watch now

Author Topic: Issue between mommy and lola  (Read 2776 times)

miminibebe

  • Guest
Issue between mommy and lola
« on: March 31, 2014, 11:57:35 am »
I don't know if me topic ng ganito dito mga sis, if meron na, paki-advise na lang.

Ang problema ko is about my mom.  Sa kanila kami before nakatira, so more or less, kasama nilang lumaki ang eldest ko.  Lumipat kami last year sa sarili naming house.  Malapit lang din sa bahay ng nanay ko so hindi siya nahihirapang makita ang apo niya.  Eto na, gusto niya halos every week nasa kanila ang anak ko.  Tipong 3 days sa kanila bago niya iuwi sa amin.  Walang kaso sa kin nung una, kaya lang nawiwili sa kanila yung anak ko, tumitigas ang ulo dahil lahat ng luho niya nasusunod.  Aminado naman ang nanay ko na iniispoil niya talaga. Sinabihan ko na, na ako ang nahihirapan everytime uuwi sa min yung bata.  So hindi niya muna ulit "hiniram" for a while.

Siguro after 2 weeks lang, ayan na naman siya, kesyo namimiss na daw niya ang apo niya, so ako naman bilang ayoko magisip siya ng hindi maganda, sige, pinagstay ko ulit sa kanila ang anak ko.  Ayan na naman, nahihirapan na naman ako na iuwi siya dahil kesyo wala daw internet sa bahay, wala daw kaming cable, namimiss daw nya ang lola niya.

Ako bilang nanay nasasaktan ako dahil kasama na ako ng anak ko, ang lola niya pa din ang hinahanap niya.  Nung sabado, after niya magstay sa bahay ng mga lola niya ng 3 days, umuwi na siya.  Tulog siya nung iniwan siya ng lola niya kaya pagkagising nagiiyak.  Gusto na daw niyang umuwi, ang bahay daw niya eh dun sa lola niya, hindi sa min.  Nalungkot ako at nagselos kasi mas mahal ng anak ko ang nanay ko.  Tinext ko ang nanay ko, sabi ko nagii-iyak ang apo niya, at hinahanap siya, na gusto na daw umuwi.  Nagalit nanay ko dahil para ko daw nakalimutan ko sino ang katext ko, masyado ko daw pinaparamdam ang selos ko sa pagmamahal sa kanya ng apo niya.

Pinaliwanag ko na na more on lungkot yung sa kin dahil nga ikaw na ang ina, ikaw na ang kasama, ayaw pa din ng anak mo.  Di niya ko maintindihan. Ang naiisip lang niya eh yung nararamdaman niya bilang lola. 

Need ko ng mga advise nyo mga sis, kasi lumaki na ng lumaki ang issue.  Ang gusto ko lang naman eh maintindihan niya na pag nagtatagal sa kanila yung bata tumitigas ang ulo, lalo at iniispoil niyang masyado.  Na hindi ko naman nilalayo sa kanya yung bata, gusto ko lang lumugar siya.  Gusto niya kasi halos dun na itira yung bata.  Kung hindi ko ipahatid, di niya ihahatid pauwi.  Nakakahiya din naman sa asawa ko at hinahanap niya yung anak niya. 


Pasensiya na mga sis, sobrang haba.  Wala akong mapagsabihan eh..

rannastillero

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #1 on: March 31, 2014, 02:19:34 pm »
sis ilang taon na yung baby mo?
pag nasayo ba si baby ikaw yung nagaalaga or yaya?
ako kasi 3 years old na yung baby ko, dun din sya sa lola nya (mother ko) nag sstay.
kami ni hubby magkasama dito sa laguna si baby sa batangas.
6 mos old si baby nung una ko syang iwan dun, then every other week umuuwe kame para makasama sya. almost 4 days a month lang kame magsama ng anak ko kasi kailangan naming kumayod na mag asawa for her. naranasan ko rin na magselos dati sa mama at sister ko kasi sila yung nagaalaga sa baby ko, pero yung baby ko naman alam nya na ako ang nanay nya pag nandoon ako hindi na nya papansinin yung nanay ko at kapatid ko. full attention nya nasa akin na, maswerte ako kasi hindi sya nangilala or hindi nya nakalimutan kung ano nya ako. natatakot din  ako na kapag lumaki sya lumayo rin loob sa akin, pero as long as pinapakita ko yung pagmamahal ko sa kanya as a mother, sigurado ako na hinding hindi lalayo ang loob nya. first apo nila yung daughter ko at aminin ko man sa hindi, ang dami kong kaagaw sa pagiging nanay sa anak ko, spoiled din yung baby ko sa kanila, disiplinadong nanay kasi ako kaya di sya masyadong spoiled pag umuuwe sya saken.

