Author Topic: I need advice - to reconcile or not to reconcile?  (Read 5755 times)

reb_woods072683

  • Guest
I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« on: February 18, 2014, 03:08:17 pm »
My husband is 5 years younger than me. And ang issue ko talaga sa kanya is pala barkada at madalas uminom. I had been very patient with this issue pero hindi ko na talaga matiis. Madalas and I mean like 3 to 4 times in a week siyang umuuwi ng umaga na galing sa inuman. Last Saturday he went home around 10am to think na ang out niya is 12mn. We had this argument in the past at panay sorry lang ang naririnig ko pero mag lie low lang siya ng ilang araw tapos uulit na naman. Nakakasawa. Then nung Saturday, paguwi niya kinausap ko siya, tinanong ko siya kung hindi ba siya naaawa sakin na nagigising ako ng madaling araw para hintayin siya, or hindi man lang niya ako magawang itext para magsabi kung nasan siya. I feel disrespected big time. Then that Saturday din, umalis siya with some of his clothes. Hinayaan ko lang siya. Tapos kahapon umuwi siya dito kumuha lang din ng mga damit.

Now, syempre mahal ko pa rin siya, pero hindi ko matanggap na hiwalay na kame. Syempre hopeful pa rin ako na magiging ok kame. Gusto ko na siyang pauwiin pero gusto ko rin na maisip at marealize ang mga ginawa niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naaawa ako sa anak ko na kahapon umiyak dahil umalis ang daddy niya. Ano ba dapat kong gawin? I need all the advice I can get mga sis. Pag naiisip ko na papauwiin ko na siya dito, naiisip ko rin at natatakot ako na baka gawin niya ulit ang mga ginagawa niya, yung tipong walang pagsisisi.

Princess_Chill

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #1 on: February 18, 2014, 04:11:15 pm »
naku sis mahirap yan...

ive been in the almost same situation as you...iyong pag inom inom ng asawa na minsan kinabukasan na umuuwi. Been veru patient din with him...hanggang umaabot na ako sa punto na ayaw ko na talaga. tapos puro nga lang sorry then lie low then ayan nanaman...tapos walang halong pagsisisi after...


I have some questions lang muna

1) saan at ano ang work ni hubby?
2) you mentioned that he's 5 years younger than you so mga ilang taon na siya ngayon?
3) super close ba sila ng anak mo I mean sobrang love ba niya si baby?
4) what made him leave? pinalayas mo or what?


I know how are you feeling now...after mo ma answer mga questions na yan saka na ako magsabi ng ibang bagay. :)

reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #2 on: February 18, 2014, 04:17:59 pm »
Sis, he's 25 years old now. He works in a small hotel. Paiba iba ang schedule nila, but last week he worked from 4pm to 12mn. Hindi naman sila super close ng anak ko kasi parang nasanay na din siya na madalas wala ang daddy niya pero kahapon umiyak nga siya dahil umalis daw ang daddy niya.

Nag away kame ng Saturday, sabi ko kung ganyan lang din naman siya, tigilan na lang namen, meaning maghiwalay na kame kasi ayoko na mastress. I never said umalis na siya sa bahay na diretso but I guess yun na din ibig sabihin nun since we live in my parent's house.

Princess_Chill

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #3 on: February 18, 2014, 04:47:59 pm »
sis I asked those questions para maka come up ako ng magandang advice sa iyo...

sis as ive mentioned earlier na almost same situation as you.

my partner loves to drink a LOT as in..he'll even lie to me na may client siya para lang makainom....until one situation happened that made him change na...as in...

1st Shifting schedule niya so hindi fixed he can easily find time para sa pag inom niya...parang pwede niya sabihin na 8-5 siya ngayon then nag OT nalang etc.


hotel siya work so madaming temptation diyan sis...magagandang babae, mga barkada plus he's young pa 25 iba pa utak nyan...

btw ilang taon na ba kayo mag asawa?

