Author Topic: Wives Who Are the Breadwinners  (Read 31467 times)

brattilee

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #20 on: May 03, 2014, 03:30:25 am »
this has been our setup since we got married. and we're almost on our fifth year na. did I complain? of course I did. But at the end of the day, you really just have to assess what's more important to you and what works for your family.

we have two kids plus me na inaasikaso ni hubby. never ko maimagine ang sarili ko na nasa posisyon niya ngayon. he's so great at being a house husband. hindi mababayaran ng sweldo yung peace of mind mo na while you're working, the best person aside from you is looking out for your kids. diba? ako yun na lang take away ko sa setup namin. i am always stressed out kapag nashoshort kami pero lagi ko na lang naiisip atleast masaya kami.

the only fear i have now is baka dahil sa setup namin, nahaharangan na iyong growth niya as a person. Although, being a housewife/husband is a career itself, minsan tinatanong ko siya if he wants to build another career. Kasi siyempre gusto niya rin maging successful sa field niya. Ayoko maging hindrance iyong family namin sa pagachieve niya ng personal goals niya, so by that time, susuportahan ko siya at babaguhin na namin setup namin.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #21 on: May 04, 2014, 09:32:44 pm »
Papano nyo dinideal yung ganyang situation guys?

Ako kasi parang gusto kong magcomplain at hiwalayan nalang. Mahal ko sya pero hindi naman pala puro pagmamahal lahat umiinog ang mundo. Buntis ako sa first baby namin, wala syang work. Kahit hirap ako sa pagbubuntis ko, wala akong choice kundi magtrabaho.

Mabait naman sya at kung ano naman ang pwedeng iutos ginagawa naman nya, pero hello naman.. Papanu ako, papanu ang magiging anak ko.. feeling ko wala akong magiging future sa kanya.

5 years kaming magkakilala, tapos last year lang kami nagdecide na magsama... Hindi kami kasal. Is it right na hiwalayan ko nalang siya? Iniisip ko kasi yan ng paulit ulit kasi napupuno din ako minsan.
« Last Edit: May 04, 2014, 09:37:24 pm by janachen »

outandaboutph

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #22 on: May 05, 2014, 12:15:03 pm »
Mahirap naman magsuggest na makipaghiwalay ka sis lalo na buntis ka but I know the feeling, kasi nafeel ko din iyan many times kasi ganito din set up namin before. More than 2 years na sa house lang si hubby, may times na feeling ko talaga ang role ko lang eh maging financer. Lately nag loan pa ako kasi gusto niya mag open ng small business, stressed ako that time kasi kailangan mangutang eh manganganak pa ako. Pero dahil alam ko naman na iyon talaga ang gusto niya kahit noon pa, sabi ko sige na lang bahala na si batman. Good thing maganda ang kita ng shop niya and nakikita ko na happy siya sa ginagawa niya kaya masaya narin ako. Pero may times talaga nakakatulala, naiisip ko ang layo ng buhay ko doon sa life ko before or sa life na pinangarap ko. Before kasi ni hindi ako napagkikita ng tao, di ako makikita naglalakad sa kalsada or nagbebenta ng kung ano diyan. Pero since mag open ng shop husband ko, pagkagaling ko sa work doon ako dumidiretso kasi ako pinagbantay niya sa milk shake stand sa tapat ng shop niya. Dagdag income din daw kasi sayang ang space at renta at panghatak daw ng tao. Nagsenti pa ako dati kapag naglalakad ako sa gilid ng kalsada at sinasagap ang alikabok at usok ng mga truck para bumili ng pagkain sa karinderya maluha luha pa ako non ha. Di ko inexpect na maging ganon life ko hehe pero ngayon nasanay narin ako mataranta kapag may bumibili tapos may nagpapaload pa. Iniisip ko na lang hindi naman ako kilala doon kasi di naman ako doon lumaki so okay narin.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #23 on: May 05, 2014, 03:07:04 pm »
Gusto nyang magbusiness kaso naman hindi naman siya nag ipon ng pangbusiness niya noong nasa abroad pa siya. Hanggang nanawa sa abroad at tuluyang dito na tumira. Sinabihan ko na rin siya noon na hindi habangbuhay may trabaho ako at napapagod din ako.

Badtrip lang talaga ako kasi hindi ganitong buhay ang ginusto ko at pinangarap!

*sigh*

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #24 on: May 05, 2014, 10:44:04 pm »
Papano nyo dinideal yung ganyang situation guys?

