watch now

Author Topic: ABS-CBN: IKAW LAMANG  (Read 66556 times)

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #80 on: May 28, 2014, 09:20:14 am »
^agree ako sobrang insecure lang talaga si Mona. nakikipag kumpetensya sya kay isabel kaso yun pananamit nya naka-saya pa din. dapat umpisahan nya sa pagaayos. pero in fairness pumuti na sya.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #81 on: May 28, 2014, 09:29:15 am »
Hala sis bat Daniel? May hangover ka pa sa Walang Hanggan... hehe peace! ;D


sowee po! hehe. may hangover pa nga... hahaha~

di ko napanood ang epi last night. sana po may magshare. tia!

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #82 on: May 28, 2014, 10:10:31 am »
"papa" kaagad tawag ni mona kay eduardo samantalang si isabel, tita at tito pa rin tawag sa mga magulang ni franco. ;D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #83 on: May 28, 2014, 10:45:01 am »
^oo nga eh. feeling close na. eh si samuel gov ba pa ang tawag kay eduardo?

pa-share naman po ng nangyari last night.

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #84 on: May 28, 2014, 11:26:00 am »
samuel calls him papa na. hehe! si mona lang talaga ang lakas maka-feeling close. :)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #85 on: May 28, 2014, 12:16:48 pm »
^^ naku, sis ysa, nakalaya na si maximo, grrrr  >:(  sayang nga at super fail ang assassination attempt nina gonzalo. eh di galit na galit sina elena at samuel. at mas lalong manganganib ang pamilya nila kaya magpapadala na daw ng security si eduardo. tapos pinagbawalan na ni eduardo na makipagkita sina miranda at franco kay maximo. eh syempre, pwede ba yon eh tatay yon ni miranda. ang sabi ni eduardo, kapag makipagkita sila, sya (eduardo) ang mawawala sa kanila (miranda and franco).

ah isa pa, pinuntahan ni eduardo yung judge na naghatol, masamang tao daw ang pinalaya nya. sabi ni judge, kulang daw sa ebidensya, blah blah blah. sigurado daw na nabayaran ni maximo si judge. eh ito namang judge, nakipagkita kay maximo. may binigay na brown envelope. sabi ni judge, posisyon sa gobyerno daw ang usapan nilang kapalit ng pagpapalaya nya kay maximo. oo daw, sabi ni maximo. then umalis na si judge. wala pang sampung hakbang, ayun, pinatay na si judge.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #86 on: May 28, 2014, 12:31:17 pm »
Naaawa ako kila Miranda and Franco. Sakit lang makita na mas kampi pa yung asawa mo sa pamilya ng anak nya sa labas. Lalo kay Franco, tatay nya kampi kay Samuel, pati naman asawa nya yung puso nakay samuel parin. Minsan di na nakakatuwa yung pagiging masyadong makatao ni Eduardo e.. sana gumitna nalang sya. Yung tunay nyang pamilya tuloy yung nasasaktan sa ginagawa nya.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #87 on: May 28, 2014, 01:21:13 pm »
^thanks sis! matalino si maximo. talagang wala siyang iniiwan na evidence. kahit na ayaw ko siya, ayaw ko mas lalo si mona. as in ayaw na ayaw ko sa kanya. ggggrrrr!

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #88 on: May 29, 2014, 09:38:32 am »
feeling rich na si mona. pati nga face niya sa episode kagabi mukha na siyang naligo at hindi dugyot...

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #89 on: May 29, 2014, 09:48:11 am »
Naku talagang si Mona eh feel na feel ang pagiging mayaman, gusto ko siyang sampalin na "hoy mona, hindi ikaw ang anak ni Gov. kundi si samuel". hahahaha

ang mona, feelingera ha, nakaka sulasok.


kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #90 on: May 29, 2014, 09:53:49 am »
bakit ba kailangan pang imibitahan si mona at samuel sa binyag ng baby ni franco and isabel? alam naman ni eduardo na hindi na nga nagkakasundo ang mga tao. hay!

ako naman medyo natatawa ako sa love triangle ni miranda-eduardo-elena. Tawa much ako nung sinundo ni miranda si eduardo sa bahay nila samuel at pupungas pungas pa si gov.  ;D

j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #91 on: May 29, 2014, 09:58:57 am »
bakit ba kailangan pang imibitahan si mona at samuel sa binyag ng baby ni franco and isabel? alam naman ni eduardo na hindi na nga nagkakasundo ang mga tao. hay!

ako naman medyo natatawa ako sa love triangle ni miranda-eduardo-elena. Tawa much ako nung sinundo ni miranda si eduardo sa bahay nila samuel at pupungas pungas pa si gov.  ;D