I asked if close ba sila ng anak mo kasi you can tell him na sana hindi na siya masyado mag iinom para sa anak ninyo...but since hindi nga sila ganoon ka close it can't be a big factor for him to change....

hai ako nga super love na niya anak ko at sinabi ko na sa kanya iyan nabawasan lang pero hindi talaga nawala yang bisyo nya...thank God talaga at di na siya ganoon ngayon sana lang ay mag tuloy tuloy na...

ako nga pinalayas ko talaga partner ko noon...as in "lumayas ka ditto!" pero well ang ending bumalik din siya saamin...after 1 week...

palamigin mo muna sitwasyon sis...while nagpapalamig ka mag isip ka narin ng mabuti....

hanggang kalian mo kaya mag tiis ng ganyan
isipin mo din bakit siya nag kakaganyan...sadya bang pala inum na siya or lately lang...baka may problema siyang iniisip at di ninyo napag uusapan...ang lalaki naman kasi they won't tell you outright na may problema ako e...you need to decifer them...dadaanin nila yan sa inom sa sugal etc.

pag nakapag isip ka na..saka mo siya kausapin....tignan mo lang how things will go pag wala parin pag babago isipin mo na kung kaya mo habang buhay na ganyan....

naku sis wag lang sana may mangyari na hindi maganda bago siya tumigil sa pag iinom niya nh...

btw umiinom ka din ba? kasi if you are pwede mo siya samahan kung baga "Bonding" ninyo...



reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #4 on: February 18, 2014, 04:56:45 pm »
No sis. I don't drink anymore after I gave birth to my daughter. We've been married for 2 years but we've been together for 5 years na. What happened to your husband?

Ganyan lang naman siya kasi hindi siya makatanggi sa mga kaibigan pag nagyayaya uminom. Masaya nga siya ngayon sa work niya kaya sure ako wala siyang major problem kasi mapapansin ko naman kung may problema siya. Nagiging hobby na niya ang pag inom kaya worried na din ako kasi bata pa siya, baka magkasakit siya. Ayoko naman hintayin na magkasakit pa siya bago niya marealize yun.

I am torn nga kung makikipag balikan ako o hindi dahil sa anak namen at syempre mahal ko sya. Ang iniisip ko kasi baka maulit ulit at ayoko na maramdaman yung mga ganun. Nalilito ako sis. Pinipigilan ko ang sarili ko na kausapin siya, hoping na marealize niya ang mali niya pero natatakot din ako na baka hindi na siya bumalik. Alam mo yun? Hay, hindi ko alam.

Princess_Chill

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #5 on: February 18, 2014, 05:10:36 pm »
sis hindi naman siguro ganoon kababaw asawa mo na para lang sa inom e iiwan niya kayo ng family niya noh!

sis near death experience nangyari sa husband ko kaya hindi na siya ganyan ngayon...same situation di ma hindian ang aya ng so called "friends" naku...
minsan nasa self control din kasi noong tao iyon e diba??

regarding naman sa di pag balik hindi mo ba alam kung saan siya nakikituloy ngayon? well I think naman pag totally mag hiwalay kayo e mag fifinalize na muna kayo ng mga bagay...

saka pag di na babalik iyon edi dapat lahat bitbit na niya diba?....

best dyan pag parehas na kyo malamig ulo at "sober" na siya...hirap talaga pag kalaban ng babae is bisyo

either Alak , Babae or Sugal...

most of all sis...Pray...diyan ako kumukuha ng lakas noong mga panahon na nasa ganyang sitwasyon ako...pramis

reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #6 on: February 18, 2014, 05:25:38 pm »
As far as I know sis, dun sya sa work natuloy kasi pwede stay in doon tsaka nakikita ko sya sa FB naka online so for sure nandun siya. Ayoko na umabot sa near death experience sis. That's true, I've been praying so hard na tigilan na niya ang bisyo na yan. Nakakaiyak isipin na pinagdadaanan ko to sis. Torn ako kung ano ba dapat kong maramdaman. Kasi parang ako pa masama sa nangyari, siya pa ang galit. Alam mo yun?

