Author Topic: Wives Who Are the Breadwinners  (Read 31608 times)

katrinac

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #80 on: May 21, 2015, 12:12:27 am »
Hello mommies,

I'm proud actually sa situation namin. Share ko lang a piece of me.
2 months before I gave birth, my husband decided to resign from his work. I took an early maternity leave so we were very careful sa expenses kasi both kami wala work that time. Okay lang sakin nag resign sya that time and he explained to me na gusto nya ako mabantayan ng maigi kasi during the last few months of my pregnancy e medyo nahirapan narin ako. Phones are not allowed sa floor nila, and even the supervisor eh not allowed to bring their phone. so if may emergency, i need to call pa and leave Voicemail sa HR nila. which is medyo nakakatakot, kasi baka mamaya manganganak na ako, hindi pa na rerelay yung message sa kanya.

After I gave birth, its about time na bumalik na ako from my 4 month-long maternity leave. We didn't want to hire a yaya, kasi gusto namin talaga mas hands on kami kay baby. We weighed the pros and cons kung sino mag wowork, medyo mataas narin kasi ang position ko and sayang ang benefits (most especially the health cards) so we MUTUALLY decided na ako ang balik sa work and my husband, sya ang magbabantay kay baby.

He's a good father to our daughter, and hindi mapapalitan yung pakiramdaman na kampante ako habang nasa work ako kasi alam ko na my daughter is really in good hands. We have a helper, but she only focuses sa household chores, so yung husband ko talaga ang nagbabantay. Pagdating ko from work, ako naman mag aalalaga kay daughter (ako nagpapaligo, nagpapakain, nilalaro ko din) I work at night din pala.

I am proud of my husband, kasi hindi biro yung pag give up nya ng work nya para lang mabantayan ako nung buntis, and maalagan yung anak namin. Naging practical lang kami, and we're comfortable sa set up. We'll never know, baka soon may opportunity, pero hangga't ako ang nagwowork, di naman kami nag kakaroon ng conflict.  :) Ako man ang breadwinner, never ko pinamukha sa kanya yun. And I'm thankful kasi yung husband ko (pati ako) eh we both understand the situation.

He wants to work too, pero someday pa muna siguro. kapag yung tipong malaki laki na si baby and madali nalang iwan. Pero sa ngayon, na okay pa ang benefits ko and sweldo eh ganito muna kami. Never ko sya kinahiya and never ko pinamukha sa kanya na i am the breadwinner. I always tell him na ang ginagawa nya ay napakahirap, at hindi mapapalitan yun ng kahit anong pera na kikitain nya. And I love him for that.  ;)

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #81 on: May 26, 2015, 03:44:33 pm »
^same pala tayo sis. pero in my case naman my husband and my mom conspired na hindi ako bagay mag alaga sa baby because i am impatient and medyo mahilig magpanic. even my ob nung nakwento ko, sabi niya good choice daw (she knew my history of depression during pregnancy).

sa ngayon sakto lang kinikita ko, after ng mga bakuna pwede na ulit magsave. di ko na dinidiscuss ang finances. pero hubby is trying to find home-based jobs (he's a web developer) pero i am not pressuring him. natiteary-eyed nga ako every time i see him tirelessly do household chores or just play with our daughter kasi ang sipag niya grabe. paguwi ko, ako na kay baby para siya yung magluto/hugas/laba ng cloth diapers, minsan inaantok na ako so siya na rin nagpapatulog kay baby. paggising ko, gising na rin si baby so gising na rin si hubby. pagweekend, si hubby namamalengke at naglalaba. minsan nagpapahilot pa ako. abuso, lol

nagiguilty nga ako na ako nasa aircon room, nakaupo, doing a predictable task samantalang siya needs to entertain, pacify, feed a very needy baby. dinadaan ko na lang siya sa pasalubong everyday. hehe! when i see our baby looking at her father, natiteary eyed nanaman ako kasi automatic ang hagikgik niya. si hubby na talaga ang favorite niya.

