Author Topic: hinihintay mambabae si MR.  (Read 5609 times)

yown

  • Guest
hinihintay mambabae si MR.
« on: March 13, 2014, 11:46:59 am »
Hi girls, need your advice, 3 yrs na kami kasal sa march, with 1 yr old kid pero parang ngayon nag sisimula na ko mawalan ng pakialam sa husband ko. at this point puno na ko, ayaw ko na nga sya kausapin ng maayos palagi na lang siya highblood kung sumagot pag may tanong ako sa kanya. like kanina morning tinatanong ko lang ng maayos na bumili ba siya ng socks? sumigaw na agad na "ANO BA DI BA SAPATOS LANG BINILI KO! " kailangan ba talaga pag may itatanong ako sisigaw siya? hindi naman ako bingi. parang sakin nakakawalan ng respeto, hindi rin siya nahihiya kahit marami tao nkakarinig. hinihintay ko na lang talaga mambabae siya para mahiwalayan ko na siya. sawa na ko sa ugali niya kahit isumbong ko pa sa mama niya wala lang. sorry kung mahaba to wala kasi ako mapag sabihan.

evilwoman

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #1 on: March 13, 2014, 01:03:02 pm »
^wag mo iwish yan sis.masakit din pag nalaman mo na meron pala and yun ang dahilan kung bakit ganun ang pakikitungo nya sa yo.wala ba kayo moment na maayos naman?baka pwede mo banggitin sa kanya na di mo gusto ang ganun pagsagot.ako kasi dati ganyan pala makipagusap sa phone sa mister ko.di ako aware kung di pa nya sinabi e sige lang ako.ngayon,kahit papano conscious na ko pag nakikipagusap sa phone or..text na lang ginagawa ko. :D

aquacharly

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #2 on: March 13, 2014, 01:11:13 pm »
YOWN, gets kita. Ganyan ang natural ni hubby. Or, dati -- bago sya nag  Reform &  Remorse.  Nasty,  easily gets angry, sweats the small stuff, disrespectful, etc   Yes, it is hard to live with such a person.

Try to talk to him about this.
Try to see how you can change your relationship dynamics.
If what you are doing isn't giving you the results you want--  then, change your methodology.   

Pero, if puno ka na as in -- naghahanap ka na ng reason (philandering) para hiwalayan mo sya --  don't wait nambabae pa sya. Talk to him now and tell him, you just can't live with a verbal abuser.  That is more than enough reason to walk away.

yown

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #3 on: March 13, 2014, 01:37:04 pm »
thank you sis evilwoman and sis aquacharly ,  nakakasawa na kasi paulit ulit sinabi ko na nga sa kanya kung pwede iwasan nya sigawan ako kasi yun madalas talaga namin pag awayan. Ngayon tinitiis ko talaga naka pinoy henyo mode ako "OO , Hindi, Ewan" ganyan na ko mkaipag usap sa kanya at lalo naman siya naiinis, Para sakin pinapkisamahan ko nalang sya dahil sa anak namin, we're parents but not lovers, gusto ko na siya pauwiin sa kanila para madala.

graZiousa

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #4 on: March 13, 2014, 02:12:12 pm »
lam mo sis ganyan din hubby ko pero yong sa kanya kasi sadyang natural lang, pag nagsasalita parang nangbubulyaw at laki pa ng boses. kaya sabi ko sa kanya naoofend ako pag ganyan sya magsalita kahit na alam ko naman na ganyan talaga sya kasi sa amin naman tumataas lang boses pag galit. napansin ko naman binababaan naman ni hubby boses nya, minsan lang napapalakaw pa rin pero appreciate ko na he is trying to control his voice. Si hubby mo naman sis, parang may galit sayo na konting kibot bulyaw agaw. bakit kaya sis, may mga pinag aawayan ba kayo na hindi pa naayos? lagi ba syang pagod sa work or puyat kaya iritable? Ano sa tingin mo reasons sis? o sadyang wala ng respeto... kelan pa sya ganyan, nuon ba bago pa lang kayo hindi sya ganyan sayo?

