watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG  (Read 66507 times)

hun_nie08

  • Guest
ABS-CBN: IKAW LAMANG
« on: April 01, 2014, 04:17:55 am »
Napansin wala pang thread neto. May nanonood ba nito? :)

I find Kim and Coco tandem mismatch... Mas gusto ko pa rin yung Julia at Coco sa teleserye na yun..

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #1 on: April 01, 2014, 01:26:08 pm »
i find Julia maganda kahit pinaitim sya :)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #2 on: April 01, 2014, 01:44:44 pm »
pinapanood namin 'to  :)

jean0415

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #3 on: April 01, 2014, 03:01:06 pm »
pinapanuod namin to...actually maganda yung story line although wala ka talagang makikitang kilig sa love teams be it kim and coco or kim and jake..jusko mas lalo na to! pero halatang pinaghandaan at bongga ang production. ang exciting dito para sken is yung mga veteran actors...lakas talaga ng feeling ko na anak ni tirso si coco kay cherrie pie...may relasyon sila nuon tpos ginawan ng paraan ni ronaldo valdez...basta parang ganun yung gutfeel ko hehe

hershey

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #4 on: April 03, 2014, 08:12:35 am »
Parang me past si gov nga at elena kasi dati ng bata pa si samuel parang hurt sya na sinasaktan iyong bata tapos awkward lagi sila pag naghaharap ni elena

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #5 on: April 03, 2014, 09:56:05 am »
Wala ring spark ang Coco-Kim for me.

Somehow I get the feeling that Samuel/Mona will end up together  and maybe Franco/Isabel tapos yung mga anak na nila (played by Coco and Kim pa rin) ang magkakatuluyan. Hehe!

cluelessss8

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #6 on: April 03, 2014, 02:11:57 pm »
i like this series.. Haha! great actors! :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #7 on: April 03, 2014, 06:09:14 pm »
Pinapanuod ko din eto. nagagandahan kasi ako sa storyline. maiba man lang sa shows na panay kabit ang tema.  ;D

saka gusto ko din yung production outfit and hairdo's nila, so 70's!  :D

ang comment ko lang, sana wag naman gawin masyadong malinis ang mukha at katawan ng mga obrero. lalo na si Coco. susme halata ang make up, masyadong makinis ang foundation kahit maitim na kulay nga lang. pati ang damit ng mga obrero ang lilinis tignan kahit ang eksena ay nasa tubuhan at wala sa bahay. sa totoo lang kasi kung nagtatrabaho ka sa tubuhan, madungis ka talaga tignan.

naisip ko lang maicompared sila sa actors sa ibang bansa, once nagportray na mahirap or mambubukid, ganun talaga ang itsura nila. maduming kamay, mukha at damit saka pawisan.

mitcha15

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #8 on: April 03, 2014, 06:27:08 pm »
hay kahit anong pilit ko wala talagang chemistry ang kim-coco  :-[ parang angel-jericho lang, kebs talaga. minsan kahit maganda kwento, kapag pilit ang loveteam ay di talaga bebenta.

Akala ko ako Lang naka pansin... Walang chemistry ang tandem Nina coco-Kim at angel-Jericho. Medyo "MEH" ang tambalan ng love team lately.  :(

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #9 on: April 03, 2014, 10:17:10 pm »
^^ Agree with you sis! Haha. Lalong lalo na yung kay Kim, nakapantulog na nga lang, saka yung scene na dun sya tumira kina samuel nung naglayas sya, ano yun magiigib na nga lang ng tubig pampaligo naka makeup pa na sobrang obvious? Pilit na nga yung loveteam pati naman mga itsura nila. ;D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #10 on: April 15, 2014, 10:18:12 am »
alam na, si eduardo nga ang ama ni samuel. pero pananatilihing lihim na lang daw ito ni elena. hanggang kelan naman kaya.

Misis_Maku

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #11 on: April 15, 2014, 11:08:51 am »
@geeboy onga nakita ko kagabi. hehe... mukhang mabilis naman ang flow ng story so, baka magkaalaman din soon.

Agree with the other sisses, wala talaga chemistry sina Kim & Coco. Sana iba na lang ipinareha kay Coco.

Anyway, overall I like this soap and the older actors/ actresses.  :)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #12 on: April 15, 2014, 01:57:43 pm »
I agree din na walang chemistry sina Coco and Kim. Pero gusto ko yung mga clothes nila. Yung kinilalang ama ni Samuel, bading ba? Hindi ko kase masyado napanood kagabi eh...

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #13 on: April 15, 2014, 03:04:11 pm »
yup, isa syang "binabae", sabi nya sa matalik nyang kaibigang si elena. nung magyakap ang dalawa, nakita sila ni eduardo. yun na ang simula kaya nagkalayo sila, umiwas na talaga si eduardo, walang paliwanagan. 

azrael

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #14 on: April 21, 2014, 08:58:08 am »
di kasi talaga pa tanggap ng society masyado yung mga binabae nuon. sabi nga ng mom ko may classmate siya na binabae nung college siya (around 70's) binabastos daw sa kalsada talaga as in binabato ng mga construction guys ganun.

he he kaya siguro di naisip na magkaibigan lang sila he he

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #15 on: April 22, 2014, 09:14:51 am »
sana malaman na ni eduardo na anak niya si samuel....

althea_ge

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #16 on: May 07, 2014, 03:22:46 pm »
^ sana nga...yun din ang inaabangan ko. mukhang haharangin pa ni Maximo tsk

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #17 on: May 07, 2014, 06:55:10 pm »
Hi mga sis, napapanood ko din siya, ang nagagandahan naman kami ni hubby, although typical storyline na kasi rich girl poor boy, romeo and juliet type, okay na din, kasi magagaling umarte ang mga artista dito.

Nung kinasal si Franco at Isabelle, naku parang gusto ko eh sila na lang talaga magkatuluyan, kasi naipakita naman talaga ni Franco na mahal na mahal niya talaga si Isabelle.

Nainis kasi ako kay Samuel, sa teaser kasi, hahalikan na niya si Mona, na hello? kung true love yung kay isabelle, bakit nagpadala siya agad sa tukso??

ayaw ko ng ganun, yung papatol kahit sinong naka palda.

buti pa si franco all eyes siya kay isabelle talaga.


ang bobing naman nung tauhan ni Gov., iwanan ba naman yung letter sa opisina ni Gov. kahit wala doon si Gov.? pfffft!

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #18 on: May 08, 2014, 09:05:16 am »
anong year na ba yung current setting soap na'to? now that the marriage has been consummated between franco and isabel tapos may nangyari pa kay samuel at mona, looks like magkakatotoo nga yung theory ko... or not. hehe! because during that time, taboo pa yung hiwalayan eh. there is no way isabel can leave franco and be with samuel lalo na ngayon at kasal na sila.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #19 on: May 08, 2014, 10:19:49 am »
Huwag na lang sana maging hayop si Franco, siya na ang gusto ko for Isabelle, kaya sana huwag siyang gawing masamang masama ng writers.

Katulad niyan, naghalikan na din si samuel at mona, at may nangyari pa.

siguro sa langit na lang magsasama si samuel at isabelle hehe.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close