watch now

Author Topic: unplanned pregnancy  (Read 8118 times)

shejean

  • Guest
unplanned pregnancy
« on: June 13, 2014, 09:08:01 pm »
hi mga sis!

help me naman pls. Alam ko masyado ng gasgas ang topic na ito pero ganun pala yun pag sa'yo na mismo nangyari hindi pwedeng kimkimin mo na lang. Kahit alam mong madami kang nababasang mga blog, forums etc sa net u still want to hear advice from others na nakakaunawa sa situation mo.

Ang hirap lang kasi ng pinagdadaanan ko ngayon and habang tumatagal mas bumibigat yung burden na dinadala ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, awang awa ako sa sarili ko and most especially sa magiging baby ko. Ang gulu gulo ng isip ko sobra dumating sa point na natutulala na ako at sa buong maghapon apektado ang trabaho ko, bigla na lang akong maiiyak. Pati sa bahay di na ko masyado nakikipagkwentuhan sa family ko and madalas umiiyak. Im 26 and ngayon I'm 7weeks pregnant. Ang masaklap ayaw panagutan ng bf ko ang dinadala kong baby. Ang sakit sakit nun. Di ko naman hinihingi sa kanya na pakasalan ako, just to acknowledge na anak din nya ito. Three months pa lang kami pero sobrang minahal ko na siya, to the point nga na ibinigay ko sa kanya lahat lahat. Yun pala wala siyang kuwenta! Duwag! Ni hindi siya kilala ng parents ko. Alam ko nasa right age na ako para magkafamily pero hindi sana sa paraang ganito. Pero ano ba magagawa ko ginawa namin to at eto ang consequences. Actually i had the meds and im planning to ...pero sobrang takot ako kay God na gawin ang bagay na yun. Di ko alam pano ko sasabihin sa parents ko.....alam nila wala akong bf at sigurado sobrang sama ng loob ang ibibigay ko sa nanay ko. Esp now na pinapag aral ko pa ang kapatid ko. How will i raise my child??? The fact na nnangyari na sa sister ko at sa pinsan ko tapos ako eto na naman. Nagpakatanga dahil sa pagmamahal. ang hirap hirap ng sitwasyon ko...:((((

princessrio

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #1 on: June 15, 2014, 04:48:51 am »
dear, nasa tamang idad ka na. ano pa ikinatatakot mo? yung iba, teenager pa lang, estudyante, nabuntis pero hindi nagpalaglag. wag mo naman sana idamay ang bata kasi wala namang kasalanan yan e. kung ayaw ka panagutan ng bf mo, wag mo pilitin kasi ngayon pa lang, hindi na sya mabuting ama sa anak nyo. marami akong kilalang bata pa e nabuntis agad at hindi pinanagutan. i have friends din na nabuntis at hindi alam ng parents na may bf sila at hindi rin pinanagutan. syempre, may galit from their parents, but eventually natanggap din. they turned out fine. they worked hard. they were inspired by their children. they are fighters.

what, i think, you should do eh inform your parents. lalaki at lalaki ang tyan mo. mas maganda na sa yo manggaling ang balita kesa sa ibang tao at para ngayon pa lang, magawan nyo na ng paraan ang pag-aaral ng sister mo. face the consequences of your action. stop worrying, go to an OB and enjoy your pregnancy. naaabsorb ni baby lahat ng nararamdaman mo.

ano ba reaction ng parents mo sa situation ng sister mo? it might be possible na ganun din ang maging reaction nila sa yo.

iannefermin

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #2 on: June 18, 2014, 01:53:42 pm »
ang dami kong naiisip na you-shouldn't-haves but we couldn't do anything about it, you're pregnant at 26 and the father of your unborn child won't claim it's his and worse, ayaw ka niyang panagutan. well, here's what you can do:

1. tell your parents that you are pregnant. i got pregnant at 24. my boyfriend and i didn't know how to tell both our parents. but we came clean eventually because we wanted to get married. after all we were together. for 10 years. and our parents were already expecting us to wed anytime soon. they just didn't think na i would get pregnant before the wedding bells. we first told my then-bf's parents then the next day, my parents. we felt relieved after that.

2. talk to your boyfriend. i don't know kung ano ang dapat mo sabihin sa kanya to make him support you and your baby pero i think pag isipan mo itong mabuti before ka makipag usap sa kanya. what you will say and what you will have to decide will surely change your lives, may it be positive or negative.

