Author Topic: Wives Who Are the Breadwinners  (Read 31549 times)

India_george

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #140 on: July 21, 2016, 01:06:36 pm »
It's been a month na pala since i posted here, my husband started a new job na. Our car is gone but I bought a replacement. I had demanded him to give his ATM card to me so I can help him also to manage his salary. He agreed. He vowed to change. I pray he will.....

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #141 on: July 24, 2016, 10:34:17 pm »
^ Hi sis buti naman may job na sya, and good thing nasayo ang ATM, if pwede mo i-link sa online i link mo para makita mo yung transactions sa computer or app or via text msg  para ma manmanan mo. Na experience na kasi ng friend ko, nag co-maker sya sa loan so hininge nya yung ATM ng isang ka officemate namin, bale nung bayaran na, 2 linggo na palang hinde pumapasok yung nangutang at lo and behold sweldo time in-over the counter nya yung sahod kaya wala na kuha si co-maker. Ganyan din yung ginawa nung co-worker ko na kumabit, kinuha kasi ng asawa nya yung atm sooo giangawa nila inoover the counter yung withdrawal para hinde malaman ng asaawa,,, HAY Dami nila paraan pero sana keri na ni hubby mo, God is good.

snowflakes

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #142 on: July 30, 2016, 05:35:55 am »
Asawa ko sugapa sa pera. Malaki sahod nya double ng sahod ko pero ni singko wala shang binibigay sakin at as mga anal ko. Kase sha daw nagbabayad ng house rent at kotse. Ako lahat as bills, as groceries, milk and diapers at gamit at damit ng mga anak ko at akin. He transfered his credit bills sa card ko 4 years ago and now ako nagbabayad non. It was like $10k. So my monthly payments for all the cards and bills about ng $2k, wala ng natitira sa pera ko. Wala ako ipon. I asked for his card one time he doesn't want me to borrow it to pay for the groceries. I stole his one card and used to pay for the groceries, after one week I found out pina cut nya and reported as stolen. I can't believe I marry a monster like him. He used my money pag wala sha, nautang ng wala ng bayaran tapos nahiram Lang ako ng pambayad sa milk and diapers ayaw Nya. I know he's an ahole.
Di ko alam sweldo nya, di ko na kaya magbayad ng bills kaya Plano ko ng hiwalayan sha.
« Last Edit: July 30, 2016, 05:40:32 am by snowflakes »

shinies

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #143 on: July 31, 2016, 04:23:53 pm »
Paano kayo nung magboyfriend pa lang?
Ano yung usapan niyo bago magasawa?

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #144 on: August 02, 2016, 10:09:35 am »
Talagang mappunta tayo sa point na parang haluh ano ngyari??? Minsan iniisip ko rin na naging enabler ba ako at kung mawala ako baka sakali mag bago sya. May mga time na gusto ko narin sya hiwalayan kasi hinde lang pera, bale yung importasya mo na as a wife yung naapektuhan pero ewan ko iniisip ko nalang na kung pera lang ang solusyon edi hinde hinde naman sya totoong problema. Buti nalang kaya ko pa tustusan kami kasi kung hinde, baka siguro iniwan ko narin sya or pinalayas. Wala naman value ang makakapalit sa pagiiging tatay nya sa anak ko alam ko yun, pero nakaka baba ng self respect tapos paano yan pag tumagal na at namulat na yung anak ko nakakahiya malalaman ng iba na tatay nya bum or pinapahirapan nanay nya. Gusto ko na nga bumukod dito samin kahit apartment for rent, aba sabi eh wala daw kami ipon pag ganun, hinde nya manlang naisip na wala kami ipon kasi wala sya trabaho puro sya computer. Lumapit nako sa Pari tungkol dyan, sabi nya wag daw ako mag nag, hanggat kaya naman at hinde naman kami ginugutom bakit ko iiwan, kita naman ni Lord (and in my opinion hinde nman ako pinapabayaan) at mananagot sya for sure sa neglect nya samin.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #145 on: August 02, 2016, 11:01:21 am »
Haha ang kukulit ng mga lalaki talaga. Parang 80% ng lalaki ganyan na.

