time lang daw nya yun, ngayon ang sabi nya naaawa lang daw sya at mga 2 to 3 times lang daw nya yun naihatid. tapos pag text ng text yung babae nung time na hiniwalayan nya kasi naglalasing daw, ayun pupuntahan nya nanaman at hindi nya matiis kaya tuloy nanaman sila sa pagkikita at sex, tapos one time nung hiniwalayan nya ulit same story din but this time may drama na na magpapakamatay daw yung babae kaya hindi nya maiwan, kaya naisip ng husband ko na kunwari na lang punta sya singapore to work. tapos harapan kaming tatlo yung babae nanaman prinotektahan nya, as in sa harap ko sinabi nya na naging malalim sila, kasi daw sinabi nya yun para hindi mag eskandalo yung babae at tawag nya pa dun yung pet name nila na "Boss", tapos after ng confrontation namin sa cp naman sila nag usap ayaw nanaman nya masaktan babae nya kasi naging mabuti daw sa kanya, eh ako daw alam nya na hindi ako mageeskandalo, later na lang daw nya aayusin yung akin kasi baka manira daw yung babae kasi uneducated nga. kaya rinig na rinig ko na sinabi nya na "minahal" nung tinanong nung babae kung minahal ba sya ng asaw ko. alam mo sis nakakainis yung asawa ko kasi parang ayaw nya talaga masaktan yung babae, hinihintay ko nga sabihin nya na mahal niya ko dun sa girl pero ang sinasabi nya, alam mo naman diba una pa lang hindi ko kayang ipagpalit pamilya ko, mga anak ko.
hanggang ngayon hirap pa din akong mag move on kasi ang iniisip ko naiinis ako kasi may sineryosong iba asawa ko. nung una nga ang sabi nya "kung mahal ko sya siguro konting konti lang"