watch now

Author Topic: Wrong and Bad Relationship  (Read 5380 times)

rain163

  • Guest
Wrong and Bad Relationship
« on: February 09, 2014, 08:25:33 am »
How do I move on from a wrong and bad relationship if I still love the person? It was a wrong relationship since we can't be together (at least legally), and it was a bad relationship since he said too many lies to me and broke my heart many times.

We both have our respective relationships and we're both unhappy. But neither of us couldn't end it with our respective partners because of many reasons. Regardles, our relationshp thrived kasi parehas kami masaya with each other. Kahit pa ganun situation namen, naging ok kami...
 
Then came a problem. Nag away sila ng gf nya to the point na pinalayas sya and everythng. At ako, dahil mahal ko, tinulungan ko makahanap ng place. Pinahiram ko ng money para makapagsimula sya ulit.  Pati pag hanap ng malilipatan nyang work, inasikaso ko. Hindi ko na inisip yung risk na may makakakita pa sa amin kasi ang nasa isip ko, kailangan ako ng taong mahal ko... Sinubukan kong maging kumpleto para sa kanya...

Si gf, realizing na nilayasan na sya ng bf nya, cried and begged. Nung umpisa, honest pa sakin si bf and told me everything na nangyayari like kung kakausapin nya lang daw etc. Pero si gf, nahanap ang weakness ni bf.... Ginamit nya yung sakit nya to win him back (kidney problem). Nung umpisa, nagpapasama lang with her check-ups etc. Tapos unti-unti, bigla nalang nya dadaanan sa workplace naka face mask and everything. Si bf, syempre, awang awa. Then followed by several more meet-ups na this time, hindi na pinapaalam sakin ni bf.

Everytime nagkakaron ako ng gut feel sa ginagawa ni bf, ayun, puro sigaw aabutin ko. Kesho wala daw ako tiwala etc. And i thought na ganun lang yung attitude nya kasi problemado din sya sa work at that time. Tiniis ko lahat yon. I was crying the whole time and was praying to God constantly na sana, makita ko na yung hindi ko nakikita...

May mga times like bigla nalang sya na Xsend sakin na para sa gf nya pala. He was calling her baby. Now why would you still call your x baby diba? Pero ang defense nya, tinawag lang nya na baby kasi naawa daw sya. Pero hindi daw sila ulit. Meron naman time na nakita ko sila magkasama sa car ni gf. Ang defense nya, i gigive up na daw ni gf yung apartment nila at kakausapin sila ng land lord. All these nilunok ko yung paliwanag nya at gave him the benefit of the doubt. Lahat to nangyari na ako ang umiiyak at ako ang sinisigawan. Iyak ako ng iyak kasi pakiramdam ko talaga, may mali. Pero ayun, ako pa ang masama.

Dasal ako ng dasal, at eto na nga....nahuli ko na nagsisinungaling si bf. I was at his new apartment (yung place na tinulungan ko sya mahanap) early morning at wala sya. I didn't tell him na nandun ako. Pero when we spoke at the phone, he spoke na kunwari nandun sya...at ang sakit sakit madinig na nagsisinungaling ang taong mahal mo na binuhos mo lahat para tulungan sya tapos lolokohin ka pa pala.... For some days, I never told him na alam ko na.... na dun na pala sya umuuwi ulit sa apartment nila ng gf nya.

Sobrang sakit. Pero to cut the story short, binigyan ko pa sya ng chance bumawi sa mga ginawa nya. He didn't tell me that he got back with his gf kasi ayaw daw nya ako mawala. And he got back with his gf kasi may sakit si gf... kailangan daw sya nito at may utang ng loob sya dito.  I didn't cut communications with him at nagkikita parin kami. Pero I was taken for granted. Dumating yung time na napuno na ko. This was after several months na. Binabalot ako ng galit ko sa kanya for lying to me and treating me badly. Puro sumbat ang inaabot nya sakin sa text at iyak ako ng iyak.

To cut the story short, now, I'm not seeing him for almost two months now and he's begging me to come back and give him that last chance to prove that he loves me. Ako daw ang mahal nya. Madami daw sya narealize etc. after ko syang iwanan totally. He sends me email and texts na umiiyak sya and everything and feels the loss. Pero malinaw naman na he's really back with his gf. At hindi ko na ata kaya yon.

It seems that God has given me enough reasons to end it and move forward but I just can't... For weeks, I have been trying to ignore his calls and messages begging me to come back to him but when he stops even for a day, I cry like crazy.

