watch now

Author Topic: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?  (Read 13175 times)

mctina_20

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #40 on: July 18, 2014, 05:17:33 pm »
Just want to share something i read. This is from a nanny from the UK who have been taking care of kids for 2 decades now. She wrote an article about things she notice that parents of today sort of do wrong. One of these is related to this topic.
We have a saying "it takes a village to raise a child".

Finally somebody mentioned this! I noticed most Filipino parents lalo na yung mga nsa Pinas really get offended/sensitive pag ang anak nila napagsabihan.
And at the same time - many Pinoy parents bully the offending child .

And the reaction of many parents here, "ONLY ME OR MY HUBBY can discipline my child". i mean, to us most parents our child is perfect, an angel and can never be wrong - and very easy not to see or overlook the cruelty of our own children, in reality YOUR CHILD IS THAT CHILD OTHEr parents dont like their kids to play with.

To the thread starter - maybe they get tired of you not doing enough to make your child stop "harassing" their child? apparently the incident was not the first - constantly remind your child and give him consequences. I am not justifying their action but Kudos to you for being the big person and you actually did the right thing in just biting your tongue instead of makipag away pa. Keep explaining this to your child, eventually he will get it.

tiggerlily

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #41 on: July 19, 2014, 01:29:25 pm »
^I believe in that also. It really takes a village.

The problem with Filipinos kasi iba iba na ang beliefs natin sa pagpapalaki ng bata. Merong disiplinang namamalo, sinisigawan, pinapahiya or ang pinakamahirap sa lahat e yung calm discipline. Mahirap ito mangyari sa atin dahil iba iba tayo ng palaki sa bata. This is why I stay out of other people's business.

There are also pinoys na kaya pinagagalitan yung anak mo e nagpapower trip. may inggit or galit sa yo. Probably once e napagalitan mo na yung anak nila so ngayon pagagalitan din nila ang anak mo for a very small reason. Pramis. True story ito.

kikay9599

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #42 on: July 22, 2014, 07:27:53 am »
Depende sa approach and intention, yung pagsabihan ang anak ko ng maayos at para hindi na ulitin ang maling niyang nagawa, maiintindihan ko but never pagalitan na sisigawan at ipapahiya sa iba lalo na kung andun din ako. 

TysLolakins

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #43 on: July 25, 2014, 01:51:26 am »
ok lang pag immediate family ko and very close friends, none of them will do that anyway.  their teachers, their coaches, ok lang as they are the authority when the parents are not around.


outside of that circle  is another thing.  ok lang kung reprimand in a non shouting voice,  pero yung sisigawan at ipapahiya, hindi pwede.


 when the kids were younger and we're out in public,  i make it a point to keep an eye on them all the time, to be sure they're safe and that they are behaving themselves.  if i notice that an incident my start with another kid,  i'm quick to just pull my own child away from the situation.   prevention and early intervention is my cure.




kvandenhaak

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #44 on: July 25, 2014, 03:39:22 am »
Pagsabihan is totally fine basta sasabihin din sa akin ang ginawa ng anak ko afterwards.

Spanking, on the other hand , is a big NO! Ako lang ang may karapatang mamalo sa anak ko!

ysa.belle

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #45 on: July 28, 2014, 04:05:30 pm »
naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?

OO. For me kase ang kung sino sinong tao walang karapatan na pagalitan ang anak ko. Pagalitan, saktan, ipahiya, paluin at sigawan. They do not have the right.

Teachers - pwede nilang kausapin in a nice manner.
Sister ko / Parents - they can scold and spank my child pero hindi pweding gawin sa harap ng ibang tao. i trust naman their judgement pero pag  nakita ko na medyo sobra, aawat ako.

pinapagalitan ko rin ang anak ko. nakukuha siya sa isang tingin ko. alam niya pag dapat stop na ang ginagawa niya at alam niya pag galit na ang tingin ko. napapagalitan siya pag kami lang dalawa. ayoko siyang napapahiya sa harap ng ibang tao.


swtgrl_bee

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #46 on: July 29, 2014, 12:02:10 am »
Depende sa tone of voice, approach and situation. Pero hindi ako naiinis kapag in a good way naman.

