Author Topic: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!  (Read 9704 times)

justin3

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #20 on: April 10, 2014, 05:38:44 pm »
here comes the bride...

ikakasal ka na nga ba talaga bukas TS? ;)

Goodluck!

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #21 on: April 11, 2014, 12:43:49 am »
^Yep sure na yun  ;) Since this is Christian wedding hopefully naman wala nang speech and everything like promises sa magulang on what to do sa pag aasawa namin  ;D

graZiousa Grabe nagsalita pa sayo na tumigil sa trabaho? Paano mo maaasikaso naman ang panggamot ng hubby mo kung titigil ka sa work at kung nataon pareho pa kayo mawalan ng work. Sige andun na ako it is generation thing on my case pero ang panget talaga ng context pakinggan tapos ilang ulit pa sayo sinasabi na kaya nga nag asawa yan para asikasuhin siya. Well kung it is about high blood naman there's proper way to take care of his health para maprevent yan. Hindi naman yan yung case na agaw buhay agad noh!  ;D Unless kung nasa critical stage na talaga hubby mo then may namamatay talaga sa ganyan. Likewise madali pang gamutin at mawala yan lalo na kung nag uumpisa pa lang. Ako nga may fatty liver eh! delikado rin yun. Hindi ko pa nga alam until now ang SGPT ko hanggang sa itong nagbuntis na ako.

So far buti hindi siya tinotopak kundi nagkekwento lang ng buhay niya ng paulit ulit which is okay lang naman yun kesa sa paulit ulit na init ng ulo.

outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #22 on: April 11, 2014, 09:36:27 am »
Kakasal ka na pala sis, I hope okay naman lahat. Mahirap talaga kadalasan makitungo sa mga oldies. Sa case ko, mas okay sa akin lola ni hubby kaysa sa mom niya. Si lola kasi hindi nangungunsinti. Well, I really hope masettle na lahat ng issues later on lalo na pagdating ni baby mo. Sana di naman kayo dumating sa point na katulad namin ni in-laws ko. Until now, hindi ko sila kayang tawagin na mama at papa. Mag-aalsa balutan na lang ako kaysa gawin ko iyon  ;D

graZiousa

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #23 on: April 11, 2014, 10:44:14 am »
oo nga sis BDJ diba nakakainis ang ganyan talaga, by the way chinese kasi MIL, sya kasi mula ng nag asawa kahit educated e hindi naging employed even once kasi full time house wife sya.. As of sa husband ko naman, hindi naman sya ganun kalala ang high blood nya (thanks God) and he is taking medication naman. ang gusto ni MIL, alagaan ko hubby mula sa mga damit na dpat hindi na nagpapalaundry at ako na ang mag asikaso. Nasaan ang hustisya sis diba.. Oo andun na nga ako na dapat rin naman talaga alagaan natin mga asawa natin at the same time ganun din ang mga hubby natin sa atin, hindi yong tayo lang ang dapat na nag aalaga sa kanila..

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #24 on: April 13, 2014, 09:34:28 am »
outandaboutph Kasal na kami nung nagpost ka  ;D mga 1 hour after posted dyan nagsimula ceremony sa civil wedding. Naku ha! nung tinanong siya ng rev kung ano maipapayo niya nung una hesitated siya to speak tapos kesyo marami raw kasi though buti na lang it was simple at patas. Kala ko magsasalita na naman siya ng bagay na in favor for her apo lang eh! Tapos nung hiningan kami ng mensahe for each other talagang sinabi ko na simple rin which is makikipagtulungan ako ng PATAS sa responsibilidad.  ;D Asa kung marinig niyang ipapangako ko aalagaan kita at aasikasuhin kita eh di pabor lang yun sa lola.

