HK trip namin last Feb 26-Mar 1
Airline: Cebu Pacific, Php 2800 per person
Airport tax and Terminal Fee: Php 1650 and Php 550
Accommodation: Panda Hotel c/o Horizon Travel and Tours. Php 6000+ per person for 4D3N. Maganda ang hotel. Fully carpeted. Spacious na rin ang rooms. Kumpleto sa toiletries, towels, hand towels, blower, electric water heater (natuwa ako dito kasi hindi ko na need humingi or bumili ng hot water para pang-sterilize ng bote ng anak ko). May technique lang ang paggamit ng flush at mabagal lumubog ang tubig sa tub. Hindi na alng ako nag-abalang i-report. Pero nung 3rd day namin, maayos na. Na-check na siguro nila.

Airport-Hotel Transfer: c/o Horizon Travel
Transportation: Bumili kami ng Octopus card. HKD 150. Ginamit namin sa bus at MTR. Pag-uwi, sinoli namin sa may airport. May refund na HKD 50 less HKD 9 na parang service fee.
Food: Breakfast c/o Horizon Travel pa rin. Mcdo coupon. Lunch and dinner, mostly, KFC.hehe. Favorite ng mother-in-law and aunt-in-law ko ang KFC. HKD 170 ang bucket nila --- 6pcs chicken, 3 rice, 1 fun shots, 3 egg tart. Yung ibang fast food na kinainan namin, pinakamura is HKD 26.
HK Island Tour: c/o Horizon Travel. Tour includes Aberdeen / Sampan Boat Ride (HKD 60 per person), Mid-level Victoria Peak and Jewelry Factory. Toyota Alphard (open top/moon roof) ata yung sinakyan namin for the tour. Ang sosyal lang ng feeling.hehe. Sa Jewelry Factory, nakabili kami ng Feng Shui pendant 24k for HKD 400, original price ay HKD 800.
Snoopy World: Free daw pero hindi kami nakapasok dahil sarado. Medyo malayo na sa kabihasnan pero madali lang naman puntahan dahil maayos naman talaga ng transportation nila. Pero nag-taxi na lang kami from TST. Buti na alng marunong mag-English si mamang driver at pumayag siyang ihatid kami sa Sha Tin. From TST to Sha Tin, HKD120 ang fare kasama na ang HKD8 na toll fee.
Disneyland: HKD 400 (adults) (HKD 470 pag sa mismong Disneyland bumili ng ticket), HKD 100 (senior), free for kids 2 years old and below. Nakapagpasok kami ng tubig dito. Itinago ng bongga.hehe. Nung nagpunta kasi kami dito nung 2010, namulubi kami sa tubig. Mahal din food dito. HKD 88 and fries at burger. Kahit mahal, enjoy kami dito lalo na ang anak ko.

Parang exciting yung ride sa Grizzly Gulch. Sigawan yung mga nakasakay e. Sayang, hindi namin na-try. Nag-rent na lang din kami ng stroller dito. HKD 90 for the whole stay na sa Disneyland.
Tim Ho Wan, Central branch: Haba ng pila sa dine-in kaya nag-take out na lang kami. Mga 10-15 mins kami naghintay ng order namin. Sulit naman dahil masarap daw talaga yung Pork Bun. (hindi kasi ako kumakain ng pork kaya hindi ako nakakain). Kung malapit nga lang ito sa hotel or sa airport, gusto pa nilang bumili. Ang Tim Ho Wan ay sa baba ng IFC Mall. Parang hindi na nga siya part ng mall. Sa may aiport express siya. 3 for HKD 19 ang pork bun. Hindi ko na matandaan yung mga dim sum.
Pasalubong: Sa isang store lang sa hotel kami namili. Puro chocolates. Buti sale.

Nasa HKD 330 lang, pwede nang pampasalubong sa 40-50 na tao.
Others: Nakapagbili pala kami sa friend ng MIL ko na naka-base na dun ng ready to cook na tempura. Mura lang. Nasa PHP 100+ lang yung 6-8 pcs at masarap. Yung Nissin Cup Noodles, 3 for HKD 22 sa 7-11.