Author Topic: My Boyfriend's Ex wife/live in partner  (Read 8302 times)

wanna_be_mom

  • Guest
My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« on: May 19, 2014, 07:52:48 pm »
Hi mga sis. I need your opinion or reaction about this one. i really felt so deceive.

I have a boyfriend now for years. nag live in na kami actually. Namanhikan na nga cla dati samin, and this bf of mine before my ka live-in meron silang 3 anak all girls. I know it from the very start and half tanggapp ko sya na may 3 anak na cla, half lang kasi medyo selosa po ako. yung ex live in partner nya may ka live in narin. Actually yung girl and una sumama sa lalake.

And here's the point of this story. Yung girl nag hiwalay na sila nung boy na live in partner nya. takot na takot yung girl sa live in partner nya DAW, at ayaw nang makipag balikan dun sa boy. And now yung girl nagpatulong sa family ng boyfriend ko na if okay lang ba na sa bahay sya tumira (BAHAY ng PARENTS NG BF KO) Dito kasi kami nakatira sa bahay namen.

Kasama ng girl yung mga anak nila at ayun andun sila nakatira ng anak nila ng Bf ko. Alam nyo yung ang sakit sis? selos na selos ako pero may karapatan ba ako mag selos na ang paliwanag saakin ng BF ko kung papalayasin nya daw ang ex nya dun sa bahay, sino naman daw ang magbabantay ng anak niya? kasi for sure pag aalis yung girl walang maiiwan magbabantay ng anak nila.

huhuhuhu ! grabe sis hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ng family ng bf ko? hindi ba nila alam kung ano ang mararamdaman ko? or am i being selfish dahil para rin naman sa mga anak nila yun?

hindi ba dapat labas na ang family ng BF ko sa sitwasyon nung girl at nung ka live in nya?? sinabi saken ng BF ko na minsan sabi ng mama nya na bakit hindi na lang daw sila magka balikan para sa anak nila.  :'( :'(

huhuhuhuuh pls i need insights :(

lovemeagain30

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #1 on: May 19, 2014, 09:46:00 pm »
^oo selosa ka nga!  ;D it's normal kasi you're into a relationship with your bf now na may 3 kids (same mother) from previous relationship. sa totoo lang 3 anak niya so madami yan kung tutuusin kesa sa iisang anak lang ang meron.

may tanong lang ako, may trabaho ba etong si ex gf? sino sumusuporta financially sa mga kids nila? if its your bf then yes package deal yang pinasok mo, isama mo na ang nanay kung sa ngayon eh walang means of income yung babae. unless ikaw magbayad ng yaya sa mga bata for the time being (if they're still in preschool or grade school).  :D

by the way, you cannot force your soon to be in laws to turn their back to their ex-hilaw na manugang, after all may mga apo sila dun na bitbit niya. hindi lang iisa kundi tatlo pa!  :) normally they will make side comments na sana sila nalang nagkatuluyan ng anak nila, they will usually say these kind of stuff kasi may mga batang involve, hindi pa dahil sa gusto ka nilang masaktan. tama din na kupkupin nila ang mga bata kesehoda kasama pa pati ang ina. again, kadugo kasi nila yun. ikaw hindi -- kaya better wag mo sila kwestyunin sa decision nila kasi bahay nila yun di ba at baka ma hurt ka kapag sinagot ka nila ng ganito.

kausapin mo din si bf mo and tell him how you feel on the whole setup. after all, he will soon be your husband so ngayon palang pag usapan niyo na kung anong arrangement at support ang maibibigay niya sa dating pamilya niya. as early as now dapat klaruhin niyo na bago kayo magpakasal. para fair both sa side niyo lalo na sayo.


to be honest, I admire your ex for trying to be a father and somehow supportive parin to his ex partner. sa totoo lang madaming lalaki iniiwan na ang responsabilidad nila sa mga anak nila sa una kapag nakahanap na sila ng ibang pakikisamahan/pakakasalan. parang bang ang past nila ay hindi na nila ididinudugtong sa future.. para sakin mali ang pananaw na ganito kung may mga batang involve.

