watch now

Author Topic: Dealing with iiwan si baby for work abroad..  (Read 20867 times)

chubzkittinz

  • Guest
Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« on: May 05, 2014, 03:04:40 pm »
For OFW mothers..how did you manage na iwan ang family for working abroad?

Im feeling sad na kasi..iniisip ko palang na aalis ako, nalulungkot na ako..

bhey0624

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #1 on: May 05, 2014, 03:33:47 pm »
hugs sis! mahirap nga yan :( ako nga, ini-imagine ko lang na mawalay sa mga kids ko, nalulungkot na ko.. siguro isipin mo lang lagi yung reason why you decided to work abroad. i'm sure it's for your baby's future. then look forward ka na lang sa futue, like if medyo settled ka na abroad, baka pwede mo ng kunin ang family mo.

God bless sis!

chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #2 on: May 05, 2014, 03:44:54 pm »
Thanks sis!..iyakin kasi talaga ako e..iwanan nga lang si baby sa morning mabigat din feeling e..pero sinasabi sakin lagi ni hubby na dapat lakasan ang loob,lalo't tama ka sis, its for the future..pero everytime iniisip ko..naiiyak talaga ako..

Girltalker2

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #3 on: May 06, 2014, 07:44:58 am »

^ iiwan mo rin ba ang hubby mo? 

Sorry just asking. Quite difficult kasi.  Managing LDR w hubby na, with kids pa.  For me kasi when I went abroad, it was a non-nego for me. Kahit pa sakto lang ang gastos ko sa sweldo ko, I just have to take my kids with me.  Matigas ulo ko eh.  My mom even told me iwan ko muna. Di ko maiwan.  I went first, then after a few weeks, bumalik ako para sunduin sila.  Hindi din kasi ako maka concentrate sa work not seeing how they are doing every day.  Tsaka ang dilemma ko, honestly, I do not trust anyone to take care of my kids 100%.  So kung kasama ko sila, kahit na not 100% by their side ako kasi I need to work, namomonitor ko sila every day.


chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #4 on: May 06, 2014, 12:53:52 pm »
Yes sis..maiiwan din si hubby..yan nga din iniisip ko siguro a few months i'll get them din..pero hindi agree si hubby dapat dito lang daw si baby and atleast isa lang magwowork abroad..para may nkatutok pa rin sa baby namin..sa totoo lang natatakot din ako tumira abroad..

Girltalker2

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #5 on: May 06, 2014, 01:07:33 pm »

^ bakit hindi nalang hubby mo umalis? 

Kasi in general, mahirap talaga mawalay ang bata sa ina especially if less than 7yo pa ang bata.

Bakit naman dapat nasa Pinas ang baby mo, tsaka bakit isa kelangan nasa abroad?  Bakit hindi puede magkakasama kayo lahat?

chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #6 on: May 06, 2014, 01:15:10 pm »
wala pa talaga kaming plano sis..hindi ko pa alam sa ngayon ang gagawin..i know hindi pa din sure si hubby..siguro nga i'll take them with me in a few months, hindi ko pa masabi..it will depend if maging maganda takbo ng buhay ko abroad.. :(

lovely_carrot

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #7 on: May 06, 2014, 01:39:53 pm »
Mine is from a different view, I'm a daughter of an OFW single mom. Hindi naman sa dinadagdagan ko ang bigat ng saloobin mo sis, pero question lang, how long do you plan to work abroad?

Malaking bagay yun absence/presence ng magulang sa buhay ng mga bata alam natin yan. Kung plano mo magtagal sana may future plans ka na isama anak at asawa mo sa abroad.

Ako lang, since naexperience ko na maging anak ng OFW, I never thought of working abroad nung naging mommy na din ko. Ang hirap kasi lumaki ng wala yung magulang mo. I don't want my daughter to experience the same. To sum it up, natrauma ako sa pag alis ng Mama ko.

She left for HK when I was 11, 29 y.o na ko nung bumalik sya Phils. So my whole teenage years laki ako sa lolo/lola ko. Sa school, sariling kayod pag may assignment, projects. Andami namin namiss  na occasions, important events in our lives. Everytime na aalis sya masakit sa loob.

