but we have to admit that girls cant help but expect and assume
We overthink and overanalyze everything, kahit ideny pa ng girl yan at iwasan ang ganung attitude, deep inside mageexpect talaga yan. 
Kaya nga for girls, it is up to us to set expectations. Dapat alam din natin anong reasonable at hindi, kung nasa lugar pa sila o hindi. And how would you know this kung isa palang naging BF mo? You would know this by multiple dating, at ma-cocompare mo sila din sa isa't isa. Dito mo rin makikilala ang sarili mo kung ano ang type mo o hindi. Dun mo ma-assess ano ba ang ideal guy mo, at ano ba ang type mo.
nice insight bro.. just one question.. it's good if the guy's "idea" is like what you've mentioned -- "there's no way but up sa mga ginagawa mo.. "... but of course not all guys think and act the same.. paano naman kaya if the guy became too complacent na and hindi na talaga sya mag-effort? kasi he'll have the mindset na "ok lang naman di na mag-effort kasi tanggap na ako ng gf/asawa ko for who i am"... hindi ba parang kawawa din naman yun girl pag ganun, if she just sucks it up.. especially if nagi-effort din naman talaga yung girl sa relationship nila? how should the girl handle it? just asking bro.. insights will be appreciated.. 
As the girl, why would you suck it up then kung ayaw mo? Kung hindi naman nag eeffort yung guy, paano mo sya magiging BF?
What I am saying, during dating phase, natural na walang expectations. Pero kung nag uusap na kayo madalas, lumalabas narin kayo nang madalas, natural na mapag usapan where your relationship is headed. Exclusive ba o hindi,etc. Then eventually pag uusapan ninyo kung willing na ba kayo magprogress sa next step etc. So para sakin kung totally walang effort, since maraming stages pa naman before maging kayo, hindi magp-progress ang relationship hindi ba?
Furthermore, kung iyan talaga ang hanap mo sa guy, ang hanap mo is someone who is romantic and expressive of his feelings. So makikita mo kung nagkakadevelopan na kayo, if he is such. Kung ganun sya, swak. If not, then let it go habang maaga pa at hanap ka ng iba.
Agree ako sa setting expectations na yan. Pero syempre hindi naman lahat alam yan.
Yes, sa umpisa hindi mo alam. But when you date and mingle, dyan mo malalaman. That's why I firmly believe na mabuti makipagdate as friends muna. Marami kang matututunan sa iba ibang tao. Kesa unang date mo BF na agad kayo, ni wala ka man lang pamantayan kung ok ba sya o hindi.
^ well dapat pagusapan ng maayos nung 2 kapag ganun. kung hindi pa rin magbago at hindi mo na kayang tiisiin eh di iwan mo, bakit ka magtitiis if you're not treated as well as you think you deserve, ano dahil lang sa mahal mo? if asawa..ibang usapan yun, sorry ka nalang kung pinakasalan mo pero hindi mo pa pala kilala ng husto. even guys get disappointed kapag akala nila drama free si girl nung nililigawan pa lang or nung gf, pero batshit crazy pala
Ito nga sinasabi ko. Bakit mo i-a-allow sarili mo mahalin ang isang tao hindi nag effort? Ano sya sineswerte? Kung asawa naman, gaano ka ba ka dense para pakasalan ang isang tao walang ka effort effort?
What does it mean pag sinabi nya na maigsi na lang pasensya nya?
He means maigsi nalang ang pasensya nya.
Seriously, it depends sa situation ah. Pero sa mga taong nagsasabi nyan, hindi ba tipong, konti nalang sasabog/magagalit nako.
Well girls don't get batshit crazy for nothing. Ako aminado ako i rant at times but i dont rant randomly. If he doesn't call like he told me he will and doesnt feel sorry for it syempre magagalit ako di ba. And ako parin yung nakakadisappoint for getting mad?
Kapag ganito ang situation, I don't think it is right to get mad immediately. Pero you see, kayo na kasi. Kaya lesson sa mga girls, huwag maging kayo agad. Especially if you are so young. Pag isipan mabuti.
I dated this guy, ganyan na ganyan. Ako naman so naive, nag aantay nga ng tawag nya. Little did I know, eh parang expression lang pala sa kanya yun na I will call you. Feeling ko may karugtong lang I will call you lang nga nasabi nya but the sentence should go this way kung ako ang magsasabi nyan "I will call you kapag may time ako". Pero knowing myself, since normally when I say something I make sure I follow it through, guys like these won't work for me. Kaya we remained as friends at hindi na namin pinursue pa yung dating.