Ako kasi parang gusto kong magcomplain at hiwalayan nalang. Mahal ko sya pero hindi naman pala puro pagmamahal lahat umiinog ang mundo. Buntis ako sa first baby namin, wala syang work. Kahit hirap ako sa pagbubuntis ko, wala akong choice kundi magtrabaho.

Mabait naman sya at kung ano naman ang pwedeng iutos ginagawa naman nya, pero hello naman.. Papanu ako, papanu ang magiging anak ko.. feeling ko wala akong magiging future sa kanya.

5 years kaming magkakilala, tapos last year lang kami nagdecide na magsama... Hindi kami kasal. Is it right na hiwalayan ko nalang siya? Iniisip ko kasi yan ng paulit ulit kasi napupuno din ako minsan.

Sis, what made you decide to live in together? Don't you trust him na gagawa sya ng paraan para sa magiging pamilya ninyo?

Kung wala ka kahihinatnan sa current BF/partner mo, worse, eh kung lalong nahihila ka pa pababa, imbis na pataas, I think kelangan mo talaga pag-isipan mabuti ang future.  Nagkausap na ba kayo?  Kasi puede iba ang long term goals nya kesa sayo.  Kung magkaiba at non-negotiable issue sya, sign na sya na baka hindi kayo para sa isa't isa.

To be fair to him, bago ka magdecide, it is good to know where he is coming from muna at ano ang balak nya. Hindi puede gusto magbusiness lang.  Paano, san sya mag uumpisa, etc. At ano ang end in mind nya?




BDJ

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #25 on: May 07, 2014, 12:28:51 am »
For now I am a bit like this, though in a sense na most of the bills or expenses sa akin galing. Wala lang talagang financial freedom ang hubby ko dahil sa house na binabayaran niya. Nagrant na ako sa kanya about it at siempre wala na akong magagawa run kundi ipatuloy sa kanya ang bayarin niya sa house. Nagalit na rin ako sa kanya before kung bakit niya kasi binili bili yun tapos ngayon hirap kaming makabenta. We have options naman na for now kung ano ang dapat niyang gawin. Either tyagaan talaga sa paghanap ng another work na mas malaki ang sahod or going to abroad na after a year.

I am thankful naman na ever since he has work, hindi nga lang worth talaga yung sweldo niya but he is hardworking, responsible saka may fulfillment pa rin sa career niya. Yun ang mahalaga sa akin lalo na hindi naman tambay at tamad ang napangasawa ko. Kaya worth pa rin naman na tulungan ko ang asawa ko.

outandaboutph

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #26 on: May 07, 2014, 03:37:59 pm »
^Sana sis dumating din sa point na maging okay na lahat... ako happy na ako lately kasi ang bilis ng dating ng pera kay hubby sa shop. Actually dati pa niya gusto magbusiness, ako lang ang umaayaw kasi baka magkaproblem lang kami sa kikitain ng shop eh especially lalo lang sumama loob ko. Pinagbigyan ko na lang ngayon para magkaalaman. Good thing okay naman kasi nakikita ko may naiipon talaga siya (Hindi ko nga lang alam if kanino mapupunta haha) pero okay narin kasi mga gastos araw-araw and bayad ng ibang bills nakakatulong na talaga siya.

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #27 on: May 10, 2014, 04:29:04 pm »

One time, I told him this directly, pero siya pa nagalit -- pwede ko naman daw siya utusan to do things, all I have to do is tell him. But you wives know that that's not the point, is it? Iba pa rin yung feeling na meron kang partner whom you trust to fulfill his roles vs. someone na utusan.

Have you tried talking to him na nahihirapan ka na sa pagsagot ng LAHAT ng bills for a prolonged duration. And feeling so alone?  Akala mo sa umpisa temporary lang. Pero parang nagiging permanent na and it is not the life you have envisioned.

Can he first look for work so he can have a stable income, then from his earnings there, he can save and set up another business that he likes?

And siguro hindi naman masama if you ask from him to at least support himself.  Dahil ikaw na ang may sagot sa anak nyo and sarili mo.