I know its not easy on her part pero she had no choice kasi single Mom sya. Baka ikaw meron pa, think about it hard. Baka minsan, yung side lang natin ang naiisip natin without really thinking how it would affect our child. It doesn't matter kung anong edad nya sis, the child will feel his/her parent/s absence, yung effect nyan long time.

chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #8 on: May 06, 2014, 01:54:59 pm »
 :'(..I really don't wanna go but I have to..baon na kami sa utang..I don't see any more options since nabigyan na ako ng ganitong pagkakataon..Ako lang may kakayahan magabroad samin ni hubby..I have a very supportive parents pero ayokong umasa nalang din sakanila..alam ko na malaking parte talaga ng buhay ng anak ko ang hindi ako magiging parte..

Misis_Maku

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #9 on: May 06, 2014, 03:16:03 pm »
Hugs to you, sis... super tough decision nga iyan, pero palagay mo ba magiging super worth it pag-alis mo? Wala na ba talaga ibang way para mabayaran ninyo unti-unti ang utang ninyo? Si hubby ba walang work? Sorry, kung intruding na masyado questions ko.

Anyway, share ko lang na anak din ako ng OFW, pero father ko naman yung nag-abroad ng mas maaga while naiwan kami with my mother, although gusto din mag-work ng mother ko para makatulong sa expenses, ayaw syang payagan ng father namin; which I guess is nakatulong naman ng malaki for us. Although, saddest part nga lang is maagang namatay father ko. :( Up to now namimiss ko pa din sya, and iniisip ko na sana mas nakapag-spend kami ng more time with him at nagkaroon mas maraming memories with him.

Mabilis mag-fly ang time sis, weigh mo ng mabuti bago ka gumawa ng malaking decision. Siguro you have to consider some pros and cons, like maganda ba yung offer sa iyo at maayos mapupuntahan mo abroad? Madali ka lang ba makakauwi ng Pinas kung needed? Gaano katagal ang contract? Sure ba na allowed at madali lang magdala ng family member sa country na pupuntahan mo? Maalagaan ba ng maayos ang baby mo? etc.

Naging OFW din ako before ako mag-asawa, para masuportahan ko studies ng mga kapatid ko and I can say na hindi palaging madali kapag nasa abroad ka na. Although I was blessed to have a boss na parang anak turing sa akin plus madali akong nakakauwi if I want since sa China/HK lang ako. Inip at homesickness lang talaga major na kalaban ko, kahit pa uso na ang skype at facebook.

Anyway, I hope whatever maging decision mo, makabuti para sa inyo, hindi lang financially pero make sure na it will also keep your relationship with your baby and your hubby intact - more than anything, importante ang strong relationship with family. Come to think na lang of families na walang wala talaga pero nakaka-manage makaraos sa araw-araw.

Cliche man sabihin, pero hindi naman pera lang ang makaka-solve sa mga problema minsan kasi sa kakaisip ng problema na-o-overlook natin ang ibang options.


gharz412

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #10 on: May 06, 2014, 03:34:04 pm »
Hugs for you sis,  :'(  It will be very2 hard tlaga ako nga naiicip ko palang naiiyak nko. I can't imagine myself being away from my baby for such a long time. Now nga na i'm at work naiicip ko baba ko...But you know we really need to sacrifice kung para din naman sa ikakaganda ng future niya. And also tell your hubby na he must do something about the situation hindi yung ikaw lang magsacrifice...

bratty

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #11 on: May 06, 2014, 03:46:48 pm »
TS, san ka bang bansa pupunta? Baka naman may relocation package for the family?

chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #12 on: May 06, 2014, 04:47:46 pm »
Thanks mga sis :'(..qatar ako pupunta..kukunin ako ng brother ko duon..my hubby really wanna go pero ako lang my option sa ngayon..may trabaho naman si hubby ngayon kaso sobra liit lang..alam niyo mababa tingin ni hubby sa sarili dahil sabihin na nating mas competent ako saming dalawa pagdating sa income..dahil ako yung nakagraduate at siya hindi..nung pagbalik ko ng work after ko manganak, sya ang naging mas nanay ng anak ko dahil nga wala syang work nun..madami na sakripisyo si hubby mga sis..cant enumerate..kaya feeling ko this time ako naman..