3. you are of age and you have work naman. i'm pretty sure you can support your baby if ever wala siya g daddy. ang daming single parents diyan, iba estudyante palang nabuntis na. i have a a friend who got pregnant before she turned 18. we were 1st year college then. halfway through the semester she got pregnant. pinanagutan naman ng boyfriend. but the guy didn't finish school and has no work. so galit na galit yung dad ng friend ko. she lived with her "in-laws" until after thr baby was born. but bumalik din siya sa parents niya dahil syempre hinahanap hanap yung old lifestyle nya. the guy is not well off kasi. and it's a struggle din for my friend kasi pareho sila walang pera. years after they broke up din dahil wala nga work yung guy and super tamad. now my friend is finishing her master's degree and has a stable work. her son's in grade 2 or 3 na yata.

4. have yourself checked already by an ob gyne. you should be taking prenatal supplements by now. it's not about just you anymore. be healthy for your baby. iwas sa stress. and don't even think of aborting your baby. hindi ka na bata na hindi kayang mag isip ng mabuting solusyon sa pinag gagagawa mo. be responsible enough.

kaya mo yan! masarap ang feeling ng may baby. mag iiba outlook mo in life. i'm sure of that. good luck! :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #3 on: June 18, 2014, 04:44:12 pm »
I was 24 years old when I got pregnant. ang masaklap sakin hiwalay na kami ng bf ko nung nalaman kong buntis na ako. I was already moving forward na sa life ko when I found out about the big news. newly graduate palang ako nun tapos wala pakong work. so technically super bum ako!  ;D yung bf ko nuon nung malaman niyang magiging father siya, gusto ako pakasalan siyempre umayaw ako kasi hiniwalay na nga kami di ba? nung sinabi ko hindi ako magpapakasal at sinabi kong bwisit na bwisit ako sa pagmumukha niya (probably because naglilihi nga ako nun), ang mokong nag disappear forever!! >:(
katulad mo din ako nuon, may mga gamut nako in case I decide magpalaglag pero di kaya ng konsensya ko eh. kasalanan ko eto, panagutan ko.

ang ending nung 4 months preggy ako ang sumuporta sakin ay yung brother ko at parents ko hanggang sa makapanganak ako at nakahanap ako ng work pang suporta sa anak ko. family is family. nagkamali man ako pero hindi ako tinaboy ng pamilya ko.

fast forward after 10 years, eto nako ngayon 'happily married'.  :D  my son is in Grade School. we work and live in abroad narin. preggy narin ako for my second child.

life goes on sister. hindi natatapos ang buhay dahil nagkamali ka sa relasyon mo ngayon. believe me andami pang pwede mangyaring maganda sa buhay mo pagkatapos nito. wag mo na habulin yung guy, hindi na yun babalik para panagutan ka. maging responsible ka nalang ngayon sa anak mo at sa buhay mo ngayon. one day kung makakapaghintay ka lang ulit, darating ang tamang tao para sayo.

sazleang

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #4 on: June 18, 2014, 05:12:07 pm »
Sis, wag kang mapaghinaan ng loob. blessing parin ang baby kahit ano pa ang pinagdadaanan mo ngayon. kami nga mga may asawa humihiling ng anak, pero hindi pala ganon kabilis para mabuntis kami.. kaya blessing sya sayo sis. kakayanin mo yan for your baby. it's your BF's lost kundi ka nya panagutan. Keep strong.

Queen Chokolah

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #5 on: July 07, 2014, 04:41:43 pm »
First of all sis, congratulations! A baby is still a miracle and a blessing whether unplanned or not.

Agree ako with sis princessrio. Nasa tamang edad ka na sis, wala kang dapat ikatakot. Ako 23 lang nung nabuntis. as-in kaka 23 lang. ngayon 23 pa rin ako, kakapanganak ko pa lang.

Re financial situation: When I got pregnant and until now, sobrang hindi talaga kami ready ni boyfie financially. And aside from that, meron pa kaming isang problema (too personal to disclose). Sobrang magulo pa. as-in kahit anong pagbabali baligtad ko, hindi talaga kami ready financially. Pero sis, mabubuhay at mabubuhay mo ang anak mo. If ever man di ka tulungan ng family mo, may work ka na rin naman. At magkakanda utang utang ka, pero kakayanin. I suggest magbasa basa ka about breastfeeding sis. Malaki matitipid mo. atleast for the first 6 mos.yan lang naman ang kailangan ni baby. Kami hanggang ngayon, sobrang gipit na gipit kami. Wala din halos tulong from both families, meron man, konti lang and minsan lang. pero kinakaya namin.