I understand na selosa ka but my dear, you have to work it out. kung half part of you hindi mo tanggap ang mga anak ni fiancé mo, advice ko lang sayo-- wag ka muna papapakasal ah. you have to accept 200% na may mga anak si fiancé and whether you like it or not magiging existing sila sa buhay mo, buhay niyo mag asawa, buhay ng mga in laws mo-- for the rest of your life.  let me repeat,, for the rest of your married life. till death do us part eh kasama din sila. :D  remember 3 yan.

dun naman sa ex gf ni fiancé mo, ask him if he could advise her to find a decent job para hindi rin nakaasa sakanya ang support forever. si bf mo na ang dapat kakausap sakanya ng ganun. sila na mag uusap kung pano ang dapat settlement sakanila. for now kung wala pa silang matirahan (or wala pang means umupa ng ibang bahay) kung ako tatanungin mo, better ng andun sila sa parents ng in laws mo kesa mamublema pa ang bf mo kahahanap sa mga anak niya. gaya ng nabanggit ko kanina, mga grandparents ng mga bata yun, technically they have the right to help them.

try to have an open communication with your bf. as in open ah. that means willing karin makinig at umitindi sa mga reasons niya. ganyan talaga ang pinasok mong buhay. it all part of the package. hindi madali pero it goes better in time.

ang mga taong nakikipag relasyon sa may mga anak na dapat marunong lumunok ng pride at selos isama mo na kailangan nilang habaan ang pasensya at pag intindi. yan ang sinasabi ng husband ko sakin nuon bago kami nagpakasal. kasi baliktad tayo,, ako ang may anak bago ko siya napangasawa. samin dalawa, super laki talaga ang inadjust niya to make the relationship work.  :-*

« Last Edit: May 19, 2014, 09:53:19 pm by lovemeagain30 »

aquacharly

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #2 on: May 19, 2014, 10:44:07 pm »
Well, alam mo from the start he's a father of 3 --  Inayaw mong isipin na he will always be responsible for the 3 girls -- kahit na ilang asawa/live in pa daanan ng mom ng girls nya.  Grow up.

Mabuti nga may kaya at pagmamahal yung family ng bf mo na kunin yung 3 girls and his ex. San mo gusto sila makita? Sa kalye?  Grow up.

Nagseselos ka kamo ? Wala kang rason, IMO.   Grow up.

If you want a less complicated life, hwag mo piliin as a bf/future hubby ang guy na may anak na. 3 pa! Grow up.

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #3 on: May 19, 2014, 10:55:18 pm »
^thanks sis. After I read your post, it made me think napaka selfish ko pala at ang sama2 ko. Hindi pala napaka dali ng pinasokan kong relasyon. Sa totoo lang ang sakit sakit, mahal na mahal ko kasi BF ko, hindi ko kaya sabihin sa kanya na naiinis at nasasaktan ako sa naging decisyon ng parents nya na doon patirahin ex nya, kasi may bahay at pamilya naman yung babae. Actually kung tutuusin may mas katuwang pa yung girl na magbabantay sa mga bata kung doon sya titira sa kanila. Naiisip ko nga na baka set up lang ang lahat. Na baka tinry ng pamilya nya na doon ang girl sa bahay at kasama mga bata para may chance maisip ng BF ko na umuwi na lang at piliin ang pamilya nya.

Hindi ako vocal sa BF ko, kinikimkim ko yung selos ko kahit sobrang selos at sakit na sa loob :(
Hindi ko alam saan na ako lulugar sa kanya sa buhay nya. Wala akong lakas na loob na sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko.

As of now naiisip ko na tapusin na lang lahat ng sa amin. Oo ang sakit para sa akin pero siguro di ko lang talaga kaya ang ganitong relasyon. Package deal kumbaga. Ang sakit pala. Naiisip ko pa lang ang future na everyday of his life kelangan nya hatiin oras nya sa unang pamilya nya at sa amin in the future, ang sakit na.

