Author Topic: Wives Who Are the Breadwinners  (Read 31550 times)

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #100 on: May 29, 2015, 05:24:11 pm »
sis twenty5 ako rin, sainabi ko na sa sarile ko na hinde mauulit yung walang wala ako mahugot. Hinde ako bababa sa ganun ulit dahil sa kahit sino.. mabait naman tayo eh walang masama mag tago kahit konti kasi alam mo naman na may naka salalay rin sayo mga bata etc..

twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #101 on: May 29, 2015, 05:44:07 pm »
@patriciaheart naku sis hirap lang talagang maging madamot. sis naranasan mo din? hirap noh. Nakakabaliw din pala, hindi naman sa mukhang pera tayo, feeling ko yun na yung pinaka masaklap na nangyare sakin.

Sa ngayon unti unti naman nakakabangin ulet sis at kaka start ko lang mag invest at mag savings account.

Ayaw ko na maulit.
Mamaya babanggitin ko ulet yung sa tubig na mag hati kami.. Nakakahiya naman ah, "HATI" na nga ang inoffer ko. Kamusta naman kaya yung iba pang monthly expenses. Hindi naman sa nanunumbat sis pero siguro its about time na din :)

Har har!

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #102 on: May 29, 2015, 07:48:31 pm »
^yes sis naranasan ko yung ako yung na mmroblema sa pang babayad sa yaya, pambayad sa telepono/internet at nahihiya pag napuputulan, pambile ng gatas diaper etc etc ang solusyon nya eh humiram ako sa magulang ko,, susme never ako ng hiram noon sa magulang ko dahil short ako at para sa mga nakapa basic na gamit.. Tapos sya sisihin paako pag hinde ako mag pakarga ng pang gas nya, sya pa talaga galit ha. Mga oras na yun, iniisip ko, shet ang t**** ko naman kung mag papa ganito ako,, dinedeserve ko ata to kasi ang t**** t**** ko.. pero it goes away pag nakikita ko yung anak ko. Maski pag bile ngayon ng mga gamit hinde ko sya kasama kasi feeling ko na iinsecure sya dahil pera ko yun at hinde galing sknya... Ewan ko ba hinde ko mantindihan, diba ang mga lalake eh idol nila sila Batman, Ironman,, diba mayayaman yun? diba nag aaral at matatalino yun? diba hanep sa diskarte yung mga yun bakit hinde nila ginagaya (sabagay mga playboy kasi yun) or maybe may mga lalake ngang ganoon minsan ang gusto eh lalake rin na ganoon LOL

Thankful nalang ako talaga na kaya ko buhayin kami with his minimal help financially.

eilegna

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #103 on: May 29, 2015, 10:06:31 pm »
@ Sis twenty5

same sentiment Sis..

Minsan nga, 1 week akong OT, 6am - 10pm., then siya, walang work.
Magluluto pa ko ng food niya para sa maghapon kasi di siya marunong magluto.
Ako pa maglalaba, maglilinis, lahat na.. sobrang haggard na ko non..

Then here comes weekend, sabi ba  naman niya  sakin...
"Mahal, massage mo naman ako"
sobrang nakakainis! tinawag pa akong mahal! tsk
tinulugan ko nga..  >:(

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #104 on: May 30, 2015, 02:22:40 am »

Yung question ko earlier - bakit ok lang kung lalaki ang kumikita with housewife, Tapos Hindi ok Kung babae w househusband. Dito pumapasok case ng sis ni Evolet.

Feeling ko kasi, pag guy nagtrabaho, may mapapala pa sya sa wife nya na importante sa kanya - house management at sex. However sa wife breadwinner, feeling ko nawawalan ng saysay si househusband kasi yung mga ginagawa nya around the house, feeling naman ni wife kaya nya. Kaya gawin ng kahit sinong trusted na kamag anak or katulong.

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #105 on: May 30, 2015, 09:14:48 am »

^ sis, there are other couples naman that works out with a househusband. Maybe because the husband still brings value to the relationship kahit wala syang work.

