watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 36)  (Read 56796 times)

sleepy_grfld

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #120 on: March 03, 2014, 12:30:07 pm »
HK trip namin last Feb 26-Mar 1

Airline: Cebu Pacific, Php 2800 per person

Airport tax and Terminal Fee: Php 1650 and Php 550

Accommodation: Panda Hotel c/o Horizon Travel and Tours. Php 6000+ per person for 4D3N. Maganda ang hotel. Fully carpeted. Spacious na rin ang rooms. Kumpleto sa toiletries, towels, hand towels, blower, electric water heater (natuwa ako dito kasi hindi ko na need humingi or bumili ng hot water para pang-sterilize ng bote ng anak ko). May technique lang ang paggamit ng flush at mabagal lumubog ang tubig sa tub. Hindi na alng ako nag-abalang i-report. Pero nung 3rd day namin, maayos na. Na-check na siguro nila. :)

Airport-Hotel Transfer: c/o Horizon Travel

Transportation: Bumili kami ng Octopus card. HKD 150. Ginamit namin sa bus at MTR. Pag-uwi, sinoli namin sa may airport. May refund na HKD 50 less HKD 9 na parang service fee.

Food: Breakfast c/o Horizon Travel pa rin. Mcdo coupon. Lunch and dinner, mostly, KFC.hehe. Favorite ng mother-in-law and aunt-in-law ko ang KFC. HKD 170 ang bucket nila --- 6pcs chicken, 3 rice, 1 fun shots, 3 egg tart. Yung ibang fast food na kinainan namin, pinakamura is HKD 26.

HK Island Tour: c/o Horizon Travel. Tour includes Aberdeen / Sampan Boat Ride (HKD 60 per person), Mid-level Victoria Peak and Jewelry Factory.  Toyota Alphard (open top/moon roof) ata yung sinakyan namin for the tour. Ang sosyal lang ng feeling.hehe. Sa Jewelry Factory, nakabili kami ng Feng Shui pendant 24k for HKD 400, original price ay HKD 800.

Snoopy World: Free daw pero hindi kami nakapasok dahil sarado. Medyo malayo na sa kabihasnan pero madali lang naman puntahan dahil maayos naman talaga ng transportation nila. Pero nag-taxi na lang kami from TST. Buti na alng marunong mag-English si mamang driver at pumayag siyang ihatid kami sa Sha Tin. From TST to Sha Tin, HKD120 ang fare kasama na ang HKD8 na toll fee.

Disneyland: HKD 400 (adults) (HKD 470 pag sa mismong Disneyland bumili ng ticket), HKD 100 (senior), free for kids 2 years old and below. Nakapagpasok kami ng tubig dito. Itinago ng bongga.hehe. Nung nagpunta kasi kami dito nung 2010, namulubi kami sa tubig. Mahal din food dito. HKD 88 and fries at burger. Kahit mahal, enjoy kami dito lalo na ang anak ko. :) Parang exciting yung ride sa Grizzly Gulch. Sigawan yung mga nakasakay e. Sayang, hindi namin na-try. Nag-rent na lang din kami ng stroller dito. HKD 90 for the whole stay na sa Disneyland.

Tim Ho Wan, Central branch: Haba ng pila sa dine-in kaya nag-take out na lang kami. Mga 10-15 mins kami naghintay ng order namin. Sulit naman dahil masarap daw talaga yung Pork Bun. (hindi kasi ako kumakain ng pork kaya hindi ako nakakain). Kung malapit nga lang ito sa hotel or sa airport, gusto pa nilang bumili. Ang Tim Ho Wan ay sa baba ng IFC Mall. Parang hindi na nga siya part ng mall. Sa may aiport express siya. 3 for HKD 19 ang pork bun. Hindi ko na matandaan yung mga dim sum.

Pasalubong: Sa isang store lang sa hotel kami namili. Puro chocolates. Buti sale. :) Nasa HKD 330 lang, pwede nang pampasalubong sa 40-50 na tao.

Others: Nakapagbili pala kami sa friend ng MIL ko na naka-base na dun ng ready to cook na tempura. Mura lang. Nasa PHP 100+ lang yung 6-8 pcs at masarap. Yung Nissin Cup Noodles, 3 for HKD 22 sa 7-11.



tough_chic

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #121 on: March 03, 2014, 01:29:32 pm »
^ mura ng tickets nyo sis. gusto ko tuloy bumalik ulit.

dun sa nagpost na hindi na ka mawawala sa Hong Kong kahit hindi masyadong english speaking mga tao, true yan. kasi ang laki ng mga signage. hindi katulad dito sa atin, ligaw prone ang kalsada.

i forgot to mention, we bought chocolates sa ikea store. first time ko go to an ikea store. muntik na akong mag ala-500 days of summer :)

have a nice week mga sis

C+C

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #122 on: March 03, 2014, 02:04:03 pm »
4800 lang ang hong kong round trip ticket namin ni h2b this coming June ^_^ Cebu pac!

Jcil

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #123 on: March 03, 2014, 02:23:38 pm »
Sis sleepy_grfld, how's the strollers in DL? Clean ba, how old yung anak mo na gumamit?

tough_chic

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #124 on: March 03, 2014, 02:31:04 pm »
mahal pa pala kuha namin at 5,500 roundtrip. boo.

