watch now

Author Topic: Dear Someone (Thread 3)  (Read 38681 times)

ysa.belle

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #120 on: July 18, 2014, 10:08:37 am »
dear someone,

smile ka na po. we love you po.


----

post for july 19

dear someone,

sana maparaanan yung visa na makapasa ako
« Last Edit: July 19, 2014, 10:00:37 am by ysa.belle »

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #121 on: July 20, 2014, 01:01:09 pm »
Dear someone,
Lawak lawakan din ang isipan paminsan minsan. Dami mong palusot sa lahat ng sinabi ko.

ysa.belle

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #122 on: July 20, 2014, 09:33:58 pm »
dear someone,

pasensiya ka na if di ako sumama sa lunch kahapon, dapat naman andun ako kahit na di ko feel mga iba mo na visitors, yun nga lang 'siya' yung nailang, siya yung  may ayaw pumunta. syempre sa kanya pa din ako sasama. di ko naman kayang magalit siya.

nixiquita

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #123 on: July 20, 2014, 10:58:46 pm »
dear someone, i hope youre happy and relieved now.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #124 on: July 21, 2014, 08:28:37 am »
Dear Someone,

Kahit nakasalubong lang kita inlove na ko sayo. Please tulungan mo ko makamove on. Di ka magsisisi sakin promise. :)

mama squeak!

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #125 on: July 21, 2014, 10:14:06 am »
Dear Someone,

Bago ka manita ng ibang tao tingnan mo muna ginagawa at sinasabi mo. Hirap sa yo nakikita mo ibang tao na gusto lang tumulong. Feeling mo kinakalaban ka na. Sobra ka naman balat-sibuyas. Wag kang pasaway ha. Naalala ko tuloy sabi ng Lola ko, papunta ka pa lang pabalik na ako. Bigay galang lang. PWEDE BA!!!

Good morning World! :)

nixiquita

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #126 on: July 21, 2014, 06:19:23 pm »
Dear Someone,

pwede po ba huwag po kayon sita ng sita ng mga taong akala niyo eh napakadali lang kasing utusan at utuin. Pinapaikot niyo lang at pinagmumukhang t**** at kawawa. Sila po yung mga taong totoong nagtatrabaho at maayos ang gawa at pakisama. Eh sa mga taong pinapaburan niyo at kinukunsinti po, madalas eh nagpapakitang gilas lang para mapansin niyo, pero pag talikod niyo ipapasa ang trabaho sa iba tas pagsasalitaan ka pa ng masama. Hindi niyo lang po alan na kung ano ano ring paninira sayo nanggaling sa mga bibig ng mga pibupuri niyong tao. Yung mga taong sinisita niyo kasi akala niyo walang ginagawa at tatamad tamad or mali mali ginagawa, sila po gumagawa ng trabaho ng mga taong pinapaburan niyo. Yung mga taong tahimik lang na nagtatrabaho. Sila yung nga taong hindi kailangan magpakitang gilas lagi at nagmamalaki ng mga nagawa nila kuno at mga kaya nilang gawin. Buksan niyo po mata niyo, makikita niyo yung totoo.

mama squeak!

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #127 on: July 21, 2014, 07:36:20 pm »
Dear Someone,

Buti naman at nanahimik ka rin. Salamat!  ::)

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #128 on: July 21, 2014, 08:53:51 pm »
Dear Someone,

Thank you sa pag treat sakin ng coffee at paghatid sakin sa office. :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #129 on: July 21, 2014, 10:19:28 pm »
Dear Someone,
Dami mo kaaway dito sa office.. Na bully ka ba dati?
« Last Edit: July 21, 2014, 10:27:46 pm by hazelbrown_eyes27 »

queenteaser

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #130 on: July 21, 2014, 10:23:47 pm »
Dear someone,

Hindi ko talaga alam anong meron sayo at hindi ko magawang magalit o magtampo. Yun lang wag ka mamihasa masyado. Paubos na pasensya ko. Ayoko kasi sa lahat yung pinapaikot ako. Pasalamat ka hindi pa ko nakakaget over sayo.

ysa.belle

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #131 on: July 21, 2014, 10:28:34 pm »
dear someone,

wow. the cake i ordered looks so great. the design was exactly the way i wanted it. i never thought it would be that nice, it was big pa. sulit yung price.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #132 on: July 21, 2014, 10:49:40 pm »
Dear Someone,

