Author Topic: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!  (Read 9720 times)

BDJ

  • Guest
Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« on: April 04, 2014, 04:46:44 am »
If your in law told you na kaya nag-asawa ang anak niya ay para may mag asikaso sa kanya or something like this.

"Dapat asikasuhin mo asawa mo kaya nga nag-asawa yan para asikasuhin mo siya eh!"

How are you going to react on that? Ano rin ang dating sa inyo nito?

Girltalker2

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #1 on: April 04, 2014, 07:42:47 am »

assuming MIL mo nagsagi nyan, sagot ko dyan:  "sana naghira nalang sya ng katulong o di kaya sana naging binata nalang sya ever para kayo nalang mag asikaso sa kanya palagi.  sa gayon 100% sure sya na premium ang service nyo, magaling kasi kayo magluto at lahat."

a bit sarcastic kasi nakakainis.

may katotohanan ba?

aquacharly

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #2 on: April 04, 2014, 08:41:06 am »
Have you been negligent?  Be truthful to yourself. If yes, then mind her advice, kahit na grrr ka.  Ika nga, choose your battles well. Her statement is still out of place -- but well, some people have this mabigat way with words. :(. 

If you haven't been neglectful, and  ina- asikaso mo nga pero not to the point of martyrdom as some stuck-in-the-dark-ages MIL expects -- make it clear, very nicely to her that sa panahon ngayon (specially if you are working too) -- pareho sarili at asawa inaasikaso.   Explain your dilemma to your hubby, so he can stop his mom from complaining.  Hindi siguro nya say he married you to have a 24/7 free maid & more.  (Eh may Kasambahay Law na nga. Susko)

Teka, are you a housewife/SAHM or yun -- unemployed/not earning?  Baka kaya ganon sya kabigat mag salita. (still, wala sya sa lugar to say such.)

Haynaku, that's why I am 1thoupercent for a woman's financial independence/empowerment.  There is always a price to pay.  IMO, the price for being financially dependent on a husband is too high in terms of self-esteem, self-worth  & self-determination. 

justin3

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #3 on: April 04, 2014, 01:35:55 pm »
TS, ayokong sagutin ang isyung tinatanong mo dahil...

HINDI pa naman kayo kasal ah. ayt? ;)
(as of last month, as per your posts, hindi pa eh)

and you are referring to that HILAW na GRANDMOTHER-in-law. ayt? ;)
at nakiki-iskwat ka lang sa kanila di ba?

UMUWI ka kaya muna sa nanay mo. ilang beses ka nang tinanong at nag-aalala sa kalagayan mo di ba? ;)
prangkahan tayo.
ipinagpilit mo ba ang sarili mo na dyan ka tumira dahil sa "kalagayan" mo ngayon?... kahit na verbally abused ka na?
kung ako ang tatay mo hindi mangyayari yan.
at kung malaman ko pang inaapi ang baby gurl ko, baka i-massacre ko pa yang mga hilaw mong in-laws. ;D
(kahit ikaw nagsabi nito: "Pero isang bagay ang mang gagalaiti ako sa galit kapag sinaktan ng sino man ang anak ko, sila mismo masasaktan ko rin.") :D

umuwi ka nga muna sa inyo.
mga 5mos na yang anghel sa sinapupunan mo, ayt?
at nasa 4th floor pa kayo nyan?  :o
may elevator ba yan? what if nasira?... what if gumulong kayo pababa sa hagdan ni baby? :o

dun ka muna sa inyo. masama sa baby pag stress ang mommy... the worst pag naging kamukha ni baby ang amoy lupang matanda na yan. ;D

bago ka umalis... lasunin mo nga muna ang matandang yan. baka aasenso na ang Pilipinas pag nabawasan ang mga pasaway gaya nya. ;D :D :)

...and since may baby na, "family" na kayo, PILITIN nyong bumukod.
hindi bale hirap ang pamumuhay basta walang ANAY (termites = in-laws) sa bahay. ;D


outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #4 on: April 04, 2014, 01:51:54 pm »
If ever sa akin sabihin iyan, iinit ang ulo ko at baka ito ang maisagot ko:

"Nasa hitsura ba ng anak ninyo ang napapabayaan eh dumoble na nga halos timbang niyan mula ng mapangasawa niya ako. Sinipsip na nga niya lahat ng taba ko kayo pang may reklamo?!"  ;D

Actually nasugod narin ako one time ng MIL ko, kesyo ina-under ko daw husband ko kasi takot na takot daw sa akin. Umakyat agad dugo sa ulo ko kasi wala naman work husband ko that time and wala din ginagawa sa bahay kundi magcomputer games ganoon ba ang under? Kaloka din kasi that day, super aga ko gumising kasi pupunta kami NBI. Nakapagluto na ako, ligo and all, ginising si hubby, bumangon at bumaba sa sala, pagbaba ko nadatnan ko tulog sa sofa. Sinong matutuwa?