Miss.Pancake

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #47 on: August 05, 2014, 05:16:49 am »
Just to one specific person and that is his lolo on her dad side. Kasi walang kwentang tao, tambay sa bahay walang trabaho, puro inom at sigarilyo. Kung makamando akala mo siya ang bumubuhay sa pamilya niya. Kaya nagagalit ako pag pinapagalitan niya anak ko. Talagang sinasagot ko kasi unang una wala siyang karapatan at kahit kailan wala siyang karapatan.

Angelite

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #48 on: October 22, 2014, 11:37:08 pm »
This is something that I will not tolerate. Tell me the problem with my kid at ako na ang bahala. Disiplinado naman anak ko so hindi mahirap pagsabihan. Ayoko ng papagalitan ng iba anak ko.

FayeP

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #49 on: October 23, 2014, 07:07:40 am »
di pa naman nangyari na napagalitan un anak ko ng iba but I'm sure maiinis ako ng todo pag nangyari un...

kasi bata un eh, kun may dapat magdisiplina dun eh un magulang, so if other people may problema sa anak ko, dapat ako o un asawa ko ang kausapin nila... then kami na bahala dun magdisiplina....


may12

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #50 on: November 29, 2014, 09:43:45 am »
Napatingin talaga ako sa thread na to kasi how I wish mapagsabihan ko anak ng neighbor ko na hindi siya ma-ooffend.  ;D

Kasi sobrang nai-stress na talaga ako pagpumupunta sila dito sa house. Minsan nagkukunwari nalang akong tulog pag pupunta dito kasi ayaw ko sila i-entertain. I like the kid naman. She's just two. At okay lang sa akin kung yung bata lang andito, or yung nanay lang. Pero pag sabay silang andito, grabe, stressful!

Kasi kung [textspeak!]-anong gamit ko ginagalaw nung bata. Hindi man lang sinasaway nung nanay. Or kung sawayin man, hindi nakikinig yung bata kasi pag nagtampo, lalambot na siya agad. Hindi tuloy siya sineseryoso nung bata.

Minsan, pumunta sila dito... pumasok sa kuwarto ko yung bata at kung [textspeak!]-ano ginalaw. Tapos may kinuhang mga barya. Sinabi ng nanay isauli sa akin... pero hindi sinauli ng bata at hindi in-insist nung nanay!  >:( Eh ayaw ko namang pilitin yung bata na ibigay sa akin.

Then nung isang araw din, di ko namalayan, kinuha pala yung stuff toy ko na maliit. Nakita ko nalang, nasa bahay na nila. Eh special pa naman sa akin yun. Haaay.

Sana hindi ito OT, pero sa mga sisses na may anak na... what is the best way to approach naman that kind of situation na hindi mao-offend ang nanay pag pinagsabihan ang anak?

tiggerlily

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #51 on: November 29, 2014, 01:51:45 pm »
^hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. magtatago rin siguro ako. or ila-lock ko lahat ng importanteng gamit ko sa kwarto.

TysLolakins

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #52 on: December 06, 2014, 04:35:06 am »
i hope this is not OT, pero let's look at this from the other perspective...   mas naiinis ako doon sa mga nanay na hinahayaan lang na maglikot, magulo  magingay, makasakit or makasira ang kanilang mga anak.  i'm talking about yung excessive ha, siempre mga bata yan.  bakit di nila bawalin or pigilin. yun tuloy ibang tao ang gigil na gigil, sarap kutusan.
i've had small kids once but never did they cause that kind of trouble esp in somebody's house or public place.  yung ibang nanay kasi inuuna pa yung pakiki-tsika kesa bantayan yung mga anak nila.  kahit may yaya, minsan yung bata sa parents lang sumusunod.
pero kahit nabubuwisit na ako sa bata, i don't say nor do anything.  pero markada na sila na di na sila invited next time sa amin.


twix

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #53 on: January 30, 2015, 12:53:19 pm »
yes, lalo na't bilas mo at kasama pa sa bahay, yan naiinis ako bago niya disiplinahin ang anak  ko, yung saliri muna niya, di pa niya naiisip siguro dahil wala pa siya anak kaya ganyan siya sa anak ko, pasalamat nalang siya at mahaba ang pasensiya namin ni hubby dahil mas nakakatanda kami. hay!  >:(

dainejen

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #54 on: January 30, 2015, 07:21:48 pm »
Napatingin talaga ako sa thread na to kasi how I wish mapagsabihan ko anak ng neighbor ko na hindi siya ma-ooffend.  ;D

Kasi kung [textspeak!]-anong gamit ko ginagalaw nung bata. Hindi man lang sinasaway nung nanay. Or kung sawayin man, hindi nakikinig yung bata kasi pag nagtampo, lalambot na siya agad. Hindi tuloy siya sineseryoso nung bata.