Yes it is hard to deal sa matanda saka ayoko pa man din yung masyado silang maputak tapos paulit ulit lang na wala namang katuturan mga sinasabi. But to be honest kung hindi ko feel itong grannie mas hindi ko gusto ugali ng Mom ng hubby ko kahit na nasa US at hindi sila magkasama ni hubby. I could imagine rin kung sino siya kapag nakasama namin siya lalo na't kung pumayag si hubby na sa US kami titira with her. Talaga hindi mo pa matawag na Mama at Papa ang in laws mo? Eh di anong tawag mo sa kanila for now?

graZiousa Madali lang maging housewife at alagaan ang asawa kung si hubby yung working at advantage pa na mayaman sila tapos consistent pa yung stability ng finances. Lalo na kung chinese pa yan talagang known sila na magagaling sa negosyo kaya kahit taga alaga siya ng asawa at pamilya buhay na buhay sila.  ;D Kanino ba kayo nagpapalaba? may maid naman ba kayo? Eh di sana si MIL mo gumawa na lang siya ng clone niya na pwedeng mapangasawa ng hubby mo para siguradong alaga ang hubby mo. Yan kasi ang gusto nilang mangyari eh! kung ano ginagawa nila dapat yun din ang gawin natin o maging tulad natin sila. Kulang na lang sila maghanap ng mapapangasawa ng anak nila. Saka tama ang pag-aalaga dapat patas. I as posted earlier sinabi ko talaga sa promises ko during wedding na makikipagtulungan ako ng patas sa responsibilidad.  ;D as in may term na PATAS sayang lang hindi ko nairecord para may ebidensya ako at hindi masabing ipinangako ko na aalagaan ko siya bwahahah...

Ang parents ko pati brother mga may high blood rin and my mom is even taking medication noon pa man pero kita mo career woman siya na napapagod sa trabaho at masasabi ko until now alam ko gumaling na ang HB niya. Unlike yung dad niya maagang namatay sa high blood kasi talagang mahilig sa masasarap saka yung ibang unhealthy food. Nasa healthy lifestyle rin naman kasi yan. Saka may mga reasons kung bakit tumataas ang bp minsan dahil sa stress yan.

Sana ilang tiis na lang rin to be with in law ayoko talaga siya makasama kapag andyan na anak ko. Baka mamaya ultimong paglalaro pakialaman pa niya.

graZiousa

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #25 on: April 15, 2014, 11:35:13 am »
Sa toto lang sis BDJ mahirap talaga makisama sa MIL. Sa tingin kasi nila na alam nila ang lahat at napag daanan na nila kaya panay panay ang inputs. Ok naman kaso nakakarindi rin lang talaga kung minsan diba, lalo na at nakakapagpabigat lang sa sitwasyon. hay nako.. kaya ako hindi ako tumigil, ito ngang may maganda akong trabaho minamaliit ako ano nalang kaya kung wala diba.. as of hubby naman, minsan hihiling na puntahan sya kahit hindi schedule ng punta ko dun or uuwi sya ng biglaan. We are really making it sure na magiging maayos between us lahit magkalayo kami.

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #26 on: April 15, 2014, 01:23:38 pm »
Yan ang inalala ng Nanay ko kung mahirap pakisamahan itong lola na mapapangasawa ko. Sinabi ko na nga sa hubby ko na eh di totoo pala sinasabi ng Nanay ko? At saka oo nga minsan rin nagparinig na walang wala mga trabaho namin o pinaghirapan namin sa pinaghirapan niya. Grabe she is always bragging kung paano siya kumayod noon para mapagtapos mga anak niya tapos hindi raw siya naiintindihan ng mga anak niya.  ??? Tapos somewhat may naikwento si hubby noon na may expectations kasi siya. Yan kasi hirap eh! nag eexpect agad eh kadalasan sa ganyan susubukan ka talaga. Baka kasi sa sobrang kayod nga niya nag expect lang sya tapos hindi naman inasikaso sa pag aaral ang mga anak eh importante rin yun. Nangyayari nga yan sa mga businessman minsan na hindi nagkakaroon ng time sa anak tapos iba na nangyayari. Kung magparinig rin sa amin talagang sinasabi pa niya na wala kaming alam sa paglilinis o sa buhay o kung ano man kundi yan lang naman ginagawa namin. Naku noh hindi ko na iniintindi. Ayokong kumilos basta basta sa bahay kung andyan siya. Hindi baleng lifestyle mo mahirap kasi part yan pero naman mas lalo nga rin nagpapahirap ng sitwasyon kapag may putak ng putak na in-law.

