watch now

Author Topic: QUESTION sa mga Lawyers.  (Read 65619 times)

beigh

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #60 on: February 22, 2015, 02:32:41 pm »
Good day, question mga sisses. May lupa ang grandparents ng hubby ko sa province (father side). Ang father ng hubby ko died even before my hubby was born (year 1980), his mother is still living. Her grandparents died around year 2011. Walang iniwan na last will and testament but before mamatay si lola, nabanggit sa kanila ang property na iiwan sa kanila in the province. Mga tita/tito ni hubby (or kapatid ng papa nya)alam din kung saan located ang lupa na ito (na unfortunately, nakatiwangwang lang kasi wala nag aasikaso. They acknowledge naman na that said property is for them (Mommy ni hubby, kay hubby at sa kuya nya). The problem is, ang family ni hubby sa provice, wala ginagawa move to legally transfer those properties to them.4 na kapatid ng father ni hubby ang napag iwanan sa proprties at naipamana na din nila sa mga respective anak nila ang share.Balak  ng magkapatid (hubby ko at kuya nya) na ibenta na lang ang lupa since both of them have their own houses here in Manila.At the same time, hindi sila sanay sa buhay hehe..

May question ko is
1. Yung property na tinutukoy ng lola nila na para sa kanila, is it legally kanila nga ba. I mean, pwede ba sila magmana sa property ng grandparents nila. Kasi, father nila matal ng patay e.
2. If kanila nga ito, what legal measure ang need nila gawin para maisalin sa mga names nila ang property na ito?

Thanks in advance!

noangel

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #61 on: March 01, 2015, 12:39:41 am »
question
if a mistress posted pictures with Husband on facebook using a dummy account (dummy name) and tags the Husband. is that already considered a cybercrime?

and screenshots of those images,
pwede bang gamitin as evidence against the mistress? pero un pictures po naka-Blurr un mukha ng babae. magagamit padin po ba yun against her?

at meron nabang nakasuhan or nakulong sa cybercrime? thanks

The Greatest Is LOVE

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #62 on: March 01, 2015, 11:24:35 am »
question
if a mistress posted pictures with Husband on facebook using a dummy account (dummy name) and tags the Husband. is that already considered a cybercrime?

and screenshots of those images,
pwede bang gamitin as evidence against the mistress? pero un pictures po naka-Blurr un mukha ng babae. magagamit padin po ba yun against her?

at meron nabang nakasuhan or nakulong sa cybercrime? thanks

Madaling matrace kung sino yun dummy account na yan. Kahit pa iblur mo yun pic malalaman at malalaman kung sino ka. Dont do such foolish things. Thats a cybercrime and madali kasuhan ng cibercrime plus yun pagiging mistress...maraming pwedeng ikaso dyan. Imagine the mistress posted to ruin the guy not knowing na kayang kayang din syang kasuhan..

nhieQoh

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #63 on: April 11, 2015, 11:30:09 am »
question po for a friend po.. government nurse po kasi siya, nagkaroon sila ng affair ng co-worker niya na may asawa last 2012, ngayon lang nalaman ng asawa nun lalake at ngayon po ay ikinakalat nito sa pamamagitan ng pagmmessage sa mga co-depaartment po ng friend ko.. puwede ba siya matanggal as government employee kahit la naman evidences... may puwede din kaya siya ikaso dun sa asawa kasi nanghaharass po.. thanks po..

ajang

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #64 on: April 15, 2015, 04:01:37 am »
hi sissies, may pinapatong ang pinsan kog matigas ulo.

may live in partner kasi sya at wala pa naman silang anak. nagkaron sya ng affair sa isang unmarried guy (not bachelor though kasi he's living with his gf and their 2 kids). right now, di sila sure kung buntis sya o hindi. sinabi nya daw sa other guy na if ever na buntis, sasabihin nya sa live in partner nya yung totoo at kapag tinanggap kay partner ipapangalan ang bata pero kung hindi naman tatanggapin sakanya ipapapangalan yung bata. 

si other guy naman daw ayaw pumayag na ipangalan yung bata sa partner, its either kanya o sa pinsan ko lang daw at gusto nya na sya ang kilalaning tatay ng bata, tanggapin man daw o hindi ng partner ng pinsan ko. tapos ang gustong setup ni other guy is dadalaw dalaw sya sa mag-ina.

ask lang po:

1.) may right ba talaga mag-demand si other guy kung kaninong pangalan ang ilalagay as father sa baby?

2.) ano ang pro's and con's kapag naka blank lang ang name ng father?