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #5 on: April 04, 2014, 02:57:26 pm »
Thank you sa mga replies.  ;) She is actually grandmother in law so most likely just because of being old pinagpapasensyahan ko na lang kahit na ba masakit pa rin sa tenga pakinggan at mabigat yung sinasabi niya. I told my fiance about this already I think more than twice na. He explains na lang na kasi nung unang panahon ganun ang sistema at yun pa rin ang gusto niyang mangyari hanggang ngayon. Huwag ko na lang raw indahin o stress ang sarili ko at hayaan ko na lang raw siya magsalita ng ganun pero hindi naman kailangan na sundin ko yung way ng expectations niya. Mabuti na lang ang napili kong mapapangasawa ay understanding, matino at mabuting tao kaya bawing bawi talaga. I asked him kanina ano ba objective mo para maging asawa mo ako? Magaganda ang sinabi niya at talagang malayo dun sa objective na sinasabi ng Lola niya. I told him kasi kung ganyan rin lang pala ang pakay ko sa pagiging asawa mo eh di magreresign na ako sa trabaho ko mas maigi pa na asikasuhin na lang kita. Of course I am not serious about it at hindi ko matitiis na isa lang sa amin ang kumikita. Okay lang naman na pakiusapan ako to do other household chores kasi ginagawa ko pa rin naman saka nagluluto pa rin naman ako pero yung sabihan ka ng ganun is crossing the line na.

Girltalker2 Naku noh! naisip ko na yan, minsan nga parang gusto ko nang sabihin eh di sana siya na lang pumili ng mapapangasawa ng partner ko bago pa kami nagkakilala or better yet make a clone of her na siguradong mag-aasikaso sa apo niya. OO may katotohanan naman na magaling siyang magluto at hugas ng plato and everything.

aquacharly I am actually homebased layout artist who is earning well naman. Kung sweldo lang pag-uusapan mas malaki ang kinikita ng fiance ko pero kung take home pay mas malaki ang earnings ko since it is homebased na Odesk so $1 every withdrawal lang naman bawas nun. Kasi si fiance may binabayaran pa na bahay sa pag-ibig ata so kakapiranggot na lang natitira sa sahod. So sa expenses ng iba like food and bills ako ang may sagot. Ewan ko lang kung ma eexplain ko pa yang panahon ngayon na dapat pareho lang kami ni fiance ang nagtutulungan hindi yung ako lang nag-aasikaso sa kanya, eh minsan alam mo naman kapag matanda ipagpipilitan pa rin nila yung para sa kanila yun ang tama tapos gusto nila sila susundin mo.

justin3 We will be marrying next Friday, hindi pa naman umaabot sa point na verbally abused talaga pero alam mo naman dahil matanda kung ano rin talaga nasasabi. Pinagpapasensyahan ko na lang at hinahabaan ko pa. As much as ayokong mag isip ng negative things about my in law dahil mahal talaga siya ng fiance ko hindi ko pa rin maiwasan. Nagsalita na ako sa hubby kung kailan kami magiging independent kasi honestly wala pa kaming financial freedom for some reason sa case ng hubby ko, dahil as I mentioned he is still paying the house until now which is binebenta na namin ngayon. Alam na rin ng hubby ko na medyo off ako sa Lola niya. Sinabi naman sa akin ni Fiance na kapag nabenta na yung bahay uuwi na rin ang Lola niya which is malapit na raw yun. In other sense naman may brighter side pa rin naman about his Lola kasi kahit papaano thoughtful siya, maasikaso rin naman, saka dahil preggy ako hindi naman rin siya basta basta pumapayag na gagawin ko ang bagay na nakakasama like yung mapagod and everything, pero yun nga you can't have it all  ;D Ito na lang consideration ko rito, huwag na lang niya idamay ang anak ko kapag uminit ang ulo niya nandahil lang sa iyak ng bata. Kapag ganun talagang no second thoughts kami ng bata aalis agad at uuwi ako sa amin. Sinabi ko na rin sa fiance ko ito na may inaalala ako sa init ng ulo niya yung tipong sasabihin niya ayaw niyang may pahara hara sa daan tapos lahat pupunahin. Minsan nga yung tindero nasigawan na niya nandahil sa init ng ulo niya. Ayokong pumatol sa matanda pero last resort hangga't may respeto pa akong natitira is uuwi na lang ako sa amin rather than makadagdag sa stress ko. Huwag lang niya akong babangayan nandahil lang sa iyak ng anak ko. 