Namimiss mo na ko noh? Pati susi lang ee kokontakin mo pa ko para dun. Well well, sorry ka. Nakamove on na ko. :D

nixiquita

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #133 on: July 21, 2014, 11:00:03 pm »
Dear Someone,

Sayang di tayo umabot sa 4th anniv natin, which is a few days from now. I was at a family party earlier, my cousin brought his boyfriend along. I was just imagining, what if it was you and i, mingling with my family. And having a grand time together with the most important people in my life. What if we were like that? What if we could just be ourselves like how they were? Would it have changed anything? Would you have loved me more? I wonder. But.. it doesnt matter now, i guess.

mama squeak!

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #134 on: July 22, 2014, 07:34:11 am »
Dear Someone,

At may grupo ka pa! Naku naman ateng tigil-tigilan nyo na yang crab mentality nyo. Wala kayong mararating sa pagiging tsismosa-mode nyo. Use your energy productively. Magiging masaya pa mga tao sa opisina. Hala magtrabaho ka na! I'm watching you!   ;)

ysa.belle

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #135 on: July 22, 2014, 10:20:14 pm »
dear someone,

smile po. maaayos din

---

dear someone,

kung ano man yung narinig mo kanina, sana deadmahin mo nalang.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #136 on: July 22, 2014, 10:49:59 pm »
Dear Someone,

sana mapatawad mo ko at sana maka move on tayong dalawa. Please don't do stupid things. Kilala kita aanga anga ka rin talaga.

SarSi_Em

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #137 on: July 22, 2014, 11:22:10 pm »
Dear Someone,

struggle everyday na wag ka pumasok sa utak, especially pag Sat-Monday, days na lagi tayo magkasama.
today horny days ko, sanay na ko ikaw sagot sa prob ko, sobrang pigil ako tawagan ka, i text ka para invite ka, masayang yun 2 weeks ko na pinilit kalimutan ka, ang hirap, body system ko sanay na kasama ka. sa bahay, bawat areas andun ka pa rin, sa labas, nakaka praning makakita ng same color ng car mo.
tapos ikaw ang saya saya mo na sa kanya, ako ba inisip mo anong hirap dinadanas ko now na iniwan mo ko? im sure wala sayo, super saya mo lang ng sinabi ko tigilan na kita, ni pigilan ako di mo man lang ginawa..
sana maging masaya ka sa kanya, sana lang, makita mo na hinahanap mo na wala sakin, mabigay nya mga bagay na impossible ko ibigay, but one thing im sure of, never nya matatalo yung love na binigay ko sayo. hahanap hanapin mo pa rin ako, sabi mo salbahe ako, ewan ko lang if makaya nya saltik mo at sumpong pag naglalaho ka ng ilang months. tignan ko lang if kaya mo gawin sa kanya yun paghintayin at balikan pag ok ka na.

makaka move on din ako. at wag na wag ka babalik sakin pag nagkamali ka.

nixiquita

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #138 on: July 22, 2014, 11:28:26 pm »
wow @ sis sarsi nakarelate ako! Hehe. May parts na gusto ko rin sabihin to someone.

---

@ sis pancake, haha natawa ako sa aanga anga. Kala ko sweet yung message mo biglang patawa sa dulo, Hehe

---

Dear someone,

Ang tindi mo ah. Di mo talaga ako naiisip? Di mo talaga ako namimiss? Di ka talaga affected? Anlupit ah, parang wala lang. Tibay!

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Dear Someone (Thread 3)
« Reply #139 on: July 23, 2014, 12:00:29 am »
@SarSi_Em - Sis yan din ang nilalaman ng puso ko. Natawa ako kasi pati yun sa car ganyan din pakiramdam ko. Everytime may nakikita ako na same car with him, talagang chinecheck ko yun plate kasi baka siya na yun. Huhuhu.


@nixiquita - Sis mas natawa ako sa message mo. Halatang purong puro ka na. hahaha!
Kung ayaw mo siya itext kasi nakikipag pride ka parin, akin na yun number itetext ko. Mag temp check lang. Kunwari makikipag textmate lang ako tapos pag kumagat siya, ayun na. Nakamove on na siya sayo. Hahahaha! Dating gawain. :D Naalala ko highschool days ko. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close