sis ilang taon na yung baby mo?
pag nasayo ba si baby ikaw yung nagaalaga or yaya?
ako kasi 3 years old na yung baby ko, dun din sya sa lola nya (mother ko) nag sstay.
kami ni hubby magkasama dito sa laguna si baby sa batangas.
6 mos old si baby nung una ko syang iwan dun, then every other week umuuwe kame para makasama sya. almost 4 days a month lang kame magsama ng anak ko kasi kailangan naming kumayod na mag asawa for her. naranasan ko rin na magselos dati sa mama at sister ko kasi sila yung nagaalaga sa baby ko, pero yung baby ko naman alam nya na ako ang nanay nya pag nandoon ako hindi na nya papansinin yung nanay ko at kapatid ko. full attention nya nasa akin na, maswerte ako kasi hindi sya nangilala or hindi nya nakalimutan kung ano nya ako. natatakot din ako na kapag lumaki sya lumayo rin loob sa akin, pero as long as pinapakita ko yung pagmamahal ko sa kanya as a mother, sigurado ako na hinding hindi lalayo ang loob nya. first apo nila yung daughter ko at aminin ko man sa hindi, ang dami kong kaagaw sa pagiging nanay sa anak ko, spoiled din yung baby ko sa kanila, disiplinadong nanay kasi ako kaya di sya masyadong spoiled pag umuuwe sya saken.
Advice ko lang sayo sis, try mong i open sa nanay mo yung issue , kasi alam ko hindi sya aware dun,kasi sa sobrang pagmamahal nya sa apo nya binibigay nya lahat ng gusto ng apo nya, hindi na nya naiisip yung spoiled spoiled na yan. ang mahalaga sa mga lola kasi makitang masaya yung apo nila, sabi nga ng matatanda ang apo ang nagpapalambot ng puso ng nila. minsan hindi mo rin masisisi yung mga lola kung mas gusto ng apo nila na sila ang kasama. kahit paliwanagan mo sila na wag i spoiled ang bata kasi nagiging matigas ang ulo, hindi naman nila matitiis pag humiling na ang mga apo nila. basta try mong i open ng hindi gumagamit ng harsh na salita,or pagalit na tune. mahinahon lang dapat para di ka ma mis interpret.
Dagdagan mo rin yung pagiging sweet at loving sa anak mo.Yun kasi yung ginagawa ko. dahil nga bilang lang yung araw na makakasama ko sya,
todo effort at alaga ako kay baby ko.
Palagi kong sinisiguro na mararamdaman nya yung sincerity ng pag aalaga at pagmamahal ko kahit ilang oras o araw lang kame magkita, hindi ko man sya ma spoiled, simpleng yakap halik at pakikipaglaro sa kanya mararamdaman na ng bata na puno ng pagmamahal yon.
Wag mong ipakita na affected ka kasi mas mahal nya yung lola nya.Mag aaway lang kayo ng madir mo, at pag nalaman ng anak mo na nagkakasamaan kayo ng loob malamang dun sya kakampi sa lola nya, mas lalayo loob nya sayo.
At dahil parehas nyo namang love si baby, magtulungan na lang kayo ni madir sa pagaalaga at pag gabay sa kanya.matuwa ka nga dapat kasi bukod sayo marami pang ibang nagmamahal sa anak mo, at makakasigurado ka na hindi nila pababayaan ang anak mo, kahit hindi mo sya kasama kampante ka na may nagaalaga sa kanya.
Wag kang magalala kasi pag laki nya, satin pa rin sila tatakbo, walang anak na hindi mahal ang nanay nila, maliban na lang kung hindi karapat dapat mahalin ang ina tulad ng mga malulupit na nanay na napapanuod natin sa MMK o kaya nanay na inuuna ang iba kesa sa anak nila.
Napahaba ata, nakarelate kasi ako tee hee!