katrinac

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #7 on: February 19, 2014, 02:12:34 am »
Hello sis, yung hubby mo ba is ganyan na when you were still dating? Also, try to find out kung sino madalas lagi nyang kasama. Kung friends ba nya talaga (as in true friends), they will not want to see him get into trouble by drinking. Personally, kung ako ang tatanungin, syempre reconcile. Pro marriage ako. Need din ng "me" time ang mga asawa natin, but then, if sobra sobra nga naman, and if napapadalas na yung tipong nag bubuhay binata sya, aba ibang usapan na yan.

Have you tried heart to heart talk with him kung bakit madalas syang umiinom? Baka may problem sya na di mo alam or di nya nababanggit sayo. Minsan kasi ang mga lalaki, pag gusto makalimot, iinom nalang. How do you cope up with him kada umiinom sya? Do you nag him ba? Or how are you kapag hindi naman sya umiinom? Try you very best to talk in a very calm manner. Try not to explode. Try not to start with a conversation about how you feel. Ang goal mo is to find out what exactly is stressing him. Baka may kinikimkim pala talaga sya, na di mo nalalama. If okay ang magiging usapan nyo, well and good. Dun mo ipasok na natatakot ka na baka may manyari sa kanyang masama kada inom sya. Na afraid ka din sa safety nya and yung sa health nya.


reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #8 on: February 19, 2014, 01:30:22 pm »
Sis kat, he drinks with his workmates. I don't know if he considers them true friends. Sa pagkakaalam ko nga, wala naman. Nayayaya lang talaga at nagiging hobby na. Last year pa namin issue to, at nag uusap naman kame, yun nga, maglie low ng ilang linggo, tapos balik na naman sa ganun.

Pala inom na talaga siya nung dating palang kame pero nag usap naman kame na wag naman tipong araw araw eh lasing kasi nakakainis. Sis, ganito ang gawain niya dito sa bahay. Paguwi galing trabaho nakainom man o hindi, matutulog yan, pag gising kakain, tapos papasok na. Pag off naman niya, pag gising, magbabasketball, tapos pag gabi na mag iinom ng mga barkada. Madalas kame lang ni Amber naalis kasi ayaw niya sumama. Mas gusto niya kasama mga kaibigan niya kesa sa amin.

Nung mga nakaraang araw at linggo nung lagi na naman siyang nainom pinabayaan ko lang kaso parang inaabuso ako. 10 am na umuwi, ni ha ni ho wala man lang. Nakakabastos sakin bilang asawa niya. Para sa akin buhay binata siya.

Princess_Chill

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #9 on: February 19, 2014, 04:38:04 pm »
hai sis malakas talaga ang peer pressure kung baga...kahit na sabihin mo na 25 na yan e lalaki yan isip bata parin..

mahirap kasi sa totoo lang pag mga workmates mo e mga single then siya lang may asawa feeling niya deprived siya pag hindi siya nakaka sama. machismo keme ng mga lalaki iyan..

ang babae kasi pag nag wowork kating kati umuwe kasi like makasama ang anak at asawa sa lalaki hindi ganoon.

annika

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #10 on: February 19, 2014, 05:48:52 pm »
Si Boyfriend ganyan din una sasabihin natutulog lang and then magtetext nasa ganitong place na siya umiinom "nayaya" paulit ulit dumating pa sa point na yung nakasalubong niya na matandang babae eh pinagpangap niya na nanay niya kase ayaw ko maniwala na nasa bahay siya.

