watch now

Author Topic: How to deal with this...  (Read 2292 times)

budzwhiz

  • Guest
How to deal with this...
« on: March 01, 2014, 01:51:27 am »
Here I am posting about my family problem, and hoping na walang nakakakilala sakin. Haha. Anyway, marami sa sissies natin dito ang  may strict parents. Ang pinagkaiba nung sakin, different kind of "strict". Sila yung tipo ng parents na, hindi mo pwede pagkwentuhan ng kung [textspeak!] ano. Hindi mo pwedeng maging kaibigan. Hindi mo pwedeng pagsabihan ng pagkakamali mo o mga waley mo nung araw na yon kasi sermon ang aabutin mo. Siguro nga hindi naman talaga common yung klase ng magulang na open sa mga anak nila. Siguro sa tv lang nakikita yon. Ewan ko, di naman ganun yung akin.

Nung nasa probinsya pa ko, bago ako pumunta dito sa maynila, (ganon kasi ang kalakaran sa amin, kapag gusto mo mag aral sa magandang unibersidad o kolehiyo, sa maynila ka magaaral) hindi naman ako tahimik, madalas akong maingay, marami rin akong mga kaibigan, yun nga lang hindi ako pala-labas. Basta dumating ang sundo, kelangan mahahanap ka non sa kampus ng eskwelahan. Noong elementarya ako nyan. Sya nga pala, okay naman ang naging pagkabata ko. Hindi naman ako naging emo, pero meron din akong mga kinukubling bagay-bagay. Kapag binubugbog ng papa ko yung kuya ko, nanginginig ako sa takot, umiiyak ng patago. Kahit madalas ko syang nakikitang pinapagalitan non, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang may galit sya kay papa. Nung nag highschool na ko, dun ako mejo natutong magsinungaling. Minsan pag lunch break, lalabas kami ng mga kaibigan ko at babalik din bago ang 1. Minsan rin tuwing may program sa school at nagiging half-day kami, tatambay kami sa bahay ng kaibigan ko (ilang tumbling lang mula sa school) o kaya kakain sa labas. Sa mga pambihirang pagkakataon na nauunahan ako ng sundo, o kaya ang parents ko ang nanundo at nauna silang nakarating sakin, nanginginig na ang tuhod ko at nangangatal sa takot. Di rin ako umaattend sa mga late practices, mapa sa school man o sa bahay ng kaklase. Ang weekend practices o gimik din ay bawal, o sobrang bihira lang dapat. Hindi rin ako nagkaboyfriend non. Nagkaron ako ng mga MU at marami rin ang sumubok manligaw, pero ayoko pa talagang magboyfriend non. Siguro sa isip isip ko rin ay nananaig ang takot. Sya nga pala, di lang strict ang tatay ko so oras o pagbabarkada, kundi pati na rin sa grades. Constant naman ako sa top 10, yun nga lang kapag bumaba ang average ko o isa sa mga subjects ko, papagalitan talaga ako.

Okay, fast forward na sa college. Typical na probinsyana nagaral sa manila. Wala namang nagbago nung unang taon. Nene pa rin ako na di marunong mag ayos at di mahilig lumabas (at mas pinipili na lang na hindi). Nung 2nd year, natuto na ko magayos kahit papano. And, like, umarte ng slight. Tapos narealize ko na hindi ako magiging masaya sa kurso ko. Hanggang sa unti unti ko nang binabagsak mga subjects ko. Naging pabaya na ko. Tinanong ko sila kung pwede ako magshift, hindi sila pumayag. (kasi para sa kanila yung gusto kong course, wala raw akong mararating.) Mahabang panahon ang nagdaan, ayan nagstop na ko. Marami na ring nangyari, kasama na ron ang paglalayas ko. At dahil don, pumayag na sila sa gusto kong kuhanin. Surprise, it's a 1-year vocational course.