outandaboutph  :D nagpantig talaga tenga ko to think madaling araw pa niya sinabi ito, nataon kasi kumakain ako dahil nagutom ako saka tinapos ko work ko then nagising rin siya tapos siya na nagluto ng iba. Kesyo pakipot raw apo niya na nag aalala raw sa kanya. Late kasi ang dating ni fiance so sa office siya nagdidinner. I already told his Lola na I texted him already if he will eat or not, she just affirmed pero talagang parang gusto makipag argument na next time dapat ipagluto ko siya agad  (as if my hubby will eat eh matutulog na nga yun sa pagod) kaya nga nag asawa yan para asikasuhin mo siya. She is telling time most of the time grabe! Minsan nga sinample pa niya yung kaibigan niya na matanda rin she even joked na dapat ganun raw napangasawa ng hubby ko. Ako hindi ko na pinatulan pero hubby ko pinagalitan siya na tama na yan. She is telling my fiance every now and then na kaya ka nga nag asawa para may mag asikaso sayo. I told my fiance na may limitation rin ang pagsunod ko sa kanya pero kung lahat lahat gagawin ko hindi ko dapat gagawin kasi lalo pa yang magdedemand ng kung ano ano na hindi naman kailangan.

little_princess

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #6 on: April 04, 2014, 03:00:27 pm »
Baka naman MIL is saying that in an effect na nangingisi siya sa son niya? na he's a spoiled, lazy boy?

outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #7 on: April 04, 2014, 03:33:55 pm »
Pakiexplain na lang kay lola na baka naman bangungutin si finace kung pakakainin siya pagdating tapos matutulog na pala agad. Or baka naman gusto lang ipakita ni lola niya sa iyo kung gaano siya kagaling mag-alaga sa apo niya. May ganiyang ugali din MIL ko eh, to the point na ultimo pagsasambay ng bra sa hanger eh tinuturuan ako  ;D hello? kaniya kaniya kayang diskarte iyan haha. Seriously, mahirap naman makipagtalo talaga sa matatanda pero sa case ninyo, ask mo na lang si fiance ano ba talaga gusto ba niya kumain pagdating niya or hindi. Or siguro baka nahihiya sa iyo, try mo one time ipagluto if kakain nga siya or hindi. Mahilig din magdikta in laws ko pero ngayon eh hindi na kasi may sarili kong mundo  ;D

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #8 on: April 04, 2014, 08:16:28 pm »
little_princess Inamin rin sa akin ni Fiance ito na hindi rin siya sanay sa gawaing bahay so hindi talaga siya inuutusan to do the chores at medyo na-spoiled rin siya. Though now he is really trying his best na maging responsible. Minsan ko lang na encounter na pinagluto siya ng maling naku poh! pinagalitan pa nang husto kasi nga medyo nadurog. Nadiscuss naman namin ni fiance yan na kapag kami na lang we have to help each other. Minsan nga nagvolunteer na siyang maghugas ng plato dahil alam niyang may work na ako.

outandaboutph Siempre ang nakakainis pa run bakit ko pa kinakailangan magluto kung sinabi na nga sa akin ni fiance na hindi na siya kakain? Kanina lang tinanong ko na kung kakain pa siya o hindi na, then mabuti na yung malinaw na hindi na siya kakain pag-uwi niya lalo na ngayon 1:00 am pa pala uwi niya. Eh di mapupunta lang sa ref yung bagong luto ko. Katawa naman yang in law mo pati pagsampay ng bra ididikta pa  ;D Minsan nga nakakaloka rin mga implication nitong Lola niya like hindi raw dapat ako magsampay ng underwear sa bintana ng alas sais ng gabi dahil marami raw demonyo sa labas. Tapos sinabi ko lang na pinasok kami ng pusa ng madaling araw sinasabi niya sa akin na kunwari lang pusa yun pero aswang raw.  ::) Siya na lang maniwala sa aswang. Minsan nga naghubad yung fiance ko, alam mo na yung common na ginagawa ng mga lalake kapag naiinitan which is natural lang naman sa akin yun, doon nagsimula na sinabihan niya fiance ko na magdamit raw siya kaya nga raw siya nag asawa para asikasuhin siya. So ako magdadamit sa kanya? Sinabihan na ako ng fiance ko noon eh na she is expecting more from me na kung paano yung pag alaga niya ganun rin ang gagawin ko. Duhhh!!! Baka next time dahil sa sobrang demands niya yung baon niya hindi ko na asikasuhin at talagang pagagawa ko yun sa fiance ko.