Like for example, the husband plans for family activities, manages the household superbly (na di magagawa ng katulong) at di mo Kelangan diktahan at may sarili syang diskarte. Tapos, he also TAKES CARE OF THE WIFE in a way that no one can. Yung last phrase ko, di kaya iyan ang kulang sa marriage ng sis mo? The feeling of being loved. Kaya napapaisip yung wife.

momentum

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #106 on: June 01, 2015, 11:06:53 am »
ang sabi nya saken, para na syang sirang plaka, as in may times na lumuhod na sya sa asawa nya pagmama kaawa na maghanap na ng trabaho. naaawa ako sa sis ko kaya mejo naka support ako at ang mother namin sa kanya financially. parents namin, talagang gusto na din sya ihiwalay sa asawa nya kasi nga katwiran ng parents namin, di sila nagpa aral at nagpa laki ng anak para lang magpalamon ng asawa. mahirap din kalagayan ng sis ko. eto, naka support ako sa pag aaral ng kids nya, since wala pa naman kame anak ng asawa ko. tulungan na lang din. tuwing i oopen up nya ang work, kung kamusta na ang paghahanap ng work ng asawa nya, wo walk out daw asawa nya. as in, binilhan na nya ng high end na cp para makapag jobstreet, pinag novena na din nya kay St Jude para magkawork. lahat na ng effort, ang gusto lang naman nya, matulungan sya sa financials nila. kahit maliit lang sweldo hindi yung pakainin talaga nya.

Pa-comment nalang din ako sis. sobrang nalungkot at nagalit ako for your sister. Natural lang na nararamdaman niyang she is being used by her husband. Itatanong lang kung kamusta paghahanap ng work, mag wawalk-out na..ano yun, pride? washing off his hands? ego? whatever it is, it is unacceptable. Oo andun na tayo na frustrated siguro asawa niya kasi di makahanap ng work or what, or that he doesn't have the drive to find a job and he hates himself for that..pero ang tanong, HANGGANG KELAN?  :o till when will your sister tolerate this?

Tama parents ninyo, hindi siya pinalaki para magpalamon ng asawa. Oo, husband and wife should support each other no matter how hard life gets..pero naman..mag-effort naman siya to GET OUT from his current state na jobless..at buti kung maasikaso talaga siya sa bahay at sa wife, eh ang kaso hindi eh..so double trouble talaga.

In time, mapapagod din sister mo..magsasawa siya kakaintindi. Aanhin niya yung feeling na she gets now kapag tinititigan niya ang mag-ama habang natutulog sila ng mahimbing, kung siya naman ay hindi na masaya at burned out na sa buhay and living in misery..hindi rin siya magfufunction properly after some time..and she will age faster dahil sa kunsumisyon..baka magsisi pa siya in the long run bakit siya nagtagal at nagtiis sa lalakeng ganyan na she could have been better off with being a single mom, or even find a much much better MAN who is responsible and may direction sa buhay.

Sana your sis will assess ano kaya magiging future niya at anak nila..say like 5 yrs or 10yrs from now ganun parin situation niya..masaya parin ba siya tignan anak at asawa niyang palamunin habang natutulog ng mahimbing in exchange for being the sole breadwinner at living in misery without his support? kaya ba niyang lifetime na silang ganyan? let her think about it...

