Hello. I think akin na yata ang may pinakamababaw na kwento pero sana pagtyagaan nyong basahin and please advice po, kahit gaano pa kasakit yang advice na yan.
Anyway, classmate ko siya nung college, nakabased sya sa Canada and nameet nya ko sa Facebook so obviously naging kami online. Three months lang naging kami kasi lagi kaming nag-aaway, controlling siya, gusto nya alam nya lahat kung saan ako pupunta or anong gagawin ko, okay naman nung una until one time na nagpaalam ako sa kanya pero biglaan yung lakad, pero kilala naman nya kasi mga best friends ko kasama ko, nagalit sya don, sabi nya ipinaalam ko lang sa kanya kasi alam ko daw na hindi daw siya makakatanggi, sa sobrang inis ko nakipagbreak ako sa kanya.
Nagmessage ako sa kanya sa Facebook na nakikipagbreak ako sa kanya, seen lang nya, hindi siya nagreply, hindi din niya ako unfriend or block, as in ignore lang ang ginawa niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong tumatakbo sa isip nya.
Two weeks na kaming break and ewan ko ba, woman's intuition daw eh totoo, nakita ko kasi na may inadd syang friend (stalker lang ako), and then nung tiningnan ko yung inadd nya, college classmate din namin, second account nya bale (pseudo account kasi ibang name gamit nya though yun pa din ang picture) nagtaka ako kasi may FB naman yung girl na yun at nakaadd kaming lahat ng classmates nya, so tiningnan ko yung orginal account nung girl and nagulat ako na hindi na sila friends ng ex ko, doon sa second account nila sila friends at sya lang ang nakaadd don, so kinutuban ako na sila na siguro. Pero at the back of my mind, sana hindi sila, huhuhu.
So feeling ko, though ayokong mag isip ng masama sa ex ko, hindi talaga siya nainlove sakin or ang bilis lang niyang nakamove on, up until now, hindi nya ako kinakausap pero we're still friends in FB, ayokong mag-initiate na kausapin sya kasi natatakot akong ireject nya ako at baka sila na nga nung classmate ko.
Help me naman, ano bang dapat kong gawin? Mag move on na na ba ako? Or maghintay lang ako? Sorry talaga sobrang haba na nito at baka mabore kayo, hindi ko na alam kasi gagawin ko, kahit short lang relationship namin, kahit LDR, sobrang minahal ko na siya. Thank you po
