^oo selosa ka nga!

it's normal kasi you're into a relationship with your bf now na may 3 kids (same mother) from previous relationship. sa totoo lang 3 anak niya so madami yan kung tutuusin kesa sa iisang anak lang ang meron.
may tanong lang ako, may trabaho ba etong si ex gf? sino sumusuporta financially sa mga kids nila? if its your bf then yes package deal yang pinasok mo, isama mo na ang nanay kung sa ngayon eh walang means of income yung babae. unless ikaw magbayad ng yaya sa mga bata for the time being (if they're still in preschool or grade school).
by the way, you cannot force your soon to be in laws to turn their back to their ex-hilaw na manugang, after all may mga apo sila dun na bitbit niya. hindi lang iisa kundi tatlo pa!

normally they will make side comments na sana sila nalang nagkatuluyan ng anak nila, they will usually say these kind of stuff kasi may mga batang involve, hindi pa dahil sa gusto ka nilang masaktan. tama din na kupkupin nila ang mga bata kesehoda kasama pa pati ang ina. again, kadugo kasi nila yun. ikaw hindi -- kaya better wag mo sila kwestyunin sa decision nila kasi bahay nila yun di ba at baka ma hurt ka kapag sinagot ka nila ng ganito.
kausapin mo din si bf mo and tell him how you feel on the whole setup. after all, he will soon be your husband so ngayon palang pag usapan niyo na kung anong arrangement at support ang maibibigay niya sa dating pamilya niya. as early as now dapat klaruhin niyo na bago kayo magpakasal. para fair both sa side niyo lalo na sayo.
to be honest, I admire your ex for trying to be a father and somehow supportive parin to his ex partner. sa totoo lang madaming lalaki iniiwan na ang responsabilidad nila sa mga anak nila sa una kapag nakahanap na sila ng ibang pakikisamahan/pakakasalan. parang bang ang past nila ay hindi na nila ididinudugtong sa future.. para sakin mali ang pananaw na ganito kung may mga batang involve.
I understand na selosa ka but my dear, you have to work it out. kung half part of you hindi mo tanggap ang mga anak ni fiancé mo, advice ko lang sayo-- wag ka muna papapakasal ah. you have to accept 200% na may mga anak si fiancé and whether you like it or not magiging existing sila sa buhay mo, buhay niyo mag asawa, buhay ng mga in laws mo-- for the rest of your life. let me repeat,, for the rest of your married life. till death do us part eh kasama din sila.

remember 3 yan.
dun naman sa ex gf ni fiancé mo, ask him if he could advise her to find a decent job para hindi rin nakaasa sakanya ang support forever. si bf mo na ang dapat kakausap sakanya ng ganun. sila na mag uusap kung pano ang dapat settlement sakanila. for now kung wala pa silang matirahan (or wala pang means umupa ng ibang bahay) kung ako tatanungin mo, better ng andun sila sa parents ng in laws mo kesa mamublema pa ang bf mo kahahanap sa mga anak niya. gaya ng nabanggit ko kanina, mga grandparents ng mga bata yun, technically they have the right to help them.
try to have an open communication with your bf. as in open ah. that means willing karin makinig at umitindi sa mga reasons niya. ganyan talaga ang pinasok mong buhay. it all part of the package. hindi madali pero it goes better in time.
ang mga taong nakikipag relasyon sa may mga anak na dapat marunong lumunok ng pride at selos isama mo na kailangan nilang habaan ang pasensya at pag intindi. yan ang sinasabi ng husband ko sakin nuon bago kami nagpakasal. kasi baliktad tayo,, ako ang may anak bago ko siya napangasawa. samin dalawa, super laki talaga ang inadjust niya to make the relationship work.