Okay fast forward na ulit. Graduate na ko. Wala pa kong trabaho. Nandito pa ko sa manila. At sya nga pala, nakakatulog na rin ako sa ibang bahay (nang hindi nila alam). Magaling na rin akong magsinungaling. Hanggang sa isang gabi, late akong nakauwi nung nandon sila sa bahay. Late ng 1 hour sa curfew ko. Ang curfew ko ay 10, noong nagaaral ako, 7. Ayun, kinaumagahan, nabugbog ako ng tatay ko. Ay, teka, first time pala nung may sinabi ako na hindi nya nagustuhan tapos kinaladkad ako mula sa gate hanggang sa may pinto ng bahay. Then nasaktan. (Although hindi kasing lala nung mga ginagawa nya noon sa kuya ko.) After the 2nd pampupugbog incident, nagsorry naman yung tatay ko. Pagkatapos non may times pa rin na sa iba ako nakikitulog. Hanggang sa nalaman nya at ngayong nandito sila sa manila, nagusap nanaman kami. As usual, tinakot ako. Btw, sa first part ng paguusap nilabas nya yung picture ng boyfriend ko. At kung [textspeak!] anong sinabi nya para takutin ako. Sa mga narinig ko talagang natakot ako at naramdaman ko ngang hindi hindi ko na sila kayang irespeto.. ang tumatakbo lang sa isip ko "ang sama mo". Yun lang. Alam ko namang pasaway talaga ako. At hindi ko dapat isisi sa magulang yon. Pero sa ibang parte ng pagpapalaki sakin, alam kong doon may pagkukulang sila. Kaya rin kami nagiging ganito. Ang kuya ko talagang naging rebelde din yon. Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit galit na galit sya kay papa.. pero narealize ko na kung bakit. Yung picture e galing sa nbi. Matagal ko nang alam na may nagtitiktik na nbi sakin. Alam nila lahat sa boyfriend ko. At sabi pa nga ng tatay ko, kahit sang parte daw ng pilipinas syang (boyfriend) magtago, mahahanap at mahahanap sya. "Kilala mo ako." That's what he said. Takot na takot ako para sa boyfriend ko sa family nya, di rin naman kami pwede umalis dahil pareho kaming di pa handa, at dahil alam ko ngang mahahanap nya kami at mas magiging delikado pa. Pagkatapos nun ay marami pang pinuntahan ang paguusap namin. Tulad ng pano sya ipagdiinan na wala akong mararating. Na ang isang katulad ko (walang degree) e walang mararating sa buhay. Inopen ko rin sa kanya yung pagiging klase ng magulang nila, na hindi mapagsabihan ng kung [textspeak!] ano. Na hindi man lang tinatanong ang anak kung kamusta ang naging araw nila. Pero ang sa kanya lang, tama na sinusuportahan nya kami ng pinansyal at naibibigay ang mga luho namin. I don't know how to deal with this anymore. I've lost all respect. Kung ako matigas, sila sobrang sarado ang isip. Hindi lang ako ang nakakapansin nito, kundi pati ibang tao e. Kung ano lang ang gusto nila, yun lang ang masusunod. Hay. Sorry guys I just wanted to feel better. I couldn't help but cry kanina. Sobrang takot na takot na ko sa kanila. I know what they are capable of.

Kanina lang nangyari lahat ng sagutan, and sasabihin dapat nila na sasama na ko umuwi, kaso magsstart na ko ng training ko for work. I just wish maging okay yung work ko. Para kahit papano, I know it would be extremely difficult, and my income wouldn't be enough for my luho, pero I want to stand on my own. I can't deal with them much longer. Also, kanina I was supposed to attend my final interview sa work and contract sign na, pero ayaw nila yung nature nung work kaya di na ko tumuloy. Tho I wanted to para sana may panggastos ako at may ginagawa. Kaya now I'm hoping maging maayos etong training ko. I want to stand on my own. I want to stand up for myself. :'( Natatakot lang talaga ako sa pwede nilang gawin once ganito ang gawin ko. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko, pero sa boyfriend ko. Na umpisa palang alam na nyang ganito ang pwedeng mangyari, pero pinili nya pa rin ako.
Now, against all odds, I'm just hoping everything turns out well. :'(
« Last Edit: March 01, 2014, 02:00:28 am by budzwhiz »