Project60

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #28 on: May 12, 2014, 07:35:53 am »
don't know if this is the right thread but here goes my story. Ever since kasi ako na yung breadwinner sa family namin ng husband (actually live in partner ko) palagi syang nawawalan ng work dahil sa kamalasan like for example nagpullout yung account sa bpo - yung mga ganun. basta hindi naman nya ginusto. Kaso pag nawawalan sya ng work i don't see yung parang urgency nya mag hanap.. oo nag hahanap sya pero kailangan pa super manermon or tipong once a month mag apply ganun. Madalas pa siguro dahil stressed sya ang sungit nya sakin. hindi rin naman sya masyado hands on sa bahay. Kahapon mother's day... nag alsa balutan na sya siguro dahil nahihirapan na din sya na palagi kami nag aaway, or dahil lagi ko na din nasasabi na umalis na muna sya or dahil nahihiya na sya sa mommy ko. As i'm typing this naiiyak ako kasi syempre i'm afraid to be alone, i'm afraid na maghanap ng daddy ang anak ko, i'm afraid na magiiba na buhay ng anak ko dahil dito. i don't know what to do- how to move on. i feel like i dont know myself na

Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #29 on: May 12, 2014, 10:19:14 pm »

^ Sis, bakit parang ang negative ng outlook mo?

"i'm afraid to be alone"
- sis, mukhang di ka naman nag iisa. sa kwento mo, kasama mo ang mom mo at ang anak nyo.  kapag andyan ba sya sa poder mo, hindi mo ba feeling nag-iisa din kung wala syang urgency maghanap ng work?

"i'm afraid na maghanap ng daddy ang anak ko"
- ganun talaga. pero hindi mo pa naman masabi kung umalis talaga partner mo.  malay mo umalis lang sya para mag isip at ma realize nya rin ang pagkukulang nya.  kapag nakahanap na sya ng work, malay mo bumalik pa sya. di naman ata kayo nagkausap na tapos na kayo?
- you can always leave your doors open naman for him to come back.  pero kung wala din naman syang mac-contribute sa pagsasama ninyo, hindi ba hahantung narin yun sa ganun? 
- why so negative?  what if may mameet ka na mas mabait at mas masipag kesa sa partner mo na ituturing ang anak mo as anak din nya?

"i'm afraid na magiiba na buhay ng anak ko dahil dito"
- not necessarily. marami nga nabubuhay na ofw ang tatay. may iba wala din tatay, ok naman sila.

"i don't know what to do- how to move on."
- take it slowly.  sa pagkakwento mo parang hindi pa naman kayo tapos na tapos. nakapag usap na ba kayo?  just do what you are supposed to do muna, like work and take care of your kid.  tapos mas lalo kang puede mag isip isip since wala ang partner mo. tingnan mo ang pros and cons on being with him.  then you decide. if you think you want your relationship to have a 2nd chance, ano dapat mong gawin, at ano ang mga gusto mong gawin nya na kaya nyang gawin?  feasible ba? 

pray for guidance.

Project60

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #30 on: May 13, 2014, 08:06:32 am »
thank you sis for the advice, i needed that. siguro nga medyo negative ako mag isip lalo na ngayon na parang depressed kasi ako. I'm trying my best not to be sad for my child and for myself. Tama ka nga siguro na focus muna ako on my child and my self.

Thanks this forum nakakapag labas ako ng loob at nakakabasa ako ng different opinions plus similar situations kasi madalas talaga pag malungkot ka at down ka may tendency na parang mag self pity nalang.

loveleah

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #31 on: May 16, 2014, 06:49:43 am »
salamat sa thread na ito, I know now hindi ako nag iisa.. I am the breadwinner, from bills, to education, to everything. My hubby has his own business, but he does not give me, his reason? kasi kumikita daw ako, ano pa daw pang gastos niya if bigay niya yun  sa akin, iyon na nga lang kita niya, then we have another business that both of us started, for this, since dati mahirap mag ask sa kanya lagi, we decided to share half of the kita, but at times, kelangan ko pa talagang ask sa kanya, he always reasons out na may work ako, so bakit kelangan ko pa ng maraming pera?? His money goes to his gambling, and gimik with friends, minsan bumibili ng gatas at diaper ni baby, or namamalengke para food but not consistent, if mag text lang ako, note: text, kasi laging wala sa bahay, always out , and sabi niya out daw siya kasi may importanteng ginagawa, but umuuwi madaling araw. sinong hindi ma loloka ? tapos pag pino point out ko to, mag self pity, kasi daw may pera ako kaya basta basta ko nalang siyang pagsalitaan, ang hirap talaga. may yaya kami at katulong, kumuha ako kasi hindi naman siya tumutulong sa bahay, ni pag luto, at pag bantay, gusto laging umaalis, or if na sa bahay, computer lang or natutulog, or nag ti tv, na hindi pa nilalaro yung anak namin na gustong makig pag bonding sa kanya.. hahayz

BDJ

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #32 on: May 16, 2014, 10:27:15 pm »
^OMG! lang sis buti nakatagal ka pa sa kanya kasi honestly hindi ko kayang magtagal sa ganyan. Kung makasalita kasi siya parang wala siyang pamilya.