once i tried to find out how he's feeling, sabi ko "nakakapagod noh? (meaning magkaron ng anak)" sabi lang niya, "ha? hindi ah!" tinanong ko din siya if hindi ba niya namimiss ang work, sagot lang niya, "bakit, need mo na ba ng tulong ko?" sabi ko kaya pa naman.

minsan naiistress ako sa office iniisip ko na lang hindi rin naman biro ang ginagawa ng asawa ko sa bahay so tinitiis ko. natutunan ko din magcount ng blessings ko especially that i have a masipag na hubby. our situation is not conventional but minsan i cant help but admire ourselves kasi napakaflexible namin pareho.

Evolet027

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #82 on: May 26, 2015, 04:09:30 pm »
ganyan din nangyari samen dati. dahil i earn more than him nung nag for good na sya, sya na tumutok kay baby. at masakit saken na sya talaga favorite ni baby. pag saken, ayaw kumain, samantalang pag sya, subo agd ng food. mga ganung eksena na kinakaselos ko. pero oks lang, atleast wala sa yaya at personal na naalagaan ng papa ang baby namin. :)

twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #83 on: May 26, 2015, 04:27:57 pm »
I am one of this.
4 years na kami and last March lang siya nagka work. Never nya binigay yung sweldo nya at never o din naman kinukuha.

Mas malaki ang pay ko compare saknya, but still walang kusang palo to give. Bumibili nman siya ng diaper at vitamins nung sinabe ko na siya na bumili. Pero parang hindi pa din tama..

Ewan ko ba, hindi naman ako madamot na tao so sa 4 years namin ako lagi at ako lahat.

Nakakapagod din pala...

Evolet027

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #84 on: May 26, 2015, 04:41:57 pm »
Sis as in 4 years syang walang work? tapos last march lang nagkaron? Paano kayo sa 4 yrs na yun? Nag aaway ba kayo or me agreement kayo na ikaw na muna mag breadwinner?

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #85 on: May 26, 2015, 10:35:25 pm »
totoo @twenty5. Nakakapagod kung walang cooperation. Buti sayo bumibili, yun lang hindi nagbibigay(?).

@ nicoletta
Don't know kung ikaw nasa kalagayan ko masasabi mong thankful ka pa rin hehe. 3 years na ako lahat, tapos tamad pa. Gigising kung kelan nya gusto. Ako magpapakain sa bata tapos iiwan ko yung work ko para mapakain yung baby namin. Tapos maglilinis kasi hindi gagalaw kung hindi mo sabihan. Ang matindi dyan nakatambay hanggang midnight sa labas. Ako mag iistart akong magtrabaho ng 8am hanggang midnight na yan minsan inaabot ako ng 3am.

sa 3 years na yun never kong pinamukha sa kanya yung jobless sya, pero nasagad ako recently.

katrinac

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #86 on: May 27, 2015, 12:50:33 am »
ishopnowfeelguiltylater - naku sis, we are blessed na mababait ang asawa natin. Pero ako super happy ko parin kahit papano, kasi si Milly e paguwi ko ng bahay, hindi na nya kilala ang daddy nya. haha! Sakin na sya nasama.  ;D Pero mas gusto nya kalaro si daddy nya. Kapag matagal kami magkasama tapos makikita nya si hubby e magwawala sya, na akala mo eh inaapi api.

janachen - hugs to you sis, ang hirap ng situation nyo na ganyan. I hope things will get better.

twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #87 on: May 28, 2015, 01:15:00 pm »
Sis as in 4 years syang walang work? tapos last march lang nagkaron? Paano kayo sa 4 yrs na yun? Nag aaway ba kayo or me agreement kayo na ikaw na muna mag breadwinner?