sugardrop

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #1 on: March 01, 2014, 02:18:42 am »
Sis, I don't know what to say other than stay strong, be brave, never lose hope and respect for yourself, and keep the faith. If you show them that you can stand on your own and that you can definitely be trusted with your own life, maybe, just maybe, they will slowly back off. Hopefully. Good luck. :)

Ayaw ko mag-react on what your parents are doing that might further aggravate what you're feeling because it won't help.

budzwhiz

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #2 on: March 01, 2014, 07:18:11 pm »
Thank you, sis sugardrop. :'( I'll work hard to prove them wrong, and to let them realize I am responsible enough. But most of all, I will work hard for ME. To be able to stand up for myself and not let anyone look down on me, or my principles. :-\

sugardrop

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #3 on: March 01, 2014, 08:25:29 pm »
^
That's the spirit! And show them that you need to establish your own identity and character on your own and that it's okay to make mistakes along the way. ;)

glamorosa_09

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #4 on: March 01, 2014, 08:47:35 pm »
Hi sis!

Kahit na ganun ang parents mo, eh you didn't loose a very important thing -- your self. Nakilala mo ang sarili mo, alam mo na kung ano ang gusto mo, at pinagpatuloy mo yung gusto mo sa buhay sa kabila ng malaking takot mo sa father mo.

For me, you don't need to prove anything, you just continue living the life that you want, and not let others control it for you. You only live once, live it as best as you can.

Most people with that kind of controlling parents, eh gustong gusto nang tumakas, some do that by marrying early. I'm not saying that you marry agad, and there is still that dilemma -- your father is still there instilling fear in you about your boyfriend.

budzwhiz

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #5 on: March 02, 2014, 03:15:04 pm »
Sis sugardrop.  :)

^ Thank you sis. Totoo, gustong gusto ko na talaga umalis. But I am aware of the fact na hindi ko pa talaga kaya sa ngayon. Eto ngayon ang gagawin kong inspirasyon para magtrabaho ng mas mabuti so that when I am ready, kaya ko nang tumayo sa sarili ko and live my life the way I want to.

Priceless

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #6 on: March 03, 2014, 10:45:49 am »
Of course mali naman ang physical, mental or any form of abuse, lalo pa galing sa mga magulang mo. Pero ikaw na rin ang nagsabi na kilala mo sila at alam mo ang kaya nilang gawin, and yet nakuha mo pa ring tumakas at maging pasaway?

You know what, there is no definitive guide book on good parenting. They probably want what's best for you and in their minds, are doing their best to get you there. Lalo pa sa mga older generation (and typically those from the provinces), ang definition nila ng success is to graduate with a proper degree, from a top university. Syempre achievement din nila yun kung may marating ka sa buhay, and they will take it as a personal failure kung di ka maka attain nung ideal image nila of success - even if you find success in your chosen field.

It will be hard to talk to them now especially that they have found out that you have been sneaking, cheating, lying, disobeying, etc etc etc. them. For them to respect you, they must learn to trust you, and to trust you, you must be trust worthy. You set yourself back, unfortunately. And because you need them and still are dependent on them, you need to start earning the respect and trust back again.

Put yourself in their shoes, diba mas madaling pakinggan ang mga sinasabi ng isang taong alam mong hindi nagsisinungaling sa yo? Let the matter cool down a bit, and then work hard in mending your relationship with them. Then talk.



ysa.belle

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #7 on: March 03, 2014, 10:58:33 am »
Most people with that kind of controlling parents, eh gustong gusto nang tumakas....

Tama sis... Totoo ito...  :'(

You know what, there is no definitive guide book on good parenting. They probably want what's best for you and in their minds, are doing their best to get you there.