yown

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #5 on: March 13, 2014, 02:49:37 pm »
 
lam mo sis ganyan din hubby ko pero yong sa kanya kasi sadyang natural lang, pag nagsasalita parang nangbubulyaw at laki pa ng boses. kaya sabi ko sa kanya naoofend ako pag ganyan sya magsalita kahit na alam ko naman na ganyan talaga sya kasi sa amin naman tumataas lang boses pag galit. napansin ko naman binababaan naman ni hubby boses nya, minsan lang napapalakaw pa rin pero appreciate ko na he is trying to control his voice. Si hubby mo naman sis, parang may galit sayo na konting kibot bulyaw agaw. bakit kaya sis, may mga pinag aawayan ba kayo na hindi pa naayos? lagi ba syang pagod sa work or puyat kaya iritable? Ano sa tingin mo reasons sis? o sadyang wala ng respeto... kelan pa sya ganyan, nuon ba bago pa lang kayo hindi sya ganyan sayo?

madalas kami mag away sis graZiousa kasi nga na offend ako parang wala siya respeto. ewan ko baka pinalaki talaga siya ng magulang nya na ganito bastos, hindi ko alam na ganito ugali nya kasi nung mg bfgf namin kami hindi siya pala sigaw. sabi nga pag nakasama mo na sa bahay saka mo palang makikita tunay na ugali. nahihirapan na ko pakisamhan siya at nahihiya rin ako sa magulang ko dahil nakatira kami samin tapos ganun siya hindi siya nahihiya sigawan o ipahiya ko sa harap ng pamilya ko.

latte

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #6 on: March 14, 2014, 05:42:32 pm »
Verbal abuse ang tawag jan sis. Halos ganyan din ang asawa ko dati pero di nya naman ako nasigawan in front of other people. Pero still unacceptable yan para sakin kaya umabot kami sa point na hiniwalayan ko sya. Nung mangyari yun nagulat sya kasi all the while akala nya ok kami. Hindi kasi ako nagsasalita kasi nga papano ako magsasalita eh isang salita ko lang na di ayos a pandinig nya sumisigaw agad sya. Anyway, nun makipaghiwalay ako, 8 months hindi ko sya kinausap ( nasa magka ibang bansa kami) wala akomg sinagot na tawag or emails. Tapos yun napatawad ko din at nagbago sya. Nun initial na mga usapan namin nasabi ko lahat ng hinanakit ko tapos naunawaan nya naman. Ngayon ibang iba na ang asawa ko kapag may complain ako nakikinig sya tinatanong nya agad kung ano gusto kong mangyari kaya happy na ako. In short minsan hindi nila alam na hindi pala tama ang ginagawa nila kailangan mo talagang kausapin ang asawa mo bahala sya kung magalit sya basta sabihin mo sa kanya na hindi ka nya dapat tratuhin ng ganyan. Gawin mo muna lahat kapag nagawa mo na lahat at hindi nagwork that's the only time na makipaghiwalay ka na kasi walang kahit na sinong tao ang mag dedeserve ng ganyang treatment.
« Last Edit: March 14, 2014, 05:46:02 pm by latte »

yown

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #7 on: March 14, 2014, 06:00:38 pm »
Verbal abuse ang tawag jan sis. Halos ganyan din ang asawa ko dati pero di nya naman ako nasigawan in front of other people. Pero still unacceptable yan para sakin kaya umabot kami sa point na hiniwalayan ko sya. Nung mangyari yun nagulat sya kasi all the while akala nya ok kami. Hindi kasi ako nagsasalita kasi nga papano ako magsasalita eh isang salita ko lang na di ayos a pandinig nya sumisigaw agad sya. Anyway, nun makipaghiwalay ako, 8 months hindi ko sya kinausap ( nasa magka ibang bansa kami) wala akomg sinagot na tawag or emails. Tapos yun napatawad ko din at nagbago sya. Nun initial na mga usapan namin nasabi ko lahat ng hinanakit ko tapos naunawaan nya naman. Ngayon ibang iba na ang asawa ko kapag may complain ako nakikinig sya tinatanong nya agad kung ano gusto kong mangyari kaya happy na ako. In short minsan hindi nila alam na hindi pala tama ang ginagawa nila kailangan mo talagang kausapin ang asawa mo bahala sya kung magalit sya basta sabihin mo sa kanya na hindi ka nya dapat tratuhin ng ganyan. Gawin mo muna lahat kapag nagawa mo na lahat at hindi nagwork that's the only time na makipaghiwalay ka na kasi walang kahit na sinong tao ang mag dedeserve ng ganyang treatment.