@
yes sis, nakilala ko siya na tambay na tao, walang pangarap sa buhay, gusto ko talaga siya nun eh hahahha though alam ko naman talaga walang mangyayare samin. Sabi  ko nga hindi k makakain yang pag ibig na yan. Pero kinain ko din sinabe ko ahahhaha

Ayun nung naging kami, nabuntis ako 3 months lang kami. Ang okay saknya sis talagang pinanindigan nya ako kahit wala naman siya, tapos ayaw nya ng hiwalayan mga ganun eksena ayaw nya ng broken family. Hindi naman kami nagaaway, napag usapan din naman namin nung simula na hindi kami magaaway sa pera.

So, ayun sis may Laundry shop ako nun kaya tinulungan nya ako sa shop, pero nag give up din kami binenta ko at bumalik ako sa call center sis. So ako talaga sa lahat lahat. Wagas talaga!

Sabi ko saknya ng maayos na kung hindika pa magatrabaho, hindi na siya makakahanap ng trabaho e good thing yung malapit samin naghahanap ng gagawa ng sticker, heat press mga ganun (graphic artist kasi siya na hindi nya natapos) sabi ko pwede na yun mababa lang talaga sweldo nya dun wala pa sa minimum.

Ilang sahod na nakalipas, hindi niya talaga binibigay sakin at minsan nanghihingi pa sakin ng barya ahahah minsan napapaisip ako na "ano yung pera ko, pera nya pero sweldo nya kanya lang..." << nalalason ako ng ganitong isip.

@janachen
parang one time lang nangyare yun na siya bumili ahahaha kung hindi ko pa nabanggit ng sobra...

ngayon nga nagparining ako na "bigyan mko hati tayo sa tubig" hahahahhah

deadma... ewan ko... kahapon sumweldo siya, wala lang hindi naman ako nagtatanong, siya lang nagbabanggit na may binayaran siya na nagutang pa yung kapatid nya saknya.. Sagot ko, "Ano mas mataas pa sweldo sayo nyan ah" ganun lang tapos tahimik nko

lovemeagain30

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #88 on: May 28, 2015, 02:08:02 pm »
^ ang una kong tanong eh, Kasal ba sila?

Iba kasi kapag legally married sa live in type of relationship. Kapag married kasi matinding desisyon yan. kailangan talaga pag isipan mabuti. kung hihiwalay na talagang dapat 101% sigurado ka na magmomove on ka. hindi lang dahil sa may anak na involved pero may legalities ka pang haharapin sakanya. Tie up ka sakanya hanggang sa hindi mo pa eto naayos. kung 50-50 pa ang pakiramdam, pag isipan mabuti.

Kung hindi naman kasal, mas madali ang pag move on. I think ah. Kung mga bata ang iisipin, makakaya niya yan buhayin. Eto nalang i-consider din niya, sa panahon na may asawat anak na rin ang mga anak nila pagdating ng araw-- makakaya pa ba niya pakisamahan ang asawa niya kapag sila nalang ulit maiwan na dalawa?? Gaya ng parents ko ngayon, both retired na, kami mga anak ay may sarili ng buhay at pamilya, sila nalang ang magkasama sa family home namin, ngayon kung nagsasama lang sila nuon para samin-- pano na sila ngayon? baka ngayon pa sila nag pa annul kung kelan lolo't lola na.  ;D

120515

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #89 on: May 28, 2015, 03:02:34 pm »
just my point of view:

doing household work and child-rearing is also a contribution to the marriage. i think your sister needs to recognize this, too.

to me, both the husband and the wife are contributing to the marriage, even if one puts in physical labor and the other puts inoney. it's still equal.

let's put it this way, if it was your sister doing all the household work and the husband working for money, would you consider your sister as not contributing anything to their marriage/family?

are there some other issues that you have not mentioned that make you think the husband is not pulling his weight in the relationship?

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #90 on: May 28, 2015, 03:48:31 pm »
kung siya taga alaga, tagalinis or lahat ng gawaing pambabae nagagawa ng asawa nya..keribels na sis... wala ngang pinagkaiba yung lalaki ang kumakayod tapos babae ang nasa bahay.


twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #91 on: May 28, 2015, 05:55:34 pm »
sis ang root cause e di pera din.
sabihin mo sa sister mo pag isipan nya ng mabuti. Hindi kasi madali na hiwalay agad ang solusyon. Na-try na ba nya na magusap sila ng asawa nya ng masinsinan?

