First of all sis, congratulations! A baby is still a miracle and a blessing whether unplanned or not.
Agree ako with sis princessrio. Nasa tamang edad ka na sis, wala kang dapat ikatakot. Ako 23 lang nung nabuntis. as-in kaka 23 lang. ngayon 23 pa rin ako, kakapanganak ko pa lang.
Re financial situation: When I got pregnant and until now, sobrang hindi talaga kami ready ni boyfie financially. And aside from that, meron pa kaming isang problema (too personal to disclose). Sobrang magulo pa. as-in kahit anong pagbabali baligtad ko, hindi talaga kami ready financially. Pero sis, mabubuhay at mabubuhay mo ang anak mo. If ever man di ka tulungan ng family mo, may work ka na rin naman. At magkakanda utang utang ka, pero kakayanin. I suggest magbasa basa ka about breastfeeding sis. Malaki matitipid mo. atleast for the first 6 mos.yan lang naman ang kailangan ni baby. Kami hanggang ngayon, sobrang gipit na gipit kami. Wala din halos tulong from both families, meron man, konti lang and minsan lang. pero kinakaya namin.
Re family's disappointment: I can relate to this sis, although wala pa naman ako pinag aaral sa mga kapatid ko, malaking disappointment pa rin sa mom ko ang pagbubuntis ko. Kase napakataas ng expectations niya sakin. I was able to hide my pregnancy from them for 6 mos. Pwede kong itago, kasi nakabukod na naman na ako, at wala talaga kong balak sabihin sa kanila nung una. Pero eventually, sinabi ko din. Iba pa rin pag alam ng family mo. Kahit di sila makatulong financially, atleast moral support. I agree with other sisses, your family will always be your family. Magagalit sila sa una, pero matatanggap at matatanggap nila yan. Prepare ka lang kasi masakit din na malaman mong na disappoint mo sila.
Re irresponsible boyfriend: I'm not in the position to comment to this kasi thankfully hindi naman ako tinakbuhan ng bf ko. 8 mos.pa lang din kami nung nabuntis ako. Pero if I were in your situation sis, hahayaan ko sya. Hindi ako maghahabol. Tama, kung ganyan sya ngayon, hindi rin sya magiging mabuting ama sa anak nyo. Kung ako kase, tatanggalan ko talaga sya ng karapatan sa bata. You could try to ask for financial assistance, pero if you do that, hindi mo sya matatanggalan ng karapatan. Sorry ha, I know napaka mean, others would not agree, kase tatay yan, karapatan niya yan. Pero kung sakin nangyari, kung ayaw niya, di wag. Wag lang sya maghahabol. May friend ako nung college, nabuntis din sya ng bf niya, at hindi rin sya pinanagutan. worse, umabot sa punto na pinagmumura niya pa ang friend ko (kapal ng mukha), inaway namin ng bonggang bongga yun. Pero hindi rin naghabol na si friend after malinaw na hindi talaga sya pananagutan. Ngayon, 3 years old na yta anak niya. And masaya sya. Kahit single mom sya, masaya sya kasi kasama niya anak niya. Yung dad? who knows, baka miserable na ngayon kasi hindi niya nakikita anak niya.
Re abortion: Sis please, don't do it. Galit na galit ako sa mga nagpapa abort so please, don't. Para sakin, yan ang isa sa mga pinakamalaking kasalanan sa lahat. Yung mga sinungaling, manloloko, kabit, nangangabit, magnanakaw at kung ano ano pa, lahat yun, mas magiging masama ka pa sa lahat ng yun. Kaya mo ba? And I know naiisip mo yan kasi magulo pa utak mo ngayon, and at this stage wala pa masyadong connection ang baby mo sayo emotionally, pero trust me, pag tumagal na ng konti at lumaki na ang baby sa tyan mo, you will develop feelings like you never had. You will love your child more than yourself and I'm not even exaggerating. Sobrang sarap ng feeling maging mommy. I hope tanggapin mo ang gift na yan. And frankly sis, you're not getting any younger. sa panahon ngayon at age 30 is considered risky na. What if yan na pala ang huling ibibigay sayo ni Lord?