Kung ako nga umiyak pa ako nung nalaman ko karamihan pala ng bills sa aking manggagaling. Humingi pa ng pasensya ang asawa ko na napasok raw ako sa ganung buhay. Positive enough siya na makakaraos rin kami as in kinocomfort niya ako. Pero tinanggap ko rin naman na ganun ang situation. Kahit kapiranggot ang natitira sa kinikita niya nagsheshare pa rin siya for gas naman and other bills.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #33 on: May 17, 2014, 12:20:55 am »
Quote
Sis, what made you decide to live in together? Don't you trust him na gagawa sya ng paraan para sa magiging pamilya ninyo?

Kung wala ka kahihinatnan sa current BF/partner mo, worse, eh kung lalong nahihila ka pa pababa, imbis na pataas, I think kelangan mo talaga pag-isipan mabuti ang future.  Nagkausap na ba kayo?  Kasi puede iba ang long term goals nya kesa sayo.  Kung magkaiba at non-negotiable issue sya, sign na sya na baka hindi kayo para sa isa't isa.

To be fair to him, bago ka magdecide, it is good to know where he is coming from muna at ano ang balak nya. Hindi puede gusto magbusiness lang.  Paano, san sya mag uumpisa, etc. At ano ang end in mind nya?

Quote
Sis, what made you decide to live in together? Don't you trust him na gagawa sya ng paraan para sa magiging pamilya ninyo?

Nung nasa abroad pa sis, ang dami dami nyang pangarap..Like magkabahay, magtayo ng business etc etc. Nakakuha kami ng bahay. Naghahati kami ng bayad noon... Tapos nagresign sa work last year, ang end ako ang nagbabayad sa amortization, rent sa bahay, pangkain etc.

Nabuntis ako, ako ang gagastos sa hospital, gamit ng bata etc. Wala siyang maibigay... Walang nakakaalam sa situation namin maliban sa kami lang.

Minsan kinausap ko, ano ba ang plano nya sa buhay... Tinanung ko kung ayaw na ba nyang bumalik sa abroad.. Ayaw na daw kasi hindi rin nya ako maiwan iwan. Nung una nag aapply apply siya, kaso wala sa isip nya talaga. AYoko namang pilitin at baka mafrustrate.  Gustong magbusiness pero wala naman syang pangkapital kasi wala naman siyang ipon.

Hindi ko alam kung anung gagawin ko talaga. Kasi nafrufrustrate din ako pagka naiisip ko yung mga bagay bagay na ganito.  :(


Girltalker2

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #34 on: May 17, 2014, 01:44:08 pm »

^ Sis, nakaka frustrate naman talaga at nakaka stress ang situation.  Pero like jonduh, kelangan kayo mag usap and agree on a plan.  That is how partnerships and relationships work. Hindi yung nakabinbin ang problema, tapos tuwing mad-disappoint ka, madagdagan nang madagdagan ang sama ng loob ninyo sa isa't isa.

If he is not responsible enough to agree on a plan - note - agree nanga lang, IKAW na ang magplan pero involve him kasi family parin naman kayo.  Then perhaps dyan nanga ikaw kelangan mag isip kung gusto mo ba ang ganyang buhay at gaano katagal mo kakayanin.

Kung may plan, kahit naman andyan pa ang problema, kahit papano nakaka relieve din at hindi ka super stressed.


glamorosa_09

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #35 on: May 20, 2014, 07:42:23 pm »
Quote from: loveleah
tapos pag pino point out ko to, mag self pity, kasi daw may pera ako kaya basta basta ko nalang siyang pagsalitaan, ang hirap talaga.

You can open a communication to him about this, perhaps may hinanakit ang asawa mo with the way you talk or approach him? How does he feel? How does he perceive your approach or the content of it? Sa kanya na rin mismo nanggaling yung mga salitang yan. It could be a reason kaya bukang bibig nya eh, "may pera ka naman."

Pag nagkakasakitan kayo ng di nyo alam, o minsan ay di sadya, nagkakaroon ng resentment, nagkakaron ng invisible wall between the two of you. So nawawala ang communication, pati na intimacy, how much more is the conflict regulation in the relationship. Ending, napaka vulnerable ng marriage, worse is you became estranged from each other.

