We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Question what if ang complainant aalis na ng bansa ma didismiss ba ang case kung yong lawyer na lang ang a-attend ng hearing hangang sa lumabas ang result ng case any idea? TIA.
^kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya
...Or puedeng gawan ng paraan ang lawyer kung bakit umalis ng bansa ang complainant?
^same answer. kailangang makapagtestify muna ang complainant sa court. or kailangan nya umuwi ng bansa kapag magtetestify na siya. saan huhugutin ang case kung wala ang complainant? hindi pwede si lawyer ang magtestify para sa complainant. hindi po ganon ang case na basta tatakbo kahit hindi magtestify ang complainant. kailangan ang testimony niya. ma-di dismiss ang case pag hindi makapagtetestify ang complainant. pwede umalis ang complainant, pero dapat magtestify muna. kung hindi makakapgtestify before umalis, dapat umuwi ka. kung hindi ka makakauwi, madidismiss ang case. hindi ho ganun ang case na gagawan lang ng paraan ng lawyer kahit hindi nagtestify ang complainant.
Kakatapos lang ng hearing 2 weeks ago kaso walang lawyer ang respondent at wala din ang respondent kaya postponed ulit ang trial.
3 times ng na hospital ang complainant. Kaya sya aalis ng bansa para magpagamot.xxxxxxxxxxxKaya if possible sana within this month ma sched ulit ang trial para atleast maka pag testify muna ang complainant bago umalis. Puede ba yun na mapa rush ang hearing? .
Kung criminal case po, dapat nakikipag ugnayan kayo sa public prosecutor na naghahandle ng kaso. Always, kung may lawyer na nagrerepresent sa inyo, sa kanya dapat magconsult. respondent---nasa court na ba ito o nasa preliminary investigation stage pa lang??respondent kasi ang tawag kung nasa fiscal level pa ang case. accused kung nakaakyat na sa court at meron nang tinatawag na Information (term for kaso). kung wala pa sa level ng court, hindi pa ito matatawag na kaso. hindi pa siya accused. kung nasa level na ng court at walang lawyer ang akusado, pwede siyang irepresent ng public attorney (PAO) kung ang dahilan kung bakit wala siyang abugado ay "wala siyang pera para kumuha ng abogado". kung wala ang akusado, kailangan malaman kung notified ba siya o hindi. kung hindi siya notified, hindi pwedeng matuloy ang hearing. kung notified siya pero hindi siya sumisipot at nakapyansa, pwede ipaforfeit ang bond nya at ipa-warrant. kung nakapag-arraignment na siya (yung tinatanong siya ng guilty or not guilty), pwede na magproceed ang kaso kahit wala siya at notified siya pero hindi umaattend ng hearing (hearing in absentia).yes, pwede ipa-rush ang hearing para makapagtestify na agad si complainant at makapag pagamot na abroad. provided, na-arraign na ang akusado at notified siya about the hearing. kausapin ang lawyer or public prosecutor na humahawak sa kaso na magmotion sa court para agahan ang hearing para sa purpose na makapagtestify na agad ang complainant dahil may medical condition.