Advice ko lang sayo sis, try mong i open sa nanay mo yung issue ,
kasi alam ko hindi sya aware dun,kasi sa sobrang pagmamahal nya sa apo nya binibigay nya lahat ng gusto ng apo nya, hindi na nya naiisip yung spoiled spoiled na yan. ang mahalaga sa mga lola kasi makitang masaya yung apo nila, sabi nga ng matatanda ang apo ang nagpapalambot ng puso ng nila. minsan hindi mo rin masisisi yung mga lola kung mas gusto ng apo nila na sila ang kasama. kahit paliwanagan mo sila na wag i spoiled ang bata kasi nagiging matigas ang ulo, hindi naman nila matitiis pag humiling na ang mga apo nila. basta try mong i open ng hindi gumagamit ng harsh na salita,or pagalit na tune. mahinahon lang dapat para di ka ma mis interpret.

Dagdagan mo rin yung pagiging sweet at loving sa anak mo.
Yun kasi yung ginagawa ko. dahil nga bilang lang yung araw na makakasama ko sya,
todo effort at alaga ako kay baby ko.
Palagi kong sinisiguro na mararamdaman nya yung sincerity ng pag aalaga at pagmamahal ko kahit ilang oras o araw lang kame magkita, hindi ko man sya ma spoiled, simpleng yakap halik at pakikipaglaro sa kanya mararamdaman na ng bata na puno ng pagmamahal yon.

Wag mong ipakita na affected ka kasi mas mahal nya yung lola nya.
Mag aaway lang kayo ng madir mo, at pag nalaman ng anak mo na nagkakasamaan kayo ng loob  malamang dun sya kakampi sa lola nya, mas lalayo loob nya sayo.

At dahil parehas nyo namang love si baby, magtulungan na lang kayo ni madir sa pagaalaga at pag gabay sa kanya.matuwa ka nga dapat kasi bukod sayo marami pang ibang nagmamahal sa anak mo, at makakasigurado ka na hindi nila pababayaan ang anak mo, kahit hindi mo sya kasama kampante ka na may nagaalaga sa kanya.

Wag kang magalala kasi pag laki nya, satin pa rin sila tatakbo, walang anak na hindi mahal ang nanay nila, maliban na lang kung hindi karapat dapat mahalin ang ina tulad ng mga malulupit na nanay  na napapanuod natin sa MMK o kaya nanay na inuuna ang iba kesa sa anak nila.

Napahaba ata, nakarelate kasi ako tee hee!
 ;D ;D ;D

Priceless

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #2 on: March 31, 2014, 03:42:30 pm »
I am writing from the point of view of your child, kasi when I was a kid, I was also brought up mostly by my grandparents. Same scenario, long story, pero ang grandparents ko ang "kinagisnan" kong nag aalaga sa akin. Ganun din, palipat lipat, minsan sa grandparents, minsan sa parents ko pero as a child, I was aware na hindi lang ang parents ko ang nag aalaga sa akin. Then eventually my parents decided na dapat majority of the time sa bahay namin (as in my parents ha) ako naka tira, rather than my grandparents. On Fridays, I would go to my grandparents and stay there until Sunday. Oh how I loved my grandparents! To the point na Friday was the best day of the week because I got to see them and Sunday was the worst. I would cry talaga, pag ihahatid pabalik na ako, hanggang sa pag tulog ko iyak pa rin. I would draw sa walls sa bahay ng parents ko "I love Grandma/Grandpa" and draw pictures of me and them as a "family". I would have cards for my grandparents, and would write them letters during the week na ipapadala ko sa driver for them.

The reasons I admit were not just material things (of course may kasama na din dun, kasi whatever I wanted, my grandparents got), but they made me feel cherished talaga. Katabi ako matulog, they would read me stories, brush my hair at night, pray with me, etc. etc. etc.

Eventually as I got older, I was more busy in school and school activities so na-lessen yung time na pagpunta sa lolo/lola, I also had more friends sa neighborhood ng parents ko so mas gusto ko nang mag stay at makipaglaro sa kanila. We had tv (wala pang cable at internet noon) and my parents would always prepare my favourite food (also have snacks at home). All this time they never forced me to stay, or gave me the impression that they resented my relationship with my grandparents or worse, inaway ang mga lolo/lola ko - because they know na kakampi ako sa lolo/lola ko.

A big no no I think is for you to fight with your mom. Or let your mom think na you resent how she conducts her relationship with your child. Unless talagang sinisiraan ka ng mother mo; or inaabuso ang anak mo, I think you need to work with them as you build your own relationship with your child. Think of strategies on how you can build your relationship with your child pero not at the expense of his/her relationship with his/her grandma. Sabi ng dad ko, they made sure they got toys, planned interesting activities, books, entertainment, etc, at home para we will be enticed to stay at home and do things at home. I think effective naman kasi my brothers and I are homebodies and we have very close relationships with each other, as well as our parents.

miminibebe

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #3 on: March 31, 2014, 05:13:30 pm »
Thanks Sis rannastillero - mag 5 na ang eldest ko sis.  Pag nasa bahay siya at nasa bahay ako, i make sure na ako ang nagpapakain sa kanya, ako ang nagpapaligo, at may playtime kaming 2. 