Madaming factors kung bakit ako nag decide na wag na bumalik. Like, mali naman in the first place. Kahit masaya ako noon with him, may guilt after. Second, niloko nya ako ng paulit ulit at sinaktan. Third, hindi sya worth invest ng time and effort dahil pagdating sakin, wala syang masyadong effort.

Pero kahit ganito, I still hurt. I could'nt sleep well. Kapag hindi ko na maramdaman yung text nya, I cry like hell. Mahirap itaboy completely ang taong nakasanayan ko nang mahalin....

I hope you can share your thoughts on the matter..... please...
« Last Edit: February 09, 2014, 05:40:36 pm by rain163 »

gen211

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #1 on: February 09, 2014, 05:53:33 pm »
Lahat naman ata ng bagay sa simula masakit diba..... pero eventually, pag pinili mong kayanin, magagawa mo. Mahirap gawin pero its a start of the process. Let yourself heal. You know that he is not good for you. Malinaw naman based on your words. So atleast may step one ka na.... natauhan ka na kumbaga... basag na yung helmet mo. Keep on praying and don't stop. Eventually, you'll get your answers....

DianeShishio

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #2 on: February 09, 2014, 06:35:12 pm »
It's been a year and a half since I left an abusive relationship. Mahal ko pa yung ex ko but I decided to end it because I was miserable, and that probably wouldn't change.

Follow sis aquacharly's advice. Self-control is the key talaga, there's no other way around it. I even blocked my ex on social media and sent back EVERYTHING that he gave me or anything that simply reminded me of him. 


sassy_gal18

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #3 on: February 10, 2014, 05:03:14 pm »
Tama sis.

Sabi nga nila
Cry. Then itapos or isoli lahat ng meron kang gamit nya say sorry to yourself then move on.

If i were you sis ayoko na mapunta sa ganyang kalagayan ulit sarili ko. Kung capable sya gawin sayo yun mas may possibility na ulitin nya yun sis. Be happy sis. Hindi man ngayon pero time would come may ibibigay sayo na mas pa sakanya. Yung tipong hindia paiiyakin or sasaktan. Yung mamahalin ka ng mas pa sa kayang mong mahalin sya. In God's time sis dadating yun for you.

Hindi maitatama ang pagkakamali sis ng isa pang pagkakamali.

mommycute46

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #4 on: February 11, 2014, 02:05:28 pm »
Time heals.

2 mos and still hurting? Give another 2 mos and another 2 and so on... Akala mo lang hindi mo kaya. Later on you'll just laugh at yourself and all silly things you did just because you fall in love.

rain163

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #5 on: February 12, 2014, 07:18:09 pm »
Thank you everyone for sharing your thoughts on the matter. I think the keyword that i needed to hear is the word "abuse." Tama, i was in an abusive relationship. Tipong may time na dinalan mo na nga sya ng dinner sa work nya, nasigawan pa ako at namura ng leche. At tipong inantay ko na nga ng almost midnight para ihatid, kung sigawan pa ko dahil lang mali yung parking ko. At tama, hindi na sya magbabago kasi personality na nya yun.
Kung dati, iniiyak ko pa na hindi naman sya dating ganun sa akin, now i realized na hindi naman sya nagbago lang like i thought. Ang totoo, lumabas lang talaga ang tunay nyang kulay. He is an abusive, insensitive and self centered human being.
Thank you for your advises to completely cut the communication. Tama, self control is the key.
Ngayon, masakit pa rin. Syempre, I miss loving the person. Pero sabi nga, time heals.... Eventually, I'll get over him.
« Last Edit: February 12, 2014, 09:53:42 pm by rain163 »

junetwentythree

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #6 on: February 13, 2014, 10:44:09 pm »
I'm not big on self help books but this helped me a lot
http://www.amazon.com/The-30-Day-Heartbreak-Cure-Getting/dp/1416958878

Empowerment.

lisse

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #7 on: February 13, 2014, 10:54:00 pm »
Sis, isipin mo lang na this too shall pass. If you need to be emo, sad, cry then do it if you think it will help you heal. Surround yourself with those who genuinely care for you. Hindi lang naman siya ang tao sa buhay mo, at hindi lang love of a SO ang only love na meron sa mundo. Sabi nga nila, walang namamatay sa broken heart. Kaya mo yan. Easier said than done, but not impossible. ;)

gen211

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #8 on: February 19, 2014, 12:20:42 pm »
Isipin mo process lang yan... natural lang na you're hurting... Itatak mo sa isip mo na lilipas din yang sakit na yan. Kesa naman sa in a relationship ka nga with him, pero iyak ka din ng iyak sa mga ginagawa nya sayo.

