Author Topic: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?  (Read 24816 times)

simplypretty029

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #60 on: May 15, 2014, 11:22:10 am »
ang hirap ng tanong hehe! pwede MATH nalang? haha at least may solution talaga ;)

rannastillero

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #61 on: May 15, 2014, 05:41:13 pm »
Babaero na mayaman na milyon din ang allowance ko per month.  ;)
Yan yung unang pumasok sa isip ko, but kung sa totoong buhay dun na lang ako sa walang trabaho na mahal na mahal kame ng mga anak nya. selfish kasi akong tao, ayoko sa lahat may kahati lalo na pagdating sa usapang Asawa hahahha...
Mas keri kong magtanim ng kamote at gulay sa bakuran para gawing meals kesa magpuyat at ma stress sa kakaisip kung nasaan ang asawa ko at kung sino bang kinakalantari nya ngayong mga oras na ito. nakaka Stress!!! hahaaha
 ::)

brave.soul

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #62 on: May 15, 2014, 06:26:53 pm »
faithful na walang trabaho!!!  :P

angelparvian

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #63 on: May 19, 2014, 05:08:27 am »
wala sa nabanggit. [textspeak!] ba yan wag natin pagtiyagaan ang mga ganyang lalake. hehe

meisaia

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #64 on: May 20, 2014, 11:56:02 am »
Walang trabaho na lang. Hindi naman parte ng pagkatao mo yung pagkawala ng trabaho eh. Pero yung pagiging babaero, naku mahirap alisin.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #65 on: May 21, 2014, 03:52:36 pm »
nice topic... napaisip ako bigla... hehe.. sis TS, mutually exclusive ba yung 2 options - i.e. babaero na may work, at walang trabaho na faithful? hindi pwede i-combine - babaero na walang trabaho?

if the 2 options are mutually exclusive, i would rather choose walang trabaho na faithful, as long as responsible sya and kaya nyang mag-maintain ng bahay, at makisama sa family ko, while i do the work... ang pera madali gawan ng paraan basta masipag at maabilidad.. ang loyalty at faithfulness, hindi yan basta2x nabibili sa tindahan.... just my opinion ah...

ola ngayon lang ako bumalik, yes sis, to make it more clear (and i'll edit my first post  :P), these are the two choices:

a. babaero na may trabaho (mayaman, capable, good provider)
b. walang trabaho na mahal na mahal ka (as in hirap siya makakuha ng trabaho, mga ganun)

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #66 on: May 21, 2014, 03:58:21 pm »
I always believe na puede tayong pumili ng mamahalin natin. Hindi sa kahit sino nalang.  Kasehodang babaero, mamahalin mo parin?  Kahit may asawa na?  Syempre hindi di ba?  Di mo hahayaan DAPAT mahulog ang loob mo, otherwise, ulo mo din ang sasakit.

for me, you cannot choose who to fall in love with (the person) but you can choose to fall or not.
parang ganun ang mga eksena sa buhay ko.

slickchick

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #67 on: May 21, 2014, 04:05:07 pm »
ola ngayon lang ako bumalik, yes sis, to make it more clear (and i'll edit my first post  :P), these are the two choices:

a. babaero na may trabaho (mayaman, capable, good provider)
b. walang trabaho na mahal na mahal ka (as in hirap siya makakuha ng trabaho, mga ganun)


haha! thanks for clarifying sis! i would still go for option (b) walang trabaho na mahal na mahal ako - as long as he can maintain the home and take care of the kids while i'm working. pasasaan ba, kapag may extra income at ipon kami, baka kaya naman nya mag-maintain kahit maliit na sari-sari store or mag-drive ng sarili namin FX. baka malas lang sya sa trabaho, pero maswerte sa negosyo. just my two cents worth ah...

BDJ

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #68 on: May 30, 2014, 09:53:15 am »
a. babaero na may trabaho (mayaman, capable, good provider)

Kung ganito ang kaso if I am a gold digger at yun lang concern ko then of course ito na lang basta dapat may makukuha ako sa kanya at makakapagdemand pa rin ako.  ;D

b. walang trabaho na mahal na mahal ka (as in hirap siya makakuha ng trabaho, and he's not a good provider mga ganun)[/b]

Seriously kung ganito ang kaso ito na lang kung hirap lang naman siya makakuha ng work. Huwag lang siyang basag ulo at may bisyo tapos wala pang trabaho.

princeza08

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #69 on: June 02, 2014, 02:07:48 pm »
yung walang trabaho na lang! hahahaha...

aanhin ko naman yun babaero kung maghihiwalay din naman kami!. and pag sinabi ba walang trabaho eh for life na agad? di ba pwedeng naghahanap pa lang ng magandang offer?

coffee_art01

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #70 on: June 09, 2014, 03:55:21 pm »
Ako sis, wala nalang. Magiging single nalang ako for life. Haha.