As for my BF now, sya yung galit sa mga sinungaling at ayaw nya to work with mga taong walang follow through. Which is so compatible to my personality. Kaya kapag hindi nya ako ma contact, I know he has his ways. Kapag nagtext ako tapos di sya agad naka sagot, I don't get mad easily. I wait because I know, it is not in him to ignore my texts. Minsan nga hindi lang iyan sasagot sa text, he would call me immediately, kasi feeling nya matagal ako nag antay for his response sa text.
You see sis it is not a simple matter kung mahal mo ang isang tao o hindi. Sa umpisa palang, bago mo mahalin ang isang tao, you have to sift through na your potential partner, magiging masaya ba kayo or magdudusa ka dito. Is he worthy of your love and attention?
Paano kaya kung sa una tinanggap mo lahat and minahal mo ng ganun siya. Then unti unti nagbago at yung dating siya na minahal mo at tinanggap mo eh halos hindi mo na makita sa kung sino siya ngayon? Napapaisip ako. Kasi i think its different when a girl says na tanggap kita bilang ikaw, tas saka pala niya babaguhin at mageexpect ng iba iba pag kayo na. Versus dun sa girl na tinanggap ka kaso yung lalake naman ang nagbago at naging worse.
Although i know, partly eh may fault din ang girl sa ganyan, feeling ko naman hindi magbabagk basa basta ang lalake kung hindi dahil sa attitude at kilos ng babae.
People change. And you must be ready to face a life na magbabago kayong dalawa. That is why it is not advisable na mag BF/GF nang maaga (teens) especially kung hindi pa kayo mature, kasi most likely magbabago pa ang likes/dislikes ninyo, wants, ni hindi nyo pa masyado kilala ang mga sarili ninyo. Tapos, once naging kayo na at matured na kayo, puede parin kayo magbago, but at a more managed state. If one does not feel comfy when the other one is starting to change (note - start palang), then both of you talk about it. If the other party agreed naman or accepted it, then life goes on. Pero kung hindi, nasa sa doer na if he should not pursue his changed attitude o hindi. Pero if nothing happens sa pag uusap, kaya nga may term na "break" or "cool off", it is not working out, both of you need to move on, etc.
Minsan sa mga instances na naging worse ang attitude ng guy --- minsan nasa swerte din ng babae. Of course as I have said before, mamiminimize mo ang kamalasan if you select him properly, and if you try to maintain that open communication at napag uusapan ninyo lagi ang mga issues ninyo. Pero di mo maiiwasan na nag iiba ang ibang tao eh. Freedom nila yun at di mo mac-control iyan.
Puede mo rin sabihin may fault ang babae dahil mas naging demanding etc. Kaya tinatamad na si BF. Pero there are instances lang din na fault din ng guy kasi talagang pabaya sya by nature at sinungaling. So in those instances, it's the guy's fault. At kung BF/GF palang kayo, habang maaga pa, it is best to move on and find that someone who you can be happy with. Kesa buong buhay mo reklamo ka ng reklamo.
^ I agree with that quote
to nixquita
I believe hindi nagbago yung guy, instead yun talaga yung tunay na ugali niya. you just think na ang ugali niya ay yung pinakita niya nung unang part ng relasyon nyo. bakit kung yung tunay na ugali niya ba yung pinakita nya sayo, makikipagrelasyon ka ba sakanya? I'm really curious kung ano yung mga instances na kinafrufrustrate nyo, can you give specific examples of your guy being complacent and whatnot
Totoo sinabi ni sacred cow. Puedeng ganun talaga yung guy. Kaso nga pag nanliligaw, ibang front ang pinapakita nya. And as the girl, responsibility mo alamin ang totoong kulay nya. Kung hindi, sorry ka nalang and malalaman mo nalang later kung kelan nahulog na ang loob mo sa kanya.
Ex ko, grabe, more than 10 years kami ha. Pero kahit may signs na nung BF/GF kami, hindi ko pinapansin. Hanggang sa kinasal na kami, dun na lumabas lahat ng sungay nya. Then after a long period of suffering, inisip ko, bakit bako nagpapamartyr ng ganito at nagdudusa, wala akong balak icontinue yung suffering and pain na iyan for the rest of my life. I have to move on. And I did. Kung nagbago man ang ibang tao or later nalang nila pinakita ang totoong kulay nila, just accept it and at kung hindi mo matanggap, nasa sayo na ang baraha to move on or suck it up.