Here I am posting about my family problem, and hoping na walang nakakakilala sakin. Haha. Anyway, marami sa sissies natin dito ang may strict parents. Ang pinagkaiba nung sakin, different kind of "strict". Sila yung tipo ng parents na, hindi mo pwede pagkwentuhan ng kung
[textspeak!] ano. Hindi mo pwedeng maging kaibigan. Hindi mo pwedeng pagsabihan ng pagkakamali mo o mga waley mo nung araw na yon kasi sermon ang aabutin mo. Siguro nga hindi naman talaga common yung klase ng magulang na open sa mga anak nila. Siguro sa tv lang nakikita yon. Ewan ko, di naman ganun yung akin.
Nung nasa probinsya pa ko, bago ako pumunta dito sa maynila, (ganon kasi ang kalakaran sa amin, kapag gusto mo mag aral sa magandang unibersidad o kolehiyo, sa maynila ka magaaral) hindi naman ako tahimik, madalas akong maingay, marami rin akong mga kaibigan, yun nga lang hindi ako pala-labas. Basta dumating ang sundo, kelangan mahahanap ka non sa kampus ng eskwelahan. Noong elementarya ako nyan. Sya nga pala, okay naman ang naging pagkabata ko. Hindi naman ako naging emo, pero meron din akong mga kinukubling bagay-bagay. Kapag binubugbog ng papa ko yung kuya ko, nanginginig ako sa takot, umiiyak ng patago. Kahit madalas ko syang nakikitang pinapagalitan non, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang may galit sya kay papa. Nung nag highschool na ko, dun ako mejo natutong magsinungaling. Minsan pag lunch break, lalabas kami ng mga kaibigan ko at babalik din bago ang 1. Minsan rin tuwing may program sa school at nagiging half-day kami, tatambay kami sa bahay ng kaibigan ko (ilang tumbling lang mula sa school) o kaya kakain sa labas. Sa mga pambihirang pagkakataon na nauunahan ako ng sundo, o kaya ang parents ko ang nanundo at nauna silang nakarating sakin, nanginginig na ang tuhod ko at nangangatal sa takot. Di rin ako umaattend sa mga late practices, mapa sa school man o sa bahay ng kaklase. Ang weekend practices o gimik din ay bawal, o sobrang bihira lang dapat. Hindi rin ako nagkaboyfriend non. Nagkaron ako ng mga MU at marami rin ang sumubok manligaw, pero ayoko pa talagang magboyfriend non. Siguro sa isip isip ko rin ay nananaig ang takot. Sya nga pala, di lang strict ang tatay ko so oras o pagbabarkada, kundi pati na rin sa grades. Constant naman ako sa top 10, yun nga lang kapag bumaba ang average ko o isa sa mga subjects ko, papagalitan talaga ako.
Okay, fast forward na sa college. Typical na probinsyana nagaral sa manila. Wala namang nagbago nung unang taon. Nene pa rin ako na di marunong mag ayos at di mahilig lumabas (at mas pinipili na lang na hindi). Nung 2nd year, natuto na ko magayos kahit papano. And, like, umarte ng slight. Tapos narealize ko na hindi ako magiging masaya sa kurso ko. Hanggang sa unti unti ko nang binabagsak mga subjects ko. Naging pabaya na ko. Tinanong ko sila kung pwede ako magshift, hindi sila pumayag. (kasi para sa kanila yung gusto kong course, wala raw akong mararating.) Mahabang panahon ang nagdaan, ayan nagstop na ko. Marami na ring nangyari, kasama na ron ang paglalayas ko. At dahil don, pumayag na sila sa gusto kong kuhanin. Surprise, it's a 1-year vocational course.