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #71 on: June 09, 2014, 04:06:45 pm »
In real life, neither ang isasagot ko :)

Pero dahil 2 choices lang ang iniwan ni TS, yung babaero na lang na sobrang yaman! HAHAHA. Magtatayo ako ng businesses habang kasal kami, tapos mag-iinvest ako sa kung saan saan hanggang sa magkaroon na ko ng sariling empire.

Tapos hihiwalayan ko siya :) At least may makukuha pa ko sa kanya aside pa dun sa mga businesses na nakapangalan sa kin at minamanage ko ;D

Utak na ang labanan, for me ha. Kung tinanong mo ko ng question na ito nung bata bata pa ako at masyadong idealistic, pipiliin ko 'yung walang trabaho. Pero ngayong medyo tumanda na ako, pagiging practical ang uunahin ko. Kung walang trabaho yung asawa ko eh aba makakarinig siya talaga sa 'kin ;D Love can't feed our hungry stomachs!

Pero syempre madaling sabihin at mahirap nang gawin 'pag andun ka na sa sitwasyon na 'yun  :P

ajde88

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #72 on: June 11, 2014, 09:13:09 pm »
Ako.. i'd go for the guy na walang trabaho pero mahal kang tunay and alam mong secured ka kasi ikaw lang mamahalin nya habambuhay. Ang drama haha! nakakaumay na rin kasi yung mga babaero. Ako nalang bubuhay sa family namin as long as magkakasama kaming mag-anak yun yung importante. Martyr lang ang peg. Haha! ;) :)

sandyraelopez

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #73 on: June 12, 2014, 12:30:25 am »
Siguro dun nalang ako sa walang trabaho. :)) pero sana kaya ganun ay dahil hindi naman siya tamad. Sana nakatengga lang for some reason. Ive been with a successful guy na ubod ng babaero, ang sakit ang sa ulo at sa puso. Hahaha!

happie

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #74 on: June 13, 2014, 02:50:36 am »
I don't like to share nor settle but if bf loses his job, he can always work with me as i have businesses :) No babaero for me please

margauxkhloe

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #75 on: June 20, 2014, 12:43:59 pm »
Pwedeng wala na lang. Hirap naman  mamili. Isang batugan at isang babaero. Pero mas mukang may chance pa yung atugan na magtrabaho. Kesa naman yung babaero. HAHAHA!   :P

annkarenc

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #76 on: June 24, 2014, 11:30:57 am »
b. walang trabaho na mahal na mahal ako

i respect my self and i have a principle to follow. if i choose the babaero maybe i will die from heart attack, i look older than my age, i will earn lots of wrinkles and i'll die full of bad memories. yes bunch of money is there, but soon you'll realize that it only gives you a temporary happiness. you will die soon and you can't bring money to your death but real love and happiness does.

i even had a hard time looking for job, as in struggle talaga for me since nurses here is pahirapan din makahanap ng work. for now, tiis2x muna but soon makahanap dn naman ng trabaho. ang importante sakin masaya ako and I CAN SLEEP WITH NO WORRIES, kampante ako na wala siya sa tabi ko kasi alam ko na hindi siya mambabae  8)

Miss.Pancake

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #77 on: July 24, 2014, 11:46:50 am »
Dun nalang ako sa walang trabaho kasi madali lang makahanap ng work. Pero ang isang babaero mahirap nang magbago.

Angelite

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #78 on: October 08, 2014, 08:37:06 pm »
Dun na lang ako sa walang trabaho. Mag business na lang cya kahit maliit lang. Kesa naman sa mamuroblema ako ng may pera nga eh hindi ko naman alam kung kanikanino ginagastos.

purplegravity

  • Guest
Re: Anong pipiliin mo? Babaero o Walang trabaho?
« Reply #79 on: October 08, 2014, 09:10:01 pm »
If i have a choice - wala ko pipiliin. Ayokong pumulot ng bato na ipupukpok sa ulo ko.

But if i dont have a choice, dun na lang sa walang trabaho. Maging houseband na lang sya hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close