watch now

Author Topic: QUESTION sa mga Lawyers.  (Read 65706 times)

IamMarieLove

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #100 on: August 12, 2016, 03:41:51 pm »
^thank sis.

In our policy naman,  covered ng company pag naconfine ka but if out patient hindi but yong akin lang is it happened on the way to the office and the usual route lang plus the fact na it was my rest day but then my boss asked me to work that time.

Also, I talked to a GT lawyer here and she said na yong covered ngcompany daw is during time sa work.


EllaBratin

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #101 on: August 12, 2016, 04:46:05 pm »
^Si DOLE Region 4-A ang nagsabi sa amin ng ganung rule. The fact na papunta ka sa workplace mo, considered work-related na daw un. Check mo rin yung proximity rule.   :)

Sa ngayon, hindi pa rin tapos ang issue niyan sa amin sa dami ng dapat i-consider. Kung may written policy daw kasi si company sa exclusions of rules, ino-honor naman daw nila.

IamMarieLove

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #102 on: August 12, 2016, 05:00:39 pm »
^ Yan din ang sabi ng kakilala ng father ko from DOLE. Right now, I'm trying to re-read our policy na din before I talk to our management next week. As for me, ok lang naman if walang reimbursement for as long as may clear and detailed explanation.

Anewme

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #103 on: August 30, 2016, 04:21:54 pm »
Question what if ang complainant aalis na ng bansa ma didismiss ba ang case kung yong lawyer na lang ang a-attend ng hearing hangang sa lumabas ang result ng case any idea? TIA.

fionaapple

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #104 on: August 31, 2016, 12:47:07 pm »
Question what if ang complainant aalis na ng bansa ma didismiss ba ang case kung yong lawyer na lang ang a-attend ng hearing hangang sa lumabas ang result ng case any idea? TIA.

^kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya

Anewme

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #105 on: September 01, 2016, 09:52:01 pm »
^kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya

Thanks sis, pero what if hindi makakauwi, kasi paalis pa lang ng bansa ang complainant, kasi yong respondent nung last hearing hindi nagpakita at wala ding lawyer. Pag hindi ba makapag testify ang complainant  sa court dimissed na ang case. Or puedeng gawan ng paraan ang lawyer kung bakit umalis ng bansa ang complainant?

fionaapple

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #106 on: September 02, 2016, 11:47:34 am »
^same answer. kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya. saan huhugutin ang case kung wala ang complainant? hindi pwede si lawyer ang magtestify para sa complainant. hindi po ganon ang case na basta tatakbo kahit hindi magtestify ang complainant. kailangan ang testimony niya.

ma-di dismiss ang case pag hindi makapagtetestify ang complainant.

...Or puedeng gawan ng paraan ang lawyer kung bakit umalis ng bansa ang complainant?

pwede umalis ang complainant, pero dapat magtestify muna. kung hindi makakapgtestify before umalis, dapat umuwi ka. kung hindi ka makakauwi, madidismiss ang case. hindi ho ganun ang case na gagawan lang ng paraan ng lawyer kahit hindi nagtestify ang complainant.
« Last Edit: September 02, 2016, 11:51:32 am by fionaapple »

Anewme

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #107 on: September 02, 2016, 01:13:03 pm »
^same answer. kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya. saan huhugutin ang case kung wala ang complainant? hindi pwede si lawyer ang magtestify para sa complainant. hindi po ganon ang case na basta tatakbo kahit hindi magtestify ang complainant. kailangan ang testimony niya.

ma-di dismiss ang case pag hindi makapagtetestify ang complainant.

pwede umalis ang complainant, pero dapat magtestify muna. kung hindi makakapgtestify before umalis, dapat umuwi ka. kung hindi ka makakauwi, madidismiss ang case. hindi ho ganun ang case na gagawan lang ng paraan ng lawyer kahit hindi nagtestify ang complainant.