lovemeagain30

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #13 on: May 06, 2014, 10:16:05 pm »
mahirap nga yan. ginawa ko din yan dati sa eldest ko when I left for middle east. single mom pako nuon. I worked in a call center industry at yun ang bumuhay samin mag ina. kaso I have to be realistic na hindi rin naman ideal ang pamumuhay ng nasa call center (though nagstay ako dun for 6 years din), madami ding sacrifices kasi yun ang may pinakamalking income. I must admit may pangarap din ako mag abroad. I don't think being a mother/parent you should stop dreaming for yourself and sacrifice everything para sa anak mo. as much as possible, balance din dapat. meron ka rin para sa sarili mo at meron din dapat para sa anak/pamilya mo.

leaving your family is difficult pero it's not impossible to continue/build relationship nowadays. high-tech narin naman tayo at madami na tayong means to communicate unlike years ago na puros sulat kamay or telegram lang aasa. I have friends na OFW ang parents nila but they never despise the reason why their parents left them in the Philippines. Some of them even followed their parents abroad after college. Nasa pagpapaliwanag yan sa bata Sis at nasa mga tao mag aalaga sila while the parents are physically absent. however andun naman ang love and support sa mga anak kahit malayo sila. kasi sila yung magpapaintindi sa mga bata bakit wala yung magulang nila. ngayon kung ang makuha mong caregiver/kamag anak ay naninira or tsimosa dun magkakaron ng bad impact yung pag alis mo sakanila.

of course, there are some things/occasion you will missed out. kaso eto lang isipin mo, walang perpektong magulang at walang perpektong pamilya. hindi ibig sabihin dikit dikit kayo ngayon sa hirap at ginhawa ay mas better parents/family kayo kumpara sa ibang tao na hindi ganun ang sitwasyon.
madami din akong kakilalang tao na lumaki nga sila magkakasama pero hindi rin nagging maayos ang trato nila sa isa't isa.

hope makagaan sayo kahit papaano ang post ko. good luck sis and God Bless.

bratty

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #14 on: May 06, 2014, 10:25:02 pm »
TS may naghihintay na bang work sayo sa qatar? Bakit di mo i-negotiate ang relocation package? Pag-isipan mong mabuti sis at ipagdasal mo.

Girltalker2

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #15 on: May 06, 2014, 10:55:11 pm »
Hugs to you, sis... super tough decision nga iyan, pero palagay mo ba magiging super worth it pag-alis mo? Wala na ba talaga ibang way para mabayaran ninyo unti-unti ang utang ninyo?


Baka puede ka muna umutang sa brother mo o parents? 




Mabilis mag-fly ang time sis, weigh mo ng mabuti bago ka gumawa ng malaking decision. Siguro you have to consider some pros and cons, like maganda ba yung offer sa iyo at maayos mapupuntahan mo abroad? Madali ka lang ba makakauwi ng Pinas kung needed? Gaano katagal ang contract? Sure ba na allowed at madali lang magdala ng family member sa country na pupuntahan mo? Maalagaan ba ng maayos ang baby mo? etc.


Very valid ang napoint out ni sis maku.  You don't have to answer it here, pero think about it - magkano ba ang maiipon mo para ipambayad ng utang or pang future ng anak ninyo?   Note - ipon, not salary. After tax, after all expenses and after all long distances at leaves/travel. Is it worth it?

Gaano katagal?
Kung para sa future ng anak ninyo, hindi ba ibig sabihin forever ka andun?  Hindi naman isang contract lang, sagot na ang full education ng anak ninyo forever.  Ang solution mag abroad normally is a long term one, it is never a one-shot deal. Unless yung pupuntahan mong country eh feasible manirahan kayong buong pamilya.  Qatar doesn't sound like a family-friendly place for foreigners. Unlike Canada, US or Australia.

Kung na andun ka na, can you focus on work or baka lagi kang mag-aalala such that di karin maka usad doon? 

Ang work mo ba dun aligned sa line of work mo such that your career will prosper?  May career path ba?  Hindi temporary lang.  Kung baga, after 2 yrs of work there, kapag umuwi ka ng Pinas or pumunta ka ng ibang family-friendly na country (para magkakasama na kayo), mas magiging hireable ka ba?


