Ok so di lang pala ako ang nag-iisang ganito.
ikaela, wanna rant over coffee? haha
We're 2 siblings, older brother then me, in a middle-class family. Whatever we have now, everything came from my parents' sweat, blood, and tears. Galing sila pareho sa hirap kaya nung sa family namin, they vowed to make a better life for us. So they did kaya siguro sobrang nabbwisit ako na walang pake yung isa sa pinaghirapan ng mga magulang ko.
Nakapagtapos naman siya ng college pero nauna ako ng ilang years. May stable job siya pero sobrang baba ng income. I guess kasi di naman siya magaling (feeling lang) kaya di nappromote at di rin makalipat ng ibang company.
So what's the problem? Feeling mayaman! Makabili ng gamit at maka-gimmick akala mo milyonaryo. No savings at all pag emergencies na manghihingi ng pera. ATM ang peg ng mga tao para sa kanya.
Maxed out credit cards at kung ano ano pang utang left and right. Nung nabigyan ng extension sa CC ng magulang ako, namax out din tapos sila nagbayad.
Mahilig din siya magsinungaling about everything (di mo na alam ano totoo sa hindi) just to get money from relatives/friends. Ok sana kung extra money yun ng relatives pero hindi eh. Sa friends naman, nakakahiya kasi I know some of them from college, sa akin na sila nagfollow up ng mga utang niya. There are even some people na di ko talaga kilala and they PM me in FB na sabihan ko daw bayaran sila!
I've tried everything. Nandiyan yung heart-to-heart talk, tough love, talk to parents, etc. Nothing's changed at all. Through the years, all these gave me are stress and different kinds of sickness because of stress.
My parents know about this pero they choose to ignore me. This part hurts kasi andun nga yung feeling na unfair. Parang mas pinipili nila yung mali eh growing up, they taught a lot of values this values that pero ngayon parang wala na yun tinapon na sa bintana.
They keep saying din na dalawa lang daw sila paano daw pag wala na sila? Well, sorry na lang siya kung di siya umayos because I'm not going to support him given this condition na ang sarap ng buhay niya naka-asa lang lagi sa iba.
People keep telling me to "let it go" but I can't because I want to protect my parents. Ayoko dumating yung time na lahat ng naipundar nila eh maglaho dahil sa kaartehan ng anak nila. If that time comes, sino ba sasalo, di ba ako din? Kaya kong tiisin my good-for-nothing brother but my parents, I can't, even if they keep choosing to support him.
I'm getting married soon and got a condo with my Fiance (as in savings namin yun). Then recently sabi ng parents ko hanap daw ako condo tapos patitirahin dun yung kapatid ko. Huwaaaat?! Napipikont talaga ako kasi they should be preparing for their retirement home pero inuuna pa nila yung anak nila. Instead of him taking care of our parents, baliktad ang nangyayari.
Anyway, the other day I was talking to friends and asked if what I feel is selos or what. Ang sinagot lang sakin ng guy friend ko, kaya daw ganyan ang parents ko dahil yung kapatid ko ang lalaki na nagdadala ng pangalan ng pamilya namin. So ayaw daw nila mapahiya. Eh kung ganun why not turuan nila ng leksyon para umayos di ba? At hindi pa ba kahihiyan etong mga pinaggagawa niya?
Oh well.. sometimes I feel it's easier to just stop caring and let them do whatever with their lives.. but it's not possible kasi it's my parents who I love and I'd do much for them
