Iba iba talaga ang mga tao in terms of handling such crisis sa buhay nila. May iba, hindi nila makuhang magpatawad. Dahil sobrang revolting, insulto sa pagkatao yung nagawa. Ikanga ni TS, tinarantado nya ako. And I must agree. The moment na sumiping sya sa iba, narealize ko din ito dito sa GT, ginago na nya yung pagsasama ninyo. I am not in Phils right now and masasabi ko, ganito ang attitude ng mga babae dito. Mas may self respect and they simply cannot accept it. Kasi nasa kinalakihan nila. And once people know about it, katawa tawa ang itsura nung wife if she still sticks to the situation, kaya hindi nila ma accept.
Pero, on the other side naman, sa Pinas naman kasi, uso ang pagka martyr ng mga asawa at naglipana naman kasi ang mga kabit at nangangaliwang asawa. Kaya dapat bilang wife, dapat matuto ka maging martyr at magsirko sirko kahit naka emprente ang asawa sa mga pagkakamali nya.
TS, puede naman kasi seryoso na ang asawa mo na hindi ka na nya lolokohin at nagbago na naman sya. Pero hindi lang kayo mag agree pano ihandle yung anak sa labas. This is where I think the sore thumb is. You do not see things eye to eye. If you are to accept it, nakaka insulto. Parang adding insult to injury.
Sorry TS, you are right, mas madaling magsalita na magpaka martyr ka kung wala kami sa lugar mo. Mabigat na problema iyan, anyone who is in your shoes would want it to be resolved kasi ayaw naman natin ipasan iyan panghabangbuhay. Life is beautiful, hindi worth it magmukmuk ng mga ganyang issues forever.
"Probably the reason why I am still very much affected with this issue is that we have not discussed the possibility that he would still want to see his kid. He avoided talking about it probably because he didn't want me to be reminded of his mistake. Believe me, if he said he wanted to be with his son, I would gladly give him an annullment than be filled with resentment for the rest of my life. Some of you would probably say, "so, what's keeping you from doing it now?" We have a 9month old son who he adores, and my husband keeps telling me na ayaw nya masira pa ang pamilya namin."
Puede. Nakaka asar naman talaga if the person CHEATED (not honest) nanga before, and yet hanggang ngayon, magtatago pa ba sya ng totoo nyang nararamdaman? Maybe when both of you agreed 5 yrs ago na hindi nga ipapasok ang bata sa buhay ninyo, nag agree lang sya para hindi na pag usapan, case closed. Move on as mag-asawa. But deep inside him, he just felt things would work out anyway in the future, matatanggap mo rin naman eventually or matututunan mo narin yun i-accept, so kahit hindi nya sabihin sayo ang true intentions nya at the time na nag usap kayo, OK lang. Parang lumabas, naglie nanga sya by cheating on you, and yet he continuously does so (in terms of his intentions) kaya humantong sa ganyan.
Sino ba naman gusto makasama ang sinungaling? So di ko masisisi kung mawawala na ang nararamdaman mo para sa asawa mo.
I guess this is the best time to reflect ano ba ang gusto mo sa buhay mo? Kung namatay ba ang asawa mo, magiging masaya ka? Kung nakipaghiwalay sayo? Ikasisiya mo ba? If not, then mahal mo pa sya kahit papano. Sorry for the harsh "namatay", kasi I did came to that point, mas magiging masaya ako kung mamatay sana asawa ko. Pero ang masamang damo matagal mamatay, so what I did was just walked out. And tsaka ko lang nasabi na wala nakong mabigat na pasanin. Again, as I have said iba iba tayo ng pananaw. May iba, willing magpaka t*nga all in the name of love (ewan ko lang kung love talaga para sa asawa or love of the image of a happy marriage and family kuno). May iba naman who just cannot take it and just accept na magkaiba kayo ng pananaw and go separate ways. Which one are you?