Kakatapos lang ng hearing 2 weeks ago kaso walang lawyer ang respondent at wala din ang respondent kaya postponed ulit ang trial. Ang problema 3 times ng na hospital ang complainant. Kaya sya aalis ng bansa para magpagamot. Ang problema hindi naman puedeng mag hintay ang complainant kung kelan ulit e-schedule ang next hearing.may sakit ang complainant at kailangan ng immediate na gamutan. Hindi din sya puedeng maiwan dito sa pinas kasi ang pamilya nya nasa ibang bansa nakatira. Kaya yun  ang inaalala na baka mauwi lang sa wala pag hindi na naka attend ang complainant.criminal case pa kasi yong na file na case against dun sa kamag anak nyang kinasuhan. Kaya if possible sana within this month ma sched ulit ang trial para atleast maka pag testify muna ang complainant bago umalis. Puede ba yun na mapa rush ang hearing? .

fionaapple

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #108 on: September 02, 2016, 04:22:38 pm »
Kakatapos lang ng hearing 2 weeks ago kaso walang lawyer ang respondent at wala din ang respondent kaya postponed ulit ang trial.

Kung criminal case po, dapat nakikipag ugnayan kayo sa public prosecutor na naghahandle ng kaso. Always, kung may lawyer na nagrerepresent sa inyo, sa kanya dapat magconsult.

respondent---nasa court na ba ito o nasa preliminary investigation stage pa lang??

respondent kasi ang tawag kung nasa fiscal level pa ang case. accused kung nakaakyat na sa court at meron nang tinatawag na Information (term for kaso). kung wala pa sa level ng court, hindi pa ito matatawag na kaso. hindi pa siya accused.

kung nasa level na ng court at walang lawyer ang akusado, pwede siyang irepresent ng public attorney (PAO) kung ang dahilan kung bakit wala siyang abugado ay "wala siyang pera para kumuha ng abogado". kung wala ang akusado, kailangan malaman kung notified ba siya o hindi. kung hindi siya notified, hindi pwedeng matuloy ang hearing. kung notified siya pero hindi siya sumisipot at nakapyansa, pwede ipaforfeit ang bond nya at ipa-warrant. kung nakapag-arraignment na siya (yung tinatanong siya ng guilty or not guilty), pwede na magproceed ang kaso kahit wala siya at notified siya pero hindi umaattend ng hearing (hearing in absentia).

3 times ng na hospital ang complainant. Kaya sya aalis ng bansa para magpagamot.xxxxxxxxxxxKaya if possible sana within this month ma sched ulit ang trial para atleast maka pag testify muna ang complainant bago umalis. Puede ba yun na mapa rush ang hearing? .

yes, pwede ipa-rush ang hearing para makapagtestify na agad si complainant at makapag pagamot na abroad. provided, na-arraign na ang akusado at notified siya about the hearing. kausapin ang lawyer or public prosecutor na humahawak sa kaso na magmotion sa court para agahan ang hearing para sa purpose na makapagtestify na agad ang complainant dahil may medical condition.

hallerness

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #109 on: September 08, 2016, 04:51:02 pm »
Tanong lang po sa mga lawyers.. P25000 for a "Legal Brief", is it reasonable?

I just need a paper that I can present to the French Embassy that I have the sole custody of my children. Their father is already deceased since 2007. I remarried, and he's a French. Kukunin namin yung mga anak ko (aged 12 and 13 years old) from the Philippines to live with us here in France. But one of the requirements is the "judgement of full custody". So I tried consulting a law firm regarding my concern, and that's what offered. A "legal brief" regarding my situation, and it costs 25000. I just find it too expensive. But I don't know, is this a reasonable price for a "legal brief"? TIA  :)

achaykiller

  • Guest
fake lawyer
« Reply #110 on: September 09, 2016, 08:40:44 am »
i have a tenant who says she's a lawyer, so i call her attorney. but i've been suspicious later on because 1) she didn't offer to
notarize the lease contract, 2) her name is not in the list of lawyers. feeling ko panakot kaya nagpanggap? malapit kasi to sa mga "pulis", kaya nagfefeeling. pwede bang kasuhan yung ganun?