Buti nga ngayon quiet na itong grannie in law ko although yeah paulit ulit sa kani kaninong tao ang kwento ng talambuhay niyang paghihirap noon. Sising sise naman na hindi raw niya napangasawa yung smuggler ng Cavite noon eh di sana mayaman sila.  ;D

outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #27 on: April 16, 2014, 07:35:59 am »
^hehe ano nga bang tawag ko sa kanila? kapag kausap ko si hubby, "si mama/papa mo.." then kapag nagbibiruan kami, "kamukha mo na talaga si mama mo.", minsan "aling mameng". Pero may times din sis na okay naman sila. Kaya lang kasi ang hirap ng ilapit iyong loob mo sa mga taong may sinabi ng hindi maganda sa iyo before na mahirap kalimutan. Okay lang sana sa akin iyon if mula simula, ang sama sama kong tao, kaso hindi naman. If nagkaroon man ng changes sa akin ever since ikasal kami, dahil iyon gusto ko protektahan sarili ko. Isang napansin ko kasi, iniisip siguro nila na dahil kasal na kami ni hubby, kasama na ako sa lahat ng problema nila. Actually, okay lang ako doon, ganoon naman usually di ba? Ang kaso, kinalimutan nila na may pamilya din ako na kailangan din ako. Parang ang nangyari, puro para sa kanila na lang, sa pamilya nila. Ginagawa ko naman responsibilidad ko sa husband ko, sobra pa. Sana fair naman. And iyon nga, ang hirap na kasi kapag may lamat na mula simula eh. Pinulaan nila parents ko, na talagang ikinasama ng loob ko before, kasi kung alam lang nila sinabi ng parents ko when I decided na pakasalan anak nila. And until now, kahit hirap ako and dami ko reklamo, never kumampi parents ko, puro payo sila and paano aayusin. Hehe actually mahabang kwento, marami na kasing nangyari, marami narin silang nasabi na masakit na mahirap kalimutan kaya mahirap sa akin na itreat sila as pamilya ko. 

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #28 on: April 16, 2014, 08:53:05 am »
^In my case naman ewan ko kung bakit hindi ko pa rin mafeel feel itong grannie in law as in hindi pa rin ako comfortable na kasama siya kaya isang bagay kung bakit gusto ko rin yung umaalis. Hindi ko kasi type yung parang palengkera na pinuputakan ka. And yeah she is someone na parang naghahamon parati ng gulo which is I told my hubby na ayoko ng ganyang buhay.

graZiousa

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #29 on: April 24, 2014, 11:49:29 am »
Ako naman mga sis lately nung holyweek umuwi kami sa place nila MIL.. 4 days kami dun and so far maganda ang treatment sakin, hindi na harsh magsalita and good thing hindi na sinasabi na tumigil na ako sa work. Ang sabi lang if may chance makalipat ng work duon sa magkakasama kami ni hubby which I and hubby are considering naman talaga in a near future. Nawala narin sakin yong awkward feeling and uneasiness with them surrounds. Mula ng unang apak ko sa bahay nila gf bf palang kami ni hubby nun grabe talaga ang head to foot sakin and I really hate it, nakakainsulto naman their way of familiarizing you hehe.. But I thanks God na hindi man ako matangap at itrato tulad ng pagtrato ni MIL kay hubby at least hindi na ko na nararamdaman na minamaliit ako, masaya na ako dun :D

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #30 on: April 24, 2014, 10:15:20 pm »
^Good to hear that from you at least nakapag move on ka na kahit papaano. In my case kasi parang nagsisink in pa rin sa akin yung ibang ginawa in IL na hindi ko nagustuhan. Well she even gave us apology although I still have this feeling na may mauulit pa. Not the same specific scenario pero kasi diba kadalasan kapag attitude mo na ang isang bagay mauulit at mauulit like if you are moody kung ano ano na lumalabas sa bibig. Nakikiusap na si hubby that I should understand his grandma more. Yes it is true she is old but I told him na may hangganan rin ang pasensya ko talaga and now umabot na rin sa sukdulan. Nakikiusap na huwag ko nang ituloy ang pinaplano ko like going to my family's place kapag may hindi ako nagustuhan na gawin ng in law lalo na when the baby is there already. Honestly medyo natabangan na rin ako lalo na't habang naandyan pa siya. Tapos may reklamo pa itong si in law na yung Nanay ko raw nagpahaging about sa buhay ng Nanay ng hubby ko. Nagtalo sila ng hubby ko regarding run pero hindi naman rin ma explain.