Sana hindi ito OT, pero sa mga sisses na may anak na... what is the best way to approach naman that kind of situation na hindi mao-offend ang nanay pag pinagsabihan ang anak?


hi sis..
naalala ko nung dalaga pa ko may mga pamangkin asawa ko na napakapakialamero talaga.. di ako comfortable na may nakikialam sa gamit ko so nilolock namin yung room.. :P

pag nagpunta sila sa house nyo lock mo nalang yung door ng room mo tapos kung may galawin sya na gamit sa living room at di sinaway.. magkunwari ka na nashock na mejo oa sabay sabi ay ay bawal to o kaya wag to habang natatawa para di nya isipin na sinasaway.. may mga gamit kasi talaga na di naman dapat hawakan o pakialaman ng "others" kaya sana maintindihan yun nung iba  ;D

sugar n spice

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #55 on: February 05, 2015, 11:26:07 am »
Depende kung paano pinagsabihan ang anak ko.

Normally kasi pag naiinis ako sa ibang bata, hindi ko pinapagalitan para mapahiya. Tinatantiya ko rin. Pinagsasabihan ko lang "O bad yan. Nakakasakit yan" or "Wag naku masisira." Pag sobrang kulit na at nauubos na ang pasensya ko, tinatakot ko na like "O pag ganyan ng ganyan, sige ka hindi na kita papupuntahin dito..." or "Nagagalit nako ha. Hindi nako natutuwa.". Pag andyan ang magulang, tinatawag ko yung atensiyon nila. Normally ang reaction ng parent napapahiya kaya pagsasabihan yung bata. Mas istrikta pa nga ako sa mga anak ko. As in dinidisiplina ko talaga.

Ang mga bata naman marunong din mahiya. Like nung minsan nasa toy shop ko ako. May mga batang madudungis na tuwang tuwa sa laruan. Sabi nung isang babae na kilala yung mga bata "miss ingat ka sa mga batang yan". Siyempre na-alarma ako. So sinusuway ko, binobola-bola, kunyari nakikipagkwentuhan ako pero nakabantay ako. Tinatanong ko "sinong pinakamatanda sa inyo? Sinong mabait? O talaga mabait ka? Wag kayong kukuha ng toy ha, bad yon. etc etc". Umalis yung mga bata ng maayos tinaas pa yung kamay "ate o wala kami kinuha ha". 

For the TS, parang hindi ko rin ata matatanggap na sugurin nila ang anak ko at pagsabihan ng masasakit na salita habang kaharap ako. Para't naging ano pa na naging nanay ako tapos hinahayaan ko lang na duru-duruin ang anak ko ng iba. Andun ako, hayaan nilang disiplinahin ko ang anak ko. At hindi din naman ako titigil hanggat hindi natututo ang anak ko.  Buti sana kung pabaya akong magulang na hinahayaan ko lang ang masamang ugali ng anak ko.

TS, kung ganun ang sitwasyon, magsalita ka. Hindi ka makikipag-away. Sabihin mo lang "Pinagsabihan ko na. Napagalitan ko na. Napalo ko na. etc etc" Pero dapat din bigyan mo ng ultimatum ang anak mo. Kung kelangan mo parusahan, parusahan mo. Hindi mo kelangan "ibitin ng patiwarik". Tanggalin mo mga priviledges nya. Sa isang seminar na attendan ko, tinuturo na kelangan ng "spank" ng pagmamahal. Hindi kamay ang gagamitin mo. Isang partikular na bagay lang. Example  spatula. Yun lang palagi. Hindi pwedeng tsinelas ngayon, tapos sa susunod sinturon, tapos sa susunod dos-por-dos. Dapat isang bagay lang na pag nakita na ng bata, alam na niya na didisiplinahin mo na siya. Padadapain mo saka mo papaluin sa puwit. Sa puwit lang hindi kung saan-saan. Kelangan masakit pero hindi naman para lumatay o magsugat. Tama lang para masaktan. Pag umiyak, hayaan mo lang sya umiyak ng umiyak. Mag-iisip yon. Pag medyo nahimasmasan na ang bata, saka mo kausapin, tanungin kung bakit mo sya pinalo. Yung bata mismo makakarealize kung bakit mali yung ginawa nya. Tapos paliwangan mo. Saka mo sya yayakapin to make him/her feel na mahal mo sya kaya mo sya dinidisiplina.

