"The way I see it, he regret that decision and realized that he will not throw the 11 years with you for some fling. Now, he already told you that he chose you over whoever else."
Naniniwala naman ako sa kanya pero di ako maka move on kasi ito lang ang major na nagawa nya sa akin.
Ano kaya ang pwede kong gawin para malimutan ko mga yun kasi alam ko naman na mabait sya pero nattrauma sya sa akin dahil sa kakatanong ko sa kanya sa mga nangyari.
Ang hirap kasi ng situation ninyo. On one hand, BF mo dapat ang taya to prove to you na never na sya mauulit. Though naniniwala ka naman now, pero later, are you confident na di na nya mauulit iyan? Or saan ka ba nap-praning, kung anong nangyari sa kanila? Para pa saan, kung history na naman sila at naniniwala ka naman sa sinabi nya na wala na sila at ikaw pinili nya.
Sis, wala sa bait ng guy ang gauge kung sincere sya. Minsan yung mga tahimik at akala na mabait, sila pa yung mas grabe kung mangaliwa (speaking from experience).
Kung tinanggap mo na sya ulit, then dapat naman siguro you take his word for it, at hindi mo na kelangan malaman pa what happened with him and the girl. Naging sila nga eh, so what do you expect pa na puede gawin ng magBF/GF? Pero history nanga yun.
Guys, related sa tanong ni sis pink_sugar, naiirita ba kayo pag tanong ng tanong tungkol sa mga issues in the past pero inoopen up pa rin ni girl? Inoopen up kasi hindi nga satisfied sa sago or parang hinuhuli si guy kasi feel ni girl na nagsisinungaling sya?
Ito nga minsan nakakainis di ba? Lalabas yung guy pa ang magagalit. Eh sa hindi nga convinced si girl sa sagot ng guy. Feeling ko ang only solution lang dito eh dapat iwanan ni girl si guy nang matauhan si guy. Kung gusto pa nya (totoong gusto pa nya) talaga ng relationship nila ni girl, he will try his best to confess everything, tell everything such that the girl will always be comfortable, tsaka maging puede sila ulit. Otherwise, I really cannot find any amicable solution. Kasi puede mo naman sabihin sa girl tumahimik nalang, pero kung ikaw ang GF at di ka nanga makatulog, paano ka nga naman hindi magtatanong or mag uungkat if something is really bothering you.
^bakit bro if ever na magbibigay na sya ng ROCK? Bakit di muna sya makipag hiwalay noh? Pero mukhang di naman sila nagkaanak at di nya naman balak pakasalan yung babae kasi may asawa at anak na rin naman yung girl, eh si bf eh binata at mahitsura pa.
May napag usapan na ba kayong kasal?
Kawawa naman ang boyfriend mo sis kung forever nyang pagbabayaran yung mistake na yun, na kahit alam mong sorry naman sya and it was an honest mistake.
I came to realize na once nagkaron ng "relationship" ang guy sa ibang babae (3rd party), it can NEVER be an honest mistake. It takes continuous effort for you to have a "relationship" with a perfect stranger, hindi mo masasabing nadulas ka lang. It is simply a series of meet ups, dates, kwentuhan, text-an. Therefore it is NEVER an accident, but it is more of a CONSCIOUS effort. Ngayon kung kayo pa ang mag GF ng guy, then ginawa nyang magkaron pa ng ibang GF, well that is a CONSCIOUS EFFORT to lie.
Kalimutan mo yung mali na yun totally, as if it never happened. That's the only way to get over it. But if you cannot do it, then reevaluate your view on the relationship. Kung talagang hindi mo kaya kalimutan, siguro it's better to stay away kase in the long run, kawawa kayo parehas.
I guess ito nga yung perfect advice. The best way is to forget. But how can one forget?
The thing is, he is a third party and that's bad for him no matter what. In your case, you'll always be curious about what happened to him and you two will never stay the same because of this issue. Do you believe in destiny? Flip a coin and let destiny decide your fate. Haha kidding. Parang movie scene na nangyayari sayo ah.
I agree, it can never be the same. Kaya important mag effort ang dalawang parties, at hindi lang si pink_sugar. Sorry pink_sugar, pero parang sa kwento mo, sobra kang nabobola ng BF mo. LAgi mong sinasabi naniniwala ka sa kanya, mabait sya all those 11 years, etc. Pero what has he done for you lately? As I have said, what is important is the now and the future. Hindi yung past. Bakit lagi kang nag-d-dwell sa past (kung gaano sya kabait sayo at paano ang takbo ng naging relationship nya sa other GF nya). Kahit friends mo na mismo, hindi sya gusto for you and I suppose they know you best.