Hello!
Its been ages since I posted in this board, and I just want to ask you guys for your insights..
Here we go..
I am the silent type of girl, he is outgoing, friendly, sweet sa family.. While ako, kabaligtaran lahat.
Masungit ako, pero I was never disrespectful sa lahat ng family,friends or acquiantances nya.
Di ako friendly. I have this aura na people tend to not to talk to me like the way they talk to him. Unapproachable ako. Di ako ganon ka nice, pero polite ako. Nagegets nyo ba? Basta introvert.
Simula pa lang, bago ko sya sinagot, I know we are opposites. End to end talaga. So kung iisipin, di kami magtatagal.. But here we are, approaching our 7th anniversary this year..
But here and there. Problems always strike. Mabilis kami magaway. Even the smallest things. Kasi diba nga he's friendly and all, and he doesn't want anyone to get in the way when he wants to do something. Parang ang hirap nya mag adjust. Pero sometimes I can see na ginagawa nya (pero after the fights, and reklamo ko na he can't adjust sa situation)
Hindi ako ganon kagaling magnarrate ng story. Bear with me na lang. and makakalimutin ako, im telling stories from my short term memory fail brain.

Lately, away nanaman kami ng away. Almost everyday. Kasi inconsistent sya sa sinasabi nya. Kunwari, may sasabihin ako na pupuntahan namin kasi kailangan blah blah. But he would tell me "ay naku mukhang di tayo pwede kasi baka kapusin tayo" (you know the life of an employee, kapag malapit na sahod, malapit na rin maubos pera

) So sabi ko, "o sige dito na lang tayo para hindi gumastos blah blah. Sabi nya sige.. Then maya maya sasabihin nya tuloy na lang daw kami. Tapos pagpapunta na, malalaman ko kasama pala friends nya kaya tinuloy nya.
and one time na nung pauwi na kami, tinanong ko kung magjajog pa ba kami, sabi nya wag na lang daw pahinga na lang. then nung nakita nya na may activities sa lugar nila, bigla nyang sinabi na sasali sya, sabi ko "hala!" tapos biglang nabwisit sakin. sabi ko kala ko ba magpapahinga ka? sabi nya gustong gusto daw nya maglaro. tapos nagalit na sakin.
Inconsistent yun diba?
Ako kasi pagdating sa kanya, pag may usapan kami, pag nasa work ako, mamadaliin ko lahat tapusin, para di sya maghintay.. di na ko makikipagkwentuhan etc etc. Pero sya, he is always making me wait. Alam ko kasi ugali nya na nakikipagkwentuhan sa mga workmate nya. Tapos minsan aayain na nya ko eh may ginagawa pa pala sya, so ako maghihintay ako.. Lagi na lang ganon, so naiirita na ko,..
marami pang instances ng away namin. pero di ko na madetailed.. vague na sa memory ko.
Basta magkaiba talaga kami. Kasi sya, priority ko sya.. Pero ako, pakiramdam ko sa kanya, ka level ko lang mga kaibigan nya. sinasabi ko yun sa kanya, sinasabi lang nya na di ko sya maintindihan, minsan lang daw.
kagabi nagaway nanaman kami.. maluha luha na ko. i'm thinking.. up to how long na ganito. pag nageexplain ako sa kanya. sama ng loob nya sinasabi nya, pero yung sakin, di nya iniintindi. parang navovoid kasi may reason naman daw yung mga ginagawa nya, or kahit walang reason eh "gusto nya" eh.
we were never the same. if napanood nyo yung till my heart aches end, malaking similarities ng story nila and characters yung pareho samin. ang difference lang is, nagkahiwalay sila kim and gerald doon sa movie.
as a guy, diba may word of honor kayo? bakit ganon, laging pabago bago. pag nagreact ako, sakin pa sya magagalit.
maybe ang root cause nga nito is he is outgoing, and i am just devoted to him..
salamat sa mga magbibigay ng insights..
ps. regarding sa title.. nung minsan na away namin.. nabanggit nya sakin na "minsan naiisip ko na yung compatibility..."