Dear Someone,
this week, mas ikaw na ang nag reach out sakin, though may times na seenzoned pa rin ako or matagal ang reply mo pero gets ko naman kung bakit, kausap mo rin sya at sya ang prio mo, pero ilan beses ka rin nag sinungaling sa kanya, matulog ka na pero ako naman kausap mo or kasama mo.
mahal mo nga ba talaga sya? kasi kung mahal mo yan, iwasan mo na ko, sabi ko naman sayo ikaw ang lumayo, dahil di ko kayang gawin. pero andyan ka pa rin? hanggang kelan mo ko kailangan? yan na lang kasi ang napi feel ko now, completion ako ng mga bagay na di mo pa makuha sa gf mo.
nagtataka pa ko sabihin mo go with the flow ka na lang sa nangyayari sayo, para mo na rin sinabi, di ka talaga sure sa kanya, maybe nabibigla ka lang dahil di ka sanay na marami naka paligid sa inyo, dahil sanay ka nagtatago lang tulad natin.
darating din time un sinasabi mo 80% lang na feel mo sa inyo 2, un wall na d mo ma describe kung ano, mawawala rin yan, masyado lang maaga pa, wag mo i compare sa nangyari satin, end chapter na tayo kayo chapter 1 pa lang, masyado pa maaga para mag isip ka ng ganyan. mas ok nga foundation nyo kaysa satin. kaya feeling ko magtatagal kayo. saka kaya nga kailangan mawala na ko sayo para ma 100% mo na yung sa gf mo.
tinanong din kita if mamiss mo ko pag nawala ako , sagot mo d mo alam, sinabi mo mahal mo parin ako pero andun na sa ilalim dahil mas mahal mo na sya.. sana d mo na lang sinabi na mahal mo parin ako, kung nasa ilalim na lang pala ako,, d mo na ako mahal, memories na lang yan naiwan
kaya sana tumigil ka na, tulungan mo na lang ko, dahil d ko kaya pag ako lang..