^ Hi sis, virtual hug to you. I was once in your shoes. Yung feeling ko hindi na matatapos, yung akala ko siya na talaga, though 4 years lang kami nun, pero di ko maiwasang maramdaman yung ganung feeling na sana siya na sa dulo kasi super comfortable talaga kami sa isa?t-isa, pero wala, in 1 year, 3x kami nag-cool off at 2x kami nag break hanggang sa ako nalang nag-give way. Why not take a break? Alam mo, nasabi narin sakin dati ng ex ko yan, mahal pa daw niya ako pero hindi na siya masaya. Naisip ko, pwede ba yun? Ang alam ko kasi kapag mahal mo ang isang tao, no matter what happen in your relationship, masaya ka kasi anjan siya.
Super crayola ako, lalo kapag nakikita ko na masaya siya kahit wala ako, sobrang sakit nun. Pero yung sakit na akala ko di na matatapos, yung luha na akala ko di na mauubos, akala ko lang pala yun

Sa ngayon, masaya ako, I met this guy na super kabaliktaran ng ex ko. AKala ko nga nun, di na ako makakahanap ng iba kapag nakipaghiwalay ako sa kanya kaya hesitant ako nun. But I was wrong.I believe na you have to pray for it. Kung para sayo, ibibigay, kung hindi ibigay, may mas better na kapalit.
Di ako magaling magpayo eh, pero I know, kaya mo yan

Ako nga kinaya ko, sila nga kinaya nila, ikaw pa kaya?

Ang Love parang paggi-gitara, kailangan mo munang masaktan sa pagtipa bago mo matutunan

O diba, ewan ko kung san ko napulot yan hahahah XD Pero darating talaga sa buhay natin na sasampalin tayo ng tadhana ng sobrang lakas para matuto tayong lumaban! Lavern lang hahaha. Ang sanggol na bagong panganak, pinapalo sa pwetan para masaktan at umiyak para malaman niyang buhay siya. Ganun din tayo, kailangan nating masaktan para malaman nating buhay tayo. Hahahahah lumalayo na ako sa topic, gusto ko lang sumaya ka pag nabasa mo ?to.
God bless you sis

PS. Taga-Nueva Ecija din ex ko xD