4.) may habol ba si other guy sa bata if ever na kahit against sa will nya ipapangalan yung bata sa partner ng pinsan ko? (if ever man na tanggap pa rin sya nung live in partner nya)

3.) if ever man daw na maghiwalay sila ng live in partner nya, pwede daw ba syang magdemand ng kasal kay other guy since di naman ito kasal sa gf?

salamat sa mga sasagot.

tigaM

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #65 on: April 24, 2015, 04:54:12 pm »
i was trying to post a new post but di ko makita yung post button :( need advice lang po. may private group message kasi kami ng mga ex-officemates ko sa facebook, we expressed our anger, rants, etc about our boss. as in we call her u***s, mayabang, balyena, etc... kaso nagleak yung group message namin kasi yung company phone na isinauli ko, naka-log-in pa pala yung facebook ko dun :( at yung may hawak nung phone, ipinakita sa boss namin.  di po ba namin sila pwede kasuhan ng onvasion of privacy? nag-threaten din kasi yung boss namin na kakasuhan daw kami ng cyber bullying / libel.  but private message naman po yun di ba kaya di valid yung threat nya? at mas may karapatan kami mag-file ng case against them? thanks po sa sasagot...

PrincessC

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #66 on: April 27, 2015, 03:26:58 pm »
my ex-BF and I bought a condo 5 years ago and the title is in both our names.

unfortunately, we broke up last week and agreed na iba-buy-out na lang nya ang share ko para sa kanya na lang yung condo.

however, because of his financial situation, hindi nya ako kaya bayaran ng buo at huhulugan na lang nya every month. based sa initial computation, baka abutin ng 16 years before he is able to pay in full.

sabi ko, kelangan in writing lahat ng napag-agreehan namin. ang tanong ko lang, anong klaseng document/s ang kailangan namin pirmahan para ma-protektahan ako in case in the future bigla na lang sya mag-default sa mga bayad nya.

for now, we verbally agreed na if mag-default sya ng 1 year, automatic na magiging sa akin lang ang condo.

i hope someone can help. thanks!

Yamski

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #67 on: May 05, 2015, 11:44:32 pm »
Hello! I need your help.

Nung June 2013, nag reserve kami ng unit sa isang developer sa Biñan. yung promo at that time is spread without interest yung 10% ng TCP (net of 20k reservation) over two years. Every month naghuhulog ako ng 12k. 2 months na lang matatapos na 'ko. The problem is, hesitant na 'kong ituloy mainly because hindi kakayanin financially dahil may mga biglaang gastos - at mukhang aabutin ng 2 more years etong gastos na 'to (legal suit filed against me and my father yung problema na dumating). Hindi ko pa napipirmahan yung CTS. May question is, wala na ba talagang chance na mabawi yung dinown ko tulad ng sinasabi nung broker ko? Wala akong maalalang contract na pinirmahan. Pero icheck ko rin yung docs. Parang acknowledgement lang ng quotation at tcp yung pinirmahan ko. May receipts naman. Hindi nga lang updated.

If may chance pa 'kong mabawi yung dinown ko, what's the best way to do it? Thru a lawyer ba? If so, would you know someone ba na irerecommend niyo for such scenarios?

I really need all the help that I can get from you, GT. Thank you!

All the advice will be appreciated. :)

fionnah325

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #68 on: May 06, 2015, 10:13:38 am »
hello po good morning attorney...new po ako sa site na 2 naghahanap po ako ng asagutan sa mga tanong ko sana po masagot niyo po ako...ano ano pong proseso ang gagawin pag magpachange surname?di pa kasi kami kasal ng dad ni baby eh tapos ang dinala niyang apelyido ay sa akin paano po mapalitan ng apelyido?gusto kasi ng dad ni baby na mapalitan surname ni baby at atty isa pa po pala pag magpakasal ba kami ng dad ni baby automatic po bang malegitimate si baby?or the same pa din na proseso ang gagawin?hope you can answer me..salamat po ng madami

Girltalker2

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #69 on: May 24, 2015, 09:54:07 pm »

^ additional question -

kapag magkaiba ang sirname ng anak and ng mother, ok lang ba magtravel ang mag-ina (without the dad), kahit hindi kasal ang parents? 

just show birth cert na you are the mother, ok na ba?  or you need to show more docs?


A friend naman has the opposite problem.  She is not married with her ex partner. But her child has the father's sirname. She wants to migrate to another country.  Ang daming papers daw hinihingi, including some letter/waiver from the ex partner. Tapos wala din syang marriage cert na maipakita. Kasi it is either she is married AND kid got father's sirname o
OR
Hindi married and the kid has her sirname. 
Kaso in her case, she is in between.  Not married pero the kid has the father's sirname. Hindi ba mas mahirap ito (not married with kid having the father's sirname) when it comes to processing passport, traveling, applying for school, etc?




megansmomma

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #70 on: June 11, 2015, 09:30:12 pm »
Question po....