Tapos pagka kakausapin mo sila, sila pa ang matapang at ikaw ang mali. Sasabihin puro pera ang alam nating mga babae. Eh ang hirap magbudget tapos makikita mo chill chill lang ang lalaki. Sarap hampasin.  Mas maganda pa nga maging single talaga, eh sa panahon ngayun wala ng pakialam ang mga tao kung single mom ka unlike dati na kahit bugbugin ka na ng asawa ok lang basta buo ang pamilya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #146 on: August 07, 2016, 06:17:28 am »
Share ko lang, I have an officemate na may attendance issues eversince. Her sup caught her attention and gave her a disciplinary action. So naging ok ng one month then balik sa dati. Just recently her sup handed her another disciplinary action paper and this time progressive na siya so meaning pwede siya masuspend hanggang materminate kung uulit siya. Then sup asked her ano bang nangyayari bakit ganun since attendance is a very contrallable metric. Officemate started to cry and explained na kasi daw kahit na paalis na siya ng bahay at biglang umiyak or nagutom ang 10mos old baby niya siya pa daw mag-aasikaso. Sasabihin ni hubby "oy bago ka umalis patahanin mo muna yan or pakainin mo" tapos siya pa maghahatid sa ibang anak sa school. Di din siya makapagcommit ng OT kasi nagagalit at nagseselos hubby niya. Nung month daw na umayos ang attendance niya ang ginagawa niya daw umaalis na siya ng maaga and binilin ang pag-aasikaso sa kids kay hubby pero nakareceived siya ng call galing sa teacher ng anak niya asking her bakit matagal ng di pumapasok anak nila sa school. Yun pala hindi inihahatid ng husband niya ang bata sa school. So back to old routine siya na aasikasuhin muna lahat bago siya aalis sa bahay para pumasok sa office and so back to being tardy na naman siya. Pinayuhan siya ng sup na kausapin ang hubby niya kasi pag si wife nawalan ng work due to tardiness lahat sila nganga kasi wala naman siyang hanapbuhay kaya dapat makipagcooperate siya. Pero sa fb naku maka-pose siya ng thank you sa hubby niya kasi pinagluto siya and pinaghanda ng food. Na ang saya-saya ng family niya. Not all that you see in facebook is the truth talaga.

If ever man, ok lang sa akin na maging breadwinner wife ako and house-husband si hubby as long gagampanan niya ang dapat na role ko sa bahay. Dapat nakaluto, laba, plantsa and asikaso siya sa kids and reynang-reyna ako LOL. Pero kung ako na naghahanapbuhay tapos palaki itlog lang siya mas mabuti pangmaging single-parent na lang ako. Dagdag ko pa siyang palamunin at intindihin. Wag ninyong sabihin na madaling sabihin pero mahirap gawin. Naku sis nangyari na sa kin, ang sweldo niya KANYA lang. Ok lang naman kasi bf-gf setup kami maski may anak kami. Swerte maabutan ako ng 1k-1500k a month, susme vitamins (Appetens) lang ng anak namin pang-1month kulang yun e, pagnanghingi ako ng dagdag lalo na pagtuition time na aangal na di naman magbibigay tapos makapagsalita pa nanay niya akala mo ang laki ng bigay sa akin ng anak niya. Katwiran niya mas malaki sweldo ko compared sa kanya. So goodbye na sa kanya.
« Last Edit: August 07, 2016, 06:53:00 am by mysterioza_me »

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #147 on: August 07, 2016, 12:19:49 pm »

Mga lalaki ba talaga ganyan?

Kung hindi batugan, may trabaho nga, mambababae naman?

Better nga magpaka single nalang if walang silbi o babaero o lasenggo o sugarol.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #148 on: August 07, 2016, 10:34:14 pm »
Ang mga lalaki ngayon mostly wala ng backbone and balls. Hindi sila nahihiya na babae or bakla ang bumubuhay sa kanila, ang iba proud pa na sila ang ginagastusan ng babae

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #149 on: August 08, 2016, 09:32:48 am »
Nakakalungkot yung mga ganitong issues, pero dumadami na talaga yung ganito. Ako I am praying hard na huwag magbago ang asawa ko. Nakatulong din siguro na galing siya sa hirap, lahat ng fastfood napasukan niya. At na witnessed niya yung Daddy niya maaga tumigil mag work at naghirap talaga sila.


barbillie

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #150 on: August 08, 2016, 02:39:19 pm »
Breadwinner not in terms of walang work si hubby, but more of I'm earning more. I'm working at a private financial institution while hubby is working at a government bank. Naturally, my salary is bigger compared to his (roughly thrice the amount).

Sa ngayon, keri pa namin ang expenditures plus a little bit of savings. Minsan naiisip ko, sana maghanap sya ng ibang work na merong mas malaking sweldo para mas magkaron kami ng sobra. But, hindi lang naman yun ang dapat iconsider, mas importante yung masaya sya sa work nya. Sinusupport ko na lang sya sa decision nya to stay at his current work, kasi dun sya masaya. But sometimes nasasabihan ko syang, kaya natin keri yung lifestyle natin ngayon kasi malaki sweldo ko. <-- alam kong insensitive comment, I try na hindi na sya sabihin ulit kasi ayoko naman masaktan yung ego ni hubby. I let him feel na provider pa din sya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #151 on: August 08, 2016, 06:34:15 pm »
Sinusupport ko na lang sya sa decision nya to stay at his current work, kasi dun sya masaya.

Tama yan sis. Kasi kahit anong laki pa ng sweldo kung hindi naman masaya sa trabaho hindi din makakapagperform ng maayos na trabaho. Mabuburnout lang hanggang sa magresign. Mas malaking problema ang wala siyang trabaho, mas ok na may work siya kahit maliit ang salary compared sa iyo. Basta lahat ng sweldo binibigay sa iyo.

lovely_carrot

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #152 on: August 08, 2016, 09:59:08 pm »
I hope I will never meet a man na ako pa ang magsuporta.. As a single mom, I became independent so I cannot respect a man na di kayang bumuhay ng sarili nya much more ng isang pamilya.