graZiousa

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #31 on: May 08, 2014, 09:07:45 am »
sis BDJ, mahirap talaga pag IL ang nakakaron ng conflict. may long time talaga sis na naglagay ako ng wall between us. nasasaktan na kasi ako, pag tumatawag si MIL hindi ko sinasagot and hubby knows about it. ayoko na mag uusap kami kasi ang daming inputs,ang daming sinasabi na nakakasakit. baka masagot ko pa sya mas mabuti na yong hindi ko nalang kausapin. minsan nga nagsumbong kay hubby na hindi ko daw sinasagot tawag nya, sinagot nalang ni hubby na busy kasi nasa trabaho pa yon maaga nga daw ako umaalis at gabi na nakakauwi, kaya yon di narin tumatawag lagi sakin.sabi kasi ni hubby sa kanya nalang daw tumawag kung may gustong iparating sakin :) pinapaalam ko kasi kay hubby ang lahat kaya sya rin gumagawa ng paraan na hindi lumala ang problem.

baliwsayo

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #32 on: May 08, 2014, 01:30:14 pm »
Well, sabi nga, sa isang kaharian, isa lang dapat ang hari at isa lang ang reyna. Kaya dapat talaga bumukod kayo para walang conflict.

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #33 on: May 08, 2014, 10:09:40 pm »
sis BDJ, mahirap talaga pag IL ang nakakaron ng conflict. may long time talaga sis na naglagay ako ng wall between us. nasasaktan na kasi ako, pag tumatawag si MIL hindi ko sinasagot and hubby knows about it. ayoko na mag uusap kami kasi ang daming inputs,ang daming sinasabi na nakakasakit. baka masagot ko pa sya mas mabuti na yong hindi ko nalang kausapin. minsan nga nagsumbong kay hubby na hindi ko daw sinasagot tawag nya, sinagot nalang ni hubby na busy kasi nasa trabaho pa yon maaga nga daw ako umaalis at gabi na nakakauwi, kaya yon di narin tumatawag lagi sakin.sabi kasi ni hubby sa kanya nalang daw tumawag kung may gustong iparating sakin :) pinapaalam ko kasi kay hubby ang lahat kaya sya rin gumagawa ng paraan na hindi lumala ang problem.

I agree tapos habang pinuputak ka nila or minsan binabastos ka na nila they are the ones begging and imposing respect.  ::) May mga times na kamuntikan ko na rin sagutin itong Lola at mabuti naman na nakapagpigil pa ako. Sa totoo lang nakakawalang respeto rin kapag ganyan ginagawa nila.  Sana they should understand na we must be respected by elders too o mas nakakatanda. Ine earn nga respeto eh!

janet011

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #34 on: November 27, 2014, 03:54:31 pm »
 >:( haha d purkit nag asawa taung mga babae ibig sabhin maging katulong [textspeak!] ng mga naging asawa ntin , pede na sabhin na KATUWANG sa bagay.bagay ano un . babae lang ba dapat ang nag aasikaso dba nga GIVE EN TAKE DAPAT . ;D

momlory

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #35 on: November 27, 2014, 05:04:44 pm »
paano kung ikaw na nagwowork tapos sasabihan ka pa ng tamad sa bahay? Hindi ko naman kasalan na mula 7 am to 9pm nasa labas ako. Ang trafik sa pinas kahit umuwi ako kagad pagdating ko pagod talaga ako.

Nagkaka morning cramps ako kasi ako pa nagluluto at naghuhugas paguwi ko sa house sakit sa ulo.

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #36 on: November 27, 2014, 06:59:19 pm »
I just have the fact na hindi ko man lang mahingan ng tulong ng asawa ko kapag kailangan ko nandahil lang ayaw ng Lola niya.  ??? Sa totoo lang nakaka ubos oras at hindi na talaga practical. Like example I want my hubby to learn maglaba, willing naman siya pero hindi pa niya pinapakita sa Lola niya dahil ayaw nya ng ganun.

Ramdam ko talaga sa Lolang ito na gusto ako manipulahin na mabuti naagapan agad or else nilamon na akong buhay. Sa baby lang ako nakafocus.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close