Anewme

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #111 on: September 18, 2016, 06:27:48 pm »
Kung criminal case po, dapat nakikipag ugnayan kayo sa public prosecutor na naghahandle ng kaso. Always, kung may lawyer na nagrerepresent sa inyo, sa kanya dapat magconsult.

respondent---nasa court na ba ito o nasa preliminary investigation stage pa lang??

respondent kasi ang tawag kung nasa fiscal level pa ang case. accused kung nakaakyat na sa court at meron nang tinatawag na Information (term for kaso). kung wala pa sa level ng court, hindi pa ito matatawag na kaso. hindi pa siya accused.

kung nasa level na ng court at walang lawyer ang akusado, pwede siyang irepresent ng public attorney (PAO) kung ang dahilan kung bakit wala siyang abugado ay "wala siyang pera para kumuha ng abogado". kung wala ang akusado, kailangan malaman kung notified ba siya o hindi. kung hindi siya notified, hindi pwedeng matuloy ang hearing. kung notified siya pero hindi siya sumisipot at nakapyansa, pwede ipaforfeit ang bond nya at ipa-warrant. kung nakapag-arraignment na siya (yung tinatanong siya ng guilty or not guilty), pwede na magproceed ang kaso kahit wala siya at notified siya pero hindi umaattend ng hearing (hearing in absentia).

yes, pwede ipa-rush ang hearing para makapagtestify na agad si complainant at makapag pagamot na abroad. provided, na-arraign na ang akusado at notified siya about the hearing. kausapin ang lawyer or public prosecutor na humahawak sa kaso na magmotion sa court para agahan ang hearing para sa purpose na makapagtestify na agad ang complainant dahil may medical condition.

Thank you. Nasa court na yong case, notified na din ang akusado. about sa hearing. Pumunta sila ng court kaso wala silang lawyer. Ang problema sabi ng lawyer na nag handle sa case hindi mapaaga ang hearing kasi dito sa municipal trial court twice a month lang daw ang hearing dito at by sched pa daw. Kaya hindi daw sya sure kung maihahabol / mapapaaga ang hearing before the flight. Kaya hindi namin alam kung ano na ang mangyayari sa case.

twinxz

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #112 on: September 20, 2016, 07:48:05 pm »
Question lang po. Hope somebody can enlighten me.

Was promoted to Supervisor this January and signed the Salary Adjustment Form para mag-effect sa next pay. After some time, found out na di aligned yung salary ko sa other Supervisors. I brought up the issue to our General Manager around June and he agreed to pay the difference from the time I was promoted by requesting sa HR namin for alignment. For 6 months (probationary period), nasa Allowance lang yung adjustment ko, after non, papasok na sya sa Basic Pay.

Come August, HR had a meeting with us (GM and me) to advise na di pwede yung request namin na from January ang retroactive pay since may memo daw from management na di pwede ang salary adjustments/promotion ng January. So our GM asked if pwede ng April na lang, we all agreed. So I thought OK na.

HR called nanaman to say na they checked my 201 file and said na they cannot process the retro pay from April kasi may Salary Adjustment Form na daw ako last January. Mag-o-overlap daw yung form if they issue another one na mag-cover naman ng April salary difference. What they issued was a retro pay effective August (which is the 7th month na, after na ng probationary period). They also told me na di nila pwedeng i-overlap yung April retro kasi sila naman daw ang masisilip sa Audit. The sad thing is, the retro pay from April onwards was already approved na by our upper management (onshore Managers from UK pa.) Di ko po ma-gets anong problema ng HR ng Philippines office namin when I've already worked na for those months. Besides, if I never knew na di pala ako aligned eh forever ng ganun ang rate ko.

Question is, may habol pa po ba ako dito? If I sign the recent Salary Adjustment Form with effective date ng August, wala na talaga ako makukuhang retro?