sa tingin ko nagawa ko naman lahat, kinakausap ko naman siya ng maayos kasi  gusto ko nga maayos kami dalawa para na rin sa anak namin kaso everytime mag eexplain ako sinasabi nya dame dame ko sinasabi tapos galit pa siya tapos minsan sasabihin nya mag babago siya pero ilang araw lang balik ulit sa date minsan pa minuto lang,nakakasawa lang kasi paulit ulit lang. nag susumbong na rin ako sa parents nya dahil sa ugali nya kaso wala naman ginagawa action mag tatanong lang ano nangyari tapos wala dedma na. nakakainis.

imbisibol_

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #8 on: March 15, 2014, 12:08:20 am »
nag susumbong na rin ako sa parents nya dahil sa ugali nya kaso wala naman ginagawa action mag tatanong lang ano nangyari tapos wala dedma na. nakakainis.

what exactly were you expecting them to do?  your husband is a grown man.  but being shouted at by my husband in front of other people?  i won't stand for that either.  i'm a grown woman as well, not a misbehaving 6-year old child. 

sugardrop

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #9 on: March 15, 2014, 12:12:05 am »
Why do you even have to wait for him to have a mistress (that is if he still doesn't have one)? Masokista ka ba na kailangan mo pa ng dagdag na pain that being verbally abused brings? Or kulang pa yun?

Get a grip, woman. You need to have some respect for yourself. If he cannot respect you, you owe it to yourself.

ladyisabella

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #10 on: March 15, 2014, 12:36:01 am »
kaya umabot kami sa point na hiniwalayan ko sya. Nung mangyari yun nagulat sya kasi all the while akala nya ok kami. Hindi kasi ako nagsasalita kasi nga papano ako magsasalita eh isang salita ko lang na di ayos a pandinig nya sumisigaw agad sya.

same tayo sis, hiniwalayan ko din nung last na sinigawan nya ko sa simpleng tanong lang naman na ginawa ko. Tahimik lang din ako lagi dati, hirap kase mag salita di ako makasingit sa lakas ng boses nya at kakamura nya.. Ayun, lumayas ako kasama anak namin at mga 1 month ko din sya di pinansin sa kahit anong tawag at text nya deadma talaga!, kahit gipit na ko sa gastusin naming magina tiniis ko yun, talagang pinakita ko na galit ako at kaya ko mabuhay ng wala sya (kahit sa totoo hinde, tiniis ko lang para matuto sya).

Napatawad ko din sya at nagsama ulet kame, malaki na pinagbago nya, nakikinig na sya at di na nya ko masyado sinisigawan.,marunong na din sya mag sorry :) di ko naman maaalis agad agad sa ugali nya yung ganon, pero syempre onti-onti nya binabago at nag eeffort.

Thankful ako kase simula ng naglayas ako narealized nya gano kame kaimportante  ng anak namin sa kanya, so as much as possible, ayaw na nya maulit yun kaya nagbabago na sya :)

chinkywinky

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #11 on: March 15, 2014, 01:28:55 am »
Halos ganyan din asawa ko, reactive na parang laging galit. Tapos ayaw ng napupuna yung mga mali niya. Alam mo yung tipong pag napuna mo siya, sisimangot tapos bumubulong, ganun. The last time na nag inarte siya ng ganun, umiyak ako. Sabi ko kung hindi niya gustong napupuna yung mga mali nya, humanap siya ng passive na asawa. Na-guilty sya. He's getting better now. He even asked me what he should do para maalis yung ugali niya na yun. Sagot ko, "Ewan ko sayo! Matanda ka na!" Sinigawan ko rin siya, para ma-feel niya at para maka-resbak man lang ako sa kanya kahit isa lang. ;D
« Last Edit: March 15, 2014, 01:30:58 am by chinkywinky »

latte

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #12 on: March 15, 2014, 03:01:59 am »
Sis yown in that case hindi mo na kailangang maghintay na magkaroon sya ng other woman para humiwalay. Verbal abuse is more than enough reason but still ikaw pa din ang magdedesisyon nyan. Basta palagi mong iisipin na hindi mo deserve na sigawan. Verbal abuser are weak people, shouting is a way for them to hide their many fears. Fears na puedeng mula pa sa pagkabata nila. Feeling nila lagi silang may kalaban and inuunahan nila ng sigaw just to say na sila yung in control over things.