I hope makaya ko ito lahat ng sakit. sorry sis if medyo ganito, dito ko lang kasi nailalabas lahat ng gusto kong ilabas. Medyo gagaan kahit kunte yung dinadala ko. Dapat siguro ihahanda ko na sarili ko sa magiging resulta ng relasyon namin. iniimagine ko palang hayyyysss ;(

bwiset12

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #4 on: May 20, 2014, 08:02:07 am »
^ sis, sorry to offend you ha. pero sa tingin ko malaki ang chance nilang magkabalikan kung wala ka.. and ask ko lang may anak na ba kayo? sa totoo lang, hirap ng pinasok mo. imagine 3 anak ng bf mo sa isang babae lang. so kung tutuusin malalim talaga ang naging relasyon nila. sorry din ha, pero parang naisip ko na baka rebound ka lang nya, since ang sabi mo nga eh yung girl ang unang nagkaron ng karelasyon. wala ka na kasing magagawa kung hindi ang tanggapin na "they will always be his first".. ilan taon na mga kids nila? kasi kung may mga isip na sila, malamang epal ang tingin nila sayo. nakakasama mo ba mga kids ni bf? sorry sis ha, daming tanong. opinion lang and sana maliwanagan ka :)

aquacharly

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #5 on: May 20, 2014, 11:34:36 am »
WANNA BE MOM.   Well, tama din na control mo sarili mo hindi ka go blah blah blah sa BF mo. Tama ka, dito ka na lang mag vent.  You don't know how your BF will react, baka put down your self-centeredness kasi kids/daughters are involved.   Let's be realistic -- where kids are involved, all of us adults are expected to act as mature adults -- with  patience & understanding. 

As for why his house, not hers & her family? For all you know, sawang sawa na sila with her messy love life. They may not be financially ok. Whatever, she may not be welcome in her own home.  You can never tell by appearances kasi.  So, where can the kids find nurturing shelter????

But... All this time she was already separated from your BF...  May always Kaya kasama sya  sa pagpapalaki ng mga bata?  Did she always have someone hold her during her attacks of loneliness?  Kung hindi sya ex ng bf mo -- maaawa ka for sure coz she isn't financially stable, has 3 kids whose  bio father is elsewhere.... & Just failed at another relationship.   Kahit na sabihin mong gayga sya, malandee, etc etc etc -- maaawa ka pa rin.
We all look for the same thing:  a man's faithful love, a partner thru the ups and downs, and a good future for our kids.  Well, she did not luck out with her searches...  Any help/kindness she can get to help her get up kung san  man sya nadapa --  should be given her.   As women, let us try to help each other:  do not turn a blind eye to those who are down --  let us help each other so nobody gets stuck kung saan sila nadapa.

If you can feel sooooo threatened by his reality of having daughters, and that ex --- Sis WANNA BE MOM, run away. Run fast. You will never have a peaceful night of rest, kung this love makes you insecure.  You deserve better. Every woman  deserves better than a love that makes one fearful & forecasting a life ahead of problems. Sis, hindi ka linagay dito sa mundo para maging kasama ng big problems of people who must live with the consequences of their poor choices or bad decisions. Life should be beautiful.
« Last Edit: May 20, 2014, 12:40:43 pm by aquacharly »

meisaia

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #6 on: May 20, 2014, 11:45:28 am »
like you said, tanggap mo naman yung sitwasyon niya na may anak siya, so wag ka na magtaka. syempre as a parent dapat talaga unahin niya yung kapakanan ng mga anak niya kahit pa masaktan ka niya. alangan namang para sa'yo eh palayasin niya yung mga yun di ba? and i don't think kakayanin din yun ng kunsensya mo.

kapag di ka na talaga makapagpigil then just talk to your bf, nicely. tell him you understand the situation but you can't help feeling jealousy. ang important naman sa relationship is open communication eh. then tingnan mo na lang ang gagawin ni bf mo. im sure makakaisip din kayo ng compromise. ;)

baliwsayo

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #7 on: May 20, 2014, 12:32:13 pm »
Sigh. Wala akong masabi. Naaawa ako dun sa mga anak ng BF mo.  :(

lovemeagain30

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #8 on: May 20, 2014, 04:53:29 pm »
^sis wannabemom, kung tutuusin nung nawala ng tirahan ang ang mag iina ng bf mo ay dapat sainyo sila nakituluyan kasi bitbit niya ang mga bata, at siya ang ama.  ;D siya dapat ang mas umako ng responsabilidad magpatira sakanila, hindi yung grandparents. dinala nalang siguro dun sa grandparents dahil nga baka mag away pa kayo.