« Last Edit: June 01, 2015, 11:09:56 am by momentum »

momentum

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #107 on: June 01, 2015, 11:16:20 am »
8yrs..........

sis ito nalang po masasabi ko..wala na siguro ibang sisisihin sa nararamdaman ng sis mo kundi sarili niya. kasi obviously, walang balak magbago asawa niya. Now, she has the capability to leave him, but she won't. So wala ng ibang ibleblame sa misery niya kundi sarili niya..kasi siya lang naman nagpipigil sa sarili niya to have a better life since hindi niya matanggal tanggal ang isang rason bakit siya miserable..and that is, her palamunin husband.

sa kanya nakasalalay ang happy life she wants. not anyone else, not her husband.
the next time mag rant siya sayo or maglabas ng sama ng loob..tell her, "ginusto mo yan"
it may sound harsh pero yan ang reality eh, she still chose to make him stay in her life
« Last Edit: June 01, 2015, 11:18:45 am by momentum »

momentum

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #108 on: June 01, 2015, 11:42:19 am »
^ ang mga bata naman, madaling mag-adjust. ganyan din anak ko. kapag hihiramin ng inlaws ko, ayaw sumama, gusto niya sakin lang siya. umiiyak pa sakin. then kapag andun na siya at babalik na sakin, duon naman siya iiyak na ayaw pa umuwi sakin LOL..ganyan naman sila, kaya if prinoproblema ng sis mo na masyadong attached sa father anak nila eh normal lang talaga yun kasi siya lagi kasama gaya nga ng sabi mo..pero once iba na mag-aalaga sa kanya, syempre sa una may adjustment,,hahanap hanapin niya father..but eventually the kid will adjust and accept, lalo kapag maayos naman siya inaalagaan.

buhay naman ng sis mo yan eh..kung yan gusto niyang situation eh wala na kayo magagawa.
8yrs is a long time pero if willing pa siyang dagdagan yan ng 20yrs or more eh nasa kanya na yan..tutal ginusto naman niya yun..wag lang siya sana magsisi in the end

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #109 on: June 11, 2015, 09:32:35 pm »
Hindi rason yung pagiging malapit yung baby sa tatay. Kasi kung yun ang magiging reason para mag stay, habang buhay na magiging ganun nalang.

Experience ko na yan, lol... Sobrang lapit ng baby ko at umiyak pa ang partner ko nung pinalayas ko. Pusong bato nako at wala akong pakialam. Ngayun happy nako. No regret at all. Kung hindi ko gagawin yun, mabilis akong tumanda sa sobrang stress ko sa partner ko.

googoo

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #110 on: May 29, 2016, 09:08:43 pm »
Mga sis, when we say breadwinner, what exactly do we mean by this just to clarify?  :)

Considered ba na breadwinner si wifey if she earns more than the hubby?  Which means hubby is also working but just happens to earn less.

Considered ba na breadwinner si wifey if they are both running a business but the wife is the head?

It's a curse and a blessing din siguro to be married sa inyo who are really successful at work  ;)

yannuh

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #111 on: May 30, 2016, 06:05:44 am »
^nope sis. ang pagkakaintindi ko sa breadwinner e si wife ang kumikita for the family. possible na si hubby, sya naman ang toka sa pagmemaintain ng bahay at ng kids. 

Kensi

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #112 on: May 30, 2016, 01:35:56 pm »
pareho kaming may trabaho ng mister ko, pero pakiramdam ko ako ang breadwinner kasi ako nagbabayad ng lahat tubig, kuryente, yaya, katulong, tuition, school service, kumon, internet. pamalengke at grocery lang sagot ng mister ko. ang nakakasama ng loob, yung suweldo ko, tax niya lang.

nung nagpaayos kami ng bahay last year, nagalit siya sa akin kasi wala daw akong tinulong sa gastos ,siya daw gumastos lahat. sagot ko na nga lahat ng bills, kaya nung pinaayos niya yung bahay namin, hindi na ako tumulong. minasama niya pala yun, mga sis. kaya nung nagpaextend kami ng bahay this year, kailangan ko rin maglabas ng pera. mid-year na pero halos wala akong nasave itong 2016.