One more thing pa pala, ang hilig niyang magtakal ng kanin ng sobra sobra, she has an objective na bawal ang tira kahit isang butil. Sinusunod ko yun kasi sa palagay ko yun rin naman ang tama talaga eh! pero there was a time I am totally pissed off twice na. Nung nagtatakal siya ng sobra sinabihan ko na ako na lang kasi hindi ko mauubos, nung pinigilan kong gawin niya yun grabe nagdabog siya sa mesa, pinagsabihan lang ng fiance ko. Tapos nitong pangalawa pilit niyang gustong dagdagan yung kanin na tinakal niya, sinabihan ko na talaga siya na hindi ko kayang ubusin pero pinilit niya pa rin. So nagbukod na lang ako. Tapos sinermonan kami ni fiance na masama yung nagbabalik ng kanin sa caldero, yung ibang tao nga dyan wala raw makain. As in duhhh? mabuti kung ako kumuha tapos binalik ko. Alam naman niyang hindi ko mauubos yung mga tinakal niyang sobra sobra tapos pipilitin niyang paubusin sa akin? Honestly medyo nakakabastos parang feeling ko pinapasakan ako ng pagkain. I told my fiance already sa anak namin ako talaga magtatakal dahil nakakatakot kapag sya gumawa nun.
« Last Edit: April 04, 2014, 09:34:41 pm by BDJ »

castledoll

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #9 on: April 05, 2014, 12:19:35 am »
She is actually grandmother in law

baka naman si lola hinde pa fully nakaka adapt sa panahon ngayon. Maybe hinahanap nya yung pag aasikaso na ginagawa nya nung panahon nya sa pag aasikaso mo ngayon sa fiance mo.

 

aquacharly

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #10 on: April 05, 2014, 01:12:40 am »
BDJ -- ahhh, grannie.  It's a generation thing, don't take it personally then:  they serve their hubbies like slaves (or, the rare ones like my Lola: they scare their hubbies to  spoil them rotten. Lol).

Good, great! you have your own financial power.  Keep at it, even when you have kids. :)

Nobody's perfect -- sabi mo nga may consuelo ka din  from the things/consideration of your pregnant state that grannie does. Well, it's another generation thing: mabigat/taklesa sila magsalita - generally. 
Overall, sa cuento mo -- she isn't Maleficent.  Tama ka din, you cannot correct her perspective na, kasi gurang na.   

Sabi: Honey attracts more bees, vinegar a few stray bees. Pwes, you can turn on your charm and turn her into your biggest fan/defender.  Ano ba gusto ng gurang? Yung pakitahan  mo ng konting care/consideration.   Surely may athritis yan, give her EMU Cream for example -- (btw, it's great) -- yung not very expensive gestures that convey: I see you. I know you have aches/pains/needs. I care when you are not ok. Etc etc etc.  You are part of our lives (kasi ang gurang drama nila: nobody needs me, waaahhhh!).

Do not worry about the baby, grannies go sooo gagaga over apos. They thrive doing "apostolic"  work, lol.
BUT this early insert in your cuentos with her you and your hubby's preferred discipline style.

In short, accept nobody's perfect.
You gain more by not alienating her -- convert her into an ally.
Make her feel you 2 are a team.


lisse

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #11 on: April 05, 2014, 03:31:03 am »
^I agree with sis aquacharly. Do not put your hubby in a position na mamimili siya - that will just be "points" against you. If hindi naman evil na evil na ang pagtrato sayo, and kaya p naman ng gawan paraan beat them in a different game. Gaya nga ng sabi ni ^, be their ally.

