Author Topic: hinihintay mambabae si MR.  (Read 5614 times)

imbisibol_

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #20 on: October 06, 2014, 11:43:45 pm »
Siguro dahil wala pa kaming anak kaya ayos lang sa kanya.

very dangerous to pin your hopes on this.  if he cannot change now, on his own- then nothing, not children nor the second coming- will make him change.

ramsmom

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #21 on: October 07, 2014, 12:16:23 am »
Ang mister ko naman aminado sya and he is trying to change kaso ganon na nga pagkatapos nyang mgpromise na magbago pagnag argue ulit kami ganon na naman sya. Ang pagkaka alam ko kasi lumaki sya na ganon ang papa nya hindi daw makausap lage galit. Ngayon nalang daw naging malumanay kasi may edad na. Triny ko na rin seek help mom and sis nya about our situation kaso parang sila mismo hindi rin nila macontrol at parang hinahayaan lang nila.

crzysxycl

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #22 on: October 07, 2014, 03:25:33 pm »
^ako rin sis, MIL at SIL ko wala rin magawa sa ugali ng asawa ko.. oo mabait sya, pero pag uminit ang ulo akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya. hilig nya mag dwell over small stuff.

^^oo nga sis eh, bahala na. nirereverse psychology ko nalang minsan. ume-effect naman kaso saglit lang, babalik din sa dati. Ayaw nya kasi ng pinupuna sya or pinagsasabihan. Mana sa ina nya eh. Nanay nya ganung ganun, makitid ang utak.

ramsmom

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #23 on: October 07, 2014, 05:38:06 pm »
Ngayon pinarating ko na sa parents ko kasi feel ko talaga need na ng action since ayoko naman umabot kami sa physicalan :( nagulat mom ko na ganyan na pala ginagawa sakin talo pa ang physical abuse sa emotional abuse na nararanasan natin.. Natry mo rin bang sabihan sya pag good mood sya? Ako dahan dahan ko syang sinasabihan na malapit na ako mapuno at baka iwan ko na sya infairness medyo umeeffect naman kaso minsan nagmimintis pa rin

crzysxycl

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #24 on: October 07, 2014, 10:31:49 pm »
^natry ko na yan sis. pag wala syang topak, saka ako babanat pero maayos pa rin pagsasalita ko. Ganun din, bumabalik din sa dati. Mabait naman si hubby, talagang pag nag umpisa lang uminit ang ulo or tinoyo, tuloy tuloy. Dati nga 3 days kaming di nagkibuan sa bahay ng nanay nya. Ilang na ilang ako kasi feeling ko ako masama sa paningin nila. Hay, ayoko na bumalik sa sitwasyon na yon. At least ngayon kahit mag away kami, walang ibang kontrabida, asawa ko lang haha!

aquacharly

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #25 on: October 21, 2014, 05:51:39 pm »
Crazy, what we women can put up with because we choose to love a man.
Living with a man who is rude, disrespectful, unkind and  easily throws anger tantrums  --  it's like living with an uneducated/uncouth  gorilla.  Yup, even if he has acquired a PhD, might as well be PhDead. 
Abusive behavior is hard to erase. 

What to do about such a husband/partner?
Shock him into Remorse & Reform.   But this is tricky. Do not bluff, he may call your bluff.  Hopia
Or, suck it up. 
Useless to look for sympathy from his family. They are most likely burdened themselves with such aberrant behavior. If they can't help themselves, how can they even help you?

What did I do?
Well, after sucking it up for years -- I got my brains out of the freezer the day his ex-kab1tch talked to me.
So, that broke this camel's back. 
I looked him straight in the eyes & said:  Oh btw, I don't want  to  live with a philanderer, a man who can't control his itch, and who is also rude and mean. You are abnormal, very.  Does your mom know you are like that?  She may just die of embarrassment.

He said, he will move out if I want him to.
I promptly said: Yes, ASAP. Go.
That unraveled him:  that I had purpose, determination &  at the end of my rope.

Continuing Remorse & Reform followed.
But I also re-purposed myself.  If Love  begets love; then Change begets change.   Nobody is perfect.
Oh sure, there will be lapses. But what's important is -- the Reformed must bounce back & back up on the wagon shortly. 

What am trying to say?  Do not tolerate what makes you unhappy.  Nobody has the right to demean you.  God did not let you reach adulthood to be put in a living hell by another. 
Kung ganon na rin lang, we should just have succumbed to measles, chicken pox, primary complex, even SID Syndrome.

We really should take better good care of ourselves, 

Xoxolol

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #26 on: October 27, 2014, 01:50:28 pm »
Mahirap talaga makipag-deal sa mga ganyang tao. Nakakapagod. I've been through hell already. The dad of my kids is like a monster when he's mad. Nagalit siya sakin at ang ginawa niya is tinapon niya mga damit ko. I don't know how to handle his attitude. Minsan ang bait niya, minsan para na siyang demonyo. Sabi ko nga sa kanya, sinusumpa ko na siya at wag niya akong mahingan ng kahit anong tulong o pabor matapos niya akong ganyanin.

snowberry

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #27 on: October 27, 2014, 08:47:34 pm »
OMG , dami palang lalaki ang ganito. Akala ko noon asawa ko lang at isip ko ay may something sa lahi nila ( meaning tililing) or masyado siya na spoil parents nya.  Mind you, grabe siya mambulyaw sa amin , pero sobrang lambing at bait ng boses kapag iba ang kaharap. kaya ,akala ng iba napaka ideal husband and father niya.

I did what the other sisses do, kausapin si MIL , nag advise naman na huwag ko daw sabayan init ng ulo . May kontingg positive effect,  dahil hindi ko pinapatulan pero feel ko lalo akong na abuse ng walang laban. Next is kausapin ng masinsinan (many times ,bago umepek) . Hmmn, for a while nagbago naman , pero back to the usual afterwards.

Gaya ng wish ni TS  (pero hindi ko ni wish)  , noong nambabae siya saka lang ko tuluyan na siya hiwalayan. Well, siguro kasi it 's sobra na at enough na pag martir ko.  But, bago kami naghiwalay ay ipina feel ko na dedma na siya . Doon niya naramdaman na wala na  talaga at hindi na niya ko maabuso . I  can't forget his facial expression noong napansin niya na wala na siyang kwenta sa akin.  Suddenly, he became very silent . Well , the love was gone..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close