it maybe sound bitter ah pero minsan talaga ang mga new partners ang dahilan kung bakit ayaw panagutan ng lalaki ang mga anak nila dati. yung ganyan ugali na nagseselos yung bagong asawa.
tapos etong si lalaki dahil ayaw ng gulo pagbibigyan ang new wife na iwan na responsabilidad sa dating pamilya. naku imbyerna talaga ako sa ganyan.  >:( may pinaghuhugutan lang.hahaha.

kung hindi mo kaya ang ganitong setup, yes hiwalayan mo siya. pero utang na luob, wag mo siya papipiliin between ikaw or mga anak mo.. magiging kontrabida ka sa pelikula.  :)  if you truly, deeply love this guy, you will understand and ajust. sabi ko sa unang post ko, it will get easier in time. pero kung hindi mo kayang tanggapin lahat-lahat sakanya,, then you don't really love him enough. akala mo mahal na mahal mo lang. it's time to move on.





sugardrop

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #9 on: May 24, 2014, 10:46:45 pm »
Yes, you're selfish! And if you cannot completely accept that those kids and their mom will always be part of your husband's life, and yours as well, might as well just walk away from it as early as now. Mahal na mahal mo bf mo? Then bakit hindi mo matanggap ng buong-buo yung mga bata? Are you trying to compete with them? Sabi mo selosa ka diba? Don't tell me pati mga bata pinagseselosan mo?

Jeez, bago ka pakasal, itanong mo sa sarili mo - kaya mo bang may kahati sa affection and attention na ibang bata yung magiging anak nyo? Kasi kung hindi, malamang magiging root cause yan ng away nyo. Yung mga walang kinalamang bata.

Miss, bago ka pakasal, pag-isipan mong mabuti kung ready ka ba. Ready ka ba to swallow your pride and pagiging selosa na wala sa hulog at pati bata eh pagseselosan mo pa. Kasi hindi madali yang package deal. Madaming times that you need to be selfless (which you're obviously not at this moment) and extra patient and understanding. If hindi mo kaya to, maybe you should think more than thrice about marrying this man. Not because of his kids but because of your own maturity and capacity to accept the whole situation. Accept ha, not being resigned.

Naalala ko yung madalas kong marining sa mga tao and sa movies, "mahal ko rin ang mga mahal mo" - kaya mo ba to? If not, isip isip ulit.

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #10 on: May 26, 2014, 01:04:20 pm »
thanks sis sa lahat ng mga opinion nyo.
natural naman po siguro mag selos, gusto ko lang po linawin na nag seselos ako sa sitwasyon ngayon na andon ang girl sa kanila.pero hindi po ako nag seselos sa mga anak nya na andon ngayon sa kanila.

thanks sis Aquacharly all of your insights really made me feel relieve and light.

nag usap kami lately ng bf ko. pinapauwi na nya ang girl doon sa kanila kasi nakuha ng bf ko [textspeak!] number ng live in partner ng girl. Ayun nagka text sila at sabi ng girl na doon lang daw sya tumira para makahingi ng pera sa bf pang asikaso sa lahat ng papeles nya kasi mag aabroad daw sya.

naiinis lang kasi ako kasi yung mga bata kahit ano ang pinagsasaksak sa utak nila ng kanilang ina. sariling ina sya pero nakaya nya i cursed anak nya eto [textspeak!] nya sa current bf ng girl "Pang, promise hindi ako tumira dito para makipag balikan sa kanya.andito ako para sya pagastusin ko sa pag aabroad ko para saatin. kahit pa magka sakit mga anak ko" grabe napaka immature talaga

lovemeagain30

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #11 on: May 26, 2014, 01:26:12 pm »
^^ Did you hear those words directly from the ex wife? if not, then stay out of their business. hayaan mo ng bf mo ang umasikaso ng gulo nila kasi sila ang may mga anak. tipong huwag ka ng ma involve/mag comment pa lalo na sa affair na meron ang ex wife niya. it should not be your concern unless sayo siya hihingi directly ng panggastos niya abroad. regarding how she treats her kids, its 'their' kids, She's the Mom. so avoid also on commenting (even to your bf) on how she should be as a parent at baka sayo ibalik yun lalo na't wala pa kayong anak. mamaya makarating pa dun sa babae at mas mag away pa kayo lalo kapag nagsalita din yun against you.