Re family's disappointment: I can relate to this sis, although wala pa naman ako pinag aaral sa mga kapatid ko, malaking disappointment pa rin sa mom ko ang pagbubuntis ko. Kase napakataas ng expectations niya sakin. I was able to hide my pregnancy from them for 6 mos. Pwede kong itago, kasi nakabukod na naman na ako, at wala talaga kong balak sabihin sa kanila nung una. Pero eventually, sinabi ko din. Iba pa rin pag alam ng family mo. Kahit di sila makatulong financially, atleast moral support. I agree with other sisses, your family will always be your family. Magagalit sila sa una, pero matatanggap at matatanggap nila yan. Prepare ka lang kasi masakit din na malaman mong na disappoint mo sila.

Re irresponsible boyfriend: I'm not in the position to comment to this kasi thankfully hindi naman ako tinakbuhan ng bf ko. 8 mos.pa lang din kami nung nabuntis ako. Pero if I were in your situation sis, hahayaan ko sya. Hindi ako maghahabol. Tama, kung ganyan sya ngayon, hindi rin sya magiging mabuting ama sa anak nyo. Kung ako kase, tatanggalan ko talaga sya ng karapatan sa bata. You could try to ask for financial assistance, pero if you do that, hindi mo sya matatanggalan ng karapatan. Sorry ha, I know napaka mean, others would not agree, kase tatay yan, karapatan niya yan. Pero kung sakin nangyari, kung ayaw niya, di wag. Wag lang sya maghahabol. May friend ako nung college, nabuntis din sya ng bf niya, at hindi rin sya pinanagutan. worse, umabot sa punto na pinagmumura niya pa ang friend ko (kapal ng mukha), inaway namin ng bonggang bongga yun. Pero hindi rin naghabol na si friend after malinaw na hindi talaga sya pananagutan. Ngayon, 3 years old na yta anak niya. And masaya sya. Kahit single mom sya, masaya sya kasi kasama niya anak niya. Yung dad? who knows, baka miserable na ngayon kasi hindi niya nakikita anak niya.

Re abortion: Sis please, don't do it. Galit na galit ako sa mga nagpapa abort so please, don't. Para sakin, yan ang isa sa mga pinakamalaking kasalanan sa lahat. Yung mga sinungaling, manloloko, kabit, nangangabit, magnanakaw at kung ano ano pa, lahat yun, mas magiging masama ka pa sa lahat ng yun. Kaya mo ba? And I know naiisip mo yan kasi magulo pa utak mo ngayon, and at this stage wala pa masyadong connection ang baby mo sayo emotionally, pero trust me, pag tumagal na ng konti at lumaki na ang baby sa tyan mo, you will develop feelings like you never had. You will love your child more than yourself and I'm not even exaggerating. Sobrang sarap ng feeling maging mommy. I hope tanggapin mo ang gift na yan. And frankly sis, you're not getting any younger. sa panahon ngayon at age 30 is considered risky na. What if yan na pala ang huling ibibigay sayo ni Lord?

Jaguar.Paw

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #6 on: July 07, 2014, 05:34:28 pm »
shejean

una sa lahat, congratulations sis sa iyong little angel! sya ang taga pagligtas mo. believe me, mag iiba ang pananaw mo sa buhay pag nahawakan mo na sya  ;) remember, hindi lahat nabibiyayaan ng baby so isa ka sa mga maswerte  ;D

family: expected mo syempre medyo madidisappoint sila. pero hello, 26 yrs old with work na nagpapaaral pa sa kapatid? i dont think kakamuhian ka nila. beep beep pero diba nga responsibilidad ng magulang mag paaral sa anak? you are responsible enough sis kaya go ahead ang tell them.

bf: idispatsa mo na. PERIOD.

baby: alagaan mo ng mabuti. wag ka magpaka stress lalo na't first tri mo. itapon mo na yang pampalaglag na meds. di mo need yan (anti abortion ako.. sorry.) total, ginawa mo yan at cgro naman nag enjoy ka so might as well panindigan mo na din.

kapatid na pinag aaral: depende kung ilang taon na. baka naman pwede working student? o kumuha sya ng scholarship para menos gastos.

i got pregnant 2 months after i turned a quarter of a century old (due ko next month!) and we've been together ni bf for 4 yrs. pero i don't rely on him much. di naman ako pessimistic pero just preparing for the worst.

aquacharly

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #7 on: July 07, 2014, 09:22:09 pm »
LEARN from this your experience.

