Nung bago kame ni hubby, kakapanganak ko lang nun,Nasabihan din ako ng ganyan ng MIL ko, nag away kase kame ni hubby, e pag nag away kame tamad talaga ako sa gawaing bahay, ayun si huby sumbong sa nanay..
May gawd! Uminit talaga ulo ko!, unang pumasok sa isip ko : Ano ko pinalaki, pinag aral at inalagaan ng magulang ko para maging PA, alalay o katulong ng anak nya??
hala! nag alsa balutan ako, sabi ko sa sarili ko kung yan pag iisip nyo e mabutin ng maaga palang umalis na ko kase di ko kaya makisama sa mga ganyang tao. So ayun, layas kame ni baby ko.
Pag dating sa bahay text ng text MIL ko, kung ano ano pinagsasasabi.. Teka! for the first place away namin to ng asawa ko, kaya ako umalis di dahil sa away namin, dahil yun sa kakaputak nya kakasingit sa away namin, laki laki na ng anak nya para ipagtangol, at hello! lalaki anak nya parang anak nya pa na argabyado!
Ganon, ganon pag iisip ng MIL ko noon. Lagi nalang sinasabi ng mommy at daddy ko na intindihin ko nalang kase matanda na.. Pero mas matanda pa parents ko sa kanya e, so ano yun??
Bunso kase si hubby, nako nako! kahit mag jowa palang kame noon, konting away lang namin itetext agad ako ng MIL ko. kase naman tong si hubby halatang halata pag nag aaway kame, tahimik, nakakulong lang sa kwarto, kaya kahit di nag ku-kwento si hubby alam na alam ng MIL ko
e ganun na nga, Dumating ang harapan, So I told her wag nya ko ganunin kung gusto nya umayos pag sasama namin ng anak nya. Wag nya ko utus utusan na parang katulong at graduate ako (sya hinde pero di ko na sinabi to hehe) sayang pinagaralan ko kaya ako nagtatrabaho, at syempre pang supporta sa kinikita ng anak nya, at di porket nanay ka ng asawa ko itatrato mona kong katulong. Marunong ako maglaba, mag luto, maglinis ng bahay, syempre marunong talaga ako kase pinalaki ako ng magulang ko ng marunong sa bahay kaya wag nya ko diktahan ano dapat gawin ko araw araw.
So ang ending nagkapatawaran naman kame at nag pramis sya na di na sya makikielam samin ni hubby, kase sa totoo lang maliit na bagay lang pinagawayan namin ni hubby e, umepal lang talaga sya kaya lumala at lumaki.
Pero mga sis bago ko nasabihan ng ganun MIL ko e ilang taon naipon mga masasakit, panlalait at pagmamaliit nya sakin, Nasabi ko yun sa sobrang galit, kahit si MIL kita ko sa mata nya na gulat na gulat sya sa mga sinabi ko. Matapobre sya sa totoo lang, di man kasing pantay ng pera ng pamilya ko ang pera nila, di ako papaapi sa kanila no! hahahaha
Ngayon ok na kame. Peace na

ang nakikita ko lang magiging problema sa future e yung sa anak ko, kase medyo nakikita ko gusto nya na angkinin at iuwe sa kanila, ayun sa apo naman naloloka. hays.. sana di mangyare naiisip ko..