Thanks mga sis :'(..qatar ako pupunta..kukunin ako ng brother ko duon..my hubby really wanna go pero ako lang my option sa ngayon..may trabaho naman si hubby ngayon kaso sobra liit lang..alam niyo mababa tingin ni hubby sa sarili dahil sabihin na nating mas competent ako saming dalawa pagdating sa income..dahil ako yung nakagraduate at siya hindi..nung pagbalik ko ng work after ko manganak, sya ang naging mas nanay ng anak ko dahil nga wala syang work nun..madami na sakripisyo si hubby mga sis..cant enumerate..kaya feeling ko this time ako naman..

Puede ba mag aral ulit hubby mo sis?  Mag working student muna sya.  Kasi mukhang hindi pa kayo ready magpamilya?  Sorry sis, I don't think nakakatulong ako.  Pero kasi parang nag-guilty ka. Na parang "kailangan" ka magsacrifice.

vainmom

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #16 on: May 07, 2014, 01:38:25 am »
my husband nasa middle east, jeddah..he left 2 years old pa lang anak namin..sa totoo lang ayaw din niya umalis at maliit pa boy namin. baka daw pagbalik niya hindi siya kilala ng unico iho niya. pero need niya gawin at baon din kami sa utang..ako din mabigat sa kin. before he left, pinagusapan namin future plans namin dahil sabi ko ayoko ganito kami forever, magkalayo. usapan namin after 2 contracts niya (2 year contract so bale 4 years din yun) lilipat na siya ng canada o any open city sa middle east that he could bring us..2 years na siya this year (though yearly my 1 month vacation siya)and my offer sa kanya sa iba place which is open city and he will bring us too..konti tiis lang sis talaga..

sabi nga ng BIL ko before, mas ok na umalis na baby o maliit pa lang anak mo. kesa yung may isip na like elementary o highschool na mas kailangan ng parental guidance

chubzkittinz

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #17 on: May 07, 2014, 12:55:09 pm »
Gustuhin ko man umutang para mabayaran ang mga utang ko..wala din ako mauutang sakanila..I already tried a bank loan but no luck..wala akong guilt..hindi ko maexplain ang sitwasyon namin ni hubby ngayon e..bsta happy ako kasi very supportive ang parents ko..Icoconsider ko din sis yung lilipat to any open city at kukunin ko sila..nagwowory din ako baka hindi na ako makilala ng baby ko..malaking tulong nga daw ang technology ngayon dahil nakikita ka na rin hindi lang boses..thanks sa mga post nyo mga sis.. :'( ..hinahanda ko talaga sarili ko..

Priceless

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #18 on: May 07, 2014, 03:34:41 pm »
Aside from the separation anxiety, I would say na you also have to be conscious of how being away from your family will change you and your lifestyle. Having lived away from PH for a long time, marami akong nakikilalang OFWs who have grown used to being alone, living life independently - away from their families. Don't get me wrong, they love their spouse/child/parents/siblings very much, pero over time, you get used to your life being "alone". Marami ang nahihirapang bumalik for so many reasons such as (1) having the money and financial ability to do things, buy things, etc. is so addictive (2) they're not used to the daily life/routine/relationships that their families adapt to and develop while they're away (3) getting used to the conveniences/easy life abroad (imagine clean taxis, excellent healthcare, no pollution, etc etc etc)... ang mas masakit, kadalasan yung naiwang family sa Pilipinas are not used to having you around either, and they might not adapt so easily once you're back for good (at of course, wala na yung stable source of money & padala for them). 

Sa simula pa lang, set your eyes on the prize ika nga, and be prepared to set a deadline. Like for example, once you have achieved your goal such as pag kumita ka na ng certain amount, babalik ka na, or kukunin mo na ang family mo. Make sure you don't move your goalposts either - although it will be very tempting to do so once nakikita mong either super dali lang pala ng goal mo or super hirap. From the outset, make your goal realistic then work like mad to achieve it.

bratty

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #19 on: May 07, 2014, 09:54:58 pm »
^very nice points sis Priceless.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close