alexsy

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #9 on: February 19, 2014, 01:33:55 pm »
parang parehas tayo a. ang prob nga lang, ako yung iniwan. eto, almost one month na kaming wlang kibuan. may days na talagang gusto ko syang kumustahin, kung buhay pa ba o ano. pero wag na lang. pinapababa ko na masyado ang sarili ko. magkikita din kami balang araw. akin ang huling halakhak lol

baliwsayo

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #10 on: February 19, 2014, 01:38:13 pm »
Acceptance is the key here. Tanggapin mo na  ginamit ka lang at di ka naman niya talaga mahal. And I agree also with aquacharly.. block him muna. Mahirap mag-move on kung makikita mo pa din ang name niya kada-text, email, tawag niya sa yo.

Ganun gawa ko sa mga ex ko. As in totally no communication muna until may bago na akong jowa. Lol!

rain163

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #11 on: February 20, 2014, 12:00:23 am »
As of today, one week and two days na totally wala na talagang communication. Nakablock narin sya para di ko na mabasa mga msgs nya...and i changed my number na din. Pero you know what? It tears me apart. I feel depressed lalo na na ako yung umayaw and he was crying and begging when i ended it between us. Pero im coping.

I have something to confess pala... i have been stalking the fb account nung gf nya. She seems blooming and happy. And to think na akala mo kung sinong malala na ang sakit kapag iniiwan sya ni bf. Nawawala ang sakit pag naaawa na si bf. Ay ewan ko ba ang sama ko. Siguro bitter lang ako kasi yung pagkakasakit ni gf ang dinahilan sakin ni bf kung bakit sya nakipagbalikan dito at tinago sa akin. Tapos makikita ko parang wala namang sakit. Ouch lang. Hayz.

baliwsayo

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #12 on: February 20, 2014, 02:56:58 pm »
^Alam mo, obvious naman na mahal yun ng bf mo. Kasi kung hinde, wala na sana siyang pakialam dun. Feeling ko lang may napapala kasi siya sa yo kaya ayaw ka din niya pakawalan.

Sa umpisa lang naman yan masakit. Parang sugat din yan, pag fresh pa lang, mahapdi talaga.. pero pagtagal magiging peklat na lang at wala ng kirot. I-block mo na din yun gf para totally makapag-move on ka na. Help yourself sis. Imbes mag-stalk ka online eh ibaling mo sa worthwhile activities or hobby yang oras mo.

rain163

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #13 on: February 21, 2014, 03:22:21 am »
Ouch. Haha. I think, parehas kasi kami ng gf nya may pakinabang sya. Yung gf nya, maganda trabaho. Daming pera. Pagkakaalam ko,sagot ng gf nya pati yung apartment na tinutuluyan nya pati yung mga pang date nila. May kotse din si gf at madalas hatid sundo pa sya. Ngayon bakit nga naman nya bibitiwan ang ganung klaseng benepisyo sa buhay lalo na at si gf ang masipag maghabol? Hehe.

As for me, binigyan ko lang sya ng pang simula nung pinalayas sya sa apartment nila. Marahil na sense nya un na wala akong balak buhayin sya forever. Hehe. Pero in fairness, kahit wala na syang napapala sa akin for several months after kong malaman yung wagas nyang mga pagsisinungaling, at kahit pa ni singkong duling wala na ko ginagastos sa kanya, ganun nalang sya magmakaawa at umiyak. Kaya lang talagang nananaig yung galit ko at halos ipagtabuyan ko sya parati. Pero he never stopped begging. Mga limang buwan din syang nagmakaawa kulang nalang lumuhod sa harap ko. Until i decided to cut communications totally. Kasi, hindi ko nalang talaga kaya matanggap sya uli after ng mga ginawa nya. At, mali din naman, walang future.

Pero problema ko, ang shakeet shakeet!!!! Huhuhuhu!!!!

sarah29

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #14 on: February 22, 2014, 11:15:56 am »
Sis, sorry to say this ha.. pero I think you keep on convincing yourself na mahal ka nga talaga nung lalake. Sorry sis, pero sa mga information na nakuha ko, yung nararamdaman nya sayo is anything but love. Kahit ano pa benefits na nakukuha nya sa babae, at kahit gaano nagmamakaawa ito, kung mahal ka nya talaga, iiwan at iiwan nya yun, lalo na't alam nya na pwede ka mawala sa kanya.

