Hindi pala ako nag iisa. Marami palang mga lalakeng ganito, yung sobrang mainitin ang ulo at akala mo palaging may kaaway. Si hubby pag pinagsabihan mo galit. Ayaw nya ng pinupuna sya or pinagsasabihan sya kahit para sa kanya rin naman yung sinasabi ko. Masakit din magsalita, akala mo naman pinalalamon nya ako. 3 yrs na kaming married and totoo nga ang sabi nila, pag magkasama na kayo sa iisang bubong, saka mo lang makikilala ang tao. Dati nakatira kami sa nanay nya, nag away kami tapos sinabihan nya akong lumayas ako at wag na akong babalik. Sobrang sakit lang, kasi feeling ko parang pinipilit kong makitira sa kanila. Samantalang una palang, ayaw na ng parents kong makitira ako, at ayaw ko rin dahil iba pa rin ang nakabukod. Pinagbigyan ko lang ang hiling nya na dun kami tumira kasi nga "kawawa" raw ang nanay nya dahil matanda na at walang kasama sa bahay. Eh ang sama rin ng ugali ni MIL, sa kanya nga ata nagmana asawa ko dahil bastos din ang bibig. Ang aga aga akala mo may kaaway, walang magandang lumalabas sa bunganga nya - yes, bunganga talaga. Kahit mga apo nya at anak nya, minumura nya. Ayaw kong lumaki sa ganung environment ang magiging anak ko. At ayaw ko rin namang makitira, mas gusto ko pang mag renta ng bahay kesa naman magtiis sa libre, puro bungangera at chismosa naman ang kasama mo sa bahay.
Nag try na akong umuwi sa amin dati, pero hindi rin nagbago ang asawa ko. Siguro dahil wala pa kaming anak kaya ayos lang sa kanya. Parang sa akin pa rin lang nanggagaling yung pag aadjust. Ang dating eh kung ayaw ko na, iwan ko sya. Hindi sya magbabago for me. Ganun ang thinking nya, lagi nya sinasabi na dapat masanay ako dahil ganun lang talaga sya. Ganun na ganun din ang sabi sa akin ng sister-in-law ko, ganun daw talaga sila magsalita. At sinabihan pa ako na "sensitive" lang daw ako masyado. Talaga lang ha, eh nung nagsabog ata ng kasamaan ng ugali si satanas, sinalo nilang lahat! Kaya naisip ko, paano yun ako lang ba dapat lagi ang mag adjust? Hanggang kelan? Dumating nga sa point na nasanay nalang akong sinasabihan nya na lumayas ako. Iniisip ko galit lang sya kaya nya sinasabi yun. Binabawasan ko na rin yung punahin sya, kahit kasi sabihin ko pa ng maayos, pangit pa rin ang dating sa kanya. Kaso minsan napapagod na rin ako sa kakaintindi at kakapasensya. Hindi ko na alam ano gagawin ko, saan ako pupunta.