Example, earlier I am sooooo inis sa MIL ko. Kase masyadong mapapel. Gusto lagi siya involved. Also, back then nung house-hunting kami, sa kanya kami nakatira - which is a big no-no kasi kahit anong bait pa nung tao eh may ugali yan na hindi mo masasakyan, and them you. So what I did is I made her feel na when it comes to eveything here in this town, eh siya ang authority in all info. I always nod, smile, and make faces na amazed na amazed. she likes magkwento ng magkwento - so I listen and I perfected the fake listener act ("uh-huh, uh-huh, really? awwww!" then repeat, lol!). Sa una nakaka-pagod, pero in the end - so worth it. Now, everytime hubby did something, she will be the one to call my hub and make kulit and pa-guilty sa ginawa niya. Pag may gusto ako bilhin para sa house na ayaw ni hubs - siya mismo tatawag kay hubs para mangulit. so: everybody happy in our family, lol!

ladyisabella

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #12 on: April 05, 2014, 03:55:57 am »
Nung bago kame ni hubby, kakapanganak ko lang nun,Nasabihan din ako ng ganyan ng MIL ko, nag away kase kame ni hubby, e pag nag away kame tamad talaga ako sa gawaing bahay, ayun si huby sumbong sa nanay..

May gawd! Uminit talaga ulo ko!, unang pumasok sa isip ko : Ano ko pinalaki, pinag aral at inalagaan ng magulang ko para maging PA, alalay o katulong ng anak nya??

hala! nag alsa balutan ako, sabi ko sa sarili ko kung yan pag iisip nyo e mabutin ng maaga palang umalis na ko kase di ko kaya makisama sa mga ganyang tao. So ayun, layas kame ni baby ko.

Pag dating sa bahay text ng text MIL ko, kung ano ano pinagsasasabi.. Teka! for the first place away namin to ng asawa ko, kaya ako umalis di dahil sa away namin, dahil yun sa kakaputak nya kakasingit sa away namin, laki laki na ng anak nya para ipagtangol, at hello! lalaki anak nya parang anak nya pa na argabyado!

Ganon, ganon pag iisip ng MIL ko noon. Lagi nalang sinasabi ng mommy at daddy ko na intindihin ko nalang kase matanda na.. Pero mas matanda pa parents ko sa kanya e, so ano yun??

Bunso kase si hubby, nako nako! kahit mag jowa palang kame noon, konting away lang namin itetext agad ako ng MIL ko. kase naman tong si hubby halatang halata pag nag aaway kame, tahimik, nakakulong lang sa kwarto, kaya kahit di nag ku-kwento si hubby alam na alam ng MIL ko

e ganun na nga, Dumating ang harapan, So I told her wag nya ko ganunin kung gusto nya umayos pag sasama namin ng anak nya. Wag nya ko utus utusan na parang katulong at graduate ako (sya hinde pero di ko na sinabi to hehe) sayang pinagaralan ko kaya ako nagtatrabaho, at syempre pang supporta sa kinikita ng anak nya, at di porket nanay ka ng asawa ko itatrato mona kong katulong. Marunong ako maglaba, mag luto, maglinis ng bahay, syempre marunong talaga ako kase pinalaki ako ng magulang ko ng marunong sa bahay kaya wag nya ko diktahan ano dapat gawin ko araw araw.

So ang ending nagkapatawaran naman kame at nag pramis sya na di na sya makikielam samin ni hubby, kase sa totoo lang maliit na bagay lang pinagawayan namin ni hubby e, umepal lang talaga sya kaya lumala at lumaki.

Pero mga sis bago ko nasabihan ng ganun MIL ko e ilang taon naipon mga masasakit, panlalait at pagmamaliit nya sakin, Nasabi ko yun sa sobrang galit, kahit si MIL kita ko sa mata nya na gulat na gulat sya sa mga sinabi ko. Matapobre sya sa totoo lang, di man kasing pantay ng pera ng pamilya ko ang pera nila, di ako papaapi sa kanila no! hahahaha

Ngayon ok na kame. Peace na :) ang nakikita ko lang magiging problema sa future e yung sa anak ko, kase medyo nakikita ko gusto nya na angkinin at iuwe sa kanila, ayun sa apo naman naloloka. hays.. sana di mangyare naiisip ko..