I would always prefer someone na financially stable. Its in their DNA to provide. The wife is just a support to the husband

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #153 on: August 09, 2016, 07:26:19 am »
Same situation tayo, napagbigyan ko lang ex ko before since we don't live together kaya ok lang na magbigay siya just for our kid. But eventually habang lumalaki ang gastos ng bata di naman lumalaki bigay niya kaya parang wala din akong katuwang. So mas ok ng single mom kesa naman may partner ka nga but he's not functioning as your partner naman. Dagdag problem at stress lang.
« Last Edit: August 09, 2016, 07:28:53 am by mysterioza_me »

Evolet027

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #154 on: August 09, 2016, 10:23:43 am »
hmm.. come to think of it. Ang dame ng independent women ngayon. Sabi ng friend ko, nakaka intimidate din minsan ang mga babaeng katulad naten (sinama ko talaga ako) lol. Kasi we know what we want, we know what we cant tolerate. Talagang di uubra ang mga lalakeng tamad at walang sense of responsibilities saten. Me, I was about to leave my hubby nung dumating din kasi sa ganyang situation. Thankfully nakabawi. Bat yun nga, hindi ako iniwan ng magulang ko for abroad so they can afford to send me to school. Sayang naman sakripisyo ng magulang kung babagsak lang tayo sa incompetent, irresponsible at walang butong lalake.

Before, major turn ON talaga ang may stable job, good in money management at sympre intellectual men. mapili na kung mapili but we should not settle for less. :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #155 on: August 09, 2016, 12:11:08 pm »
I told my current bf that in the future hindi ako papayag maging SAHM. Iba pa rin kasi kung may source of income ka as a woman. Magbigay ka man sa family mo in case na kailangan nila hindi ka maiilang kasi may pinagkakakitaan ka. Hindi ka mahihiya to buy things na gusto mo like clothes, jewelry etc. But this is just me. I don't mean to offend women who opted to stay at home and take care of their kids, I'm just so lucky to have a mom who can take care of my son while I'm at work or else mapipilitan din ako to stay at home. Ibang klaseng career din maging SAHM pero sad reality din kasi that some husbands look down to SAHMs na akala mo walang naicontribute sa family. Napakaswerte ng mga SAHM na nare-recognize ng husband nila ang hirap at pagod nila sa bahay at "nababayaran" sila (SAHM) ng LOVE and CARE.

hotbabe925

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #156 on: August 09, 2016, 06:58:45 pm »
Hinde naman issue sakin maging breadwinner at maging baliktad situation. Yung tipong si husband ang sa bahay. Ang masaklap kasi satin, double standard ang mga nasa paligid natin. Kaya tuloy ang ego ng mga husbands napakababa pag walang trabaho.

It can work na reverse ang situation basta open minded at nakaset ang expectations sa isat isa

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #157 on: August 10, 2016, 01:25:16 am »
^^ Baliktad ba situation nyo sis? Ikaw ang nagwowork tapos si hubby mo ang nasa house?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #158 on: August 10, 2016, 03:55:13 am »
^Ako ba sis? No, my current bf works abroad. Pareho kaming may work. At the beginning of the relationship kasi medyo nagpaparinig na gusto niya maging housewife ako. He can provide for me and my kid naman daw pero ayaw ko naman na iasa needs ng anak ko sa kanya, nakakahiya and its not fair for him. Saka ang sarap ng may career, it makes me feel valued kasi I know naman na wala akong silbi sa bahay kaya wala akong maicocontribute dun. Hindi ako marunong ng trabahong bahay.

Yung sperm donor of my child naman mas madalas pa na walang trabaho kaysa may work kaya we never lived together. Tapos pag may work siya abot-abot lang para sa needs ng kid, as I've said sa ibang post ko here ok lang since di naman kami nagsasama and di niya pa ako kargo kaya mapagtitiisan ko naman sana, atleast maski papano may binibigay kaso nalaman ko kaya pala ang liit ng bigay may ibang babae na ginagastusan. Kapal naman niya kargo ko na halos lahat sa bata nakuha pang mambabae ni hindi niya mabuhay sarili niya at nakadepende sa parents niya. Nung ni-confront ko siya pa galit. Hay naku if ganyan din lang mabuti pang single mom na lang bawas stress pa, alam mo na lang na mag-isa ka lang at walang aasahan.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #159 on: August 10, 2016, 11:51:10 am »
^^ Hahah natawa ako sa kwento mo sis.

Anyway dumadami na ata ang mga ganitong lalaki sa mundo, walang balls. Endangered species na ang mga masisipag at responsable.LOL

Anyway, mas maigi na talagang maging single mom kesa mafrsutrate ka  na nakikita mo yung partner mo na walang goal at plan.Parang mahihila ka din pababa.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close