Hi Sisters actually 1 month palang kami sa wedding preps, we already booked our venue and caterer.
And yesterday we made partial guestlist. Shocks! ang sakit sa ulo, a lot of things to consider. It isn't final yet. Wala pa kaming PS, entourage list. pero abot na ng almost 120 yung nalista namin not compelete pa doon yung PS and plus 1 nila and yung ibang entourage. Nakakaloka. I am done backreading the whole thread and iba iba ang point of view.
1. Kapag ang guest ay may asawa automatic invited ang isa, out of courtesy nalang even hindi mo kaclose, or pwede ring hindi na kung budget wedding right. Eh what if dalhin pa ang kiddo dahil walang magbabantay, still invite pa din ang asawa?, (ayaw ko ng kids sa wedding namin, para wala masyado, maingay at magulo. lol. )
2. yung mga PS need ba na may plus 1 lahat? if that's the case, sobrang lalaki ang guestlist namin, kasi we are planning to have 8 pairs eh, and if may dala sila plus 1 tapos walang kakilala sa ibang table, need ba nasa VIP table din sila..knowing na limited lang din yung VIP table, 20 seats lang including parents,
3. Yung mga inaanak namin need ba invite, yes close si h2b sa daddys nila.. Kung hindi naman hindi ba magtatampo sila.. Gusto ko kasi talaga immediate family lang ang kids, so mga 3 lang yun both sides namin ni h2b.
4. If may bata, kiddie meal nalang sila diba, so kung wala provide ang caterer, we can just order sa fast food, eh saan sila uupo? kalong ng parents,, if wala high chair or kiddie table si caterer, so malamang masasakop nila isang upuan.
5. I have college friends na invite sa wedding namin, same circle of friends, pero ayaw ko invite yung iba dahil hindi naman ganoon kaclose and parang may gap noon pa pero naayos din naman, pero parang ayaw ko lang na mas gusto ko pa iconsider yung iba. okay lang kaya yun, anyways etong mga taong to eh close din dun sa iinvite ko, so malamang malalaman nila di sila invited.
Ang laki ng problema ko sa guestlist na ito, akala ko madali lang susko, hahaha. our venue's capacity is up to 200 lang, as of now 150 ang commitment namin kay caterer,ayoko na magballoon pa yun,, kakastress ito, and oo nga pala wala kami sit down talk with our parents kung sino gusto nila invite, huhu as of now 120 guest na kami, hindi pa complete ang entourage don at PS