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #13 on: April 05, 2014, 12:41:24 pm »
castledoll kaya kahit sabihin niya pa sa akin na gusto ko ipagtanggol mo sarili mo and etc case to case basis pa rin lalo na sa mood kasi siya pa rin naman yung tipong tao na ipapanalo pa rin niya yung perspective niya. And of course yan rin sinabi ng fiance ko na yan kasi yung unang panahon, which is alam rin naman natin yun because of the history and yet part pa run is yung haligi ng tahanan ang nagtatrabaho dahil siempre hindi naman ganun kauso ang magkaroon ng maid. Pero because the economy that we have nowadays hindi pwede na ang housewife ay walang trabaho or else pareho silang mahirapan. I don't want to take it personally though hindi ko maiwasan pa rin na mapangitan na pakinggan na kaya nag asawa yan ay para pagsilbihan mo siya kasi parang yun lang ang objective ng apo niya at yun ang kahulugan ng marriage.

aquacharly I am thankful enough na lang that I wasn't born during their generation  :D na parang slaves na yung ibang housewife. Ok lang naman sa akin yung pinakiusap niya nung isang araw na hindi na niya kaya gawin ang ibang gawain bahay dahil napapagod na siya, that thing I would really understand na kailangan niya talaga ng tulong, off talaga sa akin yung dinagdagan pa niya na kaya nag asawa yan ay para may mag asikaso sa kanya. Sinabi lang sa akin ni fiance na hayaan ko na lang siya magsalita saka huwag seryosohin. Hopefully mabawasan worries ko about my kid kapag moody itong Lola, though yun nga kapag umiyak yung bata at naingayan siya, hindi ko pa rin maiwasan isipin na bangayan na lang ako bigla nitong Lola nandahil sa sobrang init ng ulo niya at magsalita na naman ng mga mabibigat.

lisse Ayoko rin naman umabot sa point na mamimili ang fiance ko or else that is going to be the saddest and worst part. I agree kahit anong bait, kabuti, ng in law meron at merong other side yan na hindi natin magugustuhan and most likely mahihirapan pa tayo. Kaya nga honestly kapag wala na hubby ko at nasa work na siya hindi pa rin ako ganun ka comfortable to be always inside the house na parang gusto ko parati umalis lalo na ngayon sobrang init pa. Since yung mommy ng hubby ko ay nakatira sa US medyo napag-usapan naman namin ng fiance ko kung titira kami sa kanya ang sabi ko kahit anong mangyari ayoko tumira with your mom. Kung sa Lola mo pa nga lang medyo hindi na ako comfortable paano na sa mom mo? Lalo na. Talagang pinaninindigan ko na I want privacy. Buti na lang itong Lola may objective na talaga na kapag nag asawa apo niya ay iiwanan na kami at hindi na siya titira to be with us. Kailangan pa kasi ng fiance ko ang tulong niya pero yun nga malapit na rin na aalis ang Lola niya kapag nabenta na yung bahay as long as magkaroon lang kami ng financial freedom.

ladyisabella Naku buti na lang hindi sumbungero ang fiance ko saka baligtad pa nga eh! yung Lola niya nagsusumbong sa fiance ko, ever since pa yan nung magboyfriend pa lang kami. Yan rin ang naging worry ko sa pagtitira with in law siempre kapag nag away kami pwede mag intervene itong Lola niya pero so far hindi naman nangyayari yun saka hindi pa naman umaabot sa point na naging away talaga kundi parang may kaunting argument lang. Naku noh in front of me sinabihan na nga niya si hubby sa mga worries niya na baka i under ko raw siya kailangan sumunod raw ako kay hubby tapos kapag hindi tirisin mo  ??? I talked to my fiance personally about it then sinabi niya na hindi lahat susundin niya saka hindi niya gagawin na mantiris o manakit siempre hiwalayan na yun and worst case scenario kapag ginawa niya yun. My fiance is panganay naman but since iba ang father ng 2 niyang kapatid yung fiance ko naman naiwan sa Lola habang nasa US ang Nanay yung mismong MIL ko. Kung financial stability naman I have to admit na mas angat ang family ko. Naku ha! itong Lola niya kung makipagkwentuhan sa akin puro something na takot sa kanya ang mga tao sa Mindanao at yung ibang mga tao sa kanya basta something na she is projecting na lalabanan ka niya. Pero huwag ka! nung sinabihan kong magpunta siya sa birthday ng nephew ko saka mamanhikan kami hiyang hiya naman siya magpunta sa bahay namin na parang nanliliit na ewan.  ;D

castledoll

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #14 on: April 07, 2014, 07:32:23 am »
castledoll kaya kahit sabihin niya pa sa akin na gusto ko ipagtanggol mo sarili mo and etc case to case basis pa rin lalo na sa mood kasi siya pa rin naman yung tipong tao na ipapanalo pa rin niya yung perspective niya. And of course yan rin sinabi ng fiance ko na yan kasi yung unang panahon, which is alam rin naman natin yun because of the history and yet part pa run is yung haligi ng tahanan ang nagtatrabaho dahil siempre hindi naman ganun kauso ang magkaroon ng maid. Pero because the economy that we have nowadays hindi pwede na ang housewife ay walang trabaho or else pareho silang mahirapan. I don't want to take it personally though hindi ko maiwasan pa rin na mapangitan na pakinggan na kaya nag asawa yan ay para pagsilbihan mo siya kasi parang yun lang ang objective ng apo niya at yun ang kahulugan ng marriage.


