watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG  (Read 66623 times)

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #160 on: June 11, 2014, 09:37:28 pm »
Ganda ng scene nilang mag ama kanina... Walang kupas pa rin si ronaldo valdez, magaling na kontrabida pati sa drama effective!

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #161 on: June 11, 2014, 10:12:52 pm »
Hay naku si miranda ang namatay mga sis nabaril siya ni don maximo.

Kala ko nga si franco ang ma de deads.

Nakakaloka naman si miranda at don maximo nag tagu taguan lol
 

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #162 on: June 11, 2014, 11:16:30 pm »
huwat!  :o  naku, si miranda pala, sana si maximo na lang.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #163 on: June 12, 2014, 09:05:34 am »
^ hindi mo pa napanood sis, kasi as usual bumanat na naman ang kontrabidang
ta-nga na si Don Gonzalo hahahaha, dapat ipapa ambush niya si Maximo, kaso siyempre ang magnanakaw eh galit sa kapwa magnanakaw, kaya natunugan ni Maximo na tatraydurin siya ni Gonzalo, kaya nagdala siya ng baril nung mag me meet sila.

eh si miranda, narinig niya through phone extension ang plano ni Gonzalo na patayin ang tatay niya, kaya to the rescue si Miranda.

Ayun, si Miranda ang nabaril, aksidente siyang nabaril ni Maximo.

Kaya feeling ko magkakabalikan sina Eduardo at Elena...

so ang problem na lang nila eh si Maximo, Franco, at ang kontrabidang ta-nga na si Gonzalo hahahahaha.


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #164 on: June 12, 2014, 10:19:08 am »
^ oo, sis, salamat! late kasi yan dito, kaya ngayon katatapos ko lang sa replay nila dito ng Ikaw Lamang at TLW.

kawawa naman si miranda  :'(

nagulat ako nung dumilat na lang si "prangko" at nakitang magkayakap ang dalawa. pasok kaya yon sa alaala nya or parang reflex lang ang nangyari, since nasa coma pa sya. 

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #165 on: June 13, 2014, 09:12:11 am »
Natawa ako, sabay talagang nagising at natanggalan ng mechanical ventilator si Franco at si Adrian (The legal wife) hahahahah.

at ang mona, sukdulan na nakakainis ang ngiti niya LOL.


budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #166 on: June 13, 2014, 01:40:06 pm »
Feeling ko ang ending nito, kung may mangyari mang masama kay samuel, pareho sila ni Isabelle na mamamatay. Feeling ko lang naman. hehe. Sa galit nya kila Eduardo at Samuel. Tapos may galit rin sya kay Gonzalo, gaganti tong si Maximo at magiging kabayaran yung anak na si Isabelle. Parang yung nangyari rin sa anak nyang si Miranda.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #167 on: June 13, 2014, 01:45:07 pm »
Naku sis, hindi pwedeng mamatay si Natalia, kasi sila daw yung nasa book 2 hehe

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #168 on: June 13, 2014, 03:25:59 pm »
^ Sis, I meant si Isabelle. Hindi si Natalia. Haha ;D

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #169 on: June 13, 2014, 07:30:55 pm »
Pwede... Kung ma deads si Isabelle at Samuel, tapos magiging si Natalia at Gabriel don na mangyayari yung sinabi ni Isabelle na "maaaring sa ibang pagkakataon, sa ibang panahon maging tayo ulit" not the exact same words pero may pagkaganon yung sinabi nya...

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #170 on: June 14, 2014, 07:35:36 am »
so nakakalakad pala si Prangko. :-) hmmmm mukhang may TLW moment si samuel at isabel sa preview. they will get stranded sa isang kubo kasi masisiraan sila ng sasakyan. at uulan pa ng malakas. tindi talaga makagatong si mother nature tee hee!!

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #171 on: June 14, 2014, 10:15:38 am »
^nakakalakad si Franco sis?

hindi ko napanood yang part na yan, kala ko lumpo pa rin siya.


kakaloka ang sama sama na ni Franco, HMP.


althea_ge

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #172 on: June 14, 2014, 10:25:09 am »
kaloka panay gantihan ang takbo story :))

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #173 on: June 14, 2014, 11:13:02 am »
so naaalala pala ni prangko yung nakita nyang yakapan nina samuel at isabel.

kawawa naman si isabel. si eduardo naman, wala na ring magawa. ganyang invalid na si prangko, sarap sipain na sana eh, buti na lang mahal sya ni eduardo bilang anak.

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #174 on: June 14, 2014, 11:16:44 am »
Nagpapanggap lang na lumpo si franco... At palayasin daw ba lahat ng maid haha ang tindi ng trip, pinahihirapan nya si isabelle

alice_alice

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #175 on: June 15, 2014, 12:35:04 am »
Naloka ako nung tumayo si prangko sa wheelchair tapos nakapunta sa bar, yung itsura nya lang sarap hambalusin.


budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #176 on: June 15, 2014, 12:48:58 am »
Nakakatakot na si Franco. :/ Dati naaawa pa ko sa kanya e. Peroooo love ko na ulit si Samueeeel! Ano kaya mangyayari doon sa lumang bahay? Hmm.

prettybarbie

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #177 on: June 16, 2014, 08:52:49 pm »
Nakakakilig yung scene kanina na humarang si samuel sa car ni isabelle LOL, si franco parang laging pang horror ang eksena haha, andon pala tinitingnan sila

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #178 on: June 17, 2014, 02:16:11 am »
^ Lol. Buti nga sa kanya at nasiraan. haha

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #179 on: June 17, 2014, 07:14:17 am »
ako naman, Hindi ako kinikilig, siguro kasi kasal pa sila sa mga respective partners nila, sana kung talagang mahal nila ang isat isa, hiwalayan na lang nila si Franco at Mona.

Infidelity kasi yan diba, kahit saan mo tignan.

Naawa tuloy ako kay Mona kagabi, kahit asar ako sa kanya, nakakaawa, kasi para matulog ng magkatabi si Samuel at Isabel... GRRRR.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close