Hangang sa nainis na talaga ako ng sobra as in pero siya sige sige pag nayaya sige go "pakikisama" daw.. hinayaan ko siya kase alam ko susuko din ako the next day hangang sa ayun last na inom niya ayun naaksidente siya at inoperahan siya kaya pati yung application niya sa work nawala lahat as in sa bahay lang siya ed ayun natauhan siya! 

Ganyan yata mga lalaki hangat walang nangyayari sa kanila hindi pa din titigil.

Pero Sis Question lang, baka kaya ayaw ni husband mo umuwi sa inyo ng maaga and maginom inom ang gusto kase hindi niya gusto ang mga kasama sa bahay niyo? I mean diba living with your parents kayo? kaya mas gusto niya paguuwi siya matutulog nalang siya and then papasok.


reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #11 on: February 19, 2014, 09:10:50 pm »
Sis, ang kasama ko lang dito sa bahay eh yung single kong kapatid. Wala na akong mother at father ko eh may sariling bahay. Parang ancestral house ang tawag namen dito. Though parang compound to na may mga apartment sa 2 kong kapatid na may asawa na rin.

Hindi ko talaga maintindihan kahit na pinipilit kong intindihin. Grabeng na broken heart pa ako sa sinabi ng anak ko kanina nung pinapatulog ko siya. Sabi niya, "love ko si mommy, love ko si daddy. dapat wag kayo mag aaway." Imagine 3 years old palang siya nasasabi na niya yun. Lalo tuloy akong napapaisip kung kakausapin ko na ba siya for the sake ng anak namen o itext ko na dalawin niya ang anak namen dito sa bahay. Grabe hindi ko maimagine nasa situation ako na ganto.

katrinac

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #12 on: February 20, 2014, 02:48:19 am »
I'll include you in our prayers sis, na sana ma enlighten ang mind ng husband mo. Sana maisip nya, na may anak kayo, and mas maliwanagan sya na may asawa sya na di basta basta iiwan nalang dahil nga dun sa bisyo or di pagkakaintindihan.

Going back, mahirap nga yung ganyan na situation kapag bisyo na ang kalaban. Mahirap kapag ang feeling ng mga asawa natin eh buhay binata sila, which is hindi dapat lalo na at may anak kayo. Pasensya na, medyo nagiinit lang ang ulo ko kapag ganito ang situation. yung tipong parang mas impt pa ang alak/barkada kesa sa pamilya. Hindi ba sya masaya na kasama nya kayo, lalo na't may 3 year old baby kayo? Ganito din ba sya dati, (as in mabarkada na) before kayo ikasal? Mas naging worse ba sya ngayon kumpara dati? Kausapin mo sis, sabihin natin, ibaba mo na ang pride mo, ikaw na ulit ang magpakumbaba, para maayos nyo. Once and for all, let him decide kung ano ba talaga ang plano nya sa inyo, sa buhay nya. kung lagi nalang ba sya ganyan. aba hindi naman pwede forever mong titiisin na ganyan ang set up nyo. Eh maigi sana kung ni ho ni ha magtext sya sayo, pero OA naman ata na kasama na nya ang officemates nya sa work, then after work hours sila parin kasama nya? Di ba sya nagsasawa dun? Dapat may time din sya sa inyo ng anak mo. Also, napapabayaan na nya kayo, and since may trabaho sya, instead sana na ipang tabi nyo nalang pang gatas or pampers ng anak nyo, pinagiinom pa nya. di ba nya naiisip yun.

Tingin ko lang nagbubuhay binata pa nga sya, bata pa sya pati. kaya siguro tingin nya he's deprived, but you have to make him realize na pamilyado na sya. Just talk to him in a calmly manner. Lastly, pray for God's guidance. I know he'll lead you to the right path.
« Last Edit: February 20, 2014, 02:52:03 am by katrinac »

Girltalker2

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #13 on: February 20, 2014, 06:35:01 am »
Sorry TS on your predicament.  Like sis katrinac, nakakapang init ng ulo ang asawa mo.  Daig mo pa ang umako ng ilang bata para ampunin, at least kung mag alaga ka ng more kids, puede sumunod. Iyan eh display lang sa bahay pero walang silbi.