   I've learned that sa mga bagay na hindi ako directly involved, I should not care at all or else mapapahamak lang ako. kahit ba sabihin malinis ang intensyon ko still ang labas ko parin eh taga gatong ng apoy. ganyan ang nakuha/natutunan kong advise nuon dito sa forum. besides may conflict na kayo to start with, I doubt you will see any good about her. so better to stay away from their issue. madalas dun pa naayos ang mga bagay-bagay.

regarding the daughters staying with their mom in your in laws house. wala ka ng magagawa dun sister. i think madami ng nag advise sayo niyan dito. Suck it up nalang talaga kasi yan ang past na meron ang bf mo. gaano man atribida/user/walanghiya man ang ina, parte yan ng pagkatao tatanggapin mo sa bf mo at eventually, pakikisamahan mo din kung pakakasalan mo si bf mo. for example, kung sakaling mag failed yan si si ex wife sa pangarap niyang mag abroad or magbreak ng jowa ulit, most likely babalik ulit sila 'mag-iina' sa bahay ng bf mo.
« Last Edit: May 26, 2014, 01:48:51 pm by lovemeagain30 »

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #12 on: May 26, 2014, 02:00:44 pm »
^sis thanks . tama ka i should not get involved with their life.
eto yung gusto ko dito sa forum kasi mas marami ako natutunan sa life. oo i received words that can hurt my feelings but I know it is reality and I must accept it.

Sa ngayon ginagawa ko na lang maging supportive sa Bf ko kasi yung ex nya wala plan ipag enroll ulit yung eldest nila kaya I suggest na lang na sayang kung mag stop mag grade2 na . samahan ko sya bukas pa enroll sa eldest nila. Dati close naman ako sa mga bata.pag bibisita kami dati nung doon pa sila sa lola nila mas ako nga una papansinin kesa sa papa nila.

kaso marami nang mga salita na against saakin na pinaniwalaan na nga mga bata. nasasaktan rin ako minsan na yung ate ng bf minsan natawag ako sa name ng ex nya. pero ignore ko na lang.

sis what do you think you gonna do if every time pag tinatawag ka nila pero hindi sa name mo kundi dun sa name ng girl?

aquacharly

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #13 on: May 26, 2014, 02:07:22 pm »
They call you by the Ex's name???
Hwag ka bumaba sa level nila.
Hwag ka mapikon - ang pikon talo.
Just simply correct them, just say your name -- with no matching smirk or irap ha.    Deadma.
Sila walang modo, not you.

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #14 on: May 26, 2014, 03:30:28 pm »
oo sis aquacharly everytime magpunta kami doon sa fruitstand nila they call me by his ex's name . patay mali nalang ako. and yes ! i will follow your suggestion. si BF naman patay mali lang walang imik din.

and everytime I have new stuffs like phone gadgets yung kapatid nya babae na 18 years old always making comments infront of me like "kuya sakanya yang iphone5s? ngeek parang china naman katulad nung kay neighbor..and stuffs like that sis please ano ba gagawin ko? [textspeak!] lang po ako reaction.

and yung ate nya making fun of me like "uy bakit ako daw hindi pa nabuntis, nabuntis na land daw ulet yung neighbor nila tapos bakit ako hindi padaw" na ngiti na lang ako

graZiousa

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #15 on: May 26, 2014, 04:54:11 pm »
Sis wanna_be_mom hindi madali ang sitwasyon mo.. Good luck sis, sana malagpasan mo ito ng hindi kayo nagkakahiwalay. Mahirap nga na may anak na isa ano nalang kaya ang tatlo at kasama pa ang ina dyan ha. Siguro kung naayos nila ang problema nuon hindi sila nagkahiwalay, kung kelan na nagkaroon ng iba ang girl ang ikakasal na kayo tsaka sila may chance magkabalikan? hindi siguro sis kasi kung pwede pa maayos nuon pa lang inayos na nila diba. kaya kapit ka lang sis.. maayos rin ang kahat.. Good luck and pray hard sis na makaya mo ang lahat ng ito..

