Thank you for all your comments and suggestions.
Siguro hindi ko naiexpress maayos ang feelings ko kaya some of you jumped to the conclusion that I have been making my husband's life hell since he came back.
When he asked me if he could come home, sinabi ko sa kanya na magkakaroon lang ako ng peace of mind at makakapag move on kung walang reminder ng kasalanan nya sa akin. If he told me na hindi nya pwedeng gawin yun, I wouldn't have taken him back. I asked him for an annullment noon, pero ayaw naman nya.
The reason why I was so mad at him when he breached the subject of his kid after 5 years is that I felt betrayed all over again. Ano yun, nakipagkasundo sya sa akin na hindi nya ipapasok sa buhay nya ang bunga ng kasalanan nya, tapos all of a sudden, sisirain nya kasunduan namin? Selfish na kung selfish pero he had a choice to leave me and have our marriage annulled and have a life with his mistress and his kid or even with someone new who would allow him to be a dad to his kid, dahil alam ko na hindi kami magiging masaya at hindi kami magmo move on kung mananatili ang bata sa buhay namin.
para sa akin, masyado kang makasarili. imagine yourself being the child of a married man and a mistress and your father is an absentee. anong mararamdaman mo? sinabi mong wag kang i-judge at alam mong walang kinalaman ang bata, pero ba't ganyan ka? peace of mind mo? noong tinanggap mo ulit yung asawa mo, dapat alam mo sa sarili mo na mag-aadjust ka sa maraming bagay. you can't just take your husband away from his child. that's his child for pete's sake!
tapos ngayon gusto mo naman magalit sya sa pamilya nya dahil galit ka sa kanila? seriously, nasa gang age ka pa ba? hindi ka pwedeng makipag-kumpetensya sa babaeng nagluwal sa asawa mo, yan ang lagi mong tatandaan. wala sya ngayon sa piling mo kung hindi dahil sa nanay nya. nanay ka na rin kaya dapat alam mo na yan.
It would have been different if he had this kid before he married me. I know I will be able to accept him sa buhay namin dahil nakaraan sya. But this kid is the fruit of his sin and was one of the causes of my misery. Kamukha ng nanay, so pag makikita ko, maaalalala ko ang babaeng sumira sa pagsasama namin. Sabihin na na masyado akong praning, pero siguro, kung ikaw ay bagong kasal at nasa honeymoon stage pa lang, and you havent experienced the pain of betrayal, wala ka naman siguro sa posisyon para sabihin sa akin na selfish ako dahil ayokong ipasok pa sa buhay namin ang bata na bunga ng pagkakasala sa akin ng asawa ko. Ibalik ko sayo ang sinabi mo sa akin, kung sa yo nangyari ito, at this point that you are madly in love with your husband, then he had an affair and a kid with the mistress, can you honestly, with all your heart, say that you won't be affected everytime makikita mo ang bata?
Probably the reason why I am still very much affected with this issue is that we have not discussed the possibility that he would still want to see his kid. He avoided talking about it probably because he didn't want me to be reminded of his mistake. Believe me, if he said he wanted to be with his son, I would gladly give him an annullment than be filled with resentment for the rest of my life. Some of you would probably say, "so, what's keeping you from doing it now?" We have a 9month old son who he adores, and my husband keeps telling me na ayaw nya masira pa ang pamilya namin.
That is simply the reason why I came here... To seek help to keep our family together. Alam ko na wala na sa kanya ang problema. I am just someone who is simply asking how to fall in love with my husband again when I have this brewing resentment towards him because of an incident that happened two years ago. ( it was not because he had an affair, or he has a child with another woman; it was because I felt betrayed because he thought of breaking a promise that he made to me. A promise that was the basis of our new start.) i have already made peace that he had sinned 12 years ago. Tanggap ko na yun. Ang di ko lang kayang tanggapin ay yung isasakripisyo nya yung binuo namin dahil lang sa sulsol ng kuya nya na may iba namang motibo.
I always wondered about what "high maintenance" women are like, and you sound like one. Seriously - you demanded your husband to forget his obligations to his son and leave his family to take care of that? Sino ba namang magkaka amor sa in-law na tulad mo? And you wonder why his family dislikes you? Demand that your MIL takes care of you? Wala ka bang nanay? O baka naman pati sarili mong pamilya hindi din good terms with you? The fact that he provides for his mom, at nagpapasalubong sya sa mga kamag anak nya pag uwi, hindi ibig sabihin nun na may obligasyon silang pagsilbihan ka.
Sadly, you have used all the betrayal and the pain that you've experienced to make yourself ugly inside. In some ways, mabuti na rin na hindi mo plinastic yung stepson mo at hindi ka nya nakasama kasi baka pati sya ma-damage mo pa.
Your husband? Well, I hope he realizes what he has and what he doesn't have. And that he realizes his own self worth. If and when he does, pray ka he doesn't run as fast as he can away from you. And you gotta pray harder that his next wife/partner does not do what you asked him to do sa anak nya.