Okay fast forward na ulit. Graduate na ko. Wala pa kong trabaho. Nandito pa ko sa manila. At sya nga pala, nakakatulog na rin ako sa ibang bahay (nang hindi nila alam). Magaling na rin akong magsinungaling. Hanggang sa isang gabi, late akong nakauwi nung nandon sila sa bahay. Late ng 1 hour sa curfew ko. Ang curfew ko ay 10, noong nagaaral ako, 7. Ayun, kinaumagahan, nabugbog ako ng tatay ko. Ay, teka, first time pala nung may sinabi ako na hindi nya nagustuhan tapos kinaladkad ako mula sa gate hanggang sa may pinto ng bahay. Then nasaktan. (Although hindi kasing lala nung mga ginagawa nya noon sa kuya ko.) After the 2nd pampupugbog incident, nagsorry naman yung tatay ko. Pagkatapos non may times pa rin na sa iba ako nakikitulog. Hanggang sa nalaman nya at ngayong nandito sila sa manila, nagusap nanaman kami. As usual, tinakot ako. Btw, sa first part ng paguusap nilabas nya yung picture ng boyfriend ko. At kung
[textspeak!] anong sinabi nya para takutin ako. Sa mga narinig ko talagang natakot ako at naramdaman ko ngang hindi hindi ko na sila kayang irespeto.. ang tumatakbo lang sa isip ko "ang sama mo". Yun lang. Alam ko namang pasaway talaga ako. At hindi ko dapat isisi sa magulang yon. Pero sa ibang parte ng pagpapalaki sakin, alam kong doon may pagkukulang sila. Kaya rin kami nagiging ganito. Ang kuya ko talagang naging rebelde din yon. Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit galit na galit sya kay papa.. pero narealize ko na kung bakit. Yung picture e galing sa nbi. Matagal ko nang alam na may nagtitiktik na nbi sakin. Alam nila lahat sa boyfriend ko. At sabi pa nga ng tatay ko, kahit sang parte daw ng pilipinas syang (boyfriend) magtago, mahahanap at mahahanap sya. "Kilala mo ako." That's what he said. Takot na takot ako para sa boyfriend ko sa family nya, di rin naman kami pwede umalis dahil pareho kaming di pa handa, at dahil alam ko ngang mahahanap nya kami at mas magiging delikado pa. Pagkatapos nun ay marami pang pinuntahan ang paguusap namin. Tulad ng pano sya ipagdiinan na wala akong mararating. Na ang isang katulad ko (walang degree) e walang mararating sa buhay. Inopen ko rin sa kanya yung pagiging klase ng magulang nila, na hindi mapagsabihan ng kung
[textspeak!] ano. Na hindi man lang tinatanong ang anak kung kamusta ang naging araw nila. Pero ang sa kanya lang, tama na sinusuportahan nya kami ng pinansyal at naibibigay ang mga luho namin. I don't know how to deal with this anymore. I've lost all respect. Kung ako matigas, sila sobrang sarado ang isip. Hindi lang ako ang nakakapansin nito, kundi pati ibang tao e. Kung ano lang ang gusto nila, yun lang ang masusunod. Hay. Sorry guys I just wanted to feel better. I couldn't help but cry kanina. Sobrang takot na takot na ko sa kanila. I know what they are capable of.
Kanina lang nangyari lahat ng sagutan, and sasabihin dapat nila na sasama na ko umuwi, kaso magsstart na ko ng training ko for work. I just wish maging okay yung work ko. Para kahit papano, I know it would be extremely difficult, and my income wouldn't be enough for my luho, pero I want to stand on my own. I can't deal with them much longer. Also, kanina I was supposed to attend my final interview sa work and contract sign na, pero ayaw nila yung nature nung work kaya di na ko tumuloy. Tho I wanted to para sana may panggastos ako at may ginagawa. Kaya now I'm hoping maging maayos etong training ko. I want to stand on my own. I want to stand up for myself.

Natatakot lang talaga ako sa pwede nilang gawin once ganito ang gawin ko. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko, pero sa boyfriend ko. Na umpisa palang alam na nyang ganito ang pwedeng mangyari, pero pinili nya pa rin ako.
Now, against all odds, I'm just hoping everything turns out well.
