Sorry TS on your predicament. Like sis katrinac, nakakapang init ng ulo ang asawa mo. Daig mo pa ang umako ng ilang bata para ampunin, at least kung mag alaga ka ng more kids, puede sumunod. Iyan eh display lang sa bahay pero walang silbi.
Nakakatulong naman ba sya sa inyo kahit sa finances man lang, kahit na emotionally, mentally at physically absent sya lagi? In other words, ano ang silbi nya sa buhay ninyong mag-ina.
Hindi ko rin maubos maisip paano ang isang taong may trabaho nakakapaglasing araw araw. How is his work performance? Hindi pa ba sya nasisita sa work?
Kung wala syang naidudulot na mabuti sa inyo, at nakapaka stressful ng buhay nyo mag-iina, baka mas mabuti nga hayaan mo muna sya magising. Baka maka engkwentro sya ng gaya ni Cedric Lee sa daan at mabugbog din sya nang matauhan.
Hindi ka ba nagwoworry na tutularan sya ng anak mo (kung lalaki?)? Or kung babae man ang anak mo, makikita nya na OK lang ang situation ninyong mag-asawa at kalakihan nya na OK lang magkaron ng asawa na lasenggo? Hindi ka ba nahihiya sa ibang tao kung ipapakilala mo sa kanila na may asawa kang lasenggo?
So uulitin ko ang tanong ko --- Ano bang benefit kung magsasama ulit kayo? May display kang asawa, may display din ang anak mo na matatawag nyang tatay. Pero halos gabi gabi pumuputok ang buchi mo sa paglalasing nya.
Ano ang benefit kapag naghiwalay kayo?
I came from a broken marriage. Hindi ko sinasabi maghiwalay kayo kasi ikaw lang ang final decision maker. Pero ito lang masasabi ko. There is life after separation. A better one indeed if you make the right decision. Hanggang ngyon, hindi ko maubos isipin na nagpakatanga ako HOPING, WAITING he will change but he never did. I wasted 10 productive years of my life waiting. Pero tapos na iyon. Been there. Done that. I just moved on, matagal nga lang for me. In your case, pag-isipan mo mabuti ulit the pros and cons of being together/separated. Since sya umalis, why don't you try to live on your own muna with your child. Wala naman siguro ikalulungkot pa ang buhay mo with him lasing all the time. Baka sakali maging masaya kayo nang wala sya or umuwi sya after matauhan. Right now, hinahanap hanap mo sya, pero kung andyan naman sya, nakakainis din. So you are trapped now with a lonely situation (gusto mo sya umuwi kasi mahal mo pa sya) vs a miserable situation (umuuwi nga sya umaga nga lang or laging lasing). Between the two, I would go for the first one kasi mas controllable ko ang situation - with prayers, activities, family and loved ones around you, before you know it, mawawala din ang pagmamahal mo sa kumag na iyon. Sa later alternative naman na andyan sya, paulit ulit lang yun na parang nireplay mo lang ang pangyayari at wala kayong patutunguhan kundi sama ng loob mo at ang damage sa atay nya.
Oh by the way, do you know what drinking can lead to?
- advanced aging
- lower libido
- detrimental to health, obvious ba? (make sure you have insurance or a lot of savings para sa magiging sakit nya once he reaches 35 and up) can lead to cancer, diabetes, liver disease, stroke, high blood
- damages the brain (lalo nagiging bobo ang bobo)