Madadamage ko ang anak nya? Eh pano ang anak ko? Pano ko sasabihin at ieexplain sa kanya na may anak sa labas ang tatay nya at one point in our marriage, tinarantado ako ng tatay nya? My husband doesnt even want our own kid to know about his mistake, so pano nya gagawin na ipapasok ang bata sa buhay namin without our child knowing about it? It's just a matter of choice, and is it my fault he chose us?
Hindi ako nasa gang age, at hindi rin ako isip bata, pero as a wife whose husband isnt around during the birth of our baby, masama ba na maghangad na may dumamay na inlaws sa panahong ito? And to answer your question, Priceless, i am in good terms sa pamilya ko. But my father is too old to accompany me to the hospital, my mom is already dead, my brothers and their family are already living abroad. If I had my family with me, hindi ako maghahanap ng tulong nila. Pero naawa ako sa sarili ko dahil naramdaman ko na mag isa ako sa panahon na kailangan ko ng kasama. I don't think my inlaws dislike me...they are just self absorbed. Hindi naman ako nakikipagkumpetensya sa nanay ng asawa ko at hindi ko naman sinasabi na awayin ng asawa ko ang pamilya nya. Masama bang sumama ang loob sa MIL na kapag me kailangan sayo, takbo ka agad to her rescue, pero sa panahon na kailangan ka nya ang sagot sa yo ano pa gagawin nya sa tabi mo, me mga nurses at doctors naman na aalalay sayo? Hindi ko rin iniexpect o inoobliga na pagsilbihan nila ako sa hospital dahil binubuhay sila ng asawa ko, pero yung presence man lang sana ng MIL ko lalo na at wala sa tabi namin ang anak nya. At hindi na rin lang siguro for my sake, apo nya ang anak ko, hindi ba? Alin, pag may kailangan, anjan agad sa harap mo, me pamasahe at pantext. Pag alam nila na maiinconvenience sila, missing in action na? Kung ikaw nasa katayuan ko, di ka ba maiinis? At masama ba na makaramdam ng pagkainis sa asawa mo na dinedma lang ang ginawa ng pamilya nya sa mag ina nya? He knew I had no one to rely on dito nung nanganak ako, yun pamilya lang nya, pero MIA sa panahon na kailangan namin ng karamay, di ba ako maghihinanakit na sana man lang nung umuwi sya pinakita man lamang nya sa pamilya nya na "they should take care of us the same way we are taking care of them". Aba eh, mas mabuti pa yung hindi namin kapamilya, umabsent sa trabaho para lang pagroom in sa anak ko, me tao sa room kasi nahuli akong ilabas sa OR. Alam yan ng asawa ko, pero puro "awa man kayo ni beybi... Kainis naman yan sina mama, pagsasabihan ko nga yan pag uwi ko..." Puro sya salita, pag uwi nya aysus parang walang nangyari. Ang akin lang, wag ka magbibitaw ng pangako kung di ka naman makakapagdeliver. I feel resentful sa inlaws ko, but I feel more resentful sa husband ko dahil pakiramdam ko, magaling lang syang mangako. I think ito yung nakadagdag talaga sa pagkainis ko sa asawa ko.
Hindi naman siguro ako total b*tch that some of you here has made me out to be, otherwise, hindi naman siguro magtatagal na makisama sa akin ulit ang asawa ko, or hindi na lang siguro nya ako binalikan.
I have been nothing but a good wife to him since he came back home to me in 2007. Nilunok ko ang kahihiyan everytime may mga kamag anak sya na napagkakamalan na ako yung babae nya. Ni wala sya narinig na sumbat o kahit isang mura mula sa akin. All I did was tell him what I want and what I needed in order to move on. I gave him a clean slate pagkatapos nya magdesisyon. Tinanggap ko ang pangako nya, and I feel I am entitled to react if that promise is being threatened to be broken. If that means I am high maintenance, siguro nga high maintenance ako.
Siguro, tama ka aquacharly, kung napektosan ko siguro yung asawa ko noon, Hindi siguro ako ganito kagalit dahil sa nasabi nya. When I read your comment, ramdam ko yung psychoanalysis mo sa akin. And yes, tama ka, dapat ko sya patawarin completely if I want things to be good between us.
As I have said earlier, I came here because I was hoping someone could tell me how to fall in love with my husband again kahit sa panahong ito naiinis ako sa kanya. I have tried reading self help books pero hay naku, ang hirap ipasok sa puso. Meron kaya sa inyo na naexperience yung galit ka pero gusto mo ayusin? Mas nangingibabaw kasi sa akin yung pagkainis kesa sa maging receptive sa kanya. I asked here, "hindi ko na ba sya mahal?" Kasi hindi ko alam kung hindi na nga ba talaga o in denial lang ako. Ayokong masira ang sinimulan namin kaya kahit ifake ko ang love na yan, ipifake ko wag lang magtuloy tuloy itong nararamdaman ko.