Si Gov naman kasi may tinatago din konting kalandian! hahaha
Matulog ba naman kila Elena? syempre kahit ako ang asawa magagalit din.

kumikosan_9

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #92 on: May 29, 2014, 10:09:05 am »
pag naiimagine ko kung paano nagpaparinig si mona kay gov na kailangan ni baby gabriel ng ganito, ng ganyan, (kaya sya nabibigyan ng pambili) eeew nakakahiya! kasi kung true na hindi sya "directly" nanghihingi ng pambili, eh paano naman malalaman ni eduardo na may mga gustong bilhin di ba? di syempre malamang nagpaparinig si mona, yikes!

twice na nyang ginagawa yan. yung nagpalipat sya sa suite at itong namili sya ng mga gamit. hindi naman daw sya nanghingi, si gov naman daw ang nagbigay. hangkapal lang.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #93 on: May 29, 2014, 10:15:43 am »
^ang kapal ni mona talaga.
ginagamit pa niya yung bata pero sa totoo lang gusto lang niyang mafeel yung magshopping kase hindi pa siya nakakapagshopping. nakikipagcontest siya kay isabel eh,

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #94 on: May 29, 2014, 10:37:11 am »
Medyo naaawa na din ako kay miranda, kasi kahit maepal siya, eh mahal naman niya talaga si Eduardo, tapos dahil sa tatay niya, napupunta tuloy kay Elena at Samuel lahat ng atensiyon..

misis din kasi ako, kaya medyo off din yung ginagawa ni eduardo ngayon kina elena at samuel..

sa pagkakatanda ko kasi sa story, hindi naman pinilit ni miranda ang sarili niya kay eduardo, kusang loob tinanggap ni eduardo si miranda kahit alam niyang buntis na ito sa ibang lalaki.

saka tama, para lang magka conflict ang story, pinapunta pa talaga sa binyag, eh talaga namang gusto ata ni Gov. pag awayin ahahahhaha.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #95 on: May 29, 2014, 10:46:15 am »
Di ba Eduardo still accepted Miranda even if she told him na she was pregnant with another man nung wedding night nila. Saka yes. Miranda is coniving and maldita pero mali yung ginagawa ni Eduardo sa kanya. She made mistakes but she loves Eduardo. Syempre tinuring na anak ni Eduardo si Franco kaya naghihinanakit si Miranda para sa anak niya.
Si Elena, she is not forcing herself naman with Eduardo, go with the flow lang siya. The ate of Mona, simple lang din. Samuel, he is not taking advantage that he is an heredero. I could see that only Mona is taking advantage of the situation. Yes, as a mother I want what is best for my children, pero si Mona I find it that she is trying to compete with Isabel in every possible way kase she knows that even if Samuel married her, he still has feelings for Isabel and if not for being pregnant, he will not marry her.
Sana Elena will talk to Mona and straighten her. Masyado siyang feeling rich.

SnowBall

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #96 on: May 29, 2014, 12:43:53 pm »
^tama tama sis, diba, nakaka hurt na rin si eduardo kasi kay miranda, nagiging unfair na rin eh, hindi ko masisi si miranda kung bakit nagseselos siya, kasi nakakaselos naman na talaga.

saka sana nga barahin ni elena si mona minsan ng matauhan.


ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #97 on: May 29, 2014, 01:49:22 pm »
^sa love part, si eduardo kase mahal na mahal niya si elena di ba? kahit na obrero lang siya, he was ready to fight for her while si miranda sa dating is pingahirapan niya kung ano man yung love na tinatamasa niya from eduardo.

natatakot siguro si miranda na baka iwan siya ni eduardo lalo na hindi naman anak ni eduardo talaga si franco.

o pano niyan magiging legal na Hidalgo na si samuel... naku nakikita ko na ang mga kamalditahan ni mona. naku!!!! grrrr!  sana naman pagsabihan ni elena ang manugang niya. napapaghalata na may pagka social climber.

budzwhiz

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #98 on: May 29, 2014, 05:01:14 pm »
Nainis rin ako kay Eduardo nung pinapunta nya pa sila Samuel dun sa binyag. Hello? Alam nya na ngang hindi maganda ang samahan nung dalawang mag-asawa sa isa't isa. In the first place, hindi naman sya yung nagpapabinyag ng anak. Di man lang inisip mararamdaman nila Isabel lalo na si Franco. Tsk.

young_maiden

  • Guest
Re: ABS-CBN: IKAW LAMANG
« Reply #99 on: May 30, 2014, 12:02:00 am »
naimbyerna na din ako kay mona. inggit na inggit sa nursery ni baby natalia kaya pati nursery ni baby gabriel ipapaayos niya. insecure at social climber! hmp.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close