Family can help if they are aware and kung may concern sila. Sa asawa ko kasi yung mga in-laws ko ang nanguna na magsabi sa kanya ng mali sa ugali nya and all so it had helped him realize what does he need to change.

Sis ladyisabella, yung asawa ko din gumuho yung mundo nya nun hiniwalayan ko. Nung time na ginawa ko yun I was determined na wala ng balikan yun pero katagalan lumambot din ang puso ko. Though my husband never swear at me nakakapagod pa din ang verbal abuse. Kung yung mga magulang ko nga na pinagkaka utangan ko ng buhay ko eh nag-iingat sa pagsasalita sa akin dahil ayaw akong masaktan sya pa kaya na asawa ko lang? Anyway, past na yun, ngayon ok na kami and I could'nt ask for anything na apart from sana magkasama na kami sa iisang country.

la_chic

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #13 on: March 15, 2014, 10:13:50 am »
Sis Yown, I've been in your exactly same situation!
3 years pa lang din kami this March and yet ang dami na naming napagdaanan na sigawan galore. We also have a 2 year old kid and dati pag nagaaway kami I always think about my kid na lang para hindi magresult sa hiwalayan.
Sis, make it a point to work your marriage out kasi although it takes 2 to make it work, babae pa rin ang magdadala talaga ng relationship. My hubby has an Anger Management Problem. Until now, umaatake pa din but napansin ko very rare na talaga.
Dapat kasi 1st, aware sya sa situation nya at alam nya na nakakasakit na sya. So it also has to start from him na magdecide sya magbago. Advice mo sya sis to read self-help books and listen to audio books by Anthony Robbins. Believe me, it works! Search nyo na lang sa internet...
So far, ok na kami ni husband ko ngayon (when it comes to the that aspect) and sana wag na sya bumalik sa dati.

Sis, be careful of your thoughts for they become actions.

princessrio

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #14 on: March 15, 2014, 05:18:30 pm »
has he been like that since day 1 of your marriage? baka naman what you are praying for eh nasagot na.

mc21

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #15 on: March 16, 2014, 12:32:22 pm »
..try mu kaya file ng verbal abuse sa local court nyo
..baka sakaling magising sa katotohanan.

ramsmom

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #16 on: October 06, 2014, 11:22:39 am »
Same here sis, for 4yrs of marriage ganyan sya sa akin may time pa nga na nagwawala sya sa harap ko hindi naman physical pro yung trauma na nararamdaman ko grabe ang takot na baka matamaan ako. I know he is trying to change pero everytime na aabot kami sa arguement ganon pa rin ang ending mga insulto at mga paninira ng gamit grabe pati anak ko nakakaranas ng ganyan them right after nyang magwild kakalma tsaka magsosorry na parang nagsisisi sa ginawa nya kaso lang paulit2 na halos every time na nagaaway kami sira cellphone nya kasi kung hindi nya ihahampas sa table eh itatapon nya. Like kagabi nagtanong lang ako bigla nalang sya nagflare up at nagwild di ko na talaga alam anong gagawin ko. I also read na ang cost pala ng lack of intimacy ko sakanya is because of I'm suffering verbal abuse as in feel ko wala na ako love for hubby and I'm just staying because of my 4yr old son :(

aquacharly

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #17 on: October 06, 2014, 05:46:33 pm »
^I am not surprised.  Where there is no Kindness & Respect,  it is extremely hard to find Love.