When kids or husband or any family member deliberately stays out of the house all the time, it could be that there is no happiness at home.

Kung hindi naman nature talaga ng husband mo ang maging selfish at wala pakialam sa kapamilya, perhaps there is something in the relationship, with the way you interact with each other, that made him behave like that.

Quote from: maye2k
Regarding sa salary, pareho lang naman kaya we both decided na siya na ang tumigil na talagang pinag awayan pa namin kasi siya daw ang lalaki at dapat siya ang provider. Pero sabi ko maging practical na lang kami.

Hmmm, ang desisyon ba to quit work ay bukal sa kanyang kalooban? O sya na lang nag-give way para matapos na ang argument? Base from your post eh, he has a conviction na sya ang lalake, sya ang dapat na magtrabaho, looks like he was thwarted.

But if he finds happiness naman and fulfillment in this new career, then good for him, good for both of you. But kung miserable sya dito, it could take a toll on your relationship.

Given that situation, it's not an easy decision on who will give up the work. But if you're religious and spiritual, you can heed the Bible's advice:

Wives, submit yourselves to your husbands as to the Lord. For a husband has authority over his wife just as Christ has authority over the church; and Christ is himself the Savior of the church, his body. And so wives must submit themselves completely to their husbands just as the church submits itself to Christ. -Ephesians 5:22-33.

Lalo na kung responsable at mabuting tao naman ang husband.
« Last Edit: May 20, 2014, 08:07:46 pm by glamorosa_09 »

Bud

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #36 on: May 24, 2014, 01:06:41 pm »
Maybe this goes with age and maturity.  As we get closer to reality, hindi na ito importante.  Pero kung nasa "idealistic" mindset pa tayo, hahanap hanapin mo ito.

This got me thinking kasi I never looked for this in my life.  Kahit simple lang ang date namin ni ex dati (he was my one and only BF kasi na naging hubby), kkb pa, all I wanted was to be with him.  Then nung mag asawa na kami, yes he does give flowers, gifts, and pays for dinners outside.  Kaso alam ko manloloko sya, so it did not have any bearing. Mas prefer ko to be with someone who is genuine, and not concealed with all the works (gifts, fine dining dinners), tapos manloloko lang.

I guess my message is, so long as loving ang hubbies ninyo, loyal, masipag and all out support sa family, try to appreciate them. They are much much better persons than the hubbies who can provide for everything pero tingin sa sarili nila eh Diyos.

That is true, madalang ang mga lalaki na loyal at di ma-ego. they should be appreciated much by their wives. pag ang wife di pa ma-appreciate and isang masipag, loyal, maasikaso at mapagpakumbaba na Mister, aba eh kahit sya ang breadwinner o mas malaki sahod di nya deserve ang mister nya.

ito ang mga totoong Macho: Mapagpakumbaba,masipag, loyal sa misis at maasikaso..

nathanielle

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #37 on: June 10, 2014, 03:31:04 pm »
Haven't visited this thread in a long time. How is everyone doing? I really hope everyone's holding up.  I feel sad reading others' stories. As I said my husband earns less than me, but I always considered him my partner. I think in partnerships there will come a time when somebody will give more, not just financially but emotionally. One person will be more giving, more loving, more patient and understanding, and one person will probably need to hold the fort, as on sister said here, for some time. But it cannot be ALL THE TIME.
 

khriseeee

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #38 on: June 13, 2014, 02:58:50 pm »
I earn 4x what hubby is making at the moment so I guess you could call me the breadwinner. It's never been an issue with my hubby as I don't rub it in his face, nor do we ever talk about "his money" or "my money". In fact when we talked about it, he said he's relieved nga coz it takes some of the pressure off of him. He still contributes what he can (he covers our association dues, water and electricity) and when he has extra income he gives me part of it to buy something nice for myself or our daughter. I usually put it into my daughter's savings account.

I am the one feeling more pressured as I want to build our savings but still be able to buy nice things and treats for the family.

langley

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #39 on: June 13, 2014, 04:15:48 pm »
I'm also earning more than my husband but I do not consider myself as the "breadwinner".
Kaya mas malaki ang sahod ko ngayon kasi medyo bago pa lang si hubby sa work niya. Mas gusto ni hubby ang work niya ngayon kesa dati kasi mas related sa natapos niya na course nun college. Kaya lang dahil medyo bago pa lang siya medyo maliit pa sahod, kaya din ako nagtatrabaho para tulungan siya. But when the time comes na pahintuin na ako ng husband ko hihinto na talaga ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close