Sakin kasi sis, kinakausap ko talaga siya, nakilala ko an sobrang at talagang tamad tong Bf Live-in partner ko, pero natuto din, dami din namin pinagdaaanan. Pero siguro kami talaga eh hahaha

Dati siya talaga nag aalaga ng bata na dami pang issues.

Sa ngayon, pag uwi ko from work, sususnduin ko siya (kasi may car ako) tapos uuwi na kmi, natulong siya sa gawain as in lahat. Para ako ang lalaki sa relasyon namin.

Mother's day, wala akala ko may surprise siya pero wala talaga hahaahha

Mahirap din pala mag expect. Kaya hindi na lang ako nag eexpect. Kung ano meron go, kung wala e di nga nga...

Nakakpagod din. Minsan gusto ko na din mag give up. Gusto ko na umalis sa ganitong sitwasyon... Sabi sakin ng isang mommy, mas magandang hanapin ko ang tama at wag kong hahanapin ang mali kasi puro kamalian na din yung lagi ko makikita.

I am just being positive... Pagod na din ako talaga.. hehe

120515

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #92 on: May 28, 2015, 06:01:51 pm »
hi evolet027, i think your sister should discuss her feelings with her husband directly and raise the point that she feels tired of being the breadwinner. they can come up with a resolution together on her husband can contribute financially to the marriage.

however, like others have mentioned
above who are also breadwinners with their husbands
full-time househusbands, your sister also needs to recognize that what her husband is doing is also hard work. her husband should also verbally praise your sister of her hard work to provide for the family financially. i think if they start from a positive place of realizing what the other has done,
sacrificed, and contributed, it will
be easier to transition to discussing the expectation gap that your sister has.

we all think that the most important aspect of raising a family is having financial security but , as illustrated by many troubled ofw families, the most important aspect is being there for your kids, providing direct guidance for them and direct support to them when they need it.

120515

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #93 on: May 28, 2015, 06:05:55 pm »
hi evolet027, i think your sister should discuss her feelings with her husband directly and raise the point that she feels tired of being the breadwinner. they can come up with a resolution together on her husband can contribute financially to the marriage.

however, like others have mentioned
above who are also breadwinners with their husbands
full-time househusbands, your sister also needs to recognize that what her husband is doing is also hard work. her husband should also verbally praise your sister of her hard work to provide for the family financially. i think if they start from a positive place of realizing what the other has done,
sacrificed, and contributed, it will
be easier to transition to discussing the expectation gap that your sister has.

we all think that the most important aspect of raising a family is having financial security but , as illustrated by many troubled ofw families, the most important aspect is being there for your kids, providing direct guidance for them and direct support to them when they need it.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #94 on: May 29, 2015, 09:40:37 am »
Kasi, naiisip nya, imbes na asawa nya kumakayod para sa kanila na pamilya, eh sya. imbes na sya ang nasa bahay nag aalaga ng anak nila, eh sya ang nag wowork at baligtad nga sila. Hindi pa sila naka pundar ng sarili nila bahay, kasi nga nag iisa syang nagtataguyod, she was thinking, kung pareho sila me trabaho, baka mas ok ang buhay nilang pamilya.

sis Evolet27 I can't help but relate your sister's situation with mine and with what sis twenty5 said:

<< nalalason ako ng ganitong isip.

di rin naman maiwasan na pumasok sa isip ko na ay parang baliktad nga, bakit umabot kami sa ganito. coming from a family na talagang halos lahat babae ang kumakayod, noon pa man i swore ayaw ko humantong sa ganun, gusto ko ng traditional setup where the husband works and the wife takes care of the home.