hindi naman sa pinagdadamot ko pera ko, pero yung kita niya ginagastos niya sa sarili niya, sa luho niya. 2 nga kami nagtatrabaho, pero ang gastos ko parang single parent ako.  :-\

thebratinella

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #113 on: May 30, 2016, 01:44:34 pm »
I earn more than my husband but we have no issues regarding money. He pays for our daughter's tuition (benefit niya) and he's in charge of the vehicles' maintenance expenses/gas. He's also in charge of any expenses our small business has. I give him his weekly allowance.  ;D Di naman ako nagrereklamo kasi mga luho niya sa kotse, siya na bahala. Pati postpaid plan niya siya nagbabayad pati mga kautangan. Humihingi lang pag laki na ng gastos niya. I pay for my postpaid plan, DSL, Eye Level classes of our daughter and groceries. He used to earn more than I do and generous siya sa pera. He just decided to accept a position in a college near our home kasi maganda schedule and may educational benefits for our daughter. May time na he didn't have a job for 2-3 months. Ako lahat ang sumagot sa expenses. Mainitin ang ulo kaya nag-usap kami na he really needs to work kasi hindi siya sanay na walang sariling money.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #114 on: May 30, 2016, 03:12:23 pm »
naganniversary na pala yung posts ko sa thread. pero hindi na ako breadwinner ngayon. nakahanap na kami ng yaya, nakahanap ng work asawa ko double my salary, may raket pa ako on the side para sa mga luho ko, and overall we're doing better as a couple, I think. i'm ashamed to admit na umabot sa punto na lagi mainitin ulo ko nun pagdi nasusunod gusto ko tsaka ni ayaw ko na ng intimate moments. hehe. :)

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #115 on: May 30, 2016, 03:34:44 pm »
lagi mainitin ulo ko nun pagdi nasusunod gusto ko tsaka ni ayaw ko na ng intimate moments. hehe. :)

Sis I am ashamed as well, I am on the same boat. Buti ok na kayo, libido killer ang pagiging bread winner. Siguro sa ibang babae, na eempower sila pero ako hinde.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #116 on: May 30, 2016, 04:19:39 pm »
nasungkit mo sis yung tamang term-- L-killer talaga! tipong kayod na nga paguwi magseserbisyo ka pa. hehe. pero on a serious note, hope magawan pa ninyo ng paraan. my husband cried the very first day ni yaya, affected na daw masyado yung self esteem niya dahil feeling nga niya wala siyang silbi tapos he promised na babawi siya. :)

HMisabelle

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #117 on: June 05, 2016, 07:40:42 pm »
^ medyo relate ako dyan sis. Pag-uwi pagod na tas minsan pag medyo natatarayan ko si hubby, medyo nakakaapekto sa kanya. Feeling nya wala syang silbi. 😥

India_george

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #118 on: June 09, 2016, 01:32:15 pm »
Husband resigned 6mos ago so ako yung naging breadwinner. May small business din kami pero ako pa rin mostly asikaso siya sa Logistics. Now I just found out he went to casino and spent the profit of our business and I am super pissed. Gusto ko na siyang hiwalayan kasi lagi din kumukupit sa benta namen. He can go to work naman kaso masyado maarte sa position. Dilemma for me.

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #119 on: June 09, 2016, 05:53:31 pm »
^ sis I feel bad for your situation, I just hope that it gets better. Hinde tama yung ginawa nya na "kumukupit" pero intindihin mo rin na yan yung ginagawang mga lalake na medyo mababa self esteem. It hurts them as much as it hurts us,kung tutuusin mas masakit sakanila kasi tayo at least natututo pa. Things to watch our for are philandering, excessive buying stuff to impress etc etc basta yung tipong sila parin ang inkontrol. Ang gamot nga siguro dyan is to find a job again to increase his self esteem. Ask ko rin sis if na guilty ba sya or jinujustify pa nya yung bisyo nya, bisyo naba or one time thing lang?

Sa akin naman ngayon, I ignore it and try to empower him as much as I can, lunok nalang pride. Lagi kasing naka tingen saatin mga anak natin, ayoko mag mukang mahina sa mata nila papa nila kasi alam ko temporary lang naman ito, at kung mas tumagal eh alam ko na ayaw nya na ganito ang situasyon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close