Thanks po sa mga sasagot.

littlekinselle

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #113 on: September 21, 2016, 10:07:44 am »
Question: Im married but i dont want to use my husband's last name at Expired na ang passport ko pwede ba na ilagay ko sa passport ko un maiden name ko?  For some reasons ayoko talaga gamitin last name niya.. Thank you po. Sasasagot..

snowflakes

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #114 on: October 06, 2016, 07:14:07 pm »
Question: i need a lawyer pero nandito ako sa abroad. This is regarding falsification of public documents. She send a fake marriage contract to The hospital to make the kids legal and use my husbands name. I checked in NSO theres no such marriage. And she even confessed to me na fake yung hawak nya. I need to file a case against her!

twinxz

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #115 on: October 13, 2016, 01:34:31 pm »
Hi all!

Di nasagot ang question ko but happy to share na I won sa dispute at thank God na di umabot sa court/NLRC/DOLE.

missreese

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #116 on: January 04, 2017, 06:26:51 am »
until now di ko pa din alam gagawin ko... ito yung situation ni mother dear.

ito yung gamit niyang name **** born July 30, 1950 sa lahat ng documents nya pati sa affidavit of loss ng birth certificate niya kuno

naghanap kami sa NSO ng copy ng birth certificate niya kaso wala yung name na yun. Lumalabas not registered

ngayon may ibang name siya na chineck then may nakuha niya kaso yung birth year is 1949, tama yung name ng parents pero di niya alam na existing yung birth cert na yun under sa ganung name.

So ang lumalabas, iba yung name niya na gamit at birth year.

Di ko siya makunan ng passport kasi di ko alam pano gagawin ko sa birth certificate niya.

Ano yung pwede kong gawin?


eladyo.cz

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #117 on: January 09, 2017, 04:01:39 pm »
Hi sa mga Abogado dito,

    Ito po yung mga tanong ko.

   - Contractual employee for 2 years and 7 months. May dapat po ba akong makuha maliban sa last salary ko?
 
   - Ilang araw po ba bago ko makuha yung last pay ko kung contractual employee ako?

   - Makatwiran po ba na sabihin nila sa akin 2 weeks before matapos yung contract na di na ako makakapag renew?

   - Legal po ba ito sa batas yung terms nila sa contract nila na ganito?

        "The CONTRACTOR's total fee for the duration of the project shall be P***,***.00 or equivalent to P***.00/hour which      includes all benefits mandated by DOLE DO18-A, such as SSS, Pag-Ibig, Philhealth and 13th month pay."

May laban ba ako sa kanila? Wala akong trabaho ngayon, kasi di agad ako nakapaghanap, 3rd week na ng December nung sinabi nila na di ako makakapag renew. Bihira na kasi nagha-hire ng ganung panahon.

Maraming salamat po sa mga sasagot :)

sweetie28

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #118 on: March 13, 2017, 08:02:53 am »
hi, ask ko lang po kung pwede pa ba namin mabawi yung house ng parents namin na pinarehistro ng sis in law ko sa NHA, kaya sa kanilang mag asawa nakapangalan ngayon  sa NHA, since wala na both parents namin kaya balak na ibenta ang rights kaso nalaman namin na sa kanila pala nakapangalan sa NHA, hiwalay na din po ang kuya ko at sis in law ko, pinatira lang po sila noon nong bagong mag asawa pa lang sila , thank you po

plumpolka

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #119 on: March 13, 2017, 10:40:53 am »
Hi guys! suggest ko lang, makinig kayo sa radyo 5 every 11.30 or 12nn ng weekdays. may segment dun about legal matters. pwede din kayo mag ask sa kanila. if wala kayong radio, they also have live streaming sa fb account nila. and you can also watch their previous shows. super daming matutunan. mukhang wala kasi masyadong lawyers na sumasagot dito e. you can listen and yung iba, medyo same sa mga situation niyo. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close