eto ang isa  sa mga mentality na mahirap na baguhin. once naka set na ang mind nila sa ganun, yun na yun e. unlike scripted telenovelas na pag matatapos na yung series e tsaka magiging mabait ang "contrabida"  ;D kahit na mahirap, keep your cool. mahirap na yung mas mapasama ka pa. baka mamaya e pag nasagot mo siya, kwento ka nya kung kani-kanino at dahil sa dagdag - bawas, mas mapapasama ka lang.

outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #15 on: April 07, 2014, 08:31:55 am »
BDJ sis natatawa na lang ako kasi halos same experiences natin. May experience din ako diyan sa takalan ng kanin, first time ko kasi kumain ng dalag ba iyon or hito na hindi tinanggalan ng laman loob niluto ng buo ba  :( Iyon ang ulam so konti lang kinuha kong rice para hindi naman nila masabi na hindi ko naubos food ko, kaso tinakalan ulit ako, pinilit ko ubusin, pero tinakalan pa ulit ako  ;D Sa aswang naman, preggy kasi ako 5am umaalis na ako ng house medyo bundok location namin. May balita na may aswang nga daw baka naaamoy daw ako pero nakakatawa niyan, everyday mag isa ako nag aabang ng sasakyan sa madaling araw and madalas ako iwanan ni hubby mag isa sa bahay kasi may ipagagawa sila.

Actually sis hindi ko din alam ano tamang approach sa ganiyan. I tried kasi na magpakasantita, bigay lang bigay, oo lang ng oo, pero napansin ko kasi umaabuso naman. Ngayon ang ginagawa ko, tahimik lang sa isang sulok, sumasagot lang kung kausapin, minsan hindi pa nga  ;D

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #16 on: April 07, 2014, 01:52:13 pm »
castledoll Kahapon lang nag init ang ulo niya sa fiance ko, well may mali naman kasi siya dahil hindi rin maganda ang approach niya about sa pinaghalong magkaibang flavor na milk. Nag-iba kasi lasa eh! nataon siguro pagod sa palengke and everything. Pero my goodness naman!!!!!  ::) buong talambuhay na ata ng isinusumbat niyang paghihirap sinabi na niya. Tahimik na lang kami ni fiance nun though sa isip ko na lang talaga is this is the reason why I really want to stay away from in laws dahil ipamumukha niya lang sayo hirap niya. Tapos andyan na yung term ulit na sinabi niya, kaya ka nag-asawa para pagsilbihan ka niya. Grabe sounds degrading pero ayoko na talaga indahin yun. Pinagdadaanan naman yun lahat ng tao eh! para sa pamilya at para kumita ka. I realized now lalo na hindi ako basta basta sasagot rin, kahit na sabihan ako ni fiance na dapat ipagtanggol ko sarili ko. Mahirap kapag matanda na, nakakapagod makipag argue kasi sayang sa oras ko. Minsan nga dahil lang sa sermon niya na-late pa ako sa work ko. Buti isang beses lang nangyari yun. Nung una talagang andito ako grabe niya akong pinuputak buti nga hindi na nangyari ngayon.