Nakakatulong naman ba sya sa inyo kahit sa finances man lang, kahit na emotionally, mentally at physically absent sya lagi? In other words, ano ang silbi nya sa buhay ninyong mag-ina.
Hindi ko rin maubos maisip paano ang isang taong may trabaho nakakapaglasing araw araw.  How is his work performance?  Hindi pa ba sya nasisita sa work?

Kung wala syang naidudulot na mabuti sa inyo, at nakapaka stressful ng buhay nyo mag-iina, baka mas mabuti nga hayaan mo muna sya magising.  Baka maka engkwentro sya ng gaya ni Cedric Lee sa daan at mabugbog din sya nang matauhan.

Hindi ka ba nagwoworry na tutularan sya ng anak mo (kung lalaki?)?  Or kung babae man ang anak mo, makikita nya na OK lang ang situation ninyong mag-asawa at kalakihan nya na OK lang magkaron ng asawa na lasenggo?  Hindi ka ba nahihiya sa ibang tao kung ipapakilala mo sa kanila na may asawa kang lasenggo? 

So uulitin ko ang tanong ko --- Ano bang benefit kung magsasama ulit kayo? May display kang asawa, may display din ang anak mo na matatawag nyang tatay. Pero halos gabi gabi pumuputok ang buchi mo sa paglalasing nya.

Ano ang benefit kapag naghiwalay kayo?

I came from a broken marriage.  Hindi ko sinasabi maghiwalay kayo kasi ikaw lang ang final decision maker.  Pero ito lang masasabi ko.  There is life after separation. A better one indeed if you make the right decision. Hanggang ngyon, hindi ko maubos isipin na nagpakatanga ako HOPING, WAITING he will change but he never did. I wasted 10 productive years of my life waiting. Pero tapos na iyon.  Been there. Done that.  I just moved on, matagal nga lang for me.  In your case, pag-isipan mo mabuti ulit the pros and cons of being together/separated.  Since sya umalis, why don't you try to live on your own muna with your child.  Wala naman siguro ikalulungkot pa ang buhay mo with him lasing all the time. Baka sakali maging masaya kayo nang wala sya or umuwi sya after matauhan.  Right now, hinahanap hanap mo sya, pero kung andyan naman sya, nakakainis din. So you are trapped now with a lonely situation (gusto mo sya umuwi kasi mahal mo pa sya) vs a miserable situation (umuuwi nga sya umaga nga lang or laging lasing).   Between the two, I would go for the first one kasi mas controllable ko ang situation - with prayers, activities, family and loved ones around you, before you know it, mawawala din ang pagmamahal mo sa kumag na iyon.  Sa later alternative naman na andyan sya, paulit ulit lang yun na parang nireplay mo lang ang pangyayari at wala kayong patutunguhan kundi sama ng loob mo at ang damage sa atay nya.

Oh by the way, do you know what drinking can lead to?
- advanced aging
- lower libido
- detrimental to health, obvious ba? (make sure you have insurance or a lot of savings para sa magiging sakit nya once he reaches 35 and up) can lead to cancer, diabetes, liver disease, stroke, high blood
- damages the brain (lalo nagiging bobo ang bobo)












« Last Edit: February 20, 2014, 06:47:31 am by Girltalker2 »

reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #14 on: February 20, 2014, 03:39:31 pm »
Hi mga sis. May update lang ako.

He went home today with some of his clothes. Nagkausap na kame ng "mahinahon" at maayos, at tulad nga ng sinabi mo Kat, binaba ko na ang pride ko. I texted him last night before going to bed, after long contemplation whether to text him or not. Nagtext na nga ako. Ang sabi ko lang sa kanya, mag usap kame ng maayos, pero hindi ko sinabi na umuwi na siya.