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #125 on: March 03, 2014, 02:51:32 pm »
Sis sleepy_grfld, masaya si Grizzly Gulch! haha SIL and I enjoyed that ride, umuulan pa nung sumakay kami pero keri lang at may raincoat naman.

True, mahal nung food and drinks talaga sa DL pero di nalang namin iniisip at baka di na kami makakain haha Last time binilhan ko pamangkin ko ng cotton candy, nasa P300-P400 ata yun, ang mahal! Pero masaya naman yung bata kaya ok lang at flavored pa pala cotton candy nila - apple haha

sleepy_grfld

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #126 on: March 03, 2014, 04:21:36 pm »
tough_chic, piso fare yan. june 2013 pa namin nabili. :)

jcil, ok naman. pinunasan na lang namin ng wipes at tissue. hindi ko alam tawag dun sa material. parang monoblock na makapal. :) walang padding. nung nakatulog baby ko, nilagyan ko na lang ng tinuping shawl kasi wala kaming dalang unan niya. hindi siya nare-recline. two years and 2 months yung daughter ko.

heatherette, nagpipilit nga SIL ko na sumakay kaso ayaw na ng MIL ko. gabi na raw. past 7 na nun. :)

C+C

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #127 on: March 03, 2014, 04:40:12 pm »
^^cotton candy for 300-400ph? OMG..fave ko pa naman un :(

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #128 on: March 03, 2014, 04:42:31 pm »
^Yes, mahal talaga! Nagulat din ako! haha Yung handle pa niya pwedeng souvenir at umiilaw ilaw pa.

^^Try it next time, masaya siya pero not that scary naman.

C+C

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #129 on: March 03, 2014, 04:44:27 pm »
^sis, talaga bang mas madaming extreme rides sa ocean park kesa sa DL? parang gusto ko nang mag 2days nalang sa OP..hehhe..pero nanghihinayang naman ako sa DL..

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #130 on: March 03, 2014, 05:05:06 pm »
^I think so. 1 beses lang ako nag-OP di ko kasi nagustuhan other than sa animals haha Mas nag-enjoy ako sa DL. Our trip last January, 2-day ticket kinuha ko for me and my niece. Yung SIL, brother and nephew ko kasi nag-Macau.

Jcil

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #131 on: March 03, 2014, 05:09:50 pm »
tough_chic, piso fare yan. june 2013 pa namin nabili. :)

jcil, ok naman. pinunasan na lang namin ng wipes at tissue. hindi ko alam tawag dun sa material. parang monoblock na makapal. :) walang padding. nung nakatulog baby ko, nilagyan ko na lang ng tinuping shawl kasi wala kaming dalang unan niya. hindi siya nare-recline. two years and 2 months yung daughter ko.

heatherette, nagpipilit nga SIL ko na sumakay kaso ayaw na ng MIL ko. gabi na raw. past 7 na nun. :)

Thanks, balak ko din kc rent nlang stroller when we go there.

Cari

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #132 on: March 04, 2014, 03:19:12 pm »
Mga sis, any comment on Citygate and Ngong Ping lockers?  TIA!

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #133 on: March 04, 2014, 03:40:34 pm »
^ tried NP lockers twice na. Straight from airport kasi kami nun e. Ok naman. First time was sa lockers mismo kami nag-iwan, per hour ang fee. The second time, ginagawa ang lockers nila so sa storage room kami nag-iwan ng luggage, per piece naman ang fee.

Cari

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #134 on: March 04, 2014, 03:42:14 pm »
^ tried NP lockers twice na. Straight from airport kasi kami nun e. Ok naman. First time was sa lockers mismo kami nag-iwan, per hour ang fee. The second time, ginagawa ang lockers nila so sa storage room kami nag-iwan ng luggage, per piece naman ang fee.

Naalala mo pa ba sis kung how much?

and ano po ang pinagkaiba ng cotai jet at turbo jet?

TIA!

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #135 on: March 04, 2014, 03:44:58 pm »
^ I forgot kung how much yung sa per hour sa lockers mismo, basta I remember na di naman ganun kamahal. Yung sa storage room, hkd50/pc yata yun, for whole day na. Me NP staff naman naga-assist.

Cari

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #136 on: March 04, 2014, 03:59:17 pm »
Thanks!

ano po pinagkaiba ng Cotai and Turbo jet? baka po may nakakaalam?

TIA!

cherry

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #137 on: March 04, 2014, 07:03:43 pm »
@Cari

NP lockers asa HKD50 per day.  Per luggage yan so kung 2 luggages ka, hkd100.

Ang pinagkaiba lang ng Cotai at Turbo Jet eh pangalan. Parang Cebu Pac at PAL.  Pero same service yan.  To and from Macau.  Check mo sa sites nila ang schedule at nakapost dun pati ang fee. 

Cari

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #138 on: March 04, 2014, 07:15:55 pm »
Thank you mga sis. Kasi mas mahal yung turbo jet...naisip ko baka mas mabilis siya kasi turbo hehe..

TIA!

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 36)
« Reply #139 on: March 04, 2014, 09:52:04 pm »
If the lockers in NP are functional, it can fit 3 regular-sized check-in trolleys and 1 carry-on sized trolley (yun yung dala namin before). So the locker fee is for everything na kakasya. Otherwise, sa storage room na nila, which is yung hkd50/piece for the whole day.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close