Ang mahirap lang siguro for me kasi is kahit anong hinahon ng pagkausap ko sa nanay ko, somehow, namimis-interpret niya ko lagi.  Like me one time, nagtext siya sa kin, kumusta na daw ang apo niya, nagkataon na papunta kaming mall ng anak ko, sabi ko para magbonding kaming mag-ina.  Iba na agad ang dating sa kanya, ano daw ibig ko sabihin, bakit daw nilalayo ko sa kanya ang apo niya, ayaw niya daw nag magkalapit sila.  Hindi ko maintindihan kung anong nasabi ko para maisip niya na nilalayo ko sa kanya yung bata.

Oo naman sis Priceless, sobrang naa-appreciate ko yung pagmamahal nila sa anak ko, pero ang sa kin lang din kasi, minsan parang nakakalimutan nila ng asawa niya [stepfather ko] na kami yung magulang at sa amin dapat nakatira yung anak ko.  Hindi sa kanila, parang kami na nga yung nanghihiram minsan, kasi ayaw na nilang iuwi sa bahay.  Nahihiya din naman ako sa asawa ko kasi minsan hinahanap ng asawa ko, bat daw di pa hinahatid sa amin, bat daw laging nasa nanay ko ang anak ko. 

And yun nga, normal naman siguro sa ating mga nanay na masaktan pag hindi tayo ang hinahabol at hinahanap ng mga anak natin.  Siguro bago lang din for me, kasi panganay ko to eh.  Gusto ko ako ang hinahanap niya.  Hindi ako maintindihan ng mother ko.  For her, ang naiisip niya lang is ilalayo ko sa kanya ang apo niya na hindi ko naman balak na ilang beses ko na ding sinabi sa kanya pero hindi niya ko naiintindihan...

sistah!

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #4 on: April 01, 2014, 02:49:11 pm »
mahirap talaga ang makipag-compete sa lola. I stay with my parents too because my husband and i don't want to leave our kid (she is 2) alone with the yaya lang when we are at work. minsan naiisip ko baka ma-attach sa lola kasi magkasama sila the whole day, spoiled pa sya don. but in fairness to my mom, as soon as I get home, she lets me spend all the time with the baby na kami lang. minsan talaga its hard to get the older people to understand. try dealing with it through your kid na lang. sabi mo naman 5 na sya so baka mas maintindhan nya pag sinabi mo na miss na miss mo sya and gusto mo magspend kayo ng maraming time together. set ka ng mga dates for you two na pwede kayo mag-mall, mag-playtime, mag-ice cream together. since malapit lang naman yung house nyo sa mom mo, baka pwede naman na di na mag-overnight yung bata sa kanila. try to send her to your mom's for merienda or dinner pero sayo matulog. para at night you can give her a bath, watch some cartoons with her and tuck her in to bed. equal shares kayo sa time ng bata.

Priceless

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #5 on: April 01, 2014, 03:39:51 pm »
Sorry sis pero I get the feeling that your primary issue here is selos. Irrational as it may be - selos at inggit - results in irrational feelings of defensiveness. Of course your mother will think na kaya gusto mo i-limit ang time spent with her apo is because nagseselos ka (the underlying message is - may ginawang bagay na nakakapagpa selos sayo). Same goes for any discussions about how she treats your child - even if sabihin mong spoiled ang anak mo pag dating sayo, they can easily interpret it as, hindi naman spoiled, selos ka lang kasi your child gets better treatment sa kanila and therefore likes it there. So to her, it's not about their treatment of your child, nor the child having a bad attitude (I doubt kung nagtatantrums sya doon), its about you and your jealousy. Which of course sa kanya is your "imaginary" and "irrational" problem, dahil wala naman siyang ginagawa other than shower your child with love, affection and attention.

May magandang suggestion si Sistah!, you can send your kid there for the afternoon, to watch cartoons, or meryenda. Pero pagkatapos, uwi na, like 6pm, and dapat susunduin mo. Wag nang intaying ihatid ulit sa inyo. You need to take control of the visiting time. Better yet, visit your mom together with your apo. Maybe she's just lonely and wants some company from you too. Do this regularly, make "visit lola time" a joint activity for you and your kid so you can be there too when they do things (or even nothing) together. If you spend time at the mall, invite lola to come along. That way you build your relationship with your kid, and you rebuild your relationship with your mom.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Issue between mommy and lola
« Reply #6 on: April 01, 2014, 11:32:10 pm »
    Hindi mu naman kelangan magselos sa mother mu sis swerte mu nga eh mahal na mahal niya yung baby mu,samantalang yung lola namin ayaw na ayaw samin ultimo basahan ayaw paapakan sakin kasi galing daw yun abroad madudumihan daw haha. Tsaka alam mo as a kid masarap yung feeling na mahal na mahal tayo ng lolo at lola at ramdam natin na may matatakbuhan tayo. Okay lang iispoiled ng kunti ng lola yung apo yun ang role nila sa buhay haha, kayo na lang ni hubby mu magdiscipline. At pag dinidisiplina mu sya sabihin mu sa mom mu na wag kakampihan kasi masasasanay,pero iexplain mu din sa kid mu kung bakit mu ginagawa yun maiintindihan nya din yan paglaki, para kasing nakikipagkompetensya ka kay mom mu, which is hindi dapat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close