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #16 on: May 26, 2014, 05:56:39 pm »
sis graZiousa salamat sis :,( umiiyak talaga ako ngayon habang paulit ulit ko binabasa mga insights nyo sa sitwasyon ko. wala kasing nakaka intindi saakin nahihiya naman ako e share sa mga office mates at friends ko ang sitwasyon ko.

hindi naman sila in goodterms ng bf ko at yung ex nya. palagi sila nag aaway sa text at tawag.

update: kanina tinawagan ng bf ko yung mama nya. sinabihan na kung pwede pauwiin na sa kanila ang babae kasi magpapadala na yung ate ng bf ko para pang tapos na sa bahay ng ate niya na nasa abroad. yung bf ko kasi ayaw umuwi sa kanila hanggan andon pa ang ex nya.
wala naman reaksyon mama nya. sabi pa ng mama nya "bakit kasi hindi nalang kayo magka balikan para matapos na" sagot ng bf ko "ma paulit ulit nalang sinasabi mo, eh kung kayo nalang kaya mag asawa nyang si norbelen" 

ayaw umuwi ng girl sa kanila.ewan ko talaga ano gusto nya palabasin o nila ng pamilya ng bf ko.

mga sis pasensya na po kung medyo hindi ako gaano marunong mag tagalog. bisaya kasi ako taga davao kaya pagpa sensyahan nyo na po

iamABreal

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #17 on: May 27, 2014, 12:05:26 am »
wanna_be_mom
sis, super hirap ng situation mo. first kasi kahit si BF hindi ka mpapanigan kasi nga involve yung mga anak nya, tapos sabay pa yung family.

madali mag advise e, kaso pag ikaw na mismo nasa situation, mag iiba na pananaw mo sa mga bagay bagay.

if yung pagmamahal mo kay BF mo ay super strong, at sya din sayo, I know, malalampasan nyo yan. in time, matatanggap mo yan lahat. pero kung sa tingin mo hindi mo talaga kaya yung situation lalo na pag nakikita mo yung ex ng BF mo,  then hindi matatapos yang issue na yan, mas maganda kung ikaw na mismo ang lalayo. mahirap pero hindi ibig sabihin hindi mo magagawa.

alam ko mahirap, lalo na kung yung family ng BF mo e ganyan pa. Usap kayo ni BF, importante din alam nya lahat ng nararamdaman mo, as in lahat. kasi dun kayo magbabase ng decision na gagawin nyo.

Godbless sis :)

graZiousa

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #18 on: May 27, 2014, 10:09:38 am »
Ramdam ko ang sakit sis kahit hindi ko nararanasan ang ganyang sitwasyon, iisipin mo pa lang ang hiurap na diba.. Basta be strong sis, marami ang  hindi makakaintindi sayo at malamang ikaw pa ang sisihin na bakit hindi ka nalang lumayo at mabuo ang pamilya. Unfair naman yata yon sis diba, kasi pumasok ka sa eksena wala na sila ng nanay ng mga anak nya. Ok lang sis malamang marami ring bisaya dito tulad ko im from butuan, fluent lang magbisaya lumaki sa forth bonifacio.

Pray always sis! God Bless!

wanna_be_mom

  • Guest
Re: My Boyfriend's Ex wife/live in partner
« Reply #19 on: May 27, 2014, 10:18:49 am »
salamat sis graZiousa ;) at sa lahat ng sis dito. medyo magaan na talaga ang feeling ko ngayon na naibuhos ko lahat ng gusto kong sabihin dito sa GT.

true sis 2years na sila wala communicate nung babae simula nung time sumama ang babae sa ibang guy at ang bata nasa amin nung time na doon pa kami umuuwi sa kanila. pero simula nang sinabihan ng mga kapatid ng bf ko yung girl doon na nag simula lahat. umeepal na ang girl nagte text saakin ng kahit na ano at yun nga nakatira na ngayon sa house ng bf ko.

sabi ng mama ng bf ko antayin na lang daw makapag abroad ang girl, wag na lang daw paalisin doon sa bahay.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close