Kelangan kasi ang magulang firm sa mga bata. At kelangan consistent. Hindi pwede na ipinagbawal mo ngayon tapos maya-maya pwede na. ikaw mismo ang babali ng pinagbawal mo. Hindi matuto ang bata sa ganun.  Sabi nga sa Proverbs 22:6, Train up a child in the way he should go, And even when he is old he will not depart from it.

hisana

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #56 on: February 25, 2015, 08:51:42 pm »
Totally agree.

If the kid does something like may nasira or nasaktan kahit nasabihan na in a nice way not to do it, sorry pero baka mapagsabihan ko yung mga bata kapag ganito, lalo na kung wala naman initiative yung parent/s na ayusin yung gulo ng anak nila. Hindi naman ako aabot sa point na papaluin or sisigawan or anything, but I will let the kid really realize na hindi okay yung ginawa nya.

May mga brats akong nae-encounter na nanggulo na nga, tapos ang excuse pa ng parent is bata lang naman yan, which basically lets them get away with everything like hitting another child, making a real mess in public, etc. Yes, I get it. Bata pa nga sila. Pero konting discipline and manners lang sana. May mga well-behaved kids naman ako nakikita, so it's not impossible to do. In case nagkamali yung bata, then help him or her fix it. Teach him or her to say sorry and to try not to do it again. Guide the kid. Be a good parent!

To add: Just last week, may issue ako with my neighbor. Very minor lang naman, I wanted him to stop playing with the doormat. Aba, ang ending ako pa yung masama kasi bata lang naman daw yun. Lumaki na yung issue, umabot pa sa admin. I mean, ako na yung inconvenienced, tapos ako pa yung maarte, yung mali. It's supposed to be cute and I'm just supposed to grin and bear it while the kid makes my front door his personal playground every day. And it's not as if pinagalitan ko sya, I said in a very playful way. Unbelievable how some parents think their kid is perfect and can do no wrong.
« Last Edit: February 25, 2015, 09:12:54 pm by hisana »

~ anna ~

  • Guest
Re: naiinis din ba kayo pag pinapagalitan ng ibang tao ang anak nyo?
« Reply #57 on: February 25, 2015, 09:56:43 pm »
May kilala akong parent na nagagalit if napagsasabihan yung kids niya ng ibang tao, even if it's the yaya that's in charge of taking care of them and kahit na maayos yung pagkakasabi sa kids.  Sa tingin niya e dapat sila lang ng husband niya yung pwedeng sumaway and pagalitan yung kids.  Pero halos hindi naman nila dinidiscipline ng husband niya yung mga anak nila, kulang sila sa patience for that and most of the time e hinahayaan lang nila.  Tapos she keeps complaining to us how hard it is to manage the kids especially in front of company, kung gaano sila ka-unruly and super hirap isama sa labas, and nagtataka siya bakit sila ganon and hindi katulad ng ibang kids na well-behaved  ::)

Most parents want to think na their child is perfect, an angel.  While it might be true for some, may mga bata na pasaway talaga, and even normally well-behaved kids have their pasaway moments.  I hope na parents won't go into war mode kaagad pag napagalitan yung anak nila ng ibang tao, I hope they try their best to be calm and objective para makita talaga nila if reasonable ba yung ginawa.  There are kids na super nuisance and pasaway and some are even downright evil, and there are parents who just turn a blind eye sa pinag-gagagawa ng kids nila, tapos nagagalit sila pag ibang tao na yung sumasaway sa kids nila.  It should be the parents' responsibility in the first place e, pero sila mismo they neglect to do that tapos they get mad when somebody tries to do what is necessary.

Even worse, may parents pa na pinagtatakpan pa yung kids nila kahit na huling-huli na na mali sila.  There was this girl in the neighborhood na maldita talaga, she would be mean to the other kids and sometimes she even hits them.  Pag kinakausap yung parents nung girl nagagalit sila bakit daw pinagbibintangan yung anak nila and pinagtutulungan daw.  Kahit na huling-huli yung anak nila several times na and by so many witnesses, and kahit pati yung parents ilang beses na nakita na ganun ginagawa ng kid nila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close