The best thing to do is to face the truth. Hangga't hinde mo natatanggap yun, mas lalo ka lang mahihirapan. Write mo in piece of paper lahat ng mga ginawa nya sayo na hinde maganda, lahat ng qualities na ayaw mo sa kanya, at magbuild ka ng strength dun. Umiyak ka lang, let yourself grieve. Iyakan mo tuloy tuloy ng ilang araw, ilang linggo, or bwan pa man. Pag tapos kana dun, pakabusy ka. Paganda ka sis, and move on.

Everything is a process naman. Mahirap talaga breakup, lalo na sa simula. Pero kelangan mo pagdaanan yun.. sabi nga nila, the only way out is through. :)

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #15 on: February 22, 2014, 03:12:05 pm »
what you two did at the beginning is a mistake. it's obviously not meant to be. i dont think you'll be truly happy knowing that your happiness causes someone else sadness.

i only read your first post. you're angry with him. use that to move on. you'll be in a better place afterwards. let go na sis.

rain163

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #16 on: February 22, 2014, 09:42:59 pm »
@sara29
Exactly. Kung talagang mahal nya ko, iiwan nya si gf. Naisip ko na din yun. Pero pwede din, mas mahal nya kasi yung benefits na nakukuha nya sa gf. Anyways, hindi naman sa gusto kong paniwalaan na mahal na mahal nga ako ng mokong na yun. Its more like, kahit gano pa ka g**o mga ginawa nya, ayoko lang husgahan sya regarding kung minahal nya ko o hinde. Dahil sa totoo lang, sya lang naman din nakakaalam nun.
Pero, it stills boils down to the fact na natauhan na naman  ako at iniwan sya permanently. At struggle ko lang ngayon is paano labanan ang sarili ko para hindi maisipan lumapit or kontakin nalang sya bigla kasi nalulungkot ako. So far naman, nakakalaban pa naman ako mga sis.

Hmm... yung case ko naman, hindi naman ako yung tipo na hindi maiwan iwan yung lalaki. Take note, iniwan ko sya at pinipilit kalimutan... :(

@iwannabeasupermodel
True. It was a mistake and i never denied that fact. It was also one of the primary reasons why i chose to end it when i had the chance. You're right, let go na dapat. Walang future. Walang kwenta.
« Last Edit: February 22, 2014, 10:08:42 pm by rain163 »

rain163

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #17 on: February 22, 2014, 09:50:22 pm »
Thank you so much for all your input on the matter. Halos lahat kayo sinabi na process ito kaya each time sumpungin ako ng lungkot, iniisip ko lang na kasama ito sa proseso at malalagpasan ko din. Unti unti naman, nalakapag let go naman siguro ako. Salamat sa mga opinions... parang  kausap ko mga ate ko :)

Girltalker2

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #18 on: March 04, 2014, 08:00:22 am »

Sometimes kasi gusto lang naman natin magmahal at mahalin.  Kaso sa situation mo TS, it is with the wrong person.

Huwag mo nang ipilit. Kasi marami, maraming mas better na guy compared to your BF, and once you are able to find him, laking pagsisisi mo I am sure why you wasted so much tears and time to your assh*le ex.


amethyst028

  • Guest
Re: Wrong and Bad Relationship
« Reply #19 on: March 04, 2014, 08:56:06 am »
We both have our respective relationships and we're both unhappy. But neither of us couldn't end it with our respective partners because of many reasons.

@TS so may bf ka talagang legal diba? because of this statement? curious lang ako kasi you never mentioned about him. i mean hindi ka bothered that you are cheating on your real bf and you are calling the other guy your bf.

anyway, it's a good thing you ended it with this other guy. wala ka naman talaga mapapala sa ganung sitwasyon. ikaw ang talo. and it doesn't matter kung ano nakukuha niya sa current gf niya. he chose to stay with her regardless kaya hayaan mo na sila. if you are currently in a relationship then focus ka na lang sa bf mo. make it work with him. kung hindi ka masaya break it off and find someone better.

true na mahirap lang naman iyan sa umpisa. masakit kasi bago pa lang. use your head this time. isipin mo na lang na wala siyang kwenta and may darating na mas higit. trust and keep your faith. Prayers really help. goodluck sa pag move on. keep going forward and don't look back. walang magandang dinudulot ang pag balik sa past. be thankful that it's over.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close