My friend was accused of Adultery by the Husband of his Ex GF because of "Monetary reasons" daw
He applied for NBI Clearance & na-hit because may kapangalan daw.
Ask ko lang po, since on going yun case & di pa naman proven na guilty yun friend ko. Will it affect kaya dun sa pagapply nia ng NBI Clearance para ma-hold or hindi sya makakuha?

Your soonest response are highly appreciated ;)

ajang

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #71 on: June 24, 2015, 07:34:33 am »
good morning, ask ko lang kung may laban ako dito if worst comes to worst.

may nagsabi kasi sakin na i'm giving death threat daw which is hindi naman. the accuser said na ibang fb account daw ang ginagamit to threat and they have proof na may threat silang natanggap from me though ibang account nga ang gamit. now what they're gonna do is ikakalat daw ang picture ko sa social media and let the other people know na im threatening them.

pwede bang mag backfire sa kanila to? all they have lang naman daw as a proof is from the dummy account.

fragmentedmind

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #72 on: September 10, 2015, 11:36:21 pm »
Pa-advise lang po.

Naka-receive ng subpeona from the barangay ang bahay namin. Ang complaint po ay stalking.

Kaso po, ang pangalan sa summons ay hindi pangalan ng kahit sinong tao na nakatira sa bahay namin. Tinanggap na lang ng nanay ko yung papel kasi naka-address sa bahay amin at medyo natorete sya sa pagbisit ng barangay vehicle sa bahay (1st time ever).

Tapos nung inihahain yung summons, tinanong ng nanay ko sino ba ang kinokomplain, nagbigay ng very vague na physical description yung representative ng barangay. Tapos sinagot ng nanay ko na walang taong ganun ang pangalan na nakatira sa amin.

Tapos yung taga-barangay nagsabi ng ibang details like yung tatay daw ng kinocomplain ay seaman na may kapatid na babae. Tapos tinanong nila ang nanay ko kung anong trabaho ng tatay ko at kung may anak syang babae lalake at sinabi ng nanay ko oo, tapos ninanong anong pangalan ng anak nyang lalake at naibigay ng nanay ko yung name ng brother ko, so ang ginawa nung taga barangay, nilagyan ng parang slash yung name sa summon na naka-type tapos sinulat ang first name ng kapatid ko.

Ano po ba ang proseso sa ganito? Valid po ba ang complaint na ito samantalang wala namang nakatira sa bahay namin nung naka-pangalan sa summons, address lang namin, at walang may kilala sa bahay namin dun sa naghain ng complaint.

Isa pa po ang complainant po at taga-Mandaluyong, kasi po at taga-Taytay,Rizal. Di ba pag barangay, dapat pareho kaming nakatira sa iisiang barangay?

Salamat po.

fragmentedmind

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #73 on: September 25, 2015, 09:33:05 am »
^sis not valid ang summons if iba ang nakapangalan.

Advise your mom as well NEVER to entertain those kinds of questions lalo na may legalities involved, She is unknowingly harming you. Instead na maidismiss yun kaso, she's giving away your defenses, she gave away your sibling's name, sa susunod na padalhan kayo, tama na masusulat na name, ano na defense niyo?

Brushing legalities aside, pati yun pagkkwento na may seaman, dapat hindi pinagsasabi. Pano kung kidnapper na pala or syndicate ang kausap niya, kahit na taga barangay pa yan. iisipin may dollar earning relatives kayo. Be EXTRA cautious.

I'd rather have YOUR mom refuse any letter na di tama ang names. Kahit sino pa magpadala nyan. Problema nila to check or ibalik nila to sender.

Wala kasing alam sa ganyan ang mom ko, as first time ever in her life na maka-encounter sya ng ganyan at ang objective lang nya at that time was umalis yung mga tao para di makita ng mga kapita bahay na merong sasakyan ng barangay na pumunta sa bahay. Ayaw na ayaw kasi ng mom na na napag-uusapan ng kapitbahay.

Sinabi ko rin yan sa kanya na wag tumanggap ng kahit ano kahit kanino kung di nakapangalan sa isa sa amin talaga.

Kaso nangyari na eh. Tinaggap nya. Hindi namin pinuntahan.

Kaso this week meron uling summon na nakapangalan na sa brother ko. Stalking pa rin yung complaint. Lalaki yung nagco-complain.

Anong pwedeng gawin? Kailangan bang pumunta kami or pwedeng di rin namin puntahan na rin?

crzysxycl

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #74 on: October 19, 2015, 11:07:14 pm »
Hi sisses! Question lang, baka sakali may makasagot. Hindi na kasi namin alam kung paano masosolve ang problem ng cousin ko.