pero wala eh, we have to deal with our situation. we're just trying to survive adapt. hehe. it may not be ideal pero eto na yung best scenario for us, and it's working so far. siguro sis your sister can't help but compare her situation with others (yours?). i don't want to conclude pero from what i understand based on your posts, pareho naman kami ng situation ng sister mo and yet i choose to ignore ill feelings and decide to focus on the good side. baka the issue is not really the finances, yung frustration lang niya to have a good provider for a husband?

sis 120515, i enjoyed reading your posts. you have made a lot of good points that i am definitely keeping in mind :)

kikaygirl5810

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #95 on: May 29, 2015, 10:23:57 am »
sometime ago, na experience koding eto. Ako yung bread winner for almost 2years ng married life namin.

As in naging taong bahay si hubby, parang nawalan ng gana mag work. Wala pa kami baby at that time... Nung una every time na nakikita ko sha in his shorts tas t-shirt, di nag aayos eh parang naiinis ako. irritable talaga... But then sabi ko sa sarili ko need kolang talaga siguro wait na mag kusa si habby mag work ulet. And so i did!

I supported him sa mga ginagawa nya sa bahay...

Until one day at exact 2 years mula ng naging house husband sha... Nagbihis as early as me, then sabi...1st day of work ko mahal.

Yun 2 na kami work ulet at mas big-time sahod nya sakin...

never lost hope sis...

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #96 on: May 29, 2015, 10:37:43 am »
^sana nga sis may happy ending lahat  ;) naimagine ko nanggigil ka na buti napigilan mo mag-nag hehe!

^^sis maybe empowering her will help. like kung gusto niya ng good life pwede din naman niya yun maachieve on her own. di naman lahat ng babaeng nagiging successful ay dahil lang meron silang masipag na hubbies. her situation is not that bad para sabihing "nagka ganun ang nangyari sa kanya." i do hope she will feel better soon whatever she decides to do :)

twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #97 on: May 29, 2015, 12:38:40 pm »
​
​@ ​ishopnowfeelguiltylater

​paano sis naranasan ko talaga na from work, ako pa ang magluuto, aalalayan ang bata, malalaba basta lahat ng gawain bahay. Naisip ko teka nga hindi naman ata fair to. Pero ang babae kasi kahit anong puyat at pagod, kayod pa din e, Compare mo sa lalaki, napansin ko lang tulog lang ang alam at magpalaki ng T*T*

nakaka inis din at nakakapagod yung​ ganun. Minsan naiisip ko tuloy yung ex ko na sana yun na lang sana hehe mga ganun eksena o kaya sana hindi nalang ako nabuntis ahahaha. Mge regret hehe

Ang sarap ng dalaga hahah wala iniintindi, kakain ka kung kelan mo gusto ahahahah
okay sana kung ang kasama mo sa buhay may "Malasakit" at the same way as we are valued by our parents hehe

@
Evolet027
​nasa bi ko din yaaaaaaaaaaaan! "hindi ito ang ginusto kong buhay" waaaaah​

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #98 on: May 29, 2015, 04:34:23 pm »
^^ relate much ako sayo.
Diba kung wala ng makain eh babae ang mamomroblema. Ang lalaki sasabihin lang, "eh wala eh".. Syempre ayaw mo ding magutom.

twenty5

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #99 on: May 29, 2015, 04:47:51 pm »
^^ relate much ako sayo.
Diba kung wala ng makain eh babae ang mamomroblema. Ang lalaki sasabihin lang, "eh wala eh".. Syempre ayaw mo ding magutom.

Ay puch* (napamura tuloy ako) kasi TOTOONG TOTOO E!!
naaalala ko pa na naranasan kong mawalan utlimo bed namin binabaliktad ko makakita lang ng coins na dati na meron ka kahit coins lang deadma.. Nun nawalan talaga ako naku talagang lahat ng ako dumiskarte. Ang lalaki -- wala, walang diskarte sa buhay. Minsan talaga papaluin ka ni Lord e. Kaya sabi ko hindi ng hindi ko na mararansan tong ganito na walang wala.. walang mahugot. ahahaha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close