Totoo rin ito...

To TS:

Mahirap ang ganyang parents. Naranasan ko na yung alam nila lahat ng ginagawa ko pero hindi  naman ako nabubugbog. Its hard di ba? Madami narin akong nagawang mali pero wala na sila magagawa kase nagawa na yung mali eh, andiyan na iyan sabi ng iba. Pero andito parin sila for me...  maybe kase wala na akong matatakbuhan at wala silang choice kase baka mamatay ako sa gutom pag pinalayas nila ako. Pero ikaw, if kaya mo, ipon ka na muna. Tapos pag kaya mo na. dun ka umalis.

clairedelune08

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #8 on: March 20, 2014, 09:01:25 pm »
I think we sort of have the same situation sis. Except sa part na binubugbog. Maybe if sobrang napuno na yung tatay ko diyan niya ako nasasampal.

My parents are as controlling as your parents. Yung difference lang is para sakin, nagawa ko na lahat ng gusto nila. Nakapagtapos ako ng kursong gusto nila at ayaw na ayaw ko noon. Nakapasa ako sa board exam and all at temporarily, may home-based job ako na malaki kinikita. Ako nagbabayad ng almost lahat ng bills sa bahay.

Pero ang hindi ko lang maintindihan is yung hinihigpitan pa rin ako. I think they're always trying to keep record of how many times I went out of the house, sinong kasama ko, pag dating ng 8PM na wala pa ako sa bahay, magtetext na kung asan ako dahil gabi na daw.

The point is I know we both want to have freedom. Siguro masayadong close-minded yung parents natin. They don't understand our own happiness. Kung ano yung gusto nila yun na yun. Naiisip ko ding maglayas and all pero alam kong di ko rin naman kakayanin in the end and ayokong magiging negative na yung relationship ko sa parents ko.

Like you, I always get scared. Kahit gusto ko pa, mas sinusunod ko sila dahil takot ako. Kaya eto ang gagawin natin sis.

Tama ang ibang sisses natin dito. Let's learn to stand up for ourselves. Let's show them na kaya nating mag-isa. But of course, pagsabayin na lang natin yung pagsunod din sa kanila pa minsan-minsan. Wala naman sigurong mali kong magsisikap tayo diba. Hindi naman natin kailangang humingi ng tulong nila para maghanap ng trabaho. I believe na kung naghihirap tayo ngayon, in the end, satin naman ang huling halakhak.

And remember na, kahit anong mangyari, mga magulang mo pa rin sila. Kahit ano pa sila, kahit palagi nila tayong sinasaktan, alam kong mahal na mahal pa rin nila tayo. Pero at this point, kailangan na nating bumangon and do something for ourselves first. :)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #9 on: March 20, 2014, 09:04:25 pm »
Ang haba naman niyan sis TS! :D Mommy Divine vibes talaga!


Anyways, you can do it! Overcome those problems and prove them wrong. They might open their minds willingly... just do your best!

Remember: Very strict parents create sneaky children!

budzwhiz

  • Guest
Re: How to deal with this...
« Reply #10 on: March 22, 2014, 12:24:53 am »
Thanks for all the encouragement sissies, really really appreciate it. :) Anyway! Heto na, I started working na.. Hopefully makapagipon. Para maging independent na mas mabilis. :)

^ ay nako, sobrang totoo yan sis. Kaya alam na, pag ako naging magulang hindi ko sila sobra sobrang paghihigpitan. ;D

Hindi naman sa jinujustify ko ang pagiging rebelde/palatakas/etc ko, pero naisip ko lang din kasi na kung yung problema e nasakin lang, it would have been just me.. Pero yung kuya ko ganon din dati e. Palagi ako nagtataka noon why he always hated my dad, altho I don't hate him naman, and bakit ganon sya.. pero nung napunta na ko sa sitwasyon nya, gets ko na. Hay! Good luck sakin. Salamat sa support. Alam kong kaya ko to. :D :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close