Umuwi pala siya sa kapatid niya kahapon dahil off niya. Kaninang around 11am, dumating dito sa bahay at nagsorry sa akin. So kinausap ko siya sa kwarto, kaming dalawa lang para hindi marinig ng anak ko. Nag sorry ako sa masasakit na sinabi ko nung Sabado at sinabi ko sa kanya na we need to compromise. Sinabi ko na hindi big deal ang pag inom sakin BASTA wag araw araw or every other day. Sinabi ko din sa kanya na magsabi siya kung mag iinom kasama ng mga kaibigan para hindi ako mag alala at bilang respeto sa akin na asawa niya. He agreed and promise. Sa totoo lang at the back of my mind, I know may times na magffail yan pero bibigyan ko pa din siya ng benefit of the doubt.

Sinabi ko din na sana alagaan naman nya ang sarili niya dahil wala akong ipampapagamot sa kanya pag nagkasakit siya sa kakainom -- at pagyoyosi.

Sis Girltalker2, sis salamat sa pagiging prangka. Tama lahat ng sinabi mo. At sa totoo lang, wala nga sya ginagawa dito sa bahay. Minsan lang magluto pag natripan lang. Yun lang. Ni mag alaga ng anak hindi magawa. Hindi ako nakakaalis ng bahay na hindi kasama ang anak ko. Sis, sa totoo lang struggle din ako sa finances kaya nga ako din na nandito sa bahay nagttrabaho din.

Pero dahil nga sa anak ko at bilang gusto ko lang na buo ang pamilya ko, tatanggapin ko pa rin siya at ittry na ayusin ang lahat dahan dahan. Alam kong hindi madali kasi hindi niya rin agad agad matatanggal yan, pero ipagdadasal ko na sana matauhan na siya bago pa mahuli ang lahat.


Princess_Chill

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #15 on: February 20, 2014, 04:49:25 pm »
sis

good to hear that kahit paano nagka ayus na kayo...one piece of advice you need to look for a job / income. para worse comes to worst e meron kang bala..hindi iyong financially naka asa ka sa kanya which would lead na pag titiisan mo lang lahat ng ginagawa niya kasi wala kang choice...

save behind his back! anyways there's nothing wrong saving....so get him an insurance..

people learn in 2 ways the easy way or the hard way...but most people choose the latter.

im hoping na di lie low lang ang gagawin ng asawa mo....

reb_woods072683

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #16 on: February 22, 2014, 01:26:31 pm »
thank you sis. I am a WAHM. :) So may income pa rin naman ako kahit paano. Minsan nga mas malaki pa kinikita ko sa kanya. Haha. Pero oo balak ko nga kumuha ng life insurance para sa aming 2 pag nakaluwag luwag na

eisen3

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #17 on: March 05, 2014, 03:38:42 pm »
I have been in the same boat mga sis. It lead to our separation then annulment. 3-4 times din sya nasa gimikan. He would go home at around 4:00 am. He is always with his barkada. We have two (2) kids and he was 40 na that time (now 45) so very awkward na sa tanda nya puro barkada pa din inaatupag nya. What broke the camel's back so to speak was when he told me na tanggapin ko na lang na bisyo at barkada ang buhay nya.

That was the most painful and that triggered me into deciding to separate from him. It has been 5 years and now he wants to meet me and have been asking my maids kung may bf na ako.

aquacharly

  • Guest
Re: I need advice - to reconcile or not to reconcile?
« Reply #18 on: March 13, 2014, 05:41:58 am »
^baka reformed na and into full blast remorse.

Well, everybody deserves a Second Chance, sabi.   But, can you forgive?  You will never forget, but if you can forgive --  the not-forgetting (remembering) will not make you bitter.  Can you not nag?  Second Chances are successful only if the aggrieved party does not nag.  You must be emotionally ready to start fresh.  Otherwise, don't waste your time.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close