crzysxycl

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #18 on: October 06, 2014, 06:55:57 pm »
Hindi pala ako nag iisa. Marami palang mga lalakeng ganito, yung sobrang mainitin ang ulo at akala mo palaging may kaaway. Si hubby pag pinagsabihan mo galit. Ayaw nya ng pinupuna sya or pinagsasabihan sya kahit para sa kanya rin naman yung sinasabi ko. Masakit din magsalita, akala mo naman pinalalamon nya ako. 3 yrs na kaming married and totoo nga ang sabi nila, pag magkasama na kayo sa iisang bubong, saka mo lang makikilala ang tao. Dati nakatira kami sa nanay nya, nag away kami tapos sinabihan nya akong lumayas ako at wag na akong babalik. Sobrang sakit lang, kasi feeling ko parang pinipilit kong makitira sa kanila. Samantalang una palang, ayaw na ng parents kong makitira ako, at ayaw ko rin dahil iba pa rin ang nakabukod. Pinagbigyan ko lang ang hiling nya na dun kami tumira kasi nga "kawawa" raw ang nanay nya dahil matanda na at walang kasama sa bahay. Eh ang sama rin ng ugali ni MIL, sa kanya nga ata nagmana asawa ko dahil bastos din ang bibig. Ang aga aga akala mo may kaaway, walang magandang lumalabas sa bunganga nya - yes, bunganga talaga. Kahit mga apo nya at anak nya, minumura nya. Ayaw kong lumaki sa ganung environment ang magiging anak ko. At ayaw ko rin namang makitira, mas gusto ko pang mag renta ng bahay kesa naman magtiis sa libre, puro bungangera at chismosa naman ang kasama mo sa bahay.

Nag try na akong umuwi sa amin dati, pero hindi rin nagbago ang asawa ko. Siguro dahil wala pa kaming anak kaya ayos lang sa kanya. Parang sa akin pa rin lang nanggagaling yung pag aadjust. Ang dating eh kung ayaw ko na, iwan ko sya. Hindi sya magbabago for me. Ganun ang thinking nya, lagi nya sinasabi na dapat masanay ako dahil ganun lang talaga sya. Ganun na ganun din ang sabi sa akin ng sister-in-law ko, ganun daw talaga sila magsalita. At sinabihan pa ako na "sensitive" lang daw ako masyado. Talaga lang ha, eh nung nagsabog ata ng kasamaan ng ugali si satanas, sinalo nilang lahat! Kaya naisip ko, paano yun ako lang ba dapat lagi ang mag adjust? Hanggang kelan? Dumating nga sa point na nasanay nalang akong sinasabihan nya na lumayas ako. Iniisip ko galit lang sya kaya nya sinasabi yun. Binabawasan ko na rin yung punahin sya, kahit kasi sabihin ko pa ng maayos, pangit pa rin ang dating sa kanya. Kaso minsan napapagod na rin ako sa kakaintindi at kakapasensya. Hindi ko na alam ano gagawin ko, saan ako pupunta.

chelsea1212

  • Guest
Re: hinihintay mambabae si MR.
« Reply #19 on: October 06, 2014, 07:32:02 pm »
I feel for you Yown, ganyan din kasi yung husband ko. Somehow iniintindi ko siya dahil alam kong may back story behind him being quick tempered, cranky by/with very little provocation (due to his past profession so posibleng nag ssuffer siya from PSTD, nakaranas din siya ng verbal abuse etc) and of course malaki yung age gap namin so I'm sure major factor din yun.

At first, i thought sadyang wala lang siyang respect sakin dahil kahit sa public sobrang dali nyang mairita at mag snap ang usually kahit hindi towards sakin yung anger nya feeling ko ako yung sobrang nakakaabsorb ng hostility nya. Dumating yung point na sobrang na-fed up na ako sa ganun kaya I confronted him (after warning him to be calm and collected sa mga sasabihin ko and patapusin nya ako mag vent) and sinabi ko na sobrang nahihirapan na ako sa ganung estado, na ang hirap kasi iniintindi ko naman siya pero baket parang hindi ko siya makitaan ng pag intindi naman saken. Naging ok naman siya after nun and nag volunteer siya to seek professional help though at times nag ssnap pa din siya, mas careful na siya ngayon and madali na siyang matauhan kapag tumataas na yung boses nya.

I suggest, you perform a little investigation kung baket siya ganun, baka may back story din kasi. Who knows, baka he needs help.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close