outandaboutph Naku noh! I hope settled na yung issue regarding sa takal kasi kinausap na siya ng fiance ko ng masinsinan, ang katwiran niya raw is dahil preggy ako. Duhhh!!! kahit magbf pa lang kami noon ganun na siya magtagal every time na minsan dumadalaw ako here sa house ni fiance noon. Pero during that time bukod sa pinagbigyan ko kaya ko pang kumain ng marami. Pero ngayon hindi na at sinabihan na nga ako ng OB ko dapat raw dahan dahan sa takal ng rice saka yung pag gain ng weight is paunti lang. From that para hindi lumaki yung bata na hindi ako mahirapan manganak and to avoid being CS. So hindi favor sa kanya yung mentality niya, kasi malamang sa Nanay ng fiance ko ganun ang nangyari kumain ng marami hanggang sa lumaki yung bata tapos naging CS naman dahil yun ang unang reason kung bakit kailangan maging CS. Tapos nung minsan binulyawan pa ako na dapat naglalakad ako every morning para raw hindi ako mahirapan manganak. Naimbyerna talaga ako nun kasi pwede naman niyang sabihin ng maayos hindi yung parang palengkera. Pero ito yung OB mismo nagsabi na hindi advisable ang sinasabi niya lalo na ngayon hindi na raw close na close sa may cervix ko. Maraming instances na kalalakad raw pumutok yung tubig namatay yung bata. So imagine kung sinunod ko yun eh di delikado pala pagbubuntis ko. Gusto pa nga sabihin ng OB na whatever I am doing now dapat stop ko na. Inexample pa nitong Lola na yung Nanay ng fiance ko ganun ang ginawa na naglalakad every morning para raw hindi mahirapan manganak in which nakakapagtaka naman bakit naging CS? Eh diba nga ang objective is para hindi mahirapan manganak?  ;D Naquestion yan ng fiance ko kesyo raw choice raw ng Nanay niya yun? I doubt it. 3 nga silang magkakapatid na naging CS eh! Sometimes yung advises niya are contradicting pa like siya rin nagsabi na paunti unti dapat kinakain pero siya naman itong nagpupumilit na kumain ng marami.

outandaboutph

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #17 on: April 07, 2014, 04:04:45 pm »
^sa akin sis, si OB na lang talaga sinusunod, di ko na pinagpapansin masyado sinasabi ni MIL hehe kasi sabi niya pahilot daw ako, sabi ni OB huwag magpapahilot, nagspotting ako sabi ni OB bedrest, si MIL naman normal lang daw ang spotting sa buntis :P Oh di ba di magtagpo ang mga payo nila?

BDJ

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #18 on: April 07, 2014, 06:09:00 pm »
^ ;D Mas may credibilidad pa rin naman ang OB pagdating sa advises na pang buntis. Minsan nga pinupuna pa niya na mga doctor na yan ganito ganun o ganyan. Nung una santa santita rin ako na sinusunod ko pa siya pero nung nararamdaman ko na crossing the line na yung ibang mga sinasabi niya nawalan ako ng gana kahit nga yung pagprepare ng baon eh! hindi ko na kusang ginagawa unless iutos lang niya ulit. Saka yung sarili ko nang way yung gusto kong pag asikaso kay fiance hindi yung gusto niya like kumutan ko pa siya pagtulog. Gusto ko rin naman ipakita na may limitation rin lahat ng pagsunod ko kasi na encounter ko na rin yan na the more you follow the more lang na magdedemand tapos kapag sinunod mo yung pinagagawa minsan pupunahin ka pa ng todo todo.

graZiousa

  • Guest
Re: Kaya nag-asawa yan para asikasuhin mo siya!
« Reply #19 on: April 10, 2014, 01:01:29 pm »
Nakakainsulto ng ganyan sis. Napagsabihan ako ni MIL tungkol sa pag aalaga sa anak pero in a different way. Like, nung nabangit ko na mataas ang BP ni hubby sinabihan nya ako na "asikasuhin mo kasi, ilang beses ko na sinabi sayo na asikasuhin mo muna asawa mo, tumigil kana sa trabaho para alagaan mo asawa mo". FYI lang mga sis, magkalayo kasi kami ni hubby. twice a month lang kami nagkikita. andito ang trabaho ko at sa ibang city base ang asawa ko. Ang sinabi ko lang kay mama na hindi naman ako basta2x magreresign, kasi tulad nga nyan pag iisa lang nagtatrabaho samin tapos may magkasakit (which is hindi naman maiiwasan minsan tinatamaan talaga ng lagnat etc.) Iniexplain ko din kay mama na may plano naman na maghanap ng work duon sa place ni hubby kaya lang hindi pa sa ngayon, magpupondo pa kami para hindi nagkakagipitan.. Pero nakailang beses na ako sinabihan na ganun nga asikasuhin nga daw. kaya nung tinopak ako si hubby ang nabweltahan ko. So far hindi nagbabangit si mother ng mga ganun lately.. Minsan ang sarap nga sagutin na "pinapatigil nyo ako magtrabaho samantalang pag nagkandahirap hirap kami at nakakapos sa pamilya ko kami tumatakbo, ang binibigay lang ninyo e puro salita" Pero syimpre nanay ni hubby kong mahal kaya zip mouth lang ako :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close