Ganito kasi yun - Yung GF nya nabuntis, so napilitan bumukod pinsan ko kasama si girl. Una palang nagtataka na kami bakit hindi nag demand ng kasal yung family ng babae. Nameet naman sila ng Tita ko, mukha naman daw OK. Siguro mga after 2 months napansin namin yung kakaibang ugali ni girl. Ang hilig umutang, tapos pag oras ng bayaran ang daming alibi. Marami pa syang ibang kalokohan like binenta CP at ref ng pinsan ko ng walang paalam. Few months ago I requested for CENOMAR and boom, we knew na married pala yung babae. Hindi alam ng pinsan ko yun. Ang kapal lang ng mukha nung babae pati family nya kasi nandamay pa sila ng ibang tao, hindi man nila napag sabihan anak nila sa kal*ndian nya. Eventually naisip namin na sinadya nya talaga pikutin cousin ko. Susko, dami pa inimbentong kwento para lang pumasa sya sa pinsan ko. Dami nya rin nilustay na pera, hindi alam ng pinsan ko kung saan dinadala. Ang duda namin, may anak sila ng asawa nya kaya palaging nauubos pera nya. Nakasagutan sya ng isa kong cousin, sabi sa kanya siguraduhin lang na anak talaga ng pinsan ko yung bata dahil baka sa asawa raw. Lakas ng kutob kong ginagalaw pa rin sya ng asawa nya. Why? Natakot sya sa sinabi na baka di anak ng pinsan ko kaya hindi nya pinapasama yung bata kapag may okasyon. Nagtalo pa nga raw sila once dahil hawak daw nung babae yung baby at ayaw ibigay sa pinsan ko. Kung matagal na sila hiwalay ng asawa nya at sure syang walang nangyayari sa kanila, bakit sya matatakot ipasama yung bata. Natatakot ata na ipa DNA namin. Ang tanong ko lang sisses, ano laban ng pinsan ko if ever? Biktima lang din sya, kung alam nyang married si girl, hindi sya papatol. Ang problem now is hindi sya makaalis at maiwan yung babae dahil dun sila malapit sa family ni girl nakatira, hindi nya makuha anak nya. Mas may kakayanan bumuhay ng bata pinsan ko, enough reason ba yun para manalo sya sa korte? Also, parang may sakit sa isip yung babae, psychological something. Tingin ko nga bipolar sya. Hindi namin alam saan una pupunta para mag reklamo. Ayaw namin pumunta dun kasi hindi namin alam takbo ng isip ng mga tao, baka manakit sila.

Thank you! Sana po may makapag advice.

ilbsiri

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #75 on: November 16, 2015, 09:13:54 pm »
Can I file RA 9262 kahit wala dito yung kakasuhan? He still supporting financially (takot siguro makasuhan ng iba) pero ang habol ko is moral damages, physical, emotionally trauma. I talked to a certain lawyer sabi pwede, then I talked someone from PAO hindi daw pwede since wala dito yung kakasuhan nasa abroad, the time I can only file and consult a psychiatrist pag nandito daw yung magaling kong asawa, the problem is hindi ko alam kelan uuwi at pag-umuwi siguradong magtatago at saglit lang magbakasyon (based on experienced)

Itsmai.Shop

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #76 on: December 01, 2015, 03:22:04 pm »
hi gusto ko sana malaman if we can win a case against FORD due to a lemon car, hindi kasi kami pasok sa lemon law pero we filed a case under Consumer act sa DTI and nanalo kami, our problem is ngappeal sila and until now walang progress sa decision ng appeals, we are thinking of filing a formal case na lang wala lang kami kilala na lawyer or so, if may marerecomend din sana kayo mga sis.

EllaBratin

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #77 on: December 09, 2015, 04:53:10 pm »
Hi. Last fiesta sa amin nanakaw ang cp ko. After 6 months, na-track ko at nalaman na yung live in partner ng pinsan ko pala ang nagnakaw at ibinenta sa SIL niya. Nakipagcommunicate ako sa pinsan ko at sinabing willing naman daw ibalik nung nakabili sa kondisyon na ibabalik nung nagnakaw yung binayad at nagastos niya sa pagpapagawa. Kaya lang wala pa daw pera yung pinsan ko at live in partner niya kaya di pa mabawi ang cp ko. Alangan naman hintayin ko sila magkapera pa e wala naman sana problema kung hindi niya ninakaw ang cp ko. Question ko is pwede ko bang makuha sa bumili yung cp ko at sila na lang ang mag-usap kung kailan babayaran? If not, ano ang pwede ko ikaso sa nagnakaw? Pwede ko bang kasuhan ang bumili kasi ngayong alam na niyang nakaw ang nabili niya e di daw ibabalik hanggat di sinasauli ang pera niya?

jojo2978

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #78 on: December 10, 2015, 03:51:05 pm »
Nagnakaw theft. Nakabili pwede anti fencing.

EllaBratin

  • Guest
Re: QUESTION sa mga Lawyers.
« Reply #79 on: December 10, 2015, 04:02:16 pm »
^Salamat po. Pero pwede ko na ba mabawi ang unit, kahit di pa binalik ang pera niya?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close