Hwag ka na umasa ng kung ano sa BF mo.
A pregnancy should, ideally be a MUTUAL DECISION.   Eh kumbaga binulaga mo sya, what do you expect ? Eh di of course, hindi yan cooperative.  Look, 3 months pa lang kayo, or shorter, eh you had sex na. Well, eh di nauna yon before getting to know each other in depth, so... Hwag ka nang umasa pa.   No judgment but -- if a woman decides to  have sex before na nail down nya the commitment of a guy, or before ma know nila each other very well --  the woman should really take care of herself by being responsible with her birth control.  Yon yon eh. 

Tell your parents now.  It will lessen your stress -- you are over stressed as it is now, not good for your health & for the baby's development.

Go to your OB-Gyn for proper pre-natal advice & attention.

Andyan na yan, face it with prayers, acceptance & courage.   

AFTER you  deliver, & sa assessment mo may pera yang bf mo to give as financial support -- pa DNA mo baby mo para ma gamit mo the results to demand and/or sue for child support & acknowledgment of paternity. 

Do not use the baby as leverage with your bf --  Love  cannot be forced. 
Maintain a positive relationship with your bf since he is the biological father -- and kahit na mag ex na kayo, the child will gain from a relationship with its father.  (BUT if  negative ang character --- hwag na, ilayo mo anak mo.). 
« Last Edit: July 07, 2014, 09:28:01 pm by aquacharly »

margauxkhloe

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #8 on: July 07, 2014, 09:48:41 pm »
Sis, congrats! Wag ka na matakot because you're matured enough. Wag mo na isipin ang bf mo kung ayaw niyang panagutan. Well, it's his loss not yours. A baby is always a blessing. Naisip ko rin yang abortion noon because I got pregnant at 21. Pero syempre hindi ko tinuloy. Right now, tuwing uuwi ako from office, siya ang sasalubong sakin. Nakakawala ng pagod. Preggy ka kasi sis kaya naiisip mo mga yan ngayon but as soon as nanganak ka na, magiging okay na din ang lahat :)

dropdeaad

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #9 on: August 15, 2014, 11:25:11 pm »
Ako sis I'm pregnant at the age of 21 at sobrang nakakadepress din at gulong gulo ako kasi ang nagstop ako ng isang sem dahil nabuntis ako, at I remember 4 months nako ng malaman kong buntis ako nung sinabi ko sa boyfriend ko na buntis ako sobrang galit na galit siya na halos ngayon palang niya natanggap na father na siya kasi lumaki siyang spoiled kaya wala siyang balls na paglaban to, pero papanindigan ako at okay naman na kami ngayon. Pero hindi ko talaga inisip na ipalaglag tong baby naiiyak pa ako nung unang beses akong magpaultrasound kasi sobrang likot ni baby nun naisip ko na deserve niyang mabuhay kasi lumalaban siya at ang active niya ( i had a miscarriage before bago siya mabuo) pero pinagpatuloy ko yung pregnancy kahit magisa lang ako sa bahay namin talagang kinaya ko kay baby. Promise pag labas niyan magiging worth it lahat, lalo na kung alam mong anak mo nagaantay sayo paguwi at si baby kaya kang mahalin ng totoo niyan kaya don't worry sa bf mo, mahaba pa pagdadaanan mo sis marami pang pwedeng mangyari at maayos.

GeminiTiger

  • Guest
Re: unplanned pregnancy
« Reply #10 on: November 08, 2014, 10:25:35 am »
Hi sis shejean ! Its been awhile since you shared your situation. I hope all is well . Congratulations sa little angel mo . You are lucky to have a child . Its a blessing from God . Hindi lahat nagkaka baby so be happy and proud. And once nakita mo na ang baby mo , you'll be the happiest !

Sana nakapag prenatal check up ka na din by now . If not , you can go naman sa mga health centers . Free ang consultation dun . Kung wala naman complications and sana healthy ang pregnancy mo , pwede din naman sa mga lying in to gvie birth . Madaming forum dito na very helpful kung saan and magkano yung